Share

Kabanata 66

Kumibot ang mga labi ni Marcus.

Nag-aalalang tumingin sa kanya si Cordelia. Nag-aalala siya na baka nakipagsabwatan si Marcus sa mga kahina-hinalang tao at gumamit siya ng mga kaduda-dudang paraan upang pilitin si William na bilhin ang bahay na ito para sa kanya.

Kahit na nagtagumpay sila na pilitin siya ngayon, hindi sila tatantanan ni William pagkatapos nito.

Ayaw na niyang masangkot si Marcus sa kahit anong problema.

“Nag-aalala ka ba sa’kin?” Malalim ang tingin ni Marcus, ngunit masaya ang kanyang ngiti. “Huwag kang mag-alala. Legal ang lahat nang ito. Nangako ako sa’yo na hindi na ako masasangkot sa kahit anong gulo, kaya tutuparin ko ang pangako ko.”

“Pero ang isang tao na gaya ng tatay ko…”

“Kumuha ako ng abogado,” ang sabi ni Marcus. “Nakilala ko siya noong… nakulong ako. Madalas siyang nagbibigay ng legal assistance sa mga inmate. Isa siyang mabuting tao at tinulungan niya ako mula noong makalabas ako sa kulungan.”

“Ah, ganun ba.” Sa wakas ay napanatag na ang kalooban n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status