Pupunta sana si Cordelia kay Ava, ngunit may pangatlong tao na huminto sa kanya.“Inihanda mo na ba ang meeting room?”Nabigla siya. “Anong meeting room?”“Ito!” Binigay ng babae sa kanya ang isang seating chart. “Ayusin mo ang table cards sa meeting room habang sinusundan ang list. Tingnan mo kung may mga coffee beans sa coffee machine at magdala ka ng isang malaking bote ng tubig. Pati, maghanda ka ng mga dessert para sa mga director ayon sa mga gusto nila! Sige na, ngayon na!”“Nagkakamali talaga kayo!” Tumingin si Cordelia sa tatlong mayabang na white-collar workers. May suot silang mga name tag. Ito ay si Sarah, Jenny, at ang isa ay si Fan Lee.Tila pare pareho ang pose ng tatlo, kung saan nakahalukipkip sila at mukhang mayabang. Ito ay para bang kapag hindi niya ginawa ang inutos nila, hindi nila hahayaang umalis si Cordelia.Tumunog ang isang boses sa hindi nalalayo. “Hoy! Seryoso ba kayo? Mukha ba siyang isang intern?”Lumingon si Cordelia at ngumiti siya. Nilagay ni Tri
Matagal nang gusto sumama ni Ava sa entertainment industry.Kahit na mukha siyang disente at nag aral siya sa film school, nakakuha lang siya ng maliit na mga role na may ilang mga linya kahit na maraming mga audition na ang pinuntahan niya.Noong tinanong niya ang mga director, ang sagot na nakuha niya ay nagkukulang siya sa itsura at hindi ito tugma sa imahe ng main character.Meron pang isang director na nagsabi sa kanya ng direkta, “Ms. Baker, ikaw ay parang isa sa mga mukha na pinaretoke. Walang bukod-tangi sa mukha mo. Imposible para sumikat ka.”Sa sobrang galit ni Ava ay halos labanan niya ang director.Dahil ayaw niyang umatras, umuwi siya at kinulit niya si Noah para isponsor siya, at ito rin ang sinabi ni Hannah.Dahil dito, naglabas ng pera si Noah at nag invest siya sa dalawang film. Gayunpaman, ang box office ay hindi maganda, at malaki ang nalugi sa production.Noong mag iinvest na si Noah sa pangatlong production, pinigilan siya ni Janine.Sina Ava at Hannah ay
May masamang binabalak si Hannah. Tumango si Ava at tumawa. “Mom, alam ko!”Pinakita niya kay Hannah ang kanyang phone pagsagot niya. Ang chat ay puno ng mga text niya kay Cordelia. Maliban sa mga pagbati niya araw-araw, may mga bagay din siyang ibinahagi kay Cordelia buong araw. Kaso lang, madalas ay inaabot ng 20 na text mula sa kanya bago siya makatanggap ng isang “Mm” mula kay Cordelia. Muling kumunot ang mga kilay ni Hannah habang binabasa niya ang chat. Inisip niya na hindi pa ito sapat. “Ava, bakit madalas mong itext sa kanya ang mga walang kwentang bagay na ito?”Nanlaki ang mga mata ni Ava. “Hindi ba inutusan mo ako na kaibiganin siya…”“Tanga ka ba!?” Ang mariing sinabi ni Hannah. “Oo sinabi ko sa'yo na kaibiganin mo siya, pero ang gusto ko mga kapaki-pakinabang na bagay ang sabihin mo sa kanya!”“Kapaki-pakinabang na bagay?”“Higit na mas malungkot ang isang lalaki kapag buntis ang babae!” Kampanteng nagsalita si Hannah. “Dapat magtanong ka tungkol sa kung nasaa
”Gaano karami ang order?”“Malaki ang international fashion week sa pagkakataong ito at maraming top brand ang kasama dito, kaya naging isang napakainit na kompetisyon ang bidding para dito. Kapag nakuha natin ang order na ‘to, sigurado na ang posisyon natin sa fashion industry.”“Mm,” mahinahong sumagot si Zephyr, mayroon na siyang plano sa isip niya.Ang Melorian ay isang siyudad, kung saan namamayagpag ang textile industry. Ang Baker Group ay mayroon ding negosyo na may kinalaman sa fashion.Kaso lang, ang fashion at damit ay isang negosyo na may mabilis na turnover rate at maliit na profit margin. Malaki ang kita dito, ngunit ganun din kabigat ang trabaho. Kailangan ng matinding pagsisikap sa negosyong ito.Ayaw ni Zephyr na magpakapagod sa trabaho si Cordelia!Isa pa, interesado si Janine sa bidding sa pagkakataong ito at handang-handa siya, subalit bandang huli ay nangialam si Hannah. Sa kabila ng galit ni Janine, pinalampas niya ito para kay Noah.Tumalim ang mga mata ni
Agad na pinutol ni Cordelia ang tawag, ngunit hindi tumigil si Ava sa kakatawag sa kanya! Ito ang unang beses na inirapan ni Cordelia ang isang phone. Huminga siya ng malalim at sinagot niya ang tawag. Noong mag-connect ang tawag, narinig niya ang isang napakatamis na boses na tumatawag sa kanya, “Cordelia…”Kinilabutan si Cordelia at pinakalma niya ang kanyang sarili upang sagutin ang tawag ng nakangiti, “Oh, Ava, anong kailangan mo?”“Huh? Hindi ba kita pwedeng tawagan kahit na wala akong kailangan?” Humagikhik si Ava. “Dalawang araw kitang hindi nakita, namiss kita! At ang pamangkin ko! Kung libre ka, kain tayo sa labas bukas?”“Pasensya na, hindi ako pwede.”“Cordelia… ayaw mong kumain kasama ko?”‘Oo, ayaw ko!’ Sumigaw si Cordelia sa isip niya. Sino ba naman gugustuhing kumain kasama ang isang p*ta na gustong agawin ang asawa niya? Makakakain kaya siya kapag ginawa niya ‘yun!?“Hah, paano naman mangyayari ‘yun?” Pakiramdam ni Cordelia na peke ang sarili niyang tawa. “Ava
Humagulgol si Ava at sinabi niya kay Hannah ang lahat. Kumunot ang noo ni Hannah habang pinakikinggan at pinagsabihan niya si Ava para sa pagsira ng mga plano nila. “Ang tanga mong bata ka! Bakit bigla mong tinanong kung nasaan si Zephyr? Malalaman niya agad na may gusto ka kay Zephyr! Asawa niya ‘yun. Sa tingin mo ba papayag siya dun? “Tsaka, kasal sila. Wala kang pakialam kung anong klaseng workout ang gusto nilang gawin kapag magkasama sila.” Hindi napakali si Hannah, at bumuntong-hininga siya. “Kahit na maganda ang impresyon sa'yo ni Cordelia noong una, wala na ‘yun dahil sa mga sinabi mo!”Huminahon si Ava at naisip niya na may katwiran ang nanay niya. Kinagat niya ang kanyang labi at tumingin siya kay Hannah ng naluluha, sinabi niya ng may mahinang boses, “Kung ganun… anong dapat kong gawin ngayon?”Inirapan siya ni Hannah. “Tinatanong mo ako? Sino palang dapat kong tanungin!?”“Mom, sa tingin ko hindi ganun ang sitwasyon kay Cordelia.” Umaasa pa rin si Ava. “Mabait si
Ngumisi si Zephyr.Sinabi na sa kanya ni Robert ang buong insidente, at pinag-iisipan pa lang niya kung paano niya pagbabayarin si Ava, ngunit si Ava na mismo ang nagdala ng sarili niya sa kanya! “Darling, labas ka na dito. Ako na—”“Ako na ang bahala dito!” Determinado ang tingin ni Cordelia.Lumingon si Zephyr at tumingin siya kay Cordelia ng may pag-aalala. Hinawakan niya ang kanyang baywang. “Kung hindi ka buntis, siguradong ipauubaya ko na sa'yo ‘to. Pero buntis ka. Kinakatakot ko na—”“Natatakot ka na baka magalit ako?” Natawa si Cordelia. “Madali ba akong magalit? Honey, huwag kang mag-alala. Alam ko na ang gagawin ko. Ako na ang bahala dito, okay?”Kailan man ay hindi makahindi sa kanya si Zephyr. Gaano man siya nag-aalala, tumango pa rin siya at sinabihan niya ang mga tao sa kanyang kumpanya na maging alerto at panatilihing ligtas ang kanyang asawa. Mamahalin at poprotektahan niya ang kanyang asawa ng walang anumang kapalit! “Sige.” Natawa siya. “May sorpresa ak
”Wala!” Inosente ang ekspresyon ni Cordelia, ngunit mayroong nakatago sa kaloob-looban ng kanyang mga mata.“Dapat purihin ang mga empleyado kapag mahusay ang ginawa nilang trabaho. Hindi sila sabay-sabay na dumating sa kumpanya, ngunit mayroon silang isang bagay na pagkakapareho—seryoso sila tungkol sa ginagawa nila at masipag sila! Ang mga talentong gaya nila ay hinahanap ng sinumang kumpanya.”Natulala si Ava, hindi niya alam kung ano ang estratehiya ni Cordelia.“Pero Cordelia…” Pinilit niyang ngumiti. “Inapi ka ng mga taong ‘to!”“Hindi nila alam kung sino ako noong araw na ‘yun. Tsaka, kung talagang mayroong intern, trabaho nila ang mga gawaing gaya nun!”“Anong…” Hindi makaimik si Ava at nanlaki ang mga mata niya kay Cordelia.Gulat na gulat din yung tatlong babae. Inakala nila na mapaparusahan sila sa pagkakataong ito at naisip din nila na ilalaglag nila si Ava kapag talagang naparusahan sila.Isang malaking sorpresa na ang kanilang young mistress ay maganda, mabait, at
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala