”Wala!” Inosente ang ekspresyon ni Cordelia, ngunit mayroong nakatago sa kaloob-looban ng kanyang mga mata.“Dapat purihin ang mga empleyado kapag mahusay ang ginawa nilang trabaho. Hindi sila sabay-sabay na dumating sa kumpanya, ngunit mayroon silang isang bagay na pagkakapareho—seryoso sila tungkol sa ginagawa nila at masipag sila! Ang mga talentong gaya nila ay hinahanap ng sinumang kumpanya.”Natulala si Ava, hindi niya alam kung ano ang estratehiya ni Cordelia.“Pero Cordelia…” Pinilit niyang ngumiti. “Inapi ka ng mga taong ‘to!”“Hindi nila alam kung sino ako noong araw na ‘yun. Tsaka, kung talagang mayroong intern, trabaho nila ang mga gawaing gaya nun!”“Anong…” Hindi makaimik si Ava at nanlaki ang mga mata niya kay Cordelia.Gulat na gulat din yung tatlong babae. Inakala nila na mapaparusahan sila sa pagkakataong ito at naisip din nila na ilalaglag nila si Ava kapag talagang naparusahan sila.Isang malaking sorpresa na ang kanilang young mistress ay maganda, mabait, at
Marahang nagsalita si Cordelia, ngunit ang bawat salita niya ay sapul na sapul. Bukod sa nalusutan niya ang lahat ng sisi, naibato rin niya ang problema pabalik kay Ava.Bahagyang nanginig si Ava. Sinong nagsabi na wala sa tamang isip ang mga babaeng buntis?Bukod sa nasa tamang pag-iisip si Cordelia, mas matalas pa sa isang patalim ang kanyang dila. Isa bang debater ang baby niya?Hindi mapigilan ni Ava ang galit sa kanyang puso noong tumingin siya sa taas at sumalubong sa kanya ang kakaibang tingin ni Cordelia. Pinilit niyang ngumiti.“Cordelia, heh… Nagbibiro ka ba?”“Nagbibiro nga ba ako?” Ngumiti si Cordelia. “Sana mali ang iniisip ko tungkol dito.”“Well… dahil masyado kang maawain, papatawarin natin sila sa pagkakataong ‘to!” Agad na lumapit si Ava upang kumapit kay Cordelia at tinitigan niya ang tatlong empleyado. “Sige na, hindi galit sa inyo si Cordelia. Bumalik na kayo sa trabaho!”“Sandali lang.” Malamig ang boses ni Cordelia.Humarap siya kay Ava ng nakangiti at ti
Galit na galit na si Hannah at lalo siyang nagalit nang makita niya ang katangahan ni Noah.Mas malala si Ava. Wala siyang nararamdaman para sa stepfather niyang ito. Kung hindi dahil sa kayang ibigay sa kanya ni Noah ang titulo ng pagiging isang tagapagmana ng mga Baker at bigyan siya ng marangyang buhay, hindi niya tatawaging tatay ang isang sintu-sintong gaya ni Noah! “Sige, sige, wala lang ‘to!” Bumuntong-hininga si Hannah at naiinis niyang kinumpas ang kanyang kamay, “Gawin mo na kung anong gusto mong gawin. Huwag kang tumambay dito!”Napakamot ng ulo si Noah at tumalikod siya para umalis, lumingon siya pabalik sa kanila dahil sa pag-aalala. “Si Zephyr nanaman ang dahilan, hindi ba? Sabihin niyo sa'kin kung inapi niya kayong dalawa. Pupuntahan ko si Janine!”“Tama na, manahimik ka na!” Tiningnan siya ng masama ni Hannah. Tinikom ni Noah ang kanyang mga labi at timingin siya sa kanyang asawa ng may malungkot na ekspresyon. Huminahon si Hannah at bigla niyang naisip na ta
Pagkaraan ng ilang oras, ngumiti si Janine at tumingin siya kay Cordelia at hinawakan ang kanyang kamay.“Paano siya naging payat? Sa tingin ko maganda ang itsura niya!”Natulala si Hannah.Ang tingin ni Janine kay Cordelia ay hindi mapanuri ng gaya ng tingin ng ibang mga mother-in-law sa kanilang mga daughter-in-law. Sa halip, mukha siyang isang mapagmahal na ina na nakatingin sa kanyang sariling anak.“Bakit siya magpapataba ng sobra? Mahihirapan siya kapag manganganak na siya kung masyadong malaki ang tiyan niya. At mahirap makabawi pagkatapos manganak! Mas makakabuti kay Cordelia ang ganito. Magiging kasing ganda pa rin siya ng dati pagkatapos niyang manganak!”Napansin ni Hannah na hindi na maganda ang takbo ng mga bagay para sa kanya. Anong nangyayari? Pinag-uusapan nila ang tungkol sa “pagwowork out” kanina lang.Ang natatawa niyang sinabi, “Janine, tama ka. Hindi siya dapat magpataba ng masyado para mas madali siyang makabawi pagkatapos niyang manganak! Heh, sa tingin ko
Hindi tumigil doon si Cordelia. Dahil kinalaban na niya si Hannah, mabuti pang ituloy-tuloy na niya ito.Tumingin siya kay Janine at marahang sinabi, “Mom, sa tingin ko hindi ako gaanong tanggap ng pamilyang ‘to… Sa halip na pagfiestahan ako ng mga tao dito, uuwi na lang ako sa mga magulang ko!”Tuwang-tuwa si Janine. Kailan pa natutunan ng kanyang daughter-in-law ang kanyang kahusayan sa pag-atras para sa isang pag-atake?Kung ganun, dapat ay hindi niya sayangin ang pagod ni Cordelia!Nagpalitan ng tingin ang nanay at ang daughter-in-law at agad nilang naintindihan kung nano ang susunod na eksena ng palabas.Gayunpaman, bago pa magsimula si Janine, isang malalim na boses ang kanilang narinig. “Sinong babalik sa kanyang mga magulang?”Nagulat si Cordelia.Agad na nanahimik ang lahat nang maramdaman nila ang matinding bigat na dumadagan sa kanila. Agad na tumabi sa magkabilang gilid ang mga tao upang magbigay daan sa patriarch ng mga Baker, si Franklin Baker. Kulay puti ang kanya
”At huwag mong isipin na hindi ko alam kung gaano karaming problema ang palihim mong ibinigay sa anak kong babae sa mga nakalipas na taon!”Gustong ibunyag ni Franklin ang lahat-lahat, ngunit pinigilan siya ni Janine—hindi para kay Hannah kundi upang hindi mapahiya ang nakababata niyang kapatid sa harap ng publiko. Matapos ang lahat, nag-aalala pa rin si Janine tungkol sa kanyang kapatid. “Dad, hindi mo na kailangang magpatuloy.” Natawa siya. “Ang party na ito ay para ipagdiwang ang pagbabalik ko. Hindi ka dapat magalit. Mag-enjoy na lang tayo at mag-relax!”“Oo nga, Lolo,” ang nakangiting sinabi ni Cordelia. “Nagkamali din ako kanina. Hindi ako dapat nagmaktol at sinabi na gusto kong umuwi sa mga magulang ko. Pinakasalan ko si Zephyr, mananatili ako sa kung nasaan ang asawa ko!”“Mm, napakahusay ng aming Cordelia!” Masayang ngumiti si Franklin. “Pero… Ang dinig ko sinabi ng matandang Hamerton na ‘yun na ikinasal daw si Zephyr sa mga Irwin? Dapat pala umuwi siya sa mga magulang
Ipinadyak ni Hannah ang kanyang paa sa galit at sinundan ang kanyang anak pagkatapos ng mabilisang pakikipag-usap kay Noah.Si Noah na lang ang naiwan sa kanyang kinatatayuan sa gitna ng gabi. Ang kulay-pilak na liwanag ng buwan ay nagpahaba sa kanyang anino. Bahagyang nanginig ang kanyang mga balikat, at kumibot ang kanyang mga mata at bibig.Medyo kumirot ang puso niya, ngunit mas nakaramdam siya ng galit.Ilang sandali pa ay inilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang isang number pagkatapos niyang magtanong sa ilang tao.“Hello, ito ba si Ms. Trinity Lulham?”Nanahimik ang tao sa kabilang dulo ng linya bago mahinang nagtanong, "Ikaw si?""Ako si Noah Baker, ang nakababatang kapatid ni Janine Baker!"Kumurap ang mga mata ni Trinity, at nablangko ang isip niya.Anong nangyayari? Wala silang kinalaman sa isa’t isa!"Uh, uh... Kailangan mo ba ng pera para sa pelikula mo?"Napangiwi si Trinity, hindi alam kung paano ito sasagutin."Ms. Lulham m-may pera ako!" Sumiga
"Huh... Uh, ang sabi ko maaraw ngayong gabi!" Mabilis na sumagot si Trinity at ibinaba ang tawag.Ibinalik ni Zephyr ang phone kay Cordelia ng may seryosong mukha at hinaplos ang kanyang baba.Matagal siyang nanahimik, at naisip ni Cordelia na nagalit siya. Itinagilid niya ang ulo para maglambing sa kanya at susuyuin na sana niya siya nang marinig niya ang malalim na boses ng lalaki.“Lalong lumalakas ang loob ni Trinity!”“Hmm?”"Mukhang may taong kailangang magbantay sa kanya!" Sinalubong ni Zephyr ang mga mata ni Cordelia.Hindi maintindihan ni Cordelia ang kanyang misteryosong tingin ngunit naisip niya na mukhang isang matandang soro si Zephyr sa kanyang ngiti. Wala siyang ideya sa kasalukuyang pinaplano ni Zephyr.May business trip si Fredric sa Chaiseland, kaya pwede niya siyang papuntahin dito sa loob ng ilang araw. Panahon na rin para paghusayin ni Neil ang kanyang sarili, kaya pwede siyang ikuha ni Zephyr ng lugar sa film school.O... pwede niyang papuntahin silang dal
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala