Share

Kabanata 667

Marahang nagsalita si Cordelia, ngunit ang bawat salita niya ay sapul na sapul. Bukod sa nalusutan niya ang lahat ng sisi, naibato rin niya ang problema pabalik kay Ava.

Bahagyang nanginig si Ava. Sinong nagsabi na wala sa tamang isip ang mga babaeng buntis?

Bukod sa nasa tamang pag-iisip si Cordelia, mas matalas pa sa isang patalim ang kanyang dila. Isa bang debater ang baby niya?

Hindi mapigilan ni Ava ang galit sa kanyang puso noong tumingin siya sa taas at sumalubong sa kanya ang kakaibang tingin ni Cordelia. Pinilit niyang ngumiti.

“Cordelia, heh… Nagbibiro ka ba?”

“Nagbibiro nga ba ako?” Ngumiti si Cordelia. “Sana mali ang iniisip ko tungkol dito.”

“Well… dahil masyado kang maawain, papatawarin natin sila sa pagkakataong ‘to!” Agad na lumapit si Ava upang kumapit kay Cordelia at tinitigan niya ang tatlong empleyado. “Sige na, hindi galit sa inyo si Cordelia. Bumalik na kayo sa trabaho!”

“Sandali lang.” Malamig ang boses ni Cordelia.

Humarap siya kay Ava ng nakangiti at ti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status