Mukhang problemado si Fredric habang nakaupo siya sa kanyang opisina pagkatapos umalis ni Marcus. Si Zephyr Hamerton ay kalmado, disidido, at mahusay sa lahat ng ginagawa niya. Noon pa man ay nabubuhay na siya ng parang isang mabangis na hayop. Samantala, ang Marcus na 'to, na pumilit sa kanya na kunin ang kaso ni Cordelia, ay ibang-iba kay Mr. Z. Bilang isang abogado, hinihiling ni Fredric na huwag sana siyang maging masyadong emosyonal. Lalo na't magkakahiwalay din naman sila pagdating ng araw. Paano matatanggap ng mga Hamerton ng Centrolis si Cordelia? Subalit, bilang pinakamatalik niyang kaibigan… Bumuntong-hininga siya. Sa huli, nagdesisyon siya na suriing maigi ang dokumento. Ibinahagi niya kay Marcus ang resulta ng pagsasaliksik niya pagkaraan ng ilang araw. "Sa nakikita ko, pasensya na kung hindi matutulungan ng mga dokumentong ito si Cordelia."Sumimangot ng husto si Marcus. "Pero…" Umubo si Fredric. "Pwede tayong umatake sa ibang anggulo.""Sige lang.""Ang
Kumibot ang mga labi ni Marcus.Nag-aalalang tumingin sa kanya si Cordelia. Nag-aalala siya na baka nakipagsabwatan si Marcus sa mga kahina-hinalang tao at gumamit siya ng mga kaduda-dudang paraan upang pilitin si William na bilhin ang bahay na ito para sa kanya.Kahit na nagtagumpay sila na pilitin siya ngayon, hindi sila tatantanan ni William pagkatapos nito.Ayaw na niyang masangkot si Marcus sa kahit anong problema.“Nag-aalala ka ba sa’kin?” Malalim ang tingin ni Marcus, ngunit masaya ang kanyang ngiti. “Huwag kang mag-alala. Legal ang lahat nang ito. Nangako ako sa’yo na hindi na ako masasangkot sa kahit anong gulo, kaya tutuparin ko ang pangako ko.”“Pero ang isang tao na gaya ng tatay ko…”“Kumuha ako ng abogado,” ang sabi ni Marcus. “Nakilala ko siya noong… nakulong ako. Madalas siyang nagbibigay ng legal assistance sa mga inmate. Isa siyang mabuting tao at tinulungan niya ako mula noong makalabas ako sa kulungan.”“Ah, ganun ba.” Sa wakas ay napanatag na ang kalooban n
Naningkit ang mga mata ni Marcus at inayos niya ang pwesto niya upang tumingin kay Cordelia ng nakangiti.“Una, hindi mo dapat ipressure ang sarili mo. Hindi ako yung klase ng tao na naghahangad yumaman. Hindi mahalaga kung magkano ang kinikita mo basta’t sapat ito para mabuhay tayo. Ang mahalaga ay masaya ka sa trabaho mo, naiintindihan mo?”Seryoso siyang tumango.“Pangalawa, huwag kang gagawa ng kahit anong bagay na ikakapahamak mo.” Mariing tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi. “Ang tinutukoy ko ay ang mga contest mo at kung anu-ano pa. Huwag mong masyadong pilitin ang sarili mo. Hindi natin kailangan ang mga cash prize na ‘yun! Tsaka, masusuportahan lang kita kapag ligtas ka!“Pangatlo…”Tumingin siya kay Marcus at pagkaraan ng ilang sandali ay sinabi niya na, "Kapag may mga babae kang estudyante, huwag mong hahayaan na hipuin nila ang mga muscle mo!" Hindi na napigilan ni Marcus ang kanyang sarili sa pagkakataong ito at humalakhak siya ng malakas. Naging kasing pula
Huminto si Marcus at sinundan niya ang tingin ni Cordelia. Nagpunta si Yelena sa parehong boutique at pinagmamasdan niya silang dalawa ng may panghahamak, at paminsan-minsan ay sumisinghal siya.Hinila ni Cordelia si Marcus para umalis, ngunit mabilis na hinarangan ni Yelena ang daan nila.“Oh, pagkakataon nga naman!” Suminghot si Yelena. “Mukhang masaya ka sa trabaho mo. Napromote ka at tumaas ang sahod mo? Kaya nagawa mong dalhin ang mahal kong brother-in-law sa isang luxury boutique na gaya nito para magshopping!“Oo nga pala, maganda ba ang bagong bahay niyo? Hah, please, sana ayusin niyo ang pagtira niyo doon. Pinaghirapang piliin ni dad ang bahay na ‘yun!”Napansin ni Cordelia ang pangungutya sa boses ni Yelena. Noong tumingin siya kay Yelena, para bang gusto siyang pagpirapirasuhin ni Yelena base sa matinding galit sa kanyang mga mata.“Oo, napakabait sa’min ni Mr. Father-in-law.” Ngumiti si Marcus at nilagay niya sa likod niya si Cordelia. “Hindi lang siya pumili ng maga
Umigkas ang mga tainga ni Cordelia, at agad din siyang naalerto. Lumingon siya at nakita niya ang isang babae na may makapal na makeup na nakangiti kay Marcus. Bahagyang umalog ang basong hawak niya, at noong lumapit siya kay Marcus, inangat niya ang slit ng kanyang dress upang ipakita ang kanyang makikinis na binti. Biglang napansin ni Cordelia na pamilyar ang boses ng babae. "Giselle?" Huminto siya. Mukhang dala ni Yelena ang pinakamatalik niyang kaibigan saan man siya magpunta. Noong nag-aaral pa sila, madalas na inaapi ni Giselle Lawler si Cordelia kasama si Yelena. Di kalaunan ay natanggal siya sa paaralan dahil sa napakababa niyang grades at madalas siyang mareport na naninigarilyo siya sa mga club. Hindi rin maganda ang sinasabi ng mga miyembro ng high society sa Jangasas tungkol kay Giselle. Kaya lang niyang magmataas dahil sa suporta ni Yelena. Nainis si Cordelia. Nakalimutan niya ang tungkol sa pakikipag-usap sa kanyang mga kliyente at mabilis siyang naglakad papunt
Inakala ni Cordelia na yayakapin siya ni Marcus at hihilahin niya siya papunta sa kanyang mainit at ligtas na mga bisig, ngunit lumipas ang ilang segundo, at hindi niya nakuha ang seguridad na inaasahan niya.Nanlaki ang kanyang mga mata noong nakita niya si Marcus na lumapit kay Giselle at inabot ang kanyang kamay!Kumabog ang dibdib ni Cordelia, at para bang umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya.“Kita mo na? Makatotohanan din ang mga lalaki.” Ang sabi ng isang tao. “Hindi maganda ang reputasyon ni Ms. Lawler, pero mayaman siya. Paano maikukumpara sa kanya si Cordelia?”“Hayy, tinutulungan ng asawa niya ang ibang babae sa harap ng maraming tao… Nakakaawa talaga si Cordelia. Pinapahalagahan niya ng husto ang asawa niya, pero ngayon…”“Iyan ang dahilan kung bakit hindi mo pwedeng mahalin ng sobra-sobra ang isang lalaki!”Nablanko ang isip ni Cordelia habang nakapako siya sa kanyang kinatatayuan, at nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.“Honey, anong—”“Mahal, muntik mo
Muling naging maayos ang lahat. Ang lahat ay kumilos nang para bang walang nangyari kanina. Kaso, puno ng pang-iinsulto kay Giselle ang mga usapan nila.Hinila ni Marcus si Cordelia upang magsayaw. Hindi magaling sa pagsasayaw si Cordelia, ngunit walang nakahalata nito dahil sa pangunguna ni Marcus. Pinalakpakan sila ng lahat pagkatapos ng tugtog.Nanginginig sa galit si Giselle habang nakatingin ng masama sa kanya si Yelena.“Wala kang kwenta!”“Yelena, anong—”“Hindi ba tinatawag mo ang sarili mo na isang socialite? Hindi ba pinagkakaguluhan ka ng mga lalaki?” Nanggagalaiti si Yelena. “Ni hindi mo kayang akitin si Marcus! Tingnan mo ang naging reaksyon mo noong sinabi niya na may pinatay siya! Ano ka kung hindi ka walang kwenta?”Tinikom ni Giselle ang kanyang mga labi. Masama din ang loob niya. Nakipagsabwatan siya kay Yelena upang ipahiya si Cordelia sa event, kaso siya lang ang napahiya. Noong una niyang nakita si Marcus, naakit din siya sa matangkad at gwapo niyang itsura
Hinawi ni Giselle ang mga tao habang hawak ang kanyang phone. Pinapakita sa larawan sa may screen na may kasamang lalaki si Yelena.“Hindi mo siya kilala, hindi ba? Ito si Mr. Z Hamerton! Nagpunta si Yelena sa welcoming dinner niya!”“Ang third heir ng mga Hamerton ng Centrolis?”“Syempre naman! Mayaman siya!”Naiinggit na tumingin kay Yelena ang lahat. Alam nila na tahimik na tao si Mr. Z Hamerton. Hindi pa siya nagpakita sa harap ng media hanggang ngayon, at kaunti lang ang mga taong nagkaroon ng pagkakataon na makita siya.Hindi lang basta naimbitihan si Yelena sa event ng mga Hamerton, kundi nakapagpapicture din siya kasama si Mr. Z. Isa itong malaking karangalan.Sunud-sunod ang pagpuri sa kanya ng mga tao.Nakokonsensya si Yelena. Hindi niya gusto na ipaalam ni Giselle sa lahat ang tungkol dito, ngunit dahil walang nakabisto sa kanya, payapa niyang tinanggap ang paghanga at mga pagpuri nila sa kanya. Ano ngayon kung si Cordelia ang pumunta noong gabing ‘yun? Kapag sinubuka
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala