Kailangan magpahinga ni Cordelia para gumaling siya, kaya dinala siya ni Marcus pauwi para alagaan siya nito.Noong una, nag aalala si Cordelia. Hindi alam ni Marcus kung paano gumawa ng gawaing bahay, at kahit ang pagluluto ay isang problema. Ngayon at nasaktan siya, ang bahay ay siguradong magiging magulo.Gayunpaman, kuminang ang mga mata niya sa oras na kinarga siya ni Marcus papunta sa bahay.Ang bahay nila ay malinis. Nasa tamang lugar ang lahat, wala itong pinagbago sa panahon noong hindi pa siya nasaktan.“Hindi na masama, huh?” Tumawa ng malalim si Marcus.Tumingin siya kay Cordelia na parang isa siyang batang lalaki na naghihintay na puriin ng guro.Ngumiti si Cordelia. Naisip niya na hindi niya maiintindihan ang asawa niya, ngunit madala lang ay nakita niya na nagbabasa ito ng finance news sa iba’t ibang lengwahe. Hindi niya inaasahan na kaya rin nitong gumawa ng gawaing bahay!Pagkatapos, naghain ng dalawang pagkain si Marcus.Tinikman ito ni Codelia at nalaman niya
Nahihibang si Cordelia. Hindi niya alam kung paano siya sasagot at tumango lang siya ng nahihiya.Dahan dahan siyang pumikit, nakinig siya sa mga patak ng ulan sa bintana at dinadamdam ang mga mainit na halik ng lalaki… Mabagal na bumukas ang puso niya.…Nagising si Marcus pagsikat ng araw.Noong nasa mga Hamerton siya, minsan ay gigising siya ng 4:00 a.m. para magtrabaho. Lagi siyang gumigising ng maaga, nakagawian niya na ito ng maraming taon.Gayunpaman, dahil kay Cordelia kagabi, ito ang unang beses na gusto niya pa ring matulog ng mahaba.Lumingon si Marcus para tumingin sa kanya ng tahimik. Ang babae ay mahimbing ang tulog, Hindi mapigilan ni Marcus na halikan si Cordelia sa mga labi, ngunit bumalik ang pagnanasa niya dahil sa tamis nito. Sinubukan niyang pigilan ang sarili niya habang iniisip niya ang tungkol sa pagmamahalan nila kagabi. Pagod na pagod siguro si Cordelia.Bumangon si Marcus at tumingin siya sa pag ilaw ng phone screen niya. Nagsuot siya ng T-shirt at bum
Pagkatapos magpahinga, gumaling na ang binti ni Cordelia. Hindi siya makapaghintay na pumunta sa hospital para sa check-up at pumasok na siya sa trabaho.Tuwang tuwa si Annie nang makita niya si Cordelia. “Nakabalik ka na! Wala ako sa mood magtrabaho kapag hindi ka nakaupo sa tabi ko!”Ngumiti si Cordelia. “Nagiging matamis ka na magsalita!”“Hayy, nakokonsensya ako! Kung pinilit ko na sumama sa dinner kasama ka, hindi ka sana niloko ng mga masamang lalaking ‘yun…”Nataranta si Cordelia, hinila niya si Annie sa isang corridor na walang tao.“Alam na ba… ng lahat ang tungkol dito?”Tumingin si Annie sa paligid bago niya sinabi ng malambing, “Hindi. Ang mga tao sa opisina ay hindi alam kung bakit ka nag sick leave. Sinabi ng director na aksidente mong nainjure ang binti mo. Gusto kang bisitahin ng lahat sa hospital, pero pinigilan sila ng director.”Tumango ng tahimik si Cordelia.Hindi masama ang director, pero alam niya niya ang tungkol sa pagprotekta ng imahe. Marami siyang hi
Basang basa sa pawis si Carter, mukhang balisa siya at pula ang mga mata. Hindi niya mapigilan ang pagluha niya nang makita niya na lumapit si Cordelia at niyakap niya ito.“Ate, may nangyari sa bahay!”“Ano ang nangyari?”“‘Yung kapatid mo…” Sinabi niya. “Nagdala ng maraming tao si Yelena sa bahay at sinabi niya na gusto niya kaming palayasin!”Naramdaman ni Cordelia na nanginig ang pandinig niya, at naging blanko ang isipan niya.“Pumunta siya kasama ang maraming trabahador at sinaabi niya na gusto niyang bawiin ang bahay para irenovate ito para sa sarili niya! Ate, hindi ba’t binigay ng tatay mo ang bahay kay nanay? Ano ang karapatan niya para bawiin ito?!”Gumuho ang puso ni Cordelia. Nataranta siya ng ilang sandali, hindi niya maintindihan kung bakit ito ginagawa ni Yelena.“Pupunta tayo at titingnan ko muna!” Ang sabi ni Cordelia kay Carter, “Maraming taon na tayong nakatira doon. Hindi niya ito pwedeng bawiin ng ganun lang. Baka may misunderstanding!”“Anong misunderstan
Napako sa kanyang kinatatayuan si Cordelia. Nanginginig siya. Dalawang salita lamang ang nasabi pagkaraan ng ilang oras. "Hindi pwede."Dumilim ang mga mata ni Yelena. Matalim ang mga mata ni Cordelia habang nakatitig siya sa kanya. "Bahay namin 'to. Si dad ang nagbigay nito sa mom ko! Matagal na kaming nakatira dito. Tahanan namin ito!" "Paano mo nagagawang sabihin 'yan?" Nagkaroon ng napakasamang ngiti sa mukha ni Yelena. Sumigaw siya ng napakatinis. "Sino ba ang walanghiya mong nanay? Sa tingin mo ba karapatdapat siyang bigyan ng dad ko ng bahay?"Hinayaan lang niya kayong tumira dito pansamantala dahil naawa siya inyo! Kahit paano, pinagsilbihan ng nanay mo ang dad ko. Pinanganak ang isang p*tang gaya mo, pero sino naman siya?" Walang-awang pinuna ni Yelena ang pamilya ni Cordelia habang nakaturo siya kay Carter. "Sa tingin mo ba may karapatan ang isang bastardo na gaya niya na tumira sa bahay ng mga Jenner!?" Napakataas ng ego ni Carter. Noon pa man ay ikinahihiya na n
”Buhay pa ba kayo?” Tinawag ni Yelena ang mga inupahan niyang tauhan. “Binayaran ko ba kayo para lang manood diya? Tulungan niyo ako!”Tiningnan sila ng masama ni Marcus. Tumingin sa isa’t isa ang mga tauhan ni Yelena, at walang kahit isa sa kanila ang nangahas na lumapit.Pakiramdam ni Yelena ay tatalon palabas ng dibdib niya ang kanyang puso sa sobrang takot. Tinitigan niya ang lalaki sa harap niya at unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Nanigas siya.“C-Cordelia!” Namutla siya at napasigaw sa takot, “Hindi mo ba pipigilan ang asawa mo!? Sinasabi ko sa’yo. Kapag sinaktan niya ako, t-tatawag ako ng pulis! Ipapaaresto ko siya at makukulong siya ulit sa bilangguan!”Lalong hinigpitan ni Marcus ang hawak niya sa braso ni Yelena. Nakakatakot ang malamig na ngiti sa kanyang mukha.Napasigaw sa sakit si Yelena. Nanghina ang kanyang mga tuhod, at napaluhod siya sa lupa.“Tinatawag na p*ta ng tagapagmana ng mga Jenner ang ibang tao na parang humihinga lang siya. Hindi ba parang sumo
Biglang huminto sa paghihiwa ng karne si Cordelia at kinagat niya ang kanyang labi. Nagkaroon ng komplikadong ekspresyon sa kanyang maganda at maliit na mukha.Namula ang kanyang mga mata pagkaraan ng ilang sandali. Bumuhos ang kanyang mga luha.“Patawarin mo ako… Niloko kita. Hindi ako si Yelena, si Cordelia ako. Hindi ako ang tagapagmana ng mga Jenner. Isa lang akong nakakahiyang anak sa labas. Mahirap lang ako…“Kung galit ka, nakahanda akong bumawi sa’yo. Sabihin mo ang anumang gusto mo. Ang tanging hiling ko lang ay huwag kang magalit sa mom ko at kay Carte. Hindi nila alam na pinakasalan kita. Ako…”“Kahit anong gusto?” Ngumisi si Marcus at lumapit siya sa kanya.“Huh?”Nakangisi ang kanyang mga mata. Lumalim ang kanyang boses at sinabi niya na, “Mahal ako maningil.”Natatakot si Cordelia ngunit sinabi niya ng may determinasyon na, “Ayos lang ‘yun. Sabihin mo lang sa’kin at siguradong tutuparin ko ito.”May naisip si Marcus. Bigla niyang niyakap sa may baywang si Cordelia
Tumigil sa pagsasalita si Cordelia, at bumuntong-hininga."Yung totoo, hindi ko rin alam kung sino ang tatay ni Carter. Natatandaan ko lang na noong pitong taong gulang ako, umalis ang mom ko pagkatapos niyang magpaganda. Pinakiusapan niya ang kapitbahay namin na bantayan ako bago siya umalis, at isang buwan siyang nawala. "Akala ko inabandona na niya ako. Noong naghihinagpis ako, bumalik siya. Maganda pa rin siya gaya ng pag-alis niya, pero wala nang buhay ang mga mata niya, p-para siyang isang zombie na pagala-gala sa lansangan. Hindi niya ako sinasagot kahit na ano pa ng sabihin ko sa kanya. "Tapos isinilang niya si Carter." Pahina ng pahina ang boses ni Cordelia. "Nagalit si dad at pinagsabihan niya siya. Noong araw na nag-away sila, nakita ko na pinagtatawanan niya ang dad ko. Nakakatakot ang tawa niya. Nakakaramdam ako ng pangingilabot sa tuwing maaalala ko 'yun. "Noong araw na 'yun, nag-iwan ng tseke si dad, at hindi na siya bumalik. Sandali lang kaming nagkita bago ako k