“Sige, magpahinga ka na!”Napabuntong-hininga si Rowan at tumayo para pakawalan ang sarili. Pero bago siya lumabas ng kwarto ay pinigilan siya ni Liam."Mr. Irwin, sandali lang!"Dahan-dahang lumingon si Rowan. “May kailangan ka pang sabihin?”Hindi umimik si Liam at kumaway lang sa kanya. Napakunot-noo si Rowan sa pang-aalipusta ngunit hindi niya kayang maging maliit sa isang kaedad ng kanyang ama.Habang may nakasimangot na mukha, ibinagsak niya ang sarili niya sa sopa sa tabi ng kama ni Liam.Pinagmasdan siya ni Liam na may matalim na ngiti.“Ano ‘yun?” Tiningnan ni Rowan ang kanyang relo. Oras na para mananghalian noon, at kailangan niyang magmadali sa Imperial Media para silipin ang kanyang pinakamamahal na anak!Pinipigilan ni Liam ang pagngiti at naging seryoso habang hinihinaan ang boses para magtanong, “Mr. Irwin, may nalaman ka ba?"Naging matigas ang ekspresyon ni Rowan, at dumilim ang kanyang tingin.Naiintindihan naman ito ni Liam base sa ekspresyon sa mukha niya
Tumingin ng nalilito si Liam kay Rowan habang tumitig ito sa kanya ng galit.Pagkatapos tumahimik ng ilang sandali, nagsalita si Rowan. “Mr. Hamerton, mula sa nalalaman ko, ang apo niyo ay may isang fiancee!”“Fiancee?” Nabigla si Liam.Hindi ba’t girlfriend ni Zephyr si Cordelia? Kailan niya naging fiancee si Cordelia?Bukod pa dito, hindi ba’t nagpropose lang siya nitong nakaraang dalawang araw?Hindi niya na nasundan ang mga pangyayari dahil may sakit siya.Umiling si Liam. Mula sa pagkakaalala niya, pinilit ni Zephyr na magpakasal kay Cordelia, habang hindi naman natutuwa is Liam kay Cordelia.“Hindi, hindi…” Kumaway si Liam. “Anong fiancee? Ang kasal ni Zephyr ay sinet na noong nakaraang dalawang araw! Hindi na masama ang babae!”“Hay, kasalanan ko ang lahat ng ito.” Nagbuntong hininga siya. “Sinabi ni Clark na matanda na ako at hindi ko na natatandaan ang mga tao. Hah… Baka nga masyado na akong matanda. Sayang at hindi ko nakita ang isang mabuting asawa para kay Zephyr na
Umupo ng galit si Rowan sa kotse. Tumingin ng ilang beses si Charlie sa kanya mula sa rearview mirror. Hindi niya kilala ang lalaking ito.“Sir, bakit po kayo galit na galit? Ano po ang nangyari?”“Ang lintik na yun…” Hinila ni Rowan ang tie niya. “May lakas ng loob siya para pakasalan ang iba!”“Ano po?!” Nabigla din si Charles. “Sir, maliit po ba ang pagkakarinig niyo?”“Sinabi ito sa akin mismo ng matandang si Liam!”“Ano po…” Kumunot ang noo ni Charlie. “Paano po pala si Cordelia?”Suminghal si Rowan, “Sinabi niya na mahal niya ang anak ko. Sa huli, sumuko siya sa pressure ng lolo niya! Ang ganitong klaseng lalaki ay hindi nararapat makasama si Cordelia ng habang buhay! Maganda na maghihiwalay sila!”Kahit na sinabi niya ito, pakiramdam niya ay talo siya.Kahit na maghiwalay sila, si Cordelia dapat ang magsasabi nito. Hindi dapat si Zephyr ang makikipaghiwalay.Pinag isipan niya ito at binulong niya sa kanyang sarili, “May problema siya dahil walang makapangyarihang pamily
Dinilaan ni Janine ang mga labi niya. Kinuha niya ang cup at uminom siya mula sa kape. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang cup upang itago ang pangit na acting skills niya.May pusa na dumaan. Patuloy ito sa pagdikit sa mga binti ni Xyla.Nabigla siya. Kinarga niya ito habang nakangiti, hinimas niya ito at nilagay niya ito sa upuan.Ibinaba ni Janine ang cup niya at naalala niya na lumapit si Rowan sa kanya ng natataranta noong nakaraang dalawang araw.…Sinabi ni Rowan na dapat siyang makipagkita kay Xyla, kaya humingi siya ng pabor kay Janine.Nabigla si Janine. Naghihinala siya na may problema kay Rowan. Nagmamakaawa si Rowan sa kanya?!Ang lalaking yun ay buong buhay naging proud. Hindi siya nagmakaawa sa kahit sino noon!Naisip ni Janine na may gusto pa rin si Rowan kay Xula at nangutya siya pagkatapos tuminging ng malamig kay Rowan. “So, may konsensya ka pa rin!”“So, tutulungan mo ako?”“Oo.” Pinag isipan ito ni Janine. “Sasamahan ko si Xyla sa araw pagkatapos ng bu
Kasabay nito, may isa pang cafe sa street na ito na maraming tao.Nakareserve din ito. Bihira na nagtipon ang lahat—halos ang lahat ay nandito.Umupo si Josiah sa tabi ng bintana kasama si Kelly. Sumandal sila sa ulo ng isa’t isa. Nakapokus si Kelly sa pagbabasa ng orihinal na bersyon ng Goethe’s poetryPinanood ni Josiah habang tumatawa ng mahina si Kelly, at lumaki ang mga mata niya. Binibilang niya ang mga pilikmata ni Kelly.Lumabas ulit si Nicholas para manigarilyo, at nahuli siya ni Linda. Hinila siya nito pabalik habang hila ang kanyang tainga.Naglaro ng mga cardsi Zennie kasama si Seth habang tumatawa naman si Seth. Gamit niya ang tatlong taon na halaga ng college entrance exam simulation questions…Natulala si Zennie at para bang namamatay siya. Seryoso siyang tinuruan ni Seth. “Matagal na simula noong nag drop out ka. Namiss mo ang examination ngayong taon, kaya dapat kang makakuha ng magandang resulta sa susunod na taon. Kaya naman, dapat kang magsikap ngayon! Heto, g
Ngumiti si Trinity at nagpanggap siya na maging astig na tulad ng dati, ngunit hindi siya tulad ng dati dahil suot niya ang isang checkered dress.“Uy, pwede nating pag usapan ang kahit ano, hindi ba?” Tinapik ni Trinity si Fredric sa balikat. “Bihira na makita kitang may problema!”Tinikom ni Fredric ang mga labi niya at sinabi niya ng mahinang boses makalipas ang ilang sandali. “Trinity, isang mabuting kaibigan lang ako sayo, hindi ba?”Nabigla si Trinity bago siya tumango agad.“Tayo ay… tropa?”Hindi natural ang ngiti ni Trinity, ngunit sumang ayon pa rin siya. “Oo, syempre! Tropa tayo!”“Edi, bilang tropa, gusto kong humingi ng pabor…”Tumingin si Trinity kay Fredric at nagpokus siya, nag aalala na baka may hindi siya marinig na salita.“Sabihin mo!”“Handa ka na bang ishoot ang bagong movie mo?”“Hmm, oo.”“Pwede mo bang…” Dinilaan ni Fredric ang mga labi niya at sinabi niya ng problemado, “Pwede mo bang bigyan ng chansa si Michelle na maging isang minor character sa m
Hinawakan ni Zephyr ang mga kamay ni Cordelia at kalmado siyang dinala sa kalsada. Huminto ang ambulansya dalawang kanto mula sa kanila. Binilisan nina Zephyr at Cordelia ang lakad nila at nakita nilang maraming tao ang dumumog sa cafe. Mabilis na kumilos ang paramedics nang may seryosong mukha. Nagulat sila na si Janine pala ang nagmamadaling humabol sa stretcher!“Mom?!” Hindi napigilan ni Zephyr na mapasigaw. Tumingala si Janine at nakita niya silang dalawang gulat na gulat. Kabado si Cordelia. “Aunt Baker, ang nanay ko ba yun—”Bago niya matapos ang sasabihin niya, nakita niya si Xyla na lumabas ng cafe nang ligtas. Nagmadaling lumapit si Cordelia sa kanya para hawakan siya sa braso at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakahinga siya nang maluwag nang nakita niyang hindi blangko ang titig ng nanay niya. Ibig sabihin nito ay hindi siya inatake ng sakit niya. Sa kabila nito, mukha siyang maputla at nanghihina na parang papel na mapupunit sa isang hawak. “Mom, ano
”Ah, wala lang.” Kalmado ang boses ni Xyla. “Napansin lang namin na ang bilis ng panahon. Kailangan talaga dapat na alagaan ang sariling kalusugan sa pagtanda.” “Mom…” Kinagat ni Cordelia ang labi niya. Nasa dulo ng sila niya ang tanong, at pagkatapos ng mahabang sandali ay desidido siyang nagtanong, “Nagkita na ba kayo ni Uncle Irwin noon?”Napahinto si Xyla bago tumango. “Oo.”“Pagkakataon nga naman!” Ngumiti si Cordelia sa kanya nang hindi makapaniwala. “Alam mo bang siya ang binabalak kong ipakilala sa'yo? May Siamese cat din si Uncle Irwin at gusto kong magkita kayo kasama ni Ginger!”Naubo si Janine habang nanatiling tahimik si Xyla. Mahigpit pa rin ang hawak ni Zephyr sa kamay ni Cordelia. Nagtaka sandali si Cordelia. Napansin niyang medyo kakaiba ang mga taong ito pero hindi niya matukoy kung anong mali. Metikuloso si Janine. Alam niyang matalino si Cordelia at mapapagtagpi-tagpi niya ang lahat kapag inisip niya ito. Hindi ito mapapanatiling lihim ni Xyla kahit gusto n