Kasabay nito, may isa pang cafe sa street na ito na maraming tao.Nakareserve din ito. Bihira na nagtipon ang lahat—halos ang lahat ay nandito.Umupo si Josiah sa tabi ng bintana kasama si Kelly. Sumandal sila sa ulo ng isa’t isa. Nakapokus si Kelly sa pagbabasa ng orihinal na bersyon ng Goethe’s poetryPinanood ni Josiah habang tumatawa ng mahina si Kelly, at lumaki ang mga mata niya. Binibilang niya ang mga pilikmata ni Kelly.Lumabas ulit si Nicholas para manigarilyo, at nahuli siya ni Linda. Hinila siya nito pabalik habang hila ang kanyang tainga.Naglaro ng mga cardsi Zennie kasama si Seth habang tumatawa naman si Seth. Gamit niya ang tatlong taon na halaga ng college entrance exam simulation questions…Natulala si Zennie at para bang namamatay siya. Seryoso siyang tinuruan ni Seth. “Matagal na simula noong nag drop out ka. Namiss mo ang examination ngayong taon, kaya dapat kang makakuha ng magandang resulta sa susunod na taon. Kaya naman, dapat kang magsikap ngayon! Heto, g
Ngumiti si Trinity at nagpanggap siya na maging astig na tulad ng dati, ngunit hindi siya tulad ng dati dahil suot niya ang isang checkered dress.“Uy, pwede nating pag usapan ang kahit ano, hindi ba?” Tinapik ni Trinity si Fredric sa balikat. “Bihira na makita kitang may problema!”Tinikom ni Fredric ang mga labi niya at sinabi niya ng mahinang boses makalipas ang ilang sandali. “Trinity, isang mabuting kaibigan lang ako sayo, hindi ba?”Nabigla si Trinity bago siya tumango agad.“Tayo ay… tropa?”Hindi natural ang ngiti ni Trinity, ngunit sumang ayon pa rin siya. “Oo, syempre! Tropa tayo!”“Edi, bilang tropa, gusto kong humingi ng pabor…”Tumingin si Trinity kay Fredric at nagpokus siya, nag aalala na baka may hindi siya marinig na salita.“Sabihin mo!”“Handa ka na bang ishoot ang bagong movie mo?”“Hmm, oo.”“Pwede mo bang…” Dinilaan ni Fredric ang mga labi niya at sinabi niya ng problemado, “Pwede mo bang bigyan ng chansa si Michelle na maging isang minor character sa m
Hinawakan ni Zephyr ang mga kamay ni Cordelia at kalmado siyang dinala sa kalsada. Huminto ang ambulansya dalawang kanto mula sa kanila. Binilisan nina Zephyr at Cordelia ang lakad nila at nakita nilang maraming tao ang dumumog sa cafe. Mabilis na kumilos ang paramedics nang may seryosong mukha. Nagulat sila na si Janine pala ang nagmamadaling humabol sa stretcher!“Mom?!” Hindi napigilan ni Zephyr na mapasigaw. Tumingala si Janine at nakita niya silang dalawang gulat na gulat. Kabado si Cordelia. “Aunt Baker, ang nanay ko ba yun—”Bago niya matapos ang sasabihin niya, nakita niya si Xyla na lumabas ng cafe nang ligtas. Nagmadaling lumapit si Cordelia sa kanya para hawakan siya sa braso at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakahinga siya nang maluwag nang nakita niyang hindi blangko ang titig ng nanay niya. Ibig sabihin nito ay hindi siya inatake ng sakit niya. Sa kabila nito, mukha siyang maputla at nanghihina na parang papel na mapupunit sa isang hawak. “Mom, ano
”Ah, wala lang.” Kalmado ang boses ni Xyla. “Napansin lang namin na ang bilis ng panahon. Kailangan talaga dapat na alagaan ang sariling kalusugan sa pagtanda.” “Mom…” Kinagat ni Cordelia ang labi niya. Nasa dulo ng sila niya ang tanong, at pagkatapos ng mahabang sandali ay desidido siyang nagtanong, “Nagkita na ba kayo ni Uncle Irwin noon?”Napahinto si Xyla bago tumango. “Oo.”“Pagkakataon nga naman!” Ngumiti si Cordelia sa kanya nang hindi makapaniwala. “Alam mo bang siya ang binabalak kong ipakilala sa'yo? May Siamese cat din si Uncle Irwin at gusto kong magkita kayo kasama ni Ginger!”Naubo si Janine habang nanatiling tahimik si Xyla. Mahigpit pa rin ang hawak ni Zephyr sa kamay ni Cordelia. Nagtaka sandali si Cordelia. Napansin niyang medyo kakaiba ang mga taong ito pero hindi niya matukoy kung anong mali. Metikuloso si Janine. Alam niyang matalino si Cordelia at mapapagtagpi-tagpi niya ang lahat kapag inisip niya ito. Hindi ito mapapanatiling lihim ni Xyla kahit gusto n
Bumalik si Clark dala ang isang laptop. Nang natapos kumain si Cordelia, kumaway siya para kunin nang mga katulong ang pinagkainan niya at nilapag ang laptop sa harapan niya. Naisip din na Zephyr na kakaiba ito at tinitigan niya ito nang malapitan. May mga hilera ng impormasyon at nagsisiksikang numero sa screen. “Ito ang accounts, hindi ng kumpanya, kundi ng buong Hamerton Manor.” Simple lang ang tono ni Liam. “Cordelia, tignan mong maigi. Tignan mo kung mayroong mali.”“Lolo—” May gustong sabihin si Zephyr, pero palihim na nilagay ni Cordelia ang kamay niya sa likod ng kamay niya. Tinignan niya siya at mahinang umiling. Alam niyang sinusubukan siya ni Liam. Simula nang natuklasan niyang may koneksyon si Matthew sa illegal trade sa lupain ng western suburbs, nag-iba ang tingin ni Liam sa kanya. Madalas niyang sinasabihan si Zephyr na dalhin siya sa bahay para kumain at minsa'y tinatanong niya siya ng tanong na parang wala siyang pakialam. Kahit na matalino si Cordelia, ma
”Tapos…” Pinag-isipan ito ni Cordelia. “Magkapatong ang security fee at personal bodyguards fee. Dapat tanggalin din ito.”“Ano?” Huminto si Liam. Kalmadong nagpaliwanag si Cordelia, “Grandpa Liam, nasa Hamerton Manor ang pinakamataas na security system at may pinakamagaling na security staff na nakaistasyon sa buong lugar. Hindi niyo naman kailangan ng personal bodyguards, tama? Dahil personal bodyguards sila, dapat nasa ilalim ito ng personal accounts. Hindi makatuwiran na ang main household ang nagbabayad para rito!”Palihim na natuwa si Zephyr at tinaas niya ang hinlalaki niya sa asawa niya. Ang isyung binanggit ni Cordelia ay tumama mismo kina Matthew at Yale. Sa mga anak ng Hamerton, maliban kay Zephyr na itinuturing ng patriarch na pinakamataas, mayroon siyang mga lalaking pinsan na nagtatrabaho sa main company. Maayos din ang mga pinsan niyang babae sa kanilang mga subsidiary. Si Yale lang ang hindi kumita nang ni-isang sentimo sa pamilya pero napakaluho niyang gumast
Natulala si Cordelia. Namula ang mga pisngi niya at tumaas ang gilid ng mga lahi niya. Nakaramdam siya ng mga alon sa puso niya pero hindi niya ito pinakita sa mukha niya at nanatiling napakakalmado. Binabaan ni Liam ang pagiging kalmado niya. “Tatanggapin ko ang katahimikan mo bilang oo,” sabi niya nang nakatawa. “Ikaw naman ang magiging lady of the house pagkatapos mo pakasalan si Zephyr. Ipapasa sa inyong dalawa ang family business. Hah… Aligaga ako buong buhay ko. Sa wakas magkakaroon na rin ako ng kapayapaan!”“Lolo…” Tinignan siya ni Zephyr sa gulat. Sa sobrang saya niya ay halos di siya makapagsalita. “Bakit ganyan ang mukha mo?” Tinitigan siya ni Liam. Ngumiti si Zephyr. “Hindi ba tumututol ka dito? Iniisip ko pa lang na sabihin sa'yo ang tungkol sa proposal ko kay Cordelia nitong nakaraang dalawang araw—”“Ikaw bata ka!” Bago siya nakatapos, tinitigan siya nang masama ni Liam. “Sinong sinasabi mong tumututol?!”Nanigas si Zephyr. “Clark, tumutol ba ako?”“Syempre
”Oh.” Tumango si Zephyr. Bumuntong-hininga si Liam at napaisip nang malalim. “Mahusay siya, pero ang pinagmulan niya…”‘Pinagmulan?’Ngumisi si Zephyr. Kahit na minamata niya si Rowan—at mukhang nabaliw na kamakailan ang matandang iyon, tinatrato siya nito na parang kalaban tuwing nakikita siya nito—ang lalaking iyon pa rin ang tunay na ama ni Cordelia. Kaya niya siyang tiisin. Ang pagmamahal ng isang tao ay dapat na umabot sa pamilya nila, tama?Pinakalma ni Zephyr ang sarili niya at binalak niyang sabihin kay Liam ang tungkol sa pamilya ni Cordelia, pero bago may salitang lumabas sa bibig niya, biglang desididong tumingin sa kanya si Liam. “Zephyr, nagpasya akong maghanap ng pamilya para kay Cordelia para magkaroon siya ng godparents!” “Ano?” Nabigla si Zephyr. “Ang marriage of convenience ay pinasa nang maraming henerasyon sa four major families.” May kumplikadong tingin si Liam. “Ito ang patakarang iniwan ng mga ninuno natin. Hindi ito pwedeng masira sa panahon ko.“P
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala