”Ah, wala lang.” Kalmado ang boses ni Xyla. “Napansin lang namin na ang bilis ng panahon. Kailangan talaga dapat na alagaan ang sariling kalusugan sa pagtanda.” “Mom…” Kinagat ni Cordelia ang labi niya. Nasa dulo ng sila niya ang tanong, at pagkatapos ng mahabang sandali ay desidido siyang nagtanong, “Nagkita na ba kayo ni Uncle Irwin noon?”Napahinto si Xyla bago tumango. “Oo.”“Pagkakataon nga naman!” Ngumiti si Cordelia sa kanya nang hindi makapaniwala. “Alam mo bang siya ang binabalak kong ipakilala sa'yo? May Siamese cat din si Uncle Irwin at gusto kong magkita kayo kasama ni Ginger!”Naubo si Janine habang nanatiling tahimik si Xyla. Mahigpit pa rin ang hawak ni Zephyr sa kamay ni Cordelia. Nagtaka sandali si Cordelia. Napansin niyang medyo kakaiba ang mga taong ito pero hindi niya matukoy kung anong mali. Metikuloso si Janine. Alam niyang matalino si Cordelia at mapapagtagpi-tagpi niya ang lahat kapag inisip niya ito. Hindi ito mapapanatiling lihim ni Xyla kahit gusto n
Bumalik si Clark dala ang isang laptop. Nang natapos kumain si Cordelia, kumaway siya para kunin nang mga katulong ang pinagkainan niya at nilapag ang laptop sa harapan niya. Naisip din na Zephyr na kakaiba ito at tinitigan niya ito nang malapitan. May mga hilera ng impormasyon at nagsisiksikang numero sa screen. “Ito ang accounts, hindi ng kumpanya, kundi ng buong Hamerton Manor.” Simple lang ang tono ni Liam. “Cordelia, tignan mong maigi. Tignan mo kung mayroong mali.”“Lolo—” May gustong sabihin si Zephyr, pero palihim na nilagay ni Cordelia ang kamay niya sa likod ng kamay niya. Tinignan niya siya at mahinang umiling. Alam niyang sinusubukan siya ni Liam. Simula nang natuklasan niyang may koneksyon si Matthew sa illegal trade sa lupain ng western suburbs, nag-iba ang tingin ni Liam sa kanya. Madalas niyang sinasabihan si Zephyr na dalhin siya sa bahay para kumain at minsa'y tinatanong niya siya ng tanong na parang wala siyang pakialam. Kahit na matalino si Cordelia, ma
”Tapos…” Pinag-isipan ito ni Cordelia. “Magkapatong ang security fee at personal bodyguards fee. Dapat tanggalin din ito.”“Ano?” Huminto si Liam. Kalmadong nagpaliwanag si Cordelia, “Grandpa Liam, nasa Hamerton Manor ang pinakamataas na security system at may pinakamagaling na security staff na nakaistasyon sa buong lugar. Hindi niyo naman kailangan ng personal bodyguards, tama? Dahil personal bodyguards sila, dapat nasa ilalim ito ng personal accounts. Hindi makatuwiran na ang main household ang nagbabayad para rito!”Palihim na natuwa si Zephyr at tinaas niya ang hinlalaki niya sa asawa niya. Ang isyung binanggit ni Cordelia ay tumama mismo kina Matthew at Yale. Sa mga anak ng Hamerton, maliban kay Zephyr na itinuturing ng patriarch na pinakamataas, mayroon siyang mga lalaking pinsan na nagtatrabaho sa main company. Maayos din ang mga pinsan niyang babae sa kanilang mga subsidiary. Si Yale lang ang hindi kumita nang ni-isang sentimo sa pamilya pero napakaluho niyang gumast
Natulala si Cordelia. Namula ang mga pisngi niya at tumaas ang gilid ng mga lahi niya. Nakaramdam siya ng mga alon sa puso niya pero hindi niya ito pinakita sa mukha niya at nanatiling napakakalmado. Binabaan ni Liam ang pagiging kalmado niya. “Tatanggapin ko ang katahimikan mo bilang oo,” sabi niya nang nakatawa. “Ikaw naman ang magiging lady of the house pagkatapos mo pakasalan si Zephyr. Ipapasa sa inyong dalawa ang family business. Hah… Aligaga ako buong buhay ko. Sa wakas magkakaroon na rin ako ng kapayapaan!”“Lolo…” Tinignan siya ni Zephyr sa gulat. Sa sobrang saya niya ay halos di siya makapagsalita. “Bakit ganyan ang mukha mo?” Tinitigan siya ni Liam. Ngumiti si Zephyr. “Hindi ba tumututol ka dito? Iniisip ko pa lang na sabihin sa'yo ang tungkol sa proposal ko kay Cordelia nitong nakaraang dalawang araw—”“Ikaw bata ka!” Bago siya nakatapos, tinitigan siya nang masama ni Liam. “Sinong sinasabi mong tumututol?!”Nanigas si Zephyr. “Clark, tumutol ba ako?”“Syempre
”Oh.” Tumango si Zephyr. Bumuntong-hininga si Liam at napaisip nang malalim. “Mahusay siya, pero ang pinagmulan niya…”‘Pinagmulan?’Ngumisi si Zephyr. Kahit na minamata niya si Rowan—at mukhang nabaliw na kamakailan ang matandang iyon, tinatrato siya nito na parang kalaban tuwing nakikita siya nito—ang lalaking iyon pa rin ang tunay na ama ni Cordelia. Kaya niya siyang tiisin. Ang pagmamahal ng isang tao ay dapat na umabot sa pamilya nila, tama?Pinakalma ni Zephyr ang sarili niya at binalak niyang sabihin kay Liam ang tungkol sa pamilya ni Cordelia, pero bago may salitang lumabas sa bibig niya, biglang desididong tumingin sa kanya si Liam. “Zephyr, nagpasya akong maghanap ng pamilya para kay Cordelia para magkaroon siya ng godparents!” “Ano?” Nabigla si Zephyr. “Ang marriage of convenience ay pinasa nang maraming henerasyon sa four major families.” May kumplikadong tingin si Liam. “Ito ang patakarang iniwan ng mga ninuno natin. Hindi ito pwedeng masira sa panahon ko.“P
Nang bumalik si Zephyr sa Royal Manor, tinuturuan ni Helen si Cordelia sa kusina. Hininaan ni Helen ang apoy habang kumulo ang sabaw sa palayok. Ang bango ng buong bahay at napuno ito ng simpleng init. “Ang huling hakbang ay maglagay ng ganito… at tapos na!” Tinuro ni Helen kay Cordelia ang bawat isang hakbang at seryoso naman siyang natuto. “Yun lang?”“Oo!”“Mm.” Huminga nang malalim si Cordelia. “Mas mabango nga to nang dinagdag mo to.”“Humigop kayo ni Mr. Z ng sabaw na'to. Nagsisimula na ang taglamig at malamig na ang panahon. Oras na para kumain ng masustansyang pagkain.”“Sige,” ngumiti si Cordelia habang tinakpan niya ang palayok at pinatay ang apoy. Nagulat si Helen. “H-Hindi ka hihigop?”“Hihintayin ko siyang bumalik at sabay namin tong kakainin!”“Hindi ba nagpunta si Mr. Z sa manor? Malamang hindi pa siya uuwi! Kunin mo na lang ang sa'yo at tirahan mo siya ng kanya!”“Hindi pwede! Iba ang pakiramdam nang kumain nang mag-isa.” Ngumiti si Cordelia. “Gusto ko si
”Ms. Lulham!” May sumigaw nang may landi sa tono at maarteng naglakad papunta kay Trinity. Tumingin siya sa kanya nang may mapang-akit na simangot at pabagsak na umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. “Ano yun?” Pinisil ni Trinity ang espasyo sa pagitan ng kilay niya. Mukha siyang pagod. Ang taong iyon ay si Millie Hill. Maraming taon niyang nakatrabaho nang masaya si Trinity at isa rin siyang sikat na award-winning actress sa industriya. Isa siya sa magagaling na aktres nang nagtulungan ang mga babaeng artista para ipahiya si Michelle sa event ng mga Tanner. Kahit na maarte siya at paminsan-minsang nangangarap na magkaroon ng sugar daddy, walang makakatalo sa talento at galing niya. May parte siya sa ilang pelikula ni Trinity na nanalo ng awards. Sa madaling salita, pareho silang nagbigay ng malaking kontribusyon sa karera ng isa't-isa papunta sa araw na ito. “Ibig kong sabihin, pwede mo bang palitan ang second lead?” Prangka si Millie. “Sa lagay ng filming natin ngayon, k
Lumapit si Trinity para tignan nang seryoso si Michelle. “Michelle, ang eksenang to ay isang close-up shot, kaya kailangan namin ang kooperasyon mo.“Ibig sabihin ay ang take na'to… ay may totoong sampal.”“Ano?!” Nanlumo ang mukha ni Michelle. Tumawa siya pagkatapos ng isang sandali, “Hah, ito lang ba ang alam ng sikat na direktor na si Ms. Trinity Lulham? Bakit kailangan totoo ang sampal?”Sinubukan ni Trinity na manatiling kalmado. “Sinabi ko na sa'yo. Isa tong close-up shot. Para makuha ang pinakamagandang effect, kailangan nitong maging totoong sampal. Pero wag kang mag-alala, isang batikang aktres si Millie. Madalas niyang gawin ang ganito sa filming nitong huli. Alam niya kung paano kontrolin ang sarili niya.”“Imposible!” Tinitigan siya nang masama ni Michelle. “Trinity, sinasadya mo to, ano? Kailangan ko bang hayaang masahasaan ng kotse sa isang accident scene kung kailangan kong masampal nang totoo sa slapping scene?”Walang nasabi si Trinity sa sandaling iyon. Noon…
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala