Isang babaeng hindi makalimutan?Nalito ulit si Zephyr. Bakit ito tinatanong sa kanya ni Cordelia ng biglaan? Hindi naman sa may taong ganito para sa kanya!Gayunpaman, halata na pinaghandaan ni Cordelia ang patibong na hapunan na ito…Huminga ng malalim si Zephyr. Hindi pwedeng makatakas siya dito. May narinig siguro si Cordelia na gumagawa ng istorya tungkol kay Zephyr.Ang prayoridad ni Zephyr ngayon ay ang iligtas ang sarili niya, pero ang proseso ay hindi pwedeng masyadong intensyonal. Kailangan niya itong gawin ng mabagal at ipaalam niya kay Cordelia na kaya niyang ipasa ang pagsubok na ito… Pagkatapos ay aalamin niya ang chismosang ito at sasabihin niya kay Nicholas na gamitin ang pang torture sa taong ito!“Ano ang ginagawa mo?” Kumaway si Cordelia sa harap ni Zephyr. “Tinatanong kita. Bakit ka nakatulala? Ayaw mo na ba akong kausapin?”“Syempre hindi!” Tinaas ni Zephyr ang boses niya, tinakot niya si Cordelia at tumingin ito sa kanya ng gulat.Mabilis na hinawakan ni Ze
“Gabi na, Mr. Smith. Naistorbo ba kita?”Ngumiti si Mr. Smith. Tahimik ang bar. Paminsan-minsan ay may mga saxophone na tumutugtog lugar. Naririnig siya ng mga katabi niya noong may nagsalita siya sa phone.Tumingin sa kanya si Robert ng may pagtataka. Kinuha niya ang baso ng whisky at saka dahan-dahang ibinaba.Malumanay na nagtanong si Mr. Smith, "May kailangan ka ba, Ms. Jenner?"“Imbestigahan mo ang isang tao para sa'kin,” ang sabi ni Cordelia. “Alamin mo ang lahat ng tungkol sa kanya! Ayaw ko yung opisyal na impormasyon sa Internet… Naiintindihan mo naman ang ibig kong sabihin, di ba, Mr. Smith?”“Sige, agad ko itong gagawin. Sino kaya ang tinutukoy ni Ms. Jenner?”“Si Michelle Carmichael mula sa Sol Entertainment.”Nabigla si Mr. Smith at tumingin siya kay Robert ng may pagdududa. Matalino siya at kilalang-kilala niya si Cordelia. Hindi niya iimbestigahan ang isang tao ng walang dahilan.Narinig na niya ang tungkol kay Michelle. Maituturing siyang isang kaakit-akit na b
Patapos na ang mga paghahanda para sa bagong movie. Malapit nang magsimula ang shooting. Gayunpaman, tila wala sa sarili si Trinity. Hindi siya nakadalo sa ilang mga meeting. Noong niyaya siya ni Cordelia para magkape, inilapag niya ito pagkatapos niyang lumagok ng dalawang beses. Malungkot siyang tumingin sa labas ng bintana. Pakiramdam ni Cordelia ay mukha siyang isa sa mga bidang babae sa mga pelikula na kakatapos lang makipaghiwalay sa karelasyon niya. Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya nang maisip niya iyon. Anong gagawin ni Trinity sa pelikula kung kakahiwalay lang niya sa karelasyon niya? Alam ni Cordelia na ang isang taong gaya niya, na umaasa sa talento niya, ay uunahin ang kanyang nararamdaman at inspirasyon upang makagawa ng mga pelikula. Gusto siyang kausapin ni Cordelia, ngunit hindi niya mabanggit ang tungkol dito kung hindi si Trinity ang magsisimula. Nababagot na siya, kaya nilabas niya ang kanyang phone at nagsimulang magscroll. Biglang napako ang atensy
Nagulat si Cordelia. “Si Mr. Constable?”Sinubukan agad itong pagtakpan ni Trinity. "Ah, wala. Nagtatanong lang ako! Hindi ba siya ang matalik na kaibigan ng asawa mo? Naisip ko lang na siguradong nandoon siya kung pupunta ang asawa mo!"Tumango si Cordelia at naisip niya na may kakaiba kay Trinity.Alam ni Trinity na napakatalino niya kaya baka mabisto niya siya.Kaya naman, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang piliting ngumiti para mapagtakpan ito. “Err… Kailangan ko talagang makausap si Mr. Constable! Gusto ko siyang tanungin tungkol sa film rights law, at pati na rin sa…”"Film rights?" Muli nanamang nagulat si Cordelia. “Bakit mo inaalala ‘yun? Napaka-propesyonal ng Imperial Media sa batas. Nakapag-draft na sila ng kontrata!"Nagulat si Trinity. Namula ang mga pisngi niya na para bang nilalagnat siya.Natawa si Cordelia.Karaniwang hindi gaanong nagsasalita si Trinity, pati na rin ang tungkol sa isang tao.Gayunpaman, muli siyang nagpakita ng isa pang side niya
“Single pa naman siya. Nakuha ko na ang impormasyong ‘yun!”“Pero… paano naman si Mr. Constable?”Sumimangot si Michelle.Alam niya na gusto siya ni Fredric mula pa noong nag-aaral pa sila. Ilang taon na ang lumipas, at alam niya na gusto pa rin siya ni Fredric.Gayunpaman, hindi niya siya gusto.Ang mga Constable ay isang pamilya lamang ng mga akademiko. Masyado silang naiiba sa mga major family na tulad ng mga Hamerton at mga Bayer.Siya ang naging queen bee sa paaralan noon. Natural, kailangan niyang pakasalan ang pinakamahusay!Medyo nag-alala si Nancy. “Mich, gusto mo ba talagang lapitan si Zephyr? Sa tingin ko hindi na masama si Mr. Constable. At least tapat siya sa nararamdaman niya para sa’yo...“Samantala, mahirap basahin si Zephyr. Kinalulungkot ko na hindi siya mapapasa’yo.""Anong pinagsasabi mo!" Tiningnan siya ng masama ni Michelle.Itinikom ni Nancy ang kanyang mga labi at tumahimik.Alam niyang talentado si Michelle at ambisyosa rin.Marahil ay minalas siya
Magalang na tumango si Fredric at ikinuha niya ng isang baso ng wine si Mandy. Napahanga siya sa itsura ni Fredric ngayon. Sa pagkakatanda niya, madalas ay napakaseryoso niya. Marahil ay dahil ito sa trabaho niya kaya tahimik siya at halos hindi ngumingiti. Lagi siyang nakasuot ng suit. Madalas siyang nasa korte o papunta sa korte. Ngayong araw, nakakagulat na nagsuot siya ng isang beige na suit. Hindi babagay sa lahat ang ganitong kulay. Gayunpaman, bagay na bagay ito sa kanya. Mukha siyang isang modelo na naglakad palabas ng poster. Tiningnan maigi ni Mandy si Fredric at natawa siya. “Napakagwapo mo ngayon, Mr. Constable! Dapat ganito manamit ang mga batang tulad mo. Mukhang mas masigla kang tingnan dahil sa kulay ng suot mo!”Umubo siya ng mahina, at makikita ang ngiti sa kanyang mga mata.Mayroon siyang hinahanap na tao sa lugar.Hindi niya alam na may ibang taong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Pumili pa ang taong iyon ng suit na kapareho ng kulay ng sa kanya.Pini
Nablanko ang isip ni Michelle. Tulala siyang tumayo sa harap ng lalaki, at hindi siya naglakas loob na huminga.Napansin niya na malamig at walang emosyon si Zephyr noong nag-aaral pa sila. Ngayong nakapagtapos na sila, lalo pa siyang lumamig kaysa uminit.Sa kabila noon, ayaw umatras ni Michelle. Kung sabagay, ang temptasyon ng pangalan ng mga Hamerton ay makabuluhan pa rin.Huminga siya ng malalim at mabilis na inayos ang kanyang sarili, nagpakita siya ng pilit ngunit natural na ngiti."Zephyr, ilang taon tayong hindi nagkita, tapos ganito mo tatratuhin ang dati mong schoolmate?"Tumalim ang mga mata ni Zephyr.Napakakulit ng babaeng ito. Kung hindi pinaalala ni Josiah sa kanya, hindi niya maaalala na schoolmate niya siya noon.Kasabay nito, nainis siya na walang mensahe sa kanya si Cordelia.Tumayo si Zephyr para umalis.Naalarma si Michelle nang makitang aalis na si Zephyr at agad niya siyang sinundan, ngunit maya-maya lang ay may nakita siyang ibang babae na papunta sa ka
Nagmadaling pumunta si Cordelia sa mga Tanner pagkatapos niyang magtrabaho at naalala lang niyang magpadala ng text kay Zephyr noong papunta na siya.[Matagal ka bang naghintay? Malapit na ako!]Nababagot na si Zephyr sa loob ng banyo, halos mapatalon siya sa sopa nang tumunog ang phone niya. Ito ang private phone niya na tanging numero lamang ni Cordelia ang naka-save.Sa wakas naisip na siya ng babaeng ‘to, ha?Naningkit ang mga mata ni Zephyr at paulit-ulit na binasa ang text, at isang hindi kapansin-pansing ngiti ang nagbigay kulay sa kanyang mga mata. Naisip niya na hindi siya dapat sumagot ng ganun kabilis. Dapat niyang hayaan na matikman ni Cordelia kung paano maghintay ng matagal—sa loob ng hindi bababa sa 15 minuto!Sa kabila nito, sampung segundo pa lang ang lumipas mula nang matanggap niya ang text, tumitipa na ng mabilis ang mga daliri niya sa screen.[Ayos lang. Mahalaga ang trabaho!]Nakatitig siya sa screen habang nakangiti pagkatapos niya itong ipadala bago bigla
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala