“Ayos lang sa akin kung may gusto sayo ang ibang tao!”Nakaramdam ng parating na krisis si Zephyr dahil sa sinabi ni Zephyr.Nakatayo siya sa labas ng pinto, napuno siya ng selos na tulad ng inaasahan.Alam niya na parang isang diamante si Cordelia at hindi niya pwedeng itago lang si Cordelia sa bahay kahit na gusto niya. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang karibal niya sa pag ibig ay isang babae!Sumimangot si Zephyr, bumaba siya sa hagdan at nilabas niya ang phone niya sa balkonahe.Hindi rin siya naniniwala sa spekulasyon tungkol sa sekswalidad ni Trinity, ngunit mas mabuti na ang ligtas kaysa pagsisihan niya ito. Ang gumawa ng solusyon ay mas maganda kaysa wala kapag dumating ang oras na kailangan mo ito.Matagal na nagring ang phone ni Robert.Naglalaro siya ng baraha kasama si Josiah. Naalala niya ang ilang leksyon na natutunan niya noon, determinado siya na hindi ipakita ang sarili niya sa harap ni Zephyr, kaya habang mas malayo siya, mas mabuti ito. Kailangan niya ha
Maraming ginagawa si school noon, at ang lahat ng nag aaral doon ay talentado talaga. Lahat sila ay nagsikap at naunta sa tuktok.Sa mga araw na yun, may malaking nangyari na pinag usapan ng mga tao tuwing may oras sila.May isang anonymous love letter na natagpuan sa locker ni Frederic sa changing room ng mga lalaki. Ang sender ay nanatiling misteryo hanggang sa graduation nila.Kumunot ang noo ni Zephyr. Hindi niya alam kung bakit binabanggit ito ni Josiah.“Basta, nagsimulang gumawa ng mga film si Trinity pagkatapos ng graduation.” May malaking ngiti sa mukha ni Josiah. “Pero lagi niya pa ring kausap si Frederic!”Agad na may napagtanto si Zephyr.Ibig sabihin ay si Trinity ang nagsend ng love letter noon!Nakahinga siya ng maluwag. Kung ito talaga ay si Trinity, ibig sabihin ay mahilig sa lalaki si Trinity. Ngunit…Huminto si Zephyr at sinabi niya ng may seryosong ekspresyon, “Pero naalala ko na may crush si Frederic noong nasa school tayo.”Tumawa si Josiah.Ang crush ni
Tumawa ng peke si Cordelia at sinuntok niya si Zephyr.“Kausap ko sa phone is Josiah.” Nagsinungaling ng seryoso si Zephyr. “Maganda ang sitwasyon nila ni Kelly nitong nakaraan, at araw-araw silang naghahanap ng mga shop na sikat sa social media. May nahanap ulit silang isa… at sinabi nila sa akin na subukan natin ito!”Kumurap si Cordelia. “Seryoso ba siya kay Kelly? Hindi pwedeng may gusto lang siya ng saglit at wala na siyang pakialam kapag tumagal!”Ngumiti ng maliit si Zephyr. “Mayaman si Josiah at madalas siyang walang pakialam sa mundo. Minsan din ay pabago bago ang isip niya… Pero garantisado ko na isa siya sa mga bihirang lalaki na mabuti sa mundong ito.”“Oh, hindi ko inaasahan na mataas ang tingin mo sa kanya!” Kuminang ang mga mata ni Cordelia. “Sasabihin mo ba sa akin na mas mabuting lalaki ka dahil ang kaibigan mo ay isang mabuting lalaki rin?”“Birds of a feather flock together,” Ang seryosong sagot ni Zephyr. “Hindi ako magiging humble dahil dito, at natural na dis
Hinagis ni Marcus sa sahig ang upos ng sigarilyo habang ngumisi siya ng malupit, nasunog ang maliit na parte ng cashmere carpet.Sumigaw si Joanne. Ang carpet ay mahal at isa ito sa mga importanteng bagay sa Jenner residence na nauubusan na ng gamit.“Marcus Grist, lintik ka!”Hana na makipag away si Joanne, ngunit pinigilan siya ni William.“Bakit mo ako pinipigilan?!”“Umatras ka!” Tumingin ng masama si William kay Joanne.Laging pinipigilan ni William si Joanne nitong mga nakalipas na taon. Kapag nagagalit ang lalaking ito, si Joannie ay hindi nagsasalita at umaatras lang siya ng tahimik.Hirap si William na tumayo mula sa sahig, ang likod at baywang niya ay masakit.“Marcus.” Humniga siya ng malalim at tumingin siya sa lalaki ng may komplikadong tingin. “Tama ka. Ang pamilya natin ay matagal nang magkakaibigan. Dapat kitang alagaan.”Tumingin si Marcus kay William at ngumisi siya ng malupit.“Pwede kang tumira ng libre dito.” Binabaan ni William ang boses niya. “Pero dapa
Tumunog ulit ang tili ni Joanne sa bahay.Pinagpag ni Marcus ang kanyang mga kamay. Kinuha niya ang wallet ni William mula sa bulsa nito at umalis siya.Kung walang pagkain sa bahay, kakain na lang siya sa isang restaurant!Pagkatapos umalis ni Marcus, umupo si Joanne sa sahig ng tulala habang puno ng pagdurusa ang kanyang mga mata.Umungol sa sakit si William habang hirap siyang tumayo sa sahig at pumasok siya ng mabagal patungo sa study room. Kinapa niya ang bulsa niya—swerte, gusto lang ni Marcus ang pera at hindi nito kinuha ang phone niya. Wala na masyadong pera sa wallet niya, at ang phone niya ang natitirang huling savings niya.Maririnig ang iyak ni Joanne mula sa sala.Nagbuntong hininga si William at nagdial siya ng number. Nagring ito ng matagal ng walang sumasagot. Nang ibababa niya na ito, may malupit na boses na nagsalita, “Mr. Jenner?”“Hah, naaalala mo pa ako?” Narinig ni William ang panlalait sa mga salitang ito, ngunit wala siyang oras, kaya tinanong niya ng di
Nalito si Cordelia habang pinapakinggan ito.Sa totoo lang, tio ay tatlong mga lalaki lang na nag sasama sa isang bar at nag uusap habang umiinom. Parang wala namang mali dito.“Linda, tama ba… ang narinig mo?” Alam ni Cordelia na mabilis uminit ang ulo ni Linda. “Paano mo naman nalaman na si Zephyr ang naghahangad sa taong yun?”“Narinig ko mismo!”“Pero maingay ang mga bar. Hindi kaya’t mali lang ang pagkakarinig mo?”“Edi… Edi sasabihin ko lahat sayo ang narinig ko!”Sinabi ni Linda kay Cordelia ang lahat ng nangyari.Sa katotohanan, simple lang ang sitwasyon…Ang mga lalaki ay pumasok sa private room at nagbukas ng isang bote ng whisky habang malakas na sinabi ni Josiah, “Guys, bumalik na ang babaeng mahirap makalimutan ni Frederic, alam niyo ba?”Sa halip ang narinig ni Lina: “Bumalik na ang babaeng mahirap makalimutan, alam niyo ba?”“Diyos ko, sa lahat ng oras, ngayon pa! Pag uusapan namin ni Z kung paano sila magkikita sina Frederic at Trinity!”Ang bersyon ni Linda
Umuwi si Zephyr ng araw na ito, nakita niya lang na naging busy si Cordelia sa kusina.Naging busy si Zephyr sa trabaho ng buong araw at ang tanghalian niya ay konti lang bago siya nagsimulang magbasa ng maraming mga importanteng dokumento. Nang matapos na ang lahat sa hapon, doon niya lang naramdaman ang tiyan niya na masakit at walang laman.Sinabi niya na may gastritis siya noon upang makuha ang atensyon ni Cordelia, hindi niya inaasahan na mangyari talaga ito!Sa oras na pumasok si Zephyr, nalanghap niya ang mabangong amoy sa bahay at agad siyang nagutom.Nang makita niya na nagluluto ang babae niya para sa kanya, ngumiti siya lalo sa kuntento.Ang mga ordinaryong gawain sa bahay na tulad nito ang gusto niya noong nasa Jangasas sila.Ibinaba ni Zephyr ang hawak niya at tinanggal niya ang jacket niya. Pupunta na siya sa kusina nang lumabas si Cordelia na may dalang sarciadong isda.“Nakauwi ka na!” Lumapit ang babae kay Zephyr.Huminto si Zephyr. Hindi niya alam kung ito ay
Isang babaeng hindi makalimutan?Nalito ulit si Zephyr. Bakit ito tinatanong sa kanya ni Cordelia ng biglaan? Hindi naman sa may taong ganito para sa kanya!Gayunpaman, halata na pinaghandaan ni Cordelia ang patibong na hapunan na ito…Huminga ng malalim si Zephyr. Hindi pwedeng makatakas siya dito. May narinig siguro si Cordelia na gumagawa ng istorya tungkol kay Zephyr.Ang prayoridad ni Zephyr ngayon ay ang iligtas ang sarili niya, pero ang proseso ay hindi pwedeng masyadong intensyonal. Kailangan niya itong gawin ng mabagal at ipaalam niya kay Cordelia na kaya niyang ipasa ang pagsubok na ito… Pagkatapos ay aalamin niya ang chismosang ito at sasabihin niya kay Nicholas na gamitin ang pang torture sa taong ito!“Ano ang ginagawa mo?” Kumaway si Cordelia sa harap ni Zephyr. “Tinatanong kita. Bakit ka nakatulala? Ayaw mo na ba akong kausapin?”“Syempre hindi!” Tinaas ni Zephyr ang boses niya, tinakot niya si Cordelia at tumingin ito sa kanya ng gulat.Mabilis na hinawakan ni Ze
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala