Tahimik na tumingin sa kanya si Marcus nang may madilim na titig. Walang ekspresyon sa malamig niyang mukha pero isang kumplikadong emosyon ang bumugso sa loob ng madilim niyang mga mata. Bigla itong napagtanto ni Cordelia, 'Nakikipagkita ako sa mga kliyente at pinag-aaralan ko ang client profiles kaya sana hindi siya magkamali ng akala…' "Marcus! H-Hindi ganun ang ibig kong sabihin!" Nagmadali siyang nagpaliwanag, "Hinding-hindi ko tatalikuran ang kasal natin. Ang sinasabi kong pagsisinungaling sa'yo ay…" Huminto siya, binasa ang mga labi niya, at tahimik na nagsabi, "Kung isang araw, napagtanto mong hindi ka nararapat na maging sobrang bait sa'kin, anong gagawin mo?" Tumingin sa kanya si Marcus nang ilang sandali bago siya tumawa. Wala siyang sinabi. Sa halip, niyakap niya siya nang marahan at hinaplos ang mahaba niyang buhok. Nakasandal ang mukha ni Cordelia sa dibdib niya habang pinapakinggan niya ang malakas na tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay ligtas na ligtas siya
Medyo nagbago ang ekspresyon ni Marcus.Sa tabi niya, si Robert ay sumenyas sa kanya na tumingin sa labas.Nakita niya ang asawa niya mula sa bintana ng kotse, nakatayo ito sa gitna ng kalsada. Dumaan ang mga tao sa paligid ni Cordelia. Ang landmark building sa likod niya ay ang headquarters ng Hamerton Group.Nilagay ni Cordelia ang phone sa kanyang tainga, naghihintay siya ng sagot ni Marcus.Nagbuntong hininga si Marcus at sinabi niya ng mahina habang nakangiti. “Dati… gumawa ako ng gulo sa Centrolis, kaya matagal din akong nandoon.”Napahinto si Cordelia, pagkatapos ay binago niya ang kanilang pinag uusapan.Nanonood si Robert. Wala siyang ideya kung ano ang pinag uusapan ni Marcus sa phone, ngunit nakangiti siya ng masaya.Hindi niya pa nakita na may ganitong ekspresyon si Marcus dati.Nagtanong lang siya ng tahimik pagkatapos makita na ibinaba ni Marcus ang phone habang pinapanood na maglakad palayo si Cordelia at ang katrabaho nito, “Sir, dapat po ba nating ayusin ang mg
Walang progress sa project sa nakalipas na mga araw. Hindi man lang makapasok si Cordelia at Annie sa Bayer Group.Nadiskurahe si Annie. Umupo siya sa tabi ng kalsada, tila pagod na pagod.Umaapoy ang sinag ng araw. Nakakairita ang init nito.Binigyan siya ni Cordelia ng isang bote ng tubig habang nakangiti. “Kumain muna tayo ng tanghalian. Susubukan ulit natin ngayong hapon.”“Wala na, Cordelia.” Tila walang gana ang boses ni Annie. “Mukhang totoo ang sinabi ni Jesse. Mahirap sakupin ang Centrolis market. Maraming araw na tayong nandito. Hindi natin makaharap ang taong namumuno, paano pa si Mr. Bayer!”“Ang mungkahi ko ay sumuko na tayo…” Ngumuso si Annie. “Hindi ko alam kung gaano katagal ang hihintayin natin kapag nagpatuloy ito!”“‘Wag mong sabihin ‘yan!” Determinado si Cordelia. “Dalawang taon ka nang nasa sales ngayon. Alam mo dapat na ang pagsecure ng sales mula sa isang meeting ay imposible. Kapag nagkaroon tayo ng kahit maliit na pagkakataon para ibigay ang proposal nati
Tumawa ng konti si Marcus habang nasa phone.Gayunpaman, hindi klaro ang ibig sabihin nito. Hindi malaman ni Josiah kung bakit tumawa si Marcus, kaya tinanong niya, “Mr. Z… Bakit siya lumapit sa akin? Para sa trabaho?”Huminto si Marcus. Nang maalala niya na nagreresearch si Cordelia tungkol kay Josiah ng buong gabi, bumalik ang sama ng loob niya.“Dahil gwapo ka!” Ibinaba niya ang phone pagkatapos itong sabihin ng galit.Buong araw na napuno ng takot si Josiah.Sa huli, nagdesisyon siya na maghintay. Hihintayin niya na makita kung ano ang susunod na gagawin ni Cordelia.…Kinabukasan, mag isang naghintay si Cordelia sa entrance ng Splendor Dynasty.Ang gusali na kasing ganda ng isang kastilyo, ay maliwanag. Masigla ang loob nito. May mga luxury car na nakapark sa buong lugar. Ang ilan ay may private helicopter sa helipad sa likod ng hotel.Ang mga imbitado dito ay mga taong may mataas na status.Hindi bagay ang simpleng damit ni Cordelia sa event.Sinubukan niyang magtago s
“N-Nagkakamali ba kayo?”Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, sumigaw si Yelena ng may matining na boses, “Paano nangyari na siya ang hinahanap niyo?!”“Pwede ko bang malaman kung kayo si Ms. Cordelia Jenner?” Nakangiti ang lalaki, ngunit malamig ang mga mata niya. “Knung hindi, umatras kayo!”“Ikaw—”“Ito ang Plendor Dynasty. Ang mga Hamerton ang host ng dinner,” Ang sabi ng lalaki. “Trabaho ko para magdesisyon kung sino ang welcome at kung sino ang hindi. Hindi ko kailangan ng tulong niyo para gawin ang trabaho ko!”Namutla ang mukha ni Yelena sa galit. Nanginig ang sulok ng mga labi niya, at hindi siya makaimik.Nagkatinginan sina Joanne at William. Naisip nila na kakaiba ang nangyayari.Si Cordelia! Paano nangyari na ang isang anak sa labas ay nararapat sa ganitong event?!“Ms. Jenner.” Lumapit ang lalaki kay Cordelia at tumango ito ng magalang. “Sumama kayo sa akin.”Bumilis ang tibok ng puso ni Cordelia. Na para bang tinamaan siya ng kidlat, ang isip niya ay blank
Nabigla rin si Marcus.Halata ba talaga ang galit niya? Bakit siya nagseselos kay Josiah para sa wala? Sumusunod lang sa kanya si Josiah simula pa noong bata sila.Pagkatapos umubo ng mahina, kinuha ni Marcus ang mug at uminom siya ng tubig mula dito. Nanatili siyang tahimik.Ang isang pares ng mga malabot na mga kamay ang humaka sa kanya.Kasunod nito, ang isang mabangong amoy ang dumaan sa ilong niya.“Hubby.” Ang boses ni Cordelia ay maamo na parang cotton candy. Nagpakita siya ng isang matamis na ngiti. “Titigil ako kung ayaw mong nagkukwento ako tungkol sa trabaho.”Napangisi si Marcus. Gumaan na ang loob niya ngayon.“Hindi naman sa ayaw kong makinig ang kwento mo tungkol sa trabaho.” Lumingon siya para tumingin kay Cordelia at sinabi niya ng mabagal. “Binabanggit mo lang kasi si Mr. Bayer ng buong gabi. Pwede bang iba naman?”Lumaki ang mga mata ni Cordelia. “Ano ang gusto mong ikwento ko?”“Tulad ng…” Huminto siya. “Hindi ba’t ang mga Hamerton ang nag host ng party? Sy
Sa top floor ng Regalia Hotel..Sumandal si Marcus sa malaking sofa. Ang panahon ay hindi maganda ngayon. Makapal ang ulap sa ibabaw ng dagat, mukhang walang hangganan ito tulad ng kirot sa puso niya.“Hindi ka ba interesado kay Mr. Z Hamerton?”“Aangat ka sa lipunan kapag nagkagusto siya sayo!”…Humigpit ang hawak ni Marcus sa wine glass.Gusto niya lang makipag biruan kay Cordelia, ngunit hindi niya inaasahan ang ganito kalaking reaksyon mula kay Cordelia. Hindi lang sa hindi siya hinayaan ni Cordelia sa bedroom nitong mga nakalipas na araw, malamig din ito sa kanya. Naghanda ng pagkain si Cordelia at nilinis niya ang bahay tulad ng dati, ngunit malamig at dumidistansya siya kay Marcus.Si Marcus, na madalas ay kalmado at mahinahon, ay halos nasakal dahil dito, halos masira ang ulo niya. Kung pwede lang siyang bumalik sa oras, sasakalin niya ang sarili niya!May isang helicopter na bumaba sa helipad sa hindi nalalayo. Ang hangin mula sa umiikot na mga propeller ay gumulo sa
Napahinto si Cordelia. Nang marinig niya ang boses ni Jesse, naging alerto siya bigla.Hindi mapigilan ni Jesse na tumawa nang lumapit siya at nakita na ganito si Cordelia. Lumingon siya para tumingin kay Annie. “Pwede ka nang bumalik. Maiiwan si Cordelia.”Walang magawa si Annie kundi ang maunang umalis, ngunit paulit ulit siyang tumitingin sa likod para tingnan si Cordelia, nag aalala siya. Alam ng lahat ang binabalak ni Jesse para kay Cordelia. Binabalak niya ba na manatili dito ng dalawa lang sila?Huminto si Annie nang makarating siya sa company exit.Bago pa sila pumunta ni Cordelia sa businesstrip noon, nakasaad sa patakaran ng kumpanya na ang bawat empleyado ay dapat mag iwan ng emergency contact para sa kumpanya at sa partner nila. Naalala niya na nakasave ang contact ng asawa ni Cordelia, si Marcus.Hinanap ni Annie ang number ni Marcus sa phone contacts niya at nagsend siya ng text dito pagkatapos ng ilang sandali ng pagdadalawang isip.…Ngumisi si Jesse kay Cordelia