Nabigla rin si Marcus.Halata ba talaga ang galit niya? Bakit siya nagseselos kay Josiah para sa wala? Sumusunod lang sa kanya si Josiah simula pa noong bata sila.Pagkatapos umubo ng mahina, kinuha ni Marcus ang mug at uminom siya ng tubig mula dito. Nanatili siyang tahimik.Ang isang pares ng mga malabot na mga kamay ang humaka sa kanya.Kasunod nito, ang isang mabangong amoy ang dumaan sa ilong niya.“Hubby.” Ang boses ni Cordelia ay maamo na parang cotton candy. Nagpakita siya ng isang matamis na ngiti. “Titigil ako kung ayaw mong nagkukwento ako tungkol sa trabaho.”Napangisi si Marcus. Gumaan na ang loob niya ngayon.“Hindi naman sa ayaw kong makinig ang kwento mo tungkol sa trabaho.” Lumingon siya para tumingin kay Cordelia at sinabi niya ng mabagal. “Binabanggit mo lang kasi si Mr. Bayer ng buong gabi. Pwede bang iba naman?”Lumaki ang mga mata ni Cordelia. “Ano ang gusto mong ikwento ko?”“Tulad ng…” Huminto siya. “Hindi ba’t ang mga Hamerton ang nag host ng party? Sy
Sa top floor ng Regalia Hotel..Sumandal si Marcus sa malaking sofa. Ang panahon ay hindi maganda ngayon. Makapal ang ulap sa ibabaw ng dagat, mukhang walang hangganan ito tulad ng kirot sa puso niya.“Hindi ka ba interesado kay Mr. Z Hamerton?”“Aangat ka sa lipunan kapag nagkagusto siya sayo!”…Humigpit ang hawak ni Marcus sa wine glass.Gusto niya lang makipag biruan kay Cordelia, ngunit hindi niya inaasahan ang ganito kalaking reaksyon mula kay Cordelia. Hindi lang sa hindi siya hinayaan ni Cordelia sa bedroom nitong mga nakalipas na araw, malamig din ito sa kanya. Naghanda ng pagkain si Cordelia at nilinis niya ang bahay tulad ng dati, ngunit malamig at dumidistansya siya kay Marcus.Si Marcus, na madalas ay kalmado at mahinahon, ay halos nasakal dahil dito, halos masira ang ulo niya. Kung pwede lang siyang bumalik sa oras, sasakalin niya ang sarili niya!May isang helicopter na bumaba sa helipad sa hindi nalalayo. Ang hangin mula sa umiikot na mga propeller ay gumulo sa
Napahinto si Cordelia. Nang marinig niya ang boses ni Jesse, naging alerto siya bigla.Hindi mapigilan ni Jesse na tumawa nang lumapit siya at nakita na ganito si Cordelia. Lumingon siya para tumingin kay Annie. “Pwede ka nang bumalik. Maiiwan si Cordelia.”Walang magawa si Annie kundi ang maunang umalis, ngunit paulit ulit siyang tumitingin sa likod para tingnan si Cordelia, nag aalala siya. Alam ng lahat ang binabalak ni Jesse para kay Cordelia. Binabalak niya ba na manatili dito ng dalawa lang sila?Huminto si Annie nang makarating siya sa company exit.Bago pa sila pumunta ni Cordelia sa businesstrip noon, nakasaad sa patakaran ng kumpanya na ang bawat empleyado ay dapat mag iwan ng emergency contact para sa kumpanya at sa partner nila. Naalala niya na nakasave ang contact ng asawa ni Cordelia, si Marcus.Hinanap ni Annie ang number ni Marcus sa phone contacts niya at nagsend siya ng text dito pagkatapos ng ilang sandali ng pagdadalawang isip.…Ngumisi si Jesse kay Cordelia
“Hindi ba’t sa tingin mo ay kakaiba ang kinikilos ni Josiah Bayer?”“Ano ang kakaiba?” Walang pakialam si Jesse. “Ang lahat ng lalaki ay parepareho kapag nakakita sila ng isang magandang babae.”“Totoo… Pero ang itsura niya ay parang hindi siya nakakita ng isang magandang babae. Parang nakakita siya ng multo ng ninuno niya!”Halos tumawa ng malakas si Jesse. Tinakpan niya ang bibig niya ay sinuri niya ang paligid bago niya hininaan ang boses niya para sabihin kay Michael, “Mr. Johnson, nakapag handa na ako. Ang kwarto ay…”Ang puso ni Cordelia ay napatalon mula sa lalamunan niya. Tahimik siyang lumapit at nakinig siya ng mabuti.Ang hotel ay malayo sa bayan, halos walang tao sa paligid pagsapit ng gabi.Humigpit ang kamao niya at napuno ng galit ang dibdib niya.Ngumiti rin ng masama si Jesse. “Isa itong tagong lugar. Kahit na sumigaw ng todo si Cordelia, walang kwenta ito! Pipirmahan ni Mr. Bayer ang kahit ano kapag sapat na ang pagsasaya niya!”“Ah oo nga pala, Mr. Johnson, n
“Ms. Jenner, kumalma ka.” Lumayo si Josiah kay Cordelia. “Hinahatid kita pauwi.”Tumingin si Cordelia sa labas. Hindi ito ang daanan pauwi!Sa totoo lang, alam ni Josiah ang binabalak nila Michael at Jesse. Ang kotse ay kakaalis lang sa hotel. Kailangan niya magpanggap sa halip na ihatid pauwi ng direkta si Cordelia. Ito ang rason kung bakit dumaan siya sa mas mahabang daanan.Gayunpaman, hindi ito alam ni Cordelia! Naging mas alerto siya at nanginig siya ng konti. Tinanggal niya na ang bag strap niya at mahigpit niya itong hinawakan.Ano ang iniisip niya ay ang self-defense ng isang babae. Kumalma siya at nag isip siya ng mabuti. May tatlong tao, kasama na ang driver, sa masikip na lugar na ito. Maliban sa kanya, ang dalawa ay malakas na mga lalaki. Hindi niya pwedeng labanan ang mga ito ng direkta.Nagkataon na nakaupo siya sa likod ng driver… Tinikom niya ang mga labi niya, at ang malaking mga mata niya ay nakabantay sa gagawin ni Josiah.…Binuksan ni Marcus ang phone niya h
Dumilat ang mga mata ni Cordelia. Naramdaman niya na para bang naghiwalay ang mga buto niya. Hindi niya makayanan ang sakit.Nakita niya ang mga puting pader at ang amoy ng antiseptic habang puno siya ng bandage mula ulo hanggang paa. Ang kakaiba pa dito ay nakataas ang paa niya.Nabigla siya nang may isang malaking kamay na humawak sa mga kamay niya, ang init nito ay pumasok sa puso niya.Lumingon si Cordelia para makita ang mga mata ng isang lalaki.Tumingin ito sa kanya ng may komplikadong mga emosyon. Pag aalala, galit, pagmamahal… at pagsisi sa sarili. Pinilit ngumiti ng lalaki at hinimas nito ang buhok ni Cordelia, sinabi nito ng namamaos. “Gising ka na.”Nanginginig ang ulo ni Cordelia. Maliban sa sakit, wala siyang maramdaman na kahit ano.“Ano ang nangyari sa akin?”“Hindi mo maalala?” Hinawakan ni Marcus ang kamay ni Cordelia at hinimas niya ito.Tuyo ang mga labi ni Cordelia, at ang lalamunan niya ay uhaw—para bang nasusunog ito. Bumalik ang malay niya, at naalala ni
Nilaro ni Marcus ang mahabang buhok ni Cordelia ng nakangiti, nang makita niya na medyo malungkot ito.“Anong problema?”Nagbuntong hininga si Cordelia at tumawa siya ng awkward.“Wala akong magandang ideya para makapaghiganti sa kanila,” Sinabi niya ng mahina. “Ayaw kong makalabas ang tungkol dito dahil hindi ito maganda. Ang mga tao na tulad nila ay nabubuhay na parang walang nangyari pagkatapos ng ginawa nila, pero wala akong pwedeng gawin sa kanila.”“Pwede lang ako magpanggap na walang nangyari at tiisin ito sa ngayon hanggang sa araw na makapangyarihan na ako para makalaban ko sila at makapaghiganti sa kanila!”Tumawa ng mahina si Marcus habang nakatingin kay Cordelia.Hindi nagpapaapi si Cordelia. Matatag ang babaeng ito, klaro kung ano ang gusto at ayaw, determinado, at matiyaga. Maghihiganti siya kapag may sama ng loob, at kaya niyang maging kalmado at tulungan ang sarili niya sa loob ng isang krisis. May determinasyon at tapang siya para isugal ang lahat.Si Cordelia a
Kailangan magpahinga ni Cordelia para gumaling siya, kaya dinala siya ni Marcus pauwi para alagaan siya nito.Noong una, nag aalala si Cordelia. Hindi alam ni Marcus kung paano gumawa ng gawaing bahay, at kahit ang pagluluto ay isang problema. Ngayon at nasaktan siya, ang bahay ay siguradong magiging magulo.Gayunpaman, kuminang ang mga mata niya sa oras na kinarga siya ni Marcus papunta sa bahay.Ang bahay nila ay malinis. Nasa tamang lugar ang lahat, wala itong pinagbago sa panahon noong hindi pa siya nasaktan.“Hindi na masama, huh?” Tumawa ng malalim si Marcus.Tumingin siya kay Cordelia na parang isa siyang batang lalaki na naghihintay na puriin ng guro.Ngumiti si Cordelia. Naisip niya na hindi niya maiintindihan ang asawa niya, ngunit madala lang ay nakita niya na nagbabasa ito ng finance news sa iba’t ibang lengwahe. Hindi niya inaasahan na kaya rin nitong gumawa ng gawaing bahay!Pagkatapos, naghain ng dalawang pagkain si Marcus.Tinikman ito ni Codelia at nalaman niya