Ang driver ay tumawa ng peke at sinisi niya ang mga kamay niya. Dinala niya sila sa Yale Residence!Sino sa buong Splendor Mountain ang hindi alang ang sama ng loob sa pagitan ng pinakamatanda at pangatlong tagapagmana?“Wala po, wala po!” Mabilis na pinaikot ng driver ang kotse. “Hindi po mabuti sa lugar na ito. Hindi po… swerte ang lumapit dito!”“Talaga?” Nagdududa si Cordelia.Ang mga bahay na yun ay maganda at mukhang mamahalin. Ang mga nakatira siguro doon ay isang taong gusto rin ni Elder Mr. Hamerton.“Ms. Cordelia, dadalhin ko po kayo sa ibang lugar—”Bago pa matapos magsalita ang driver, may isang tao na lumapit mula sa daanan sa tabi. Naalarma ang driver at umapak siya sa preno.Halos tumama si Cordelia sa front seat dahil sa biglang paghinto. Mas lalo siyang nagulat nang huminahon siya at nakita niya kung sino ito.“Yelena?”“Cordelia… Cordelia!”Magulo ang buhok ni Yelena, at wala siyang suot na makeup. Mukha siyang haggard, lalo na at kakaiba ang pagkapayat niya
Bagaman iniisip ni Rowan na hindi karapatdapat ang mga Hamerton kay Cordelia, kailangan pa ring panatilihin ang tamang social etiquette. Kahit paano, walang mapag-iinitan ang iba. Naisip din niya na, bilang ama ni Cordelia, dapat siyang maghanda ng isa pang set ng mga regalo para sa kanya kung hindi siya nakapaghanda ng maayos ngayon upang masilaw ang patriarch ng mga Hamerton! Walang kaalam-alam si Cordelia na ilang libong senaryo na ang naganap sa isipan ni Rowan. Natatawa siyang sumagot, “Siyempre, hindi ako pumunta ng walang dala. Inihanda ng mom ko ang mga regalo para sa'kin!"Naramdaman ni Robert na biglang kumirot ang kanyang puso, at sumikip ang kanyang dibdib. "Ang… mom mo?" “Mm.”Pinilit niyang ngumiti. "Anong inihanda ng mom mo para sa'yo?"Binanggit ni Cordelia ang ilang bagay, na mga bagay na dinadala ng mga babae sa bahay ng isang lalaki sa unang beses na bibisita sila sa Southeast Aciatic. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Rowan. Tila espesyal ang iniha
Nanatailing nakatayo sa kinatatayuan niya si Rowan. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso, at nakaramdam siya ng sakit bago ito tumibok.Kakaiba ang tingin ni Cordelia sa kanya ngunit hindi na niya ito pinag-isipan pa at sumakay na siya sa kotse. Tinawag ni Robert ang tsuper, at magkasama nila siyang inihatid sa bahay ng kanyang ina.Hindi nagtagal pagkatapos na umandar ang sasakyan, nahimasmasan si Rowan at mabilis na sumunod sa kanila. Sinundan niya ang kotse ni Cordelia habang nanginginig ang kamay na nakahawak sa manibela.May ilang beses na lumabo ang kanyang paningin. Ang maganda at matamis na boses, pati na rin ang mga alaala ng ngiti at kilos ng isang tao, ay paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang isipan. Palagi niya itong nakikita na nakasuot ng isang banayad at mahabang lilac na damit na masayang nakangiti sa ilalim ng araw sa tuwing makikita niya siya. Palagi niyang naaalala kung paano siya nagrebelde sa kanyang pamilya at mga kamag-anak nang walang pag-aalinlangan para l
Sa kasalukuyan, gusto lang ni Zephyr na pumunta sa lugar ng kanyang biyenan.Iniisip niya kung susundan ba ni Rowan si Cordelia. ‘Yung matandang ‘yun! Ano bang gusto niya?’…Pagdating ni Cordelia sa bahay, si Xyla ay nagpapaaraw sa araw sa may balkonahe. Napangiti siya nang makitang pumasok ang kanyang anak.“Cordelia, halika!”Nagmadaling lumapit si Cordelia.Itinuro ni Xyla ang mga halaman na mayroon siya at ipinagmalaki ang mga ito sa kanyang anak, "Tingnan mo kung gaano kahusay ang pag-aalaga ko sa kanila! Napakahaba ng buhay ng mga halamang ito. Nabubuhay ang mga ito kahit na minsan sa isang linggo mo lang silang diligan!”Natawa si Cordelia. Sa pagkakatanda niya, ang kanyang ina ay hindi kailanman naging magaling sa pag-aalaga ng mga halaman. Anumang halaman na dumaan sa kanyang mga kamay ay tiyak na malalanta. Minsan niyang ginawang biro na ang tanging buhay na nilalang na hindi napatay ng kanyang ina ay ang kanyang anak na babae at si Carter.Tumingin si Xyla kay Corde
"Pero pag-uusapan kayo ng mga tao habang nagsasama kayo ng hindi pa kasal."Ang malumanay na payo ni Xyla, “Cordelia, babae ka, at mahalaga ang reputasyon mo! Hindi mo alam ang pagkatao niya noon at inakala mo na pinakasalan mo siya. Wala kang kasalanan kung nanatili kayong magkasama. Ngayong alam mo na at gusto mo pa siyang makasama, dapat magpakasal na kayo sa lalong madaling panahon!”“Mom!” Ngumisi ng nakakaloko si Cordelia. "Masyado kang makaluma!"“Hindi ako makaluma. Gusto kitang protektahan!" Hinawakan ni Xyla ang kamay niya. "Hindi ito opisyal o lehitimo hangga't hindi kayo kasal. Nag-aalala ako na baka masaktan ka."Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Cordelia. Naunawaan niya na dahil sa hindi magandang karanasan ni Xyla kay William noon kaya naging lubhang sensitibo si Xyla sa salitang lehitimo.Niyakap niya ang kanyang ina. Habang lumalaki siya, bihira siyang magkaroon ng pagkakataong maglambing at yumakap kay Xyla.Tinapik-tapik ni Xyla ang mga balikat niya ng may
Nagulat si Clark.Karaniwang malamig at mahigpit si Liam. Bihirang magkaroon ng mga ganitong pagkakataon kung saan bumubuntong-hininga siya at tumitingin ng masama. Bihirang mangyari ito, at ang mas nakakapagtaka pa dito ay umasal siya nang ganito dahil kay Cordelia.Ngumiti si Clark at tinulungan ang matanda pabalik sa kanyang kwarto para magpahinga. Ipinadala ng tagapagsilbi ang gamot na iniinom niya gabi-gabi.Inubos ito ni Liam habang nakakunot ang kanyang noo at ibinalik ang mangkok sa tray nang may kalabog.Nag-aalala si Clark. “Sir, may mga side effect ang kahit anong gamot. Sa tingin ko, mas mabuti na bawasan mo ang pag-inom nito.""Ayos lang ako." Ikinumpas ni Liam ang kanyang kamay. "Iniinom ko na ito mula noong bata pa ako. Ilang dekada na ang nakalipas, at nakagawian ko nang inumin ‘to. Isa pa, ang mga ito ay mga holistic herb. Masustansya ang mga ito. Hindi ito delikado!"May gusto pa sanang sabihin si Clark, ngunit walang lumabas na salita sa nakabuka niyang bibig.
Napasigaw si Cordelia, ngunit huli na para makatakbo siya. Diniinan siya ni Zephyr sa loob ng isang kisap mata.Hinawakan ng lalaki ang kanyang mga braso at bumulong sa kanyang tenga, "Wifey, magkano ang nasa card?"Naging tapat siya at sumagot nang hindi iniisip ang tungkol dito, "Ito ang luma mong black card. Wala ‘tong lamang pera, pero walang limit ang gamit—"Hinalikan siya ng mala-hayop na lalaki bago siya matapos magsalita.Hindi siya makahinga.…Nang matapos sila ay pagod na sumandal sa kanya si Cordelia. Pakiramdam niya ay babagsak siya.Marahang hinawakan ni Zephyr ang kanyang mga balikat, at masayang ngumiti.Hindi siya inaantok.“Huwag!” Pinigilan niya si Zephyr. “Pagod na ako. Pagpahingahin mo na ako…”Ngumisi siya. "Ms. Jenner, unlimited ang service mo.”Mahigpit na hinawakan ni Cordelia ang kumot para balutin ang kanyang sarili. Tumingin siya kay Zephyr gamit ang malalaki niyang mga mata at naging alerto siya.Lumambot ang puso ni Zephyr. Niyakap niya si Cor
Sinabi ni Janine na hindi niya kailangang magpakita ng awa kay Rowan kung magkita sila...Kahit anong sama ng loob nila, nasaktan na ni Rowan ang kanyang ina noon.Ang pagkakasala sa kanyang ina ay nangangahulugan ng pagkakasala sa kanya. Natural, hindi niya ito matitiis!"Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya," sabi ni Zephyr sa kanyang malalim na boses. "Cordelia, layuan mo siya.""Bakit?""Dahil..." Hindi siya makapagbigay ng dahilan. “Kahit ano, ang talino ng lalaking ito. Mag-ingat kapag nagtatrabaho ka sa kanya. Bukod sa pagtatrabaho, layuan mo siya.”Pero…Sumimangot si Cordelia.Nagalit siya nang makauwi siya at nakita niyang nag-iisa ang kanyang ina at tanging mga succulents sa balkonahe ang kanyang kumpanya.Sa oras na iyon, mayroon siyang ideya. Gusto niyang magkaroon ng boyfriend ang kanyang ina. Hindi siya magiging malungkot, kahit papaano.Pinag-isipan niya ito, at tila si Rowan lang ang pasok sa kanyang mga kondisyon."Sige, Cordelia." Nang makita ang kan
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala