“Noon, naisip ko na ayos lang basta’t hindi saktan ni Nelly ang mom ko. Konti lang rin naman ang natitira sa buhay ko, kaya poprotektahan ko ang mom ko ng ganito.”“Pero lumala si Nelly pagkatapos nito, kaya naging maingat ako. Pinasuri ko ang mga sugat ko tuwing pupunta ako ng hospital, at noong tumagal, nakuha ko ang DNA test report.”“Pagkatapos, nang gabing yun…” Naging mahina ang boses ni Kelly at may ngiti ito. “Nakilala ko ang isang tao na rason kaya’t nakapag desisyon ako.”Alam ni Cordelia na ito ay si Josiah.Kung hindi dahil sa gabing yun, hindi magiging masigasig si Kelly na makakuha ng hustisya para sa sarili niya. Ito ay dahil nakilala niya si Josiah kaya nagkaroon siya ng liwanag sa kadiliman ng buhay niya at kaya nakapag patuloy siya ng matatag.“Ito lang ay dahil nakilala ko siya.” Ang mahinang sinabi ni Kelly. “Kaya gusto kong malaman ng buong mundo na nandito ako. Gusto kong… tumayo ng maayos sa tabi niya.”Natuwa si Cordelia, halos napaluha siya.“Hindi ka bi
“Uy, wag mong hawakan!” Nilayo ni Xyla ang kamay ni Cordelia.“May dalawang piraso lang sa loob ng kahon. Kailangan ko ulit itong gawin kapag nasira mo ito!”“Mom…” Tumingin ng nalilito si Cordelia kay Xyla. “Bakit ko po ito dadalhin kay Elder Mr. Hamerton? Konti pa lang po ang nakakain ko na ganito!”“Ikaw bata ka!” Ngumiti si Xyla, “Sa pinanggalingan namin, ito ang ginagawa namin para ipakita ang respeto sa mga matatanda!”“Mula sa pinanggalingan niyo?” Tumingin si Cordelia kay Xyla ng may malaking mga mata.Noong bata pa siya, lagi niyang iniisip na sa Jangasas sila lahat galing.Nawala ang ngiti ni Xyla nang mapagtanto niya na masyado siyang maraming sinabi.“Hindi mo… Hindi mo ito kailangan dalhin kung ayaw mo,” Ang mahinang sinabi ni Xyla. “Maganda rin ang ibang mga regalo. Hindi magiging mababa ang tingin sayo ng mga Hamerton!”Pagkatapos itong sabihin, bumalik siya sa kwarto niya, iniwan niya si Cordelia ng nalilito sa sala habang nakakunot ang noo.Sa araw ng pagkikit
Sabay silang sumagot, “Sino ang may kasama sa kanya?!”Nalito si Zephyr. Parang nag aaway sila. Napansin niya na may nag uusap na dalawang tao noong naglalakad siya, napagtanto niya na sila ito.Naisip ni Zephyr, hindi niya alam kung ano ang sama ng loob sa pagitan nila.“Hoy!” Lumaki ang mga mata ni Rowan nang makita niya si Zephyr. “Bakit nandito ka pa rin? Hindi ba’t dadalhin mo ang girlfriend mo para makipagkita sa lolo mo ngayong araw?”“Susunduin ko na siya.”“Bilisan mo na!” Walang ibang gusto si Rowan kundi ang sipain si Zephyr sa pwetan.“Mr. Irwin.” Kumunot ang noo ni Zephyr. “Ikaw—”“May multo na nagtakip sa mga mata ko, at mali ako ng nadaanan!” Gumulong ang mga mata ni Rowan at bumalik siya sa kotse niya.Tumingin ng nalilito si Zephyr sa nanay niya noong umalis si Rowan. Bago pa siya nakapag tanong, sinabi ni Janine, “Ugh, malas!”“Mom, anong nangyayari?”“Nakakita ako ng multo habang may araw pa!”Nagalit si Zephyr. “Mom, kilala niyo ba si Rowan Irwin?”Tumah
Malaki ang study room ni Liam, parang isang library. Ang mga bookshelf ay kasing taas ng kisame at puno ito ng mga sikat na libro ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan.Gayunpaman, may tumunog na echo mula sa bawat hakbang niya.Umupo si Cordelia sa sofa at balisa siyang nakahawak sa palda niya. Mahigpit na hinawakan ni Zephyr ang kamay ni Cordelia at ngumiti siya para mapanatag ang loob nito.Umupo si Liam sa harap ng mesa suot ang isang suit. Kahit na matanda siya, mukha siyang masigla. Habang sinuri niya si Cordelia, ang tingin niya ay komplikado at mahirap basahin.“Ms. Cordelia, uminom ka ng tsaa.” Mabait si Liam kay Cordelia.Tumango ng mahina si Cordelia at pinanood niya kung paano ito ginawa ni Zephyr bago siya uminom ng tsaa. Uminom siya ng konti na tulad ni Zephyr.Nakikita ni Liam na isang matalinong babae si Cordelia. Hindi basta basta si Cordelia. Kahit na nasa tabi ni Cordelia si Zephyr, alam niya ang tamang asal at dumidistansya siya kay Zephyr sa harap ng mga ma
Ang driver ay tumawa ng peke at sinisi niya ang mga kamay niya. Dinala niya sila sa Yale Residence!Sino sa buong Splendor Mountain ang hindi alang ang sama ng loob sa pagitan ng pinakamatanda at pangatlong tagapagmana?“Wala po, wala po!” Mabilis na pinaikot ng driver ang kotse. “Hindi po mabuti sa lugar na ito. Hindi po… swerte ang lumapit dito!”“Talaga?” Nagdududa si Cordelia.Ang mga bahay na yun ay maganda at mukhang mamahalin. Ang mga nakatira siguro doon ay isang taong gusto rin ni Elder Mr. Hamerton.“Ms. Cordelia, dadalhin ko po kayo sa ibang lugar—”Bago pa matapos magsalita ang driver, may isang tao na lumapit mula sa daanan sa tabi. Naalarma ang driver at umapak siya sa preno.Halos tumama si Cordelia sa front seat dahil sa biglang paghinto. Mas lalo siyang nagulat nang huminahon siya at nakita niya kung sino ito.“Yelena?”“Cordelia… Cordelia!”Magulo ang buhok ni Yelena, at wala siyang suot na makeup. Mukha siyang haggard, lalo na at kakaiba ang pagkapayat niya
Bagaman iniisip ni Rowan na hindi karapatdapat ang mga Hamerton kay Cordelia, kailangan pa ring panatilihin ang tamang social etiquette. Kahit paano, walang mapag-iinitan ang iba. Naisip din niya na, bilang ama ni Cordelia, dapat siyang maghanda ng isa pang set ng mga regalo para sa kanya kung hindi siya nakapaghanda ng maayos ngayon upang masilaw ang patriarch ng mga Hamerton! Walang kaalam-alam si Cordelia na ilang libong senaryo na ang naganap sa isipan ni Rowan. Natatawa siyang sumagot, “Siyempre, hindi ako pumunta ng walang dala. Inihanda ng mom ko ang mga regalo para sa'kin!"Naramdaman ni Robert na biglang kumirot ang kanyang puso, at sumikip ang kanyang dibdib. "Ang… mom mo?" “Mm.”Pinilit niyang ngumiti. "Anong inihanda ng mom mo para sa'yo?"Binanggit ni Cordelia ang ilang bagay, na mga bagay na dinadala ng mga babae sa bahay ng isang lalaki sa unang beses na bibisita sila sa Southeast Aciatic. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Rowan. Tila espesyal ang iniha
Nanatailing nakatayo sa kinatatayuan niya si Rowan. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso, at nakaramdam siya ng sakit bago ito tumibok.Kakaiba ang tingin ni Cordelia sa kanya ngunit hindi na niya ito pinag-isipan pa at sumakay na siya sa kotse. Tinawag ni Robert ang tsuper, at magkasama nila siyang inihatid sa bahay ng kanyang ina.Hindi nagtagal pagkatapos na umandar ang sasakyan, nahimasmasan si Rowan at mabilis na sumunod sa kanila. Sinundan niya ang kotse ni Cordelia habang nanginginig ang kamay na nakahawak sa manibela.May ilang beses na lumabo ang kanyang paningin. Ang maganda at matamis na boses, pati na rin ang mga alaala ng ngiti at kilos ng isang tao, ay paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang isipan. Palagi niya itong nakikita na nakasuot ng isang banayad at mahabang lilac na damit na masayang nakangiti sa ilalim ng araw sa tuwing makikita niya siya. Palagi niyang naaalala kung paano siya nagrebelde sa kanyang pamilya at mga kamag-anak nang walang pag-aalinlangan para l
Sa kasalukuyan, gusto lang ni Zephyr na pumunta sa lugar ng kanyang biyenan.Iniisip niya kung susundan ba ni Rowan si Cordelia. ‘Yung matandang ‘yun! Ano bang gusto niya?’…Pagdating ni Cordelia sa bahay, si Xyla ay nagpapaaraw sa araw sa may balkonahe. Napangiti siya nang makitang pumasok ang kanyang anak.“Cordelia, halika!”Nagmadaling lumapit si Cordelia.Itinuro ni Xyla ang mga halaman na mayroon siya at ipinagmalaki ang mga ito sa kanyang anak, "Tingnan mo kung gaano kahusay ang pag-aalaga ko sa kanila! Napakahaba ng buhay ng mga halamang ito. Nabubuhay ang mga ito kahit na minsan sa isang linggo mo lang silang diligan!”Natawa si Cordelia. Sa pagkakatanda niya, ang kanyang ina ay hindi kailanman naging magaling sa pag-aalaga ng mga halaman. Anumang halaman na dumaan sa kanyang mga kamay ay tiyak na malalanta. Minsan niyang ginawang biro na ang tanging buhay na nilalang na hindi napatay ng kanyang ina ay ang kanyang anak na babae at si Carter.Tumingin si Xyla kay Corde