Share

Kabanata 41

”Linda? Anong problema?”

Nag-alala si Cordelia na baka napaso si Linda dahil natagalan siya sa kusina, kaya bumangon siya upang silipin kung anong nangyari kay Linda. Sa hindi inaasahan, humahagikhik si Linda sa tapat ng soup ng parang isang baliw.

“Ano ‘to…” Nanigas si Cordelia. Ito ang amoy na naaamoy niya mula pa noong nagising siya kaninang umaga!

Pinigilan ni Linda ang tawa niya at tumingin siya kay Cordelia. “Huwag kang magagalit kapag sinabi ko sa’yo, okay?”

“Anong problema?”

“Mga herb ang lahat ng ito…” Dinampot ni Linda ang ilang sangkap at nagpaliwanag siya, “Ang mga ito ay ginseng slices, ito ay black fungus, mga fennel naman ang mga ‘to…

“Karaniwan na ang iba sa mga ‘to. Kilala mo rin ang mga ‘to. Goji berries, luya…”

Naguluhan si Cordelia. “Para saan ang mga ‘to? Bakit ginawa ni Marcus yung soup na ‘to para sa’kin?”

“Pinapalakas nito ang libido ng isang babae!” Hindi tumigil sa kakatawa si Linda. “Buti na lang wala ka pang nainom. Isang mangkok lang nito at pinapan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status