Nasamid si Marcus at hinila niya palapit sa kanya si Cordelia. Kasyang-kasya ang baywang niya sa kamay ni Marcus, kaya inangat niya ang baba ni Cordelia gamit ng isa pa niyang kamay.Habang nakatingin siya sa mga mata ni Cordelia, kasing linaw ito ng tubig sa lawa. Bahagyang bumuka ang mapupula niyang mga labi na parang nang-aakit.Naramdaman ni Marcus ang nagbabagang apoy sa loob ng katawan niya.Iniwasan ni Cordelia ang maiinit niyang tingin habang namumula at hinihingal siya. Nararamdaman niya ang mainit na dibdib ni Marcus, ang malakas na tibok ng kanyang puso, at ang kanyang pagkalalaki… Pakiramdam ni Cordelia ay malulusaw siya. Bago siya mahalikan ni Marcus, tinulak niya siya palayo.“Huwag.” Nahihiya siyang ngumit. “Magluluto pa ako.”Huminto si Marcus, dumilim ang liwanag sa kanyang mga mata.“Ngayong gabi…” Mahina at mahinhin ang boses ni Cordelia. Hirap na hirap siyang sabihin ang salitang iyon habang namumula siya.“Huwag ka matulog sa sofa ngayong gabi. Hindi ka komp
Noong 16 pa lang si Marcus, tinanggap na siya ng Walton, ang pinakamaganda sa tatlong pinakamahuhusay na business school sa mundo. Siya rin ang tagapagmana ng mga Hamerton. Kung walang nagtangkang pumatay sa kanya at hindi bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya, siya na sana ang namumuno sa mga Hamerton ngayon.Ngumiti lamang si Marcus bilang tugon sa tanong ni Cordelia. Sumimangot si Cordelia at napaisip siya kung may nakilala ba si Marcus na isang babae na hindi niya nakatuluyan noong 16 pa lang siya. Kung sabagay, marami ang nagsasabi na hindi kayang kalimutan ng mga lalaki ang kanilang first love. Mukhang tuwang-tuwa siya noong binanggit niya ang tungkol dito ngunit huminto siya sa kalagitnaan ng sinasabi niya. Halatang ayaw ni Marcus na malaman niya ang tungkol dito. Maliban sa isang babae na hindi niya nakatuluyan, walang ibang mas kapani-paniwalang eksplanasyon para sa ikinilos niya. Makikita ang pagkadismaya sa mga mata ni Cordelia. Dahil ayaw ni Marcus na sabihin sa ka
Hindi gaanong nakatulog si Cordelia noong gabing iyon.Nag-aalala siya kay Carter at namomroblema dahil sa kanyang imaginary love rival. Higit pa dito, ito ang unang beses na natulog siya sa sofa, kaya hindi siya mapakali. Malapit nang magmadaling-araw noong nakatulog siya.Kaso, hindi pa siya nakakatulog ng matagal, nagising siya ng ilang ingay. Noong minulat niya ang kanyang mga mata, nakabihis na si Marcus at paalis na. Nakaayos na din ang bag ni Carter at sumunod siya kay Marcus.“Saan kayo pupunta?” Nag-aalalang nagtanong si Cordelia.Kakaiba ang suot ni Marcus. Nakasuot siya ng itim na damit at baseball cap. Ang stick na hawak niya ay ang stick na karaniwan niyang ginagamit kapag nag-eehersisyo siya sa bahay.Hindi maganda ang kutob ni Cordelia dito.“Makikipag-away ba kayo?”Tumingin si Marcus sa kanya ng hindi nagsasalita.Nag-aalala si Cordelia. Mukhang makikipag-away talaga si Marcus. Mula noong kinasal sila, laging napapaaway si Marcus dahil sa kanya, at lagi siyang
Dahan-dahang naglakad palapit si Cordelia, kalmado at mahinahon ang kanyang itsura.Naiintindihan na ngayon ni Marcus ang intensyon ni Cordelia. Nagrecord siya ng matibay na ebidensya laban sa mga bully, at lagpas na sa 16 years old ang mga high school senior na ‘to, kaya maaari na silang makasuhan. Kapag naibigay sa mga pulis ang video recording at naisampa ang kaso sa korte, habangbuhay nang magkakaroon ng criminal record ang mga estudyanteng ito.Tumingin ng masama sa kanila si Cordelia.“Hindi lang si Carter ang binubully niyo, huh?” Kampante siyang nagsalita. “Tinawagan ko na ang mga pulis. Iimbestigahan nila ang tungkol dito pagdating nila.”Kontrolado niya ang lahat ng pangyayari.Inaresto ng mga pulis ang mga estudyante at kwinestyon sila ayon sa tamang proseso. Umamin sila sa pambubully nila, at nakasuhan sila. Masarap sa pakiramdam ang kinalabasan nito.Sa wakas ay naipaghiganti na ni Cordelia si Carter.“Pambihira talaga yung asawa mo, Z.” Si Fredric, na may mga kaibi
Masakit ang tiyan ni Cordelia, kaya nag-dayoff siya at hindi siya pumasok sa trabaho. Sa kabila nito, hindi rin siya nakapagpahinga sa bahay, dahil naamoy niya ang kakaibang herbal aroma na nagmumula sa kusina mula noong nagising siya ng umaga.Pinilit niyang bumangon sa kama, pumunta siya sa kusina at nakita niya na abala si Marcus sa loob. Nakahanda sa mesa ang almusal na hinanda niya para kay Cordelia—sunog na itlog, sunog na toast, at isang mangkok ng matubig na oats. Hindi na ito masama para sa lalaking ito na kailanman ay hindi pa nagluto sa kusina…Natawa si Cordelia at mahina niyang sinabi kay Marcus habang nakasandal siya sa pintuan ng kusina na, “Hindi mo alam magluto. Ako na ang gagawa niyan.”Nagulat si Marcus at tumingin siya kay Cordelia. “Gising ka na? Masama ang pakiramdam mo, hindi ba? Magpahinga ka ulit pagkatapos ng almusal. Ako na ang bahala dito.”“Anong ginagawa mo?”“Oh… Gagawan kita ng soup.” Natataranta si Marcus. “Magpahinga ka muna. Dadalhin ko sa’yo yun
”Linda? Anong problema?”Nag-alala si Cordelia na baka napaso si Linda dahil natagalan siya sa kusina, kaya bumangon siya upang silipin kung anong nangyari kay Linda. Sa hindi inaasahan, humahagikhik si Linda sa tapat ng soup ng parang isang baliw.“Ano ‘to…” Nanigas si Cordelia. Ito ang amoy na naaamoy niya mula pa noong nagising siya kaninang umaga!Pinigilan ni Linda ang tawa niya at tumingin siya kay Cordelia. “Huwag kang magagalit kapag sinabi ko sa’yo, okay?”“Anong problema?”“Mga herb ang lahat ng ito…” Dinampot ni Linda ang ilang sangkap at nagpaliwanag siya, “Ang mga ito ay ginseng slices, ito ay black fungus, mga fennel naman ang mga ‘to…“Karaniwan na ang iba sa mga ‘to. Kilala mo rin ang mga ‘to. Goji berries, luya…”Naguluhan si Cordelia. “Para saan ang mga ‘to? Bakit ginawa ni Marcus yung soup na ‘to para sa’kin?”“Pinapalakas nito ang libido ng isang babae!” Hindi tumigil sa kakatawa si Linda. “Buti na lang wala ka pang nainom. Isang mangkok lang nito at pinapan
Hindi lang ang ekspresyon ni Linda ang nagbago, pati na rin ang pagtingin niya kay Cordelia. Hindi niya talaga ito naisip! Kung siya si Michael, pepersonalin niya rin ito. Lalo na't hindi siya santo. "Mukhang kulang pa rin ako sa pagkilatis ng tao!" Tumawa si Linda. "Cordelia, hindi ko inasahang matalas ang isipan mo ngayong palagi kang tahimik!" "Baka hindi rin tama ang husga ko." Tumawa si Cordelia. "Pero sinabi sa'kin na Marcus na hindi ako pwedeng magpabaya. Sinabihan niya akong mag-ingat sa kahit na anong gawin ko."Sinabi niya ring ang mga taong nasa mataas na posisyon ay nahirapang makarating doon kaya hindi sila kasing simple ng inaakala mo." "Oh, naging mentor mo na ngayon ang asawa mo, huh?"Isa dapat itong biro mula kay Linda, pero hindi napigilan ni Cordelia na ipagyabang ang asawa niya. "Syempre! Maraming alam si Marcus!" Hindi naitago ni Cordelia kung gaano siya natutuwa. "Alam mo ba Linda, palagi ko siyang nakikitang nagtitingin sa mga dayuhang websites. Maruno
Nagulat si Cordelia. Hinarangan ni Jesse ang daan niya nang nakangisi at napakasama ng titig niya sa kanya. "Hah, munti kong junior, natuto ka na ngayon! Inaaying mo pa ang posisyon ko, ha?" Hindi gustong makipagtalo ni Cordelia sa kanya at nilampasan niya siya, pero nagsalita ulit si Jesse sa likuran niya. "Iniisip mo ba talagang gusto kang ipromote ng tusong matandang si Michael? Ginagamit ka lang niya!" Lumingon si Cordelia sa kanya. Hinila ni Jesse ang kurbata niya sa inis. Mabagal siyang naglakad papunta sa kanya, pero hindi napigilan ni Cordelia na mahilo sa mabahong amoy ng sigarilyo mula sa kanya. "Cordelia, kung gustong-gusto mo talaga ang posisyon ko, ibibigay ko to sa'yo! Bakit mo ko ginaganito?" "Hindi ko kailanman gustong makuha ang posisyon mo." Malamig na tumingin si Cordelia sa kanya. "Pinapunta ako ni Mr. Johnson at sinabi niyang—" "Mas maraming trabaho ang mga magagaling?" Suminghal si Jesse. "Ginamit rin ako ng matandang yun sa ganitong paraan noon!"
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala