Masakit ang tiyan ni Cordelia, kaya nag-dayoff siya at hindi siya pumasok sa trabaho. Sa kabila nito, hindi rin siya nakapagpahinga sa bahay, dahil naamoy niya ang kakaibang herbal aroma na nagmumula sa kusina mula noong nagising siya ng umaga.Pinilit niyang bumangon sa kama, pumunta siya sa kusina at nakita niya na abala si Marcus sa loob. Nakahanda sa mesa ang almusal na hinanda niya para kay Cordelia—sunog na itlog, sunog na toast, at isang mangkok ng matubig na oats. Hindi na ito masama para sa lalaking ito na kailanman ay hindi pa nagluto sa kusina…Natawa si Cordelia at mahina niyang sinabi kay Marcus habang nakasandal siya sa pintuan ng kusina na, “Hindi mo alam magluto. Ako na ang gagawa niyan.”Nagulat si Marcus at tumingin siya kay Cordelia. “Gising ka na? Masama ang pakiramdam mo, hindi ba? Magpahinga ka ulit pagkatapos ng almusal. Ako na ang bahala dito.”“Anong ginagawa mo?”“Oh… Gagawan kita ng soup.” Natataranta si Marcus. “Magpahinga ka muna. Dadalhin ko sa’yo yun
”Linda? Anong problema?”Nag-alala si Cordelia na baka napaso si Linda dahil natagalan siya sa kusina, kaya bumangon siya upang silipin kung anong nangyari kay Linda. Sa hindi inaasahan, humahagikhik si Linda sa tapat ng soup ng parang isang baliw.“Ano ‘to…” Nanigas si Cordelia. Ito ang amoy na naaamoy niya mula pa noong nagising siya kaninang umaga!Pinigilan ni Linda ang tawa niya at tumingin siya kay Cordelia. “Huwag kang magagalit kapag sinabi ko sa’yo, okay?”“Anong problema?”“Mga herb ang lahat ng ito…” Dinampot ni Linda ang ilang sangkap at nagpaliwanag siya, “Ang mga ito ay ginseng slices, ito ay black fungus, mga fennel naman ang mga ‘to…“Karaniwan na ang iba sa mga ‘to. Kilala mo rin ang mga ‘to. Goji berries, luya…”Naguluhan si Cordelia. “Para saan ang mga ‘to? Bakit ginawa ni Marcus yung soup na ‘to para sa’kin?”“Pinapalakas nito ang libido ng isang babae!” Hindi tumigil sa kakatawa si Linda. “Buti na lang wala ka pang nainom. Isang mangkok lang nito at pinapan
Hindi lang ang ekspresyon ni Linda ang nagbago, pati na rin ang pagtingin niya kay Cordelia. Hindi niya talaga ito naisip! Kung siya si Michael, pepersonalin niya rin ito. Lalo na't hindi siya santo. "Mukhang kulang pa rin ako sa pagkilatis ng tao!" Tumawa si Linda. "Cordelia, hindi ko inasahang matalas ang isipan mo ngayong palagi kang tahimik!" "Baka hindi rin tama ang husga ko." Tumawa si Cordelia. "Pero sinabi sa'kin na Marcus na hindi ako pwedeng magpabaya. Sinabihan niya akong mag-ingat sa kahit na anong gawin ko."Sinabi niya ring ang mga taong nasa mataas na posisyon ay nahirapang makarating doon kaya hindi sila kasing simple ng inaakala mo." "Oh, naging mentor mo na ngayon ang asawa mo, huh?"Isa dapat itong biro mula kay Linda, pero hindi napigilan ni Cordelia na ipagyabang ang asawa niya. "Syempre! Maraming alam si Marcus!" Hindi naitago ni Cordelia kung gaano siya natutuwa. "Alam mo ba Linda, palagi ko siyang nakikitang nagtitingin sa mga dayuhang websites. Maruno
Nagulat si Cordelia. Hinarangan ni Jesse ang daan niya nang nakangisi at napakasama ng titig niya sa kanya. "Hah, munti kong junior, natuto ka na ngayon! Inaaying mo pa ang posisyon ko, ha?" Hindi gustong makipagtalo ni Cordelia sa kanya at nilampasan niya siya, pero nagsalita ulit si Jesse sa likuran niya. "Iniisip mo ba talagang gusto kang ipromote ng tusong matandang si Michael? Ginagamit ka lang niya!" Lumingon si Cordelia sa kanya. Hinila ni Jesse ang kurbata niya sa inis. Mabagal siyang naglakad papunta sa kanya, pero hindi napigilan ni Cordelia na mahilo sa mabahong amoy ng sigarilyo mula sa kanya. "Cordelia, kung gustong-gusto mo talaga ang posisyon ko, ibibigay ko to sa'yo! Bakit mo ko ginaganito?" "Hindi ko kailanman gustong makuha ang posisyon mo." Malamig na tumingin si Cordelia sa kanya. "Pinapunta ako ni Mr. Johnson at sinabi niyang—" "Mas maraming trabaho ang mga magagaling?" Suminghal si Jesse. "Ginamit rin ako ng matandang yun sa ganitong paraan noon!"
Ngayon, hindi rin siya kayang tulungan ni Fredric. "Dahil ba… hindi maganda ang recipe na binigay mo sa kanya?" Sinampal ni Josiah ang sarili niyang ulo. "Hindi ba siya nakukuntento?" Tumawa si Fredric. "Baka sumobra ito at nagulo ang hormones ni Z!" Muntik mabuga ni Josiah sa mukha ng lalaki ang alak na iniinom niya. …Hinila ni Marcus ang pintuan ng balkonahe para pumasok. Tinaas niya ang mukha niya at nakita niya ang bahagyang gulat na mga mata ni Cordelia. "Ano?" Para bang hindi siya nabahala. "May kausap ka sa phone?" "Mm, yung… preso dati," sagot ni Marcus. "Nanghihiram siya ng pera ngayong nakalaya na siya. Sabi ko sa kanya wag na niya akong tawagan kahit kailan." "Oh." Tumango si Cordelia. "Kaya pala ang lakas ng sigaw mo kanina. Halos gumuho ang buong building! Pero tama ang ginawa mo. Wag mo nang kausapin ang mga tao sa nakaraan mo hangga't maaari. Lalo na't kasal ka na. Mabubuhay na tayo nang maayos mula ngayon."Naantig ang damdamin ni Marcus. Sa kabila
Tahimik na tumingin sa kanya si Marcus nang may madilim na titig. Walang ekspresyon sa malamig niyang mukha pero isang kumplikadong emosyon ang bumugso sa loob ng madilim niyang mga mata. Bigla itong napagtanto ni Cordelia, 'Nakikipagkita ako sa mga kliyente at pinag-aaralan ko ang client profiles kaya sana hindi siya magkamali ng akala…' "Marcus! H-Hindi ganun ang ibig kong sabihin!" Nagmadali siyang nagpaliwanag, "Hinding-hindi ko tatalikuran ang kasal natin. Ang sinasabi kong pagsisinungaling sa'yo ay…" Huminto siya, binasa ang mga labi niya, at tahimik na nagsabi, "Kung isang araw, napagtanto mong hindi ka nararapat na maging sobrang bait sa'kin, anong gagawin mo?" Tumingin sa kanya si Marcus nang ilang sandali bago siya tumawa. Wala siyang sinabi. Sa halip, niyakap niya siya nang marahan at hinaplos ang mahaba niyang buhok. Nakasandal ang mukha ni Cordelia sa dibdib niya habang pinapakinggan niya ang malakas na tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay ligtas na ligtas siya
Medyo nagbago ang ekspresyon ni Marcus.Sa tabi niya, si Robert ay sumenyas sa kanya na tumingin sa labas.Nakita niya ang asawa niya mula sa bintana ng kotse, nakatayo ito sa gitna ng kalsada. Dumaan ang mga tao sa paligid ni Cordelia. Ang landmark building sa likod niya ay ang headquarters ng Hamerton Group.Nilagay ni Cordelia ang phone sa kanyang tainga, naghihintay siya ng sagot ni Marcus.Nagbuntong hininga si Marcus at sinabi niya ng mahina habang nakangiti. “Dati… gumawa ako ng gulo sa Centrolis, kaya matagal din akong nandoon.”Napahinto si Cordelia, pagkatapos ay binago niya ang kanilang pinag uusapan.Nanonood si Robert. Wala siyang ideya kung ano ang pinag uusapan ni Marcus sa phone, ngunit nakangiti siya ng masaya.Hindi niya pa nakita na may ganitong ekspresyon si Marcus dati.Nagtanong lang siya ng tahimik pagkatapos makita na ibinaba ni Marcus ang phone habang pinapanood na maglakad palayo si Cordelia at ang katrabaho nito, “Sir, dapat po ba nating ayusin ang mg
Walang progress sa project sa nakalipas na mga araw. Hindi man lang makapasok si Cordelia at Annie sa Bayer Group.Nadiskurahe si Annie. Umupo siya sa tabi ng kalsada, tila pagod na pagod.Umaapoy ang sinag ng araw. Nakakairita ang init nito.Binigyan siya ni Cordelia ng isang bote ng tubig habang nakangiti. “Kumain muna tayo ng tanghalian. Susubukan ulit natin ngayong hapon.”“Wala na, Cordelia.” Tila walang gana ang boses ni Annie. “Mukhang totoo ang sinabi ni Jesse. Mahirap sakupin ang Centrolis market. Maraming araw na tayong nandito. Hindi natin makaharap ang taong namumuno, paano pa si Mr. Bayer!”“Ang mungkahi ko ay sumuko na tayo…” Ngumuso si Annie. “Hindi ko alam kung gaano katagal ang hihintayin natin kapag nagpatuloy ito!”“‘Wag mong sabihin ‘yan!” Determinado si Cordelia. “Dalawang taon ka nang nasa sales ngayon. Alam mo dapat na ang pagsecure ng sales mula sa isang meeting ay imposible. Kapag nagkaroon tayo ng kahit maliit na pagkakataon para ibigay ang proposal nati