Nabigla si Kelly. Gusto niyang tumanggi kay Nelly.Gayunpaman, hinila ni Nelly ang buhok niya.Umungol siya sa sakit. Nararamdaman niya na para bang napupunit ang anit niya… Kinagat niya ang ngipin niya habang tiniis niya ito. Tumingin siya kay Nelly at sinabi niya ng hirap. “Tigilan mo ito, sis…”“Tigilan ko?”Malupit ang tingin ni Nelly at hinila niya ito ng mas malakas.“Kung hindi dahil sayo, ibibigay sana ni mom at dad ang lahat ng pagmamahal nila! Mas malusog, mas maganda, at mas marami akong kakayahan sayo… Kaya bakit kapalit mo lang ako?”“Ang lahat ng ito ay dahil sayo, Kelly!”Hinila ni Nelly ang buhok ni Kelly na para bang nababaliw na siya. “Hindi ka dapat mabuhay! Ako ang tagapagmana ng mga Tanner. Ako!”“Bakit hindi ka mamatay, p*ta ka?!”“Tama na!” Umiiyak si Kelly.Gayunpaman, wala siyang magawa habang nasa wheelchair. Hindi niya maipagtanggol ang sarili niya.Nilabas ni Nelly kay Kelly ang lahat ng sakit na ipinaranas sa kanya ng mga magulang niya.Gustong
Gusto ni Zephyr na magsama sila ni Cordelia ng mas matagal…Namula ang mga pisngi ni Cordelia. Naalala niya na ito ang sinabi niya kay Zephyr noon.Tumingin ng tahimik si Zephyr kay Cordelia at ngumiti siya, hinawakan niya ang hubad na balikat ni Cordelia.Gusmising si Zephyr ng umaga at nakita niya na natutulog pa rin si Cordelia. Bumangon siya at pinainit niya ang soup na ginawa ni Helen sa kusina.Nitong nakaraan, maraming ginagawa si Helen para maging malusog si Cordelia, at si Cordelia ay umiinom ng maraming soup sa isang araw.Gayunpaman, tila mahina pa rin ang katawan ni Cordelia.Tumawa si Zephyr at narinig niya ang meow ng isang pusa sa sandali na pumunta siya sa kusina.Ang bintana ng kusina ay nasa harap ng bahay. May isang matabang pusa na umakyat sa bintana at nag unat ito, nakaharap sa sinag ng araw.Ang matabang pusa ay laging nasa Royal Manor.Noong unang beses nila itong nakita, isa itong nakakaawang pusa na walang amo. Naging problema kung mabubuhay pa ito. I
Walang magawa si Cordelia kungdi ang yumakap sa leeg ni Zephyr at hinalikan niya ng malalim ang mga labi nito.Kahit na hindi pa kuntento si Zephyr, binitawan niya si Cordelia ng nakangiti.“HIndi mo kailangan gumawa ng agahan,” Ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Nag grocery siguro si Aunt Helen sa oras na ito at pabalik na rin siya! Mabilis siya maihahanda niya na ang agahan mamaya.”“Sige, sinabi niya na ubusin muna ang soup na ito bago mag agahan!”Inabot niya ang bowl ng soup habang nagsasalita siya.May dumating sa isip ni Zephyr, at mabilis niyang itinabi ang soup.Nabigla si Cordelia, at tumitig siya kay Zephyr. “Ikaw… Anong problema?”“Ah, wala.” Bumalik sa sarili si Zephyr “Malamig na ang soup. Wag mo na itong inumin.”“Hindi ba ito pinainit ni Aunt Helen?”Sinabi ni Zephyr pagkatapos huminto, “Cordelia, wag mo na munang isipin ang tungkol dito. At medyo matanda na si Aunt Helen. Nakakapagod para sa kanya na gawin ang mga gawaing bahay at ang magluto.”Kumurap si Cord
Dumila si Cordelia habang nakangiti ang mga mata. Hindi niya pinansin si Zephyr at naglakad na siya sa kalsada. Malapit sila sa Imperial Media at kailangan lang nila dumaan ng isang kanto, kaya nag madali siyang pumunta sa kumpanya.Nakatayo si Zephyr sa ibaba ng gusali.Tumawag si Robert para sabihin sa kanya, “Sir, hindi niyo po ba alam kung paano si Madam Baker pagdating sa trabaho? Ipinagbabawal niya po ang mga personal na relasyon ng mga empleyado na makaapekto sa trabaho!”“Kapag inannounce niyo po ang relasyon niyo kay Ms. Cordelia sa kumpanya, gagawa po ito ng malaking gulo!”Nauubos na ang pasensya ni Zephyr. “Anong gulo naman ang mangyayari?”“Tulad po ng… kapag ang mga artista sa ilalim niya ay nalaman ito at magsisimula na po silang magkaroon ng mga relasyon. Paano po sila pupunta sa mga schedule nila ng walang pagkagambala?”Sumimangot si Zephyr. “So, kailangan ko magpanggap na hindi ko kilala ang asawa ko?”Tumawa ng peke si Robert. “Ito po ang sabi ng nanay niyo.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Cordelia, at medyo nataranta siya.Biglang may tumawag sa kanya.Nabigla siya at sinagot niya ito, narinig niya ang isang maamo at malalim na boses sa kabilang linya. “Cordelia? Si Seth ito.”“Ah.” Huminahon si Cordelisa. “Dr. Stafford. Anong problema?”Huminto si Seth at binabaan niya pa lalo ang boses niya. “Pwede ka bang pumunta sa medical center ngayon? Kung saan ako nagtatrabaho. May consultation ako ngayong araw. Sa psychology department.”May kutob si Cordelia na may kinalaman ito kay Zennie. Ibinaba niya ang phone at nagmadali siyang pumunta sa medical center.…Hinihintay siya ni Seth. Pagkatapos nilang mag kamustahan, tumingin ng makahulugan si Seth kay Cordelia.“Binigyan ko ng counseling si Zennie nitong mga nakaraang araw.” Pinasa ni Seth ang report kay Cordelia.Tinanggap ito ni Cordelia, at ang mga kamay niya ay nanginig.Ang mga salitang “Major Depressive Disorder” ay sumaksak sa puso niya na parang kutsilyo.“Ito ay…” Tumingin si
Malalim ang iniisip ni Cordelia. Pagkatapos ng nangyari sa bahay noon, mukhang matagal na simula noong nakarinig siya ng balita tungkol kay Phil.“Hindi ko alam kung nasa Centrolis siya,” Ang tapat na sagot ni Cordelia. “Pero matagal na siyang empleyado sa Hamerton Manor at araw araw siyang maraming trabaho. Hindi ba’t imposible para umalis siya ng trabaho niya?”“Ah.” Tumango si Seth. “Hindi pa nakipagkita si Zennie sa taong ito nitong nakaraan, kaya akala ko ay umalis na siya ng Centrolis.”“Dr. Stafford!” Ang mabilis na sinabi ni Cordelia, “Kahit na magpakita siya, hindi mo siya pwedeng hayaan na makipagkita kay Zennie!”“Ayaw namin na Zephyr na makipagkita si Zennie kay Phil. Masyadong mapanganib si Phil!”Pinag isipan ito ni Seth at tumango siya pagkatapos nito.Ang assistant niya ay lumapit at sinabi sa kanya ng kabado, “Gising na po si Ms. Hamerton, pero hindi po maganda ang kondisyon ng isip niya…”Mabilis na pumunta si Seth sa consultation room.Sumunod si Cordelia kay
“Meron siyang food poisoning, pero hindi ito malala. Ginamot ko na siya. Kailangan niya magpahinga ngayong linggo, at gagaling rin siya.”Nabigla si Cordelia. “Food poisoning?”“Kasalanan ko ito.” Tumingin si Zephyr kay Cordelia. “Cordelia… hindi kita pinainom ng soup nitong umaga dahil naghihinala ako na nilagyan ito ni Aunt Helen ng gamot.”Huminga ng malalim si Cordelia. Alam niya na hindi pinaghihinalaan ni Zephyr ang isang tapat na matandang nagsisilbi sa kanya ng basta basta.”“Gusto kong dalhin ang soup sayo, pero lumapit si Ginger sa bintana habang naghahanap ng pagkain, kaya binigyan ko rin siya ng isang bowl.”“Pero umalis siya pagkatapos itong amoyin.”“Simula noon, naghihinala ako na may bagay na nilagay sa soup.”Ngayon lang naiintindihan ni Cordelia kung bakit mukhang nag aalala si Zephyr at sinabi nito ang mga kakaibang bagay na wag kainin ang luto ni Helen…“Umuwi ako ng hapon at nakita ko na busy si Aunt Helen sa bahay,” Ang sabi ni Zephyr. “Naghihinala na ako
“Ano?” Sumingkit ang mga mata ni Zephyr at pinag isipan niya ito bago niya sinabi ng nanunuya. “Parang tumatakas lang siya!”Tumingin si Cordelia kay Zephyr. Nagkataon lang na pinaghihinalaan niya rin si Phil. Maliban sa lalaking yun at si Zennie, hindi pa tumanggap ang Royal Manor ng ibang mga bisita.Malamig ang tingin ni Zephyr. “Robert, alam mo ba kung nasaan ang kinaroroonan niya?”Tumango si Robert. “Ang lipad niya po ay diretso papuntang Jangasas.”Ibig sabihin ay may bagay siguro sa Jangasas na nakakuha ng interes ni Phil.“Hulihin mo muna ang mga Nelson sa bahay nila,” Ang malamig niyang sinabi. “Ipadala mo ang mga tao natin papunta sa Jangasas para bantayan siya!”“Okay po, sir.”“May suporta siguro si Phil kung pwede siyang mag break mula sa manor ng basta basta!”Malamig ang tingin ni Zephyr habang gumawa siya ng plano sa isip niya. Si Phil ay pain lamang. Gusto niyang gamitin si Phil para lumabas ang taong nasa likod nito! Para naman sa kung sino ito, kaya na itong
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala