"Ano?" Natigilan si Nelly. "Nananakit din siya ng ibang tao?"“Oo!” Naningkit ang mga mata ni Yelena. “Nakakaawa sa harap ng iba yung p*tang ‘yun pero sa isang kisap-mata ay nagiging parang ibang tao siya! Sinabihan niya ang isang babaeng superior na pumunta sa isang liblib na lugar at sinampal niya siya ng ilang beses, sinamantala niya ang katotohanang walang mga surveillance camera doon!"Kaya, maaari tayong mag-set up nang maaga sa birthday party, Ms. Tanner!"“Paano?”“Dalhin mo si Cordelia sa isang lugar na walang katao-tao, at pagkatapos... kailangan mong magdusa ng kaunti. Sampalin mo ang sarili mo ng ilang beses, at kukuha ako ng mga tao para ipakita sa lahat na sinaktan ka ni Cordelia!"“Ah…” Habang pinapakinggan ito ni Nelly, lalong sumasama ang kutob niya dito.Bakit kailangan niyang sampalin ang sarili niya? Para maging kaawa-awa? Kahit na ganun, ayaw niyang gawin ‘yun. Bukod dito, hindi na siya naglakas-loob na magtiwala sa mga panlilinlang ni Yelena. Nagustuhan lang
Day off ni Cordelia ngayon. Kahit rest day niya, busy pa rin siya. Ang mga proposal at report ay pumasok sa kanyang email na parang alon. Ang kanyang phone at laptop ay laging busy mula pa noong madaling araw.Dinala ni Helen ang kanyang almusal na pangatlong beses nang ininit."Ms. Cordelia, mag-almusal ka muna!” Nag-aalala si Helen. "9:00 a.m na. Baka tanghalian na kung hindi mo pa ‘to kakainin!"Ang mga mata ni Cordelia ay nasa screen habang sumasagot siya, "Mm... alam ko. Iwan mo muna ‘yan dito. Mayroon pa akong ilang mga salita sa kasunduan na kailangang i-edit…”"Ganoon din ang sinabi mo noong huling beses ko itong binanggit sa’yo!"Sumimangot si Helen at ipinasa ang congee sa kanya, tumayo siya sa harap ni Cordelia."Personal na sinabi sa’kin ni Mr. Zephyr na panoorin kang tapusin ito sa pagkakataong ito!”“Huh?” Ilang sandali pa ay inalis ni Cordelia ang kanyang tingin sa screen. "Wala sa bahay si Zephyr?""Wala!" Ngumiti si Helen. "Sinabi niya sayo nung umalis siya. Na
Huminto si Cordelia, hindi niya na magpapaalam sa kanya si Phil, ngunit hindi niya alam kung paano siya sasagutin. Kung sabagay, ang binata ang buong mundo ni Zennie ngayon. Hindi niya kayang ipahiya ang dalaga.Nakangiting sagot ni Cordelia, “Mr. Nelson, aling mga painting ang gusto mo? Regalo ko sila sa iyo. Maaari mo silang iuwi at humanga sa kanila, at hindi mo na kailangang kumuha ng litrato sa paligid ng bahay ng ibang tao, di ba?"Isang madilim na kinang ang sumilay sa mga mata ni Phil. Ngumisi siya at tiningnan niya si Cordelia ng may komplikadong ekspresyon.Ang kanyang sinabi ay makabuluhan. Mukhang palakaibigan at magalang, ngunit binigyang-diin niya ang mga salitang "bahay ng ibang tao". Maiintindihan ng sinumang may utak ang ipinahiwatig niya.Tumingala si Phil at sinalubong ang mga mata ni Cordelia. Ang babae ito ay hindi kasing hina ng kanyang inaakala. Ang kanyang malalaking mata ay kusa at may awtoridad. Ang presensyang inilabas niya ay kapareho ng kay Zephyr.Isi
"Gumagawa din siya ng masarap na sopas," sabi ni Cordelia."Masyado kang mabait, Ms. Cordelia!" Inilagay ni Helen ang kaldero sa table mat. Malapit siya kay Phil. Sinilip siya nito at nagpatuloy sa pagsasalita habang nakangiti. “Okay, lahat ng ulam ay nakahain na! Oh, tama, nakikita ko na ang mga kabataan ay mahilig kumuha ng litrato bago sila kumain! Uso yan diba? Hindi ka ba magpapa-picture, miss?"“Ay, oo!” Agad namang sumagot si Zennie. “Mukhang masarap talaga ang pagkaing niluto mo, Tita Helen. Syempre kailangan nating kumuha ng litrato!""Hoy, Phil!" Tinulak siya ni Helen. "Huwag mong hayaang gawin niya ito nang mag-isa. Kunan mo siya ng litrato!"Nagbago ang ekspresyon ni Phil. Inangat niya ang kanyang ulo.Natakot si Helen sa kabangisan na sumilay sa kanyang mga mata. Napaatras siya.Gayunpaman, tumagal lamang ito ng isang segundo.Noong nahimasmasan siya, bumalik si Phil sa binata na laging may ngiti sa kanyang mga labi."Pasensya na, mabagal ang phone ko...""Talaga?
May napagtanto si Helen matapos marinig ang sinabi ni Cordelia. Napatingin siya sa kanya ng may pagtataka.Nag-isip si Cordelia. “Napansin mo bang titingin si Phil kay Zennie bago magsalita at gumawa ng kahit ano? Tapos siya pa ang magsasalita sa atin.”"Parang..." Inalala ni Helen ang mga nangyari. “Tumingin siya kay Ms. Hamerton nang ilabas niya ang phone niya. Nagbago ang ekspresyon niya at sinabing hindi niya kailangang gamitin ang kanyang phone sa takot.”"Ano sa tingin mo ang naramdaman niya?""Ito ay... takot?" Hindi ito matukoy ni Helen.Kumirot ang puso ni Cordelia. Ganun din ang naramdaman niya.Tila natatakot si Zennie kay Phil.Marahil ito ang nagpatunay ng isang bagay—kinokontrol niya si Zennie!Biglang nagbago ang ekspresyon ni Helen.“Naku, Ms. Cordelia. Dapat ba nating sabihin kaagad kay Mrs. Hamerton?"Kinagat ni Cordelia ang labi at seryosong tumango matapos mag-isip ng kaunti.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano ito sasabihin, ipahiwatig, o kung paano m
Noong pumunta si Cordelia sa ospital, nakita niya sina Zephyr at Kate na naghihintay sa entrance ng emergency room.“Kamusta siya?” tanong niya na may pag-aalala.Hinila niya ito sa tabi at bumulong, “Hindi namin alam ang eksaktong sitwasyon. Nang makatanggap ako ng tawag mula sa manager ni DL, sinabi nila na nahimatay siya sa shopping mall at gumulong mula sa hagdan.Naramdaman ni Cordelia ang pagkirot ng kanyang puso."Bakit siya nasa shopping mall?" tanong niya.Natigilan si Zephyr. Hindi niya ito masyadong pinag-isipan. “Hindi ba normal sa isang babae na mag-shopping paminsan-minsan? At saka, VIP siya ng DL. Madalas siyang customer doon."“Ang ibig kong sabihin…” nag-alinlangan si Cordelia at sumimangot.Hindi siya sigurado kung may kinalaman ang pagkawala ng malay ni Zennie kay Phil, pero nangyari nga iyon pagkaalis nila sa Royal Manor."Anong problema, Cordelia?""May gusto akong sabihin sayo." Kinagat niya ang kanyang mga labi na may masalimuot na tingin sa kanyang mga
At ngayon sinabi ni Cordelia na aalagaan niya siya ng mabuti.Iniisip noon ni Zephyr na ang kanyang buhay ay hindi patas, na siya ay nabubuhay sa anino ng mga tusong gawain, kaya iniisip niya na siya ay lason at papatayin anumang oras mula noong siya ay 3 taong gulang. Siya ay may bantay laban sa mundo.Hindi niya makita ang kabutihan sa mga tao. May hadlang sa paligid ng kanyang puso, at hindi na niya mararanasan ang kababalaghan ng mundo.Gayunpaman, natauhan siya matapos makilala si Cordelia. ‘Yung inalis sa iyo ng mundo ay ibabalik sa ibang paraan.’Napagtanto din ni Zephyr na siya ay may talento sa pagpapanggap na mahina sa kanyang presensya mula nang makilala siya...Ngumiti siya at marahang kinurot ang pisngi niya.Gayunpaman, narinig niya ang mga yabag na nagmumula sa kabilang gilid ng koridor sa sandaling iyon.Kumirot ang puso ni Cordelia nang makita niya kung sino ang payat na lalaking iyon.“Si Phil?”Natigilan din si Zephyr. Nakataas ang kanyang bantay habang nanl
Napahinto si Zephyr."Mananatili ako dito kahit anong mangyari," walang pag-aalinlangan niyang sagot.Napangiti si Cordelia. Matagal na niyang inaasahan ang sagot na ito dahil ito ang salamin ng malalim na pagmamahal ng isa sa iba. Kung nasaktan si Zephyr, mananatili din siya sa labas ng hospital ward kahit anong mangyari.Sa kabila nito, umalis na lang si Phil pagkatapos ng kanyang nakakaantig na pag-amin—para bang palabas lang ang lahat ng iyon.Bumilis ang tibok ng puso ni Zephyr. Sa sandaling nakita niya ang mga mata ni Cordelia, naintindihan niya ito."Sabi ko na nga ba. Hindi mapagkakatiwalaan si Phil Nelson!" galit na sabi niya. "Magdurusa si Zennie kung patuloy siyang mahulog ng ganito!""Kumalma ka muna." Marahan siyang inalo ni Cordelia. "Mukhang hindi pa alam ni Tita Cloud ang tungkol sa relasyon nila?""Hindi siya magtatanong kahit na alam niya ‘yun," sagot ni Zephyr na may madilim na ekspresyon. “Isa siyang advocate ng malayang pagmamahal at ayaw niyang maging sakri