“Ang proyekto ay kailangan ang mga taong mula sa design department ng University of Centrolis, at si Murphy Tanner ay nasa board of trustees.” Suminghal si Zephyr. “Isa rin itong proyekto na mataas ang kita na gusto ng lahat, kaya siguradong hindi palalampasin ng mga Tanner ang pagkakataon na ito.“Hindi ba’t dahil ayaw palampasin ni Nelly Tanner ang pagkakataon na ito para maging malapit sayo? Sa ganun, magkakaroon siya ng dahilan para bumisita ng araw-araw sa Hamerton Group para pag usapan ang trabaho kasama mo!”Tumingin ng masama si Zephyr kay Nicholas. Ang malamig na tingin niya ay nagsabi kay Nicholas na dapat itong tumahimik kung wala itong ibang mas mabuting gawin.Tumawa lang ng mas masaya si Nicholas. Pagkatapos nito, tinapik niya ng seryoso ang balikat ni Zephyr. “Sa totoo lang, ako ay boss ng isang entertainment company at wala ako sa high society ng Centrolis. Pero isang salita lang mula sayo, at gagawin ko ang makakaya ko!”“Salamat.” Tinapik ni Zephyr si Nicholas sa
Sa tuktok na palapag ng Hamerton Group, ang meeting ay higit sa seryoso dahil sa presensya ni Liam.Nakaupo si Liam sa harap ng mesa, suot niya ang itim na silk suit. Malalaman ang taon na nabuhay siya dahil sa silver na buhok niya. Kahit na may epekto na ang edad niya sa kanya, ang tingin niya ay maliwanag at masigla pa rin habang nagpakita siya ng awtoridad.Tumingin siya kay Zephyr at tinanong niya, “Ang handover procedure ba sa Baker Group ay kumpleto na?”“Opo,” Ang kalmadong sagot ni Zephyr. “Si Madam Baker po ang pinakamalaking shareholder ng Imperial Media ngayon.”“Mm.” Tumango ng may komplikadong tingin si Liam habang kuminang ang mga mata niya. “Sana ay ang kumpanyang ito ay ipakita ang halaga nito sa ilalim ni Madam Baker.”Kahit na may mga pagtatalo sila sa mga Baker noon, talagang kaya niya maging maunawain dahil sa tagal niya sa business world.Bukod pa dito, ang interes ng mga Hamerton at Baker Group ay konektado at komplikado. Si Zephyr ay anak ni Janine, at ibig
“Pinakilala mo si Cordelia sa nanay mo?” Ang tanong ni Liam.“Oo,” Ang sagot ni Zephyr. “Gustong gusto siya ng mom ko.”“Hah!” Suminghal si Matthew. “Zephyr, iba talaga si Ms. Jenner, no?! Anong pakana ang ginawa niya para makuha ang loob ni Madam Baker, na siyang talagang mapili?”Dumilim ang tingin ni Zephyr.Sinabi ito ng uncle niya para gumawa ng impresyon sa tatay niya na si Cordelia ay mahilig gumawa ng mga pakana.Matagal nang hindi natutuwa si Liam sa family background ni Cordelia, at mas mahirap makuha ang loob ni Liam sa karagdagang titulo na isang babaeng mahilig gumawa ng pakana.Huminga ng malalig si Zephyr at tumawa si Zephyr. “Magkasundo si Cordelia at ang mom ko. Mas magaling si Cordelia sayo pagdating dito!”“Anong sinabi mo?” Kumunot ang noo ni Matthew. “Zephyr, bakit mo ako dinadamay?”“Sinasabi ko lang ang katotohanan.”Inikot ni Zephyr ang pen niya. “Uncle Matthew, sa mga nakalipas na taon na kilala mo ang mom ko, mukhang hindi ka nakatanggap ng kahit isan
Lumaki ang mga mata ni Matthew at hindi siya makapaniwala.“Mukhang walang kwenta ito para sayo, maging kunin ang subsidiary mula sayo o tanggalin ka!” Tumingin ng malamig si Liam kay Matthew. “Hindi mo na pala kailangan pumunta sa kumpanya! Ang mga proyekto ay ibibigay na sa mga bata ng mga Hamerton!”“Zephyr, gumawa ka ng paghahanda para dito. Ang mga mamumuno nito dapat ay may makatarungan na pagkatao. Wala nang mga pagkabigo!”“Mm, naiintindihan ko po.” Ngumiti si Zephyr habang may plano na siya sa kanyang isipan.Marami siyang mga katrabaho sa pamilya. Ang mga matatandang pinsan niya ay mature at matatag na mga tao na mapagkakatiwalaan.“Para naman sa lupa sa western suburbs…” Pinag isipan ito ni Liam. “Zephyr, ikaw na ang bahala dito. Siguraduhin mo na walang mangyaring mali.”“Okay po.”May maliit na ngiti si Zephyr.Gamit lang ang ilang salita, tinanggal niya na si Matthew sa trabaho nito sa board meeting noon, at ngayon, sa gamit rin ang ilang salita lang, pinatalsik n
Biglang tumahimik ang lahat.Ang mga mata ni Cordelia ay nakatingin sa ibaba habang magkadikit ang mga kamay niay at nanatili siyang tahimik.Nagkatinginan sina Janine at Xyla at ngumiti sila, umalis sila ng maunawain. Ang magkasintahan ay kailangan ng pribadong oras sa sandaling ito.“Ronert, dalhin mo kami sa ibang lugar,” Ang utos ni Janine.Nakuha ni Robert ang ibig sabihin ni Janine at agad niyang binuksan ang makina. Ang masayang si Josiah lang ang nakatayo na parang tanga at tumitig sa kanilang dalawa.Ngumiti si Josiah. “Z, hipag, hindi niyo kailangan magdala ng kahit ano. Inihanda ko na ang lugar para sa inyo. Pwede niyong kunin ang gamit niyo at pumasok kayo kahit kailan niyo gusto!”Tumingala si Cordelia at nakita niya ang malalim na tingin ni Zephyr.Medyo kinabahan si Zephyr. “Cordelia, hindi kita pipilitin kung nagdadalawang isip ka.”Hindi mapigilan ni Cordelia na tumawa sa loob. “Hindi kita pipilitin”... Simula noong nalaman ni Cordelia ang tunay na pagkakakilan
“Mahirap talaga maging asawa ni Mr. Z Hamerton!” Ngumiti si Cordelia kay Zephyr.Malungkot sa tuktok. Mataas ang katayuan ni Zephyr, at ang lahat ng pamilya niya ay nakapokus sa kanya—ibig sabihin din nito ay ang lahat ng sama ng loob at panghahamak ay nasa kanya.Ang mga tao sa Hamerton ay hindi siya kayang hawakan, kaya natural na lumipat ang target nila sa mga taong nasa paligid ni Zephyr.“Hindi ko pwedeng ilagay ang sarili ko sa panganib.” Tumingin si Cordelia sa mga mata ni Zephyr. “At hindi ko hahayaan na malipat ang atensyon mo dahil sa akin.”“Kapag malakas na ako at kaya kong protektahan ang sarili ko, hindi na ako magiging pabigat sayo, sa halip, ako pa ang tutulong pa sayo.”“Cordelia…” May iba’t ibang nararamdaman si Zephyr.Alam niya na ang babaeng ito ay matalino at malakas. Hindi mahina si Cordelia,Mahusay si Zephyr, at disente si Cordelia—kayang tumayo ni Cordelia kasama niya. Ito ang pinaka mabuti para sa kanila. Ang maging pantay sa isa’t isa ay ang pinakamag
Suot ito ni Zephyr sa kanyang kamay, kaya agad ito naikumpara ni Cordelia.Magkamukha talaga ito. Kahit ang design ng bell at pagbuburda dito ay pareho.Sabay na nagkatinginan ang magkasintahan. Hinawakan ni Zephyr ang kamay ni Cordelia, at mabilis silang umalis sa Royal Manor.Pumunta sila sa hot spring hotel na malapit sa beach gamit ang kotse. Ang hangin ay medyo amoy maalat din. Pagkatapos lumabas ng kotse, naglakad sila at hindi nagtagal ay narinig nila ang isang pamilyar na boses.“Iha, maganda ang kinabukasan mo!”“Hmm… pero pagdating sa relasyon na romantiko, medyo mas mahina ito. Hah, hindi magtatagal ay magkakahiwalay kayo!”Humigpit ang puso ni Cordelia habang bumilis ang paglalakad niya.Ang taong nakatayo doon ay ang matandang babae pa rin. Binabasa niya ang palad ng isang turista ng may maliit na ngiti na parang alam niya ang lahat.Napahinto siya noong sinabi ng matandang babae, “Pero balang araw, magiging masaya ka!”Hindi ba’t ito rin ang sinabi ng matanda s a
Opisyal nang ginawa ni Cordelia at Zephyr ang Royal Manor bilang tahanan nila.Kahit na inihanda na ni Josiah ang lahat, naisip pa rin ni Cordelia na tama lang ito na sila ang personal na magdecorate ng bahay nila.Ito ang rason kung bakit lumibot siya sa Centrolis at bumili ng maraming gamit sa oras na wala siyang ginagawa pagkatapos niya magresign sa news agency at bago siya magreport sa Imperial Media.Binayaran niya ang lahat gamit ang card ni Zephyr.Patuloy ang pag vibrate ng phone ni Zephyr habang nasa meeting siya, sunod sunod ang notification ng transaction history. Kumunot ang noo niya, ngunit nakangiti ang kanyang mga mata.‘Ang kakayahan ng babaeng ito na bumili… Bakit hindi niya nalaman na ang babaeng ito ay isang shopaholic?’Kapag nagpatuloy si Cordelia na magshopping ng ganito, mauubos ang monthly allowance ni Zephyr, o baka matulad siya kay Nicholas, na siyang wala nang pera kahit para sa isang pack ng sigarilyo!Naluluha ang puso ni Zephyr.Ang department dire
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala