Noong umalis si Cordelia ng trabaho at bumalik siya sa bahay, nakita niya na naglalaro si Zephyr ng mga baraha kasama ang nanay niya.Ang laro na ito ay kakaiba, at komplikado ang mga rules. Tinetesting nito ang lohikal na pag iisip at pasensya ng isang tao. Tinuro ito sa kanya ng nanay niya noong bata pa siya, ngunit hindi niya ito natutunan. Simula noon, hindi na naglalaro ang nanay niya nito kahit kailan.Hindi niya inaasahan na nagkakasiyahan sila.Tumunog ang tawanan sa sala. Matalino si Zephyr para matalo sa bawat round ng hindi halata. Pinahirapan niya muna si Xyla bago niya ito hinayaan na manalo.Tuwang tuwa si Xyla. Habang tumatagal, mas nagugustuhan niya ang manugang niya.Nang matapos na ang round at ibabalasa na ni Zephyr ang mga baraha, biglang napansin niya na nakatayo si Cordelia sa hindi nalalayo. Agad siyang tumayo at tumawa siya. “Nakabalik ka na?”“Uy, maaga kang umuwi sa trabaho?” Ngumiti si Xyla habang bumubunot ng baraha. “Buong hapon kaming naglalaro ni Ze
Nabigla si Zephyr. “Ano ang sinabi mo?”“Tutulungan mo ba ako?”‘Syempre naman!’ Sumigaw si Zephyr sa loob niya.Gayunpaman, nanatili siyang kalmado. Umubo siya at sinabi niya ng may malalim na boses, “Bakit mo ito tinatanong sa akin ng biglaan?”“Dahil…” Huminto si Cordelia. “Maliban sa sariling pagsisikap ko, kailangan kong gamitin ang lahat ng resources na meron ako para may makamit ako, hindi ba?”Medyo nabigla si Zephyr.Ito rin ang sabi ng lecturer niya sa kanya sa unang class ng business school. Ang tamang oras, tamang lugar, at tamang mga tao ang magiging basehan ng tagumpay ng isang tao.Tumingin si Cordelia kay Zephyr gamit ang malaking mga mata niya at ngumiti siya. “Sinusubukan kong magbigay ng interview sa best actor! Base sa katayuan ko, nangangamba ako na kahit ang assistant niya ay tingnan ako ng mababa. Talagang isa itong mission impossible. Ang lahat ay naghihintay para pagtawanan ako.“Pero, may kasama akong makapangyarihan na superman…”Nag unat si Cordelia
Ngumiti si Zephyr at sasagot na sana siya nang biglang bumalik si Zennie at sinabi nito sa kanya ng mahina, “Wag kang masyadong mastress kapag dumating ka sa mesa.”“Bakit?”“Kasi…” Si Zennie ay para bang naghihintay ng magandang palabas. “Baka wala kang masabi!”Huminto siya at naglakad ng mabilis siya patungo sa mesa.Tama naman si Zennie…Istrikto ang ngiti ni Liam habang umupo siya sa main seat ng main chair habang nakatingin siya sa lahat.Para naman sa upuan na dapat ay kay Zephyr, si Nelly ay nakaupo sa tabi nito!“Zephyr, bakit nakatayo ka dyan?” Ang sabi ni Liam, “Umupo ka.”Madilim ang ekspresyon ni Zephyr habang naglakad siya patungo kay Nelly habang nakahigpit ang kamao niya.Ang katulong ay mabait na hinila ang upuan upang makaupo si Zephyr.Ang lahat ay nakatingin kay Zephyr.Ang relasyon niya kay Cordelia ay kumalat na sa kumpanya. Alam ng bawat Hamerton na may nakilala siyang isang babae noong nagpapagaling siya sa Jangasas. Lahat sila ay alam na nakipagtalo
Naging awkward ang dinner.Ang lahat ay tumitig sa pagkain na nasa harap nila, ngunit walang kumibo. Ang lahat sila ay may ibang motibo at hinihintay nila ang palabas.Tulad ng inaasahan, sumimangot si Liam at tumingin siya ng matalas kay Matthew.Ngumisi si Zephyr.Pagdating sa pag unawa ng lolo niya, walang kahit sino sa mga Hamerton ang makakakumpara sa kanya.Ang pinaka ayaw ni Liam sa lahat ay ang maging masyadong malapit sa ibang pamilya. Minsang ginamit ni Matthew ang punto na ito para atakihin si Zephyr, sinabi niya na naging malapit si Zephyr sa pamilya ng lolo ng nanay nito upang sumama ang loob ni Liam.Tumingin si Zephyr kay Matthew ng may makahulugang ngiti.Ang sinabi niya ngayong gabi ay ang kapalit ng ginawa ni Matthew sa kanya noon.“Z-Zephyr Hamerton!” Ang sigaw ni Matthew, “A-Anong ka-kalokohan ang sinasabi mo sa harap ng maraming tao?!”“Dad, wag kayong maniwala sa kanya. Ang batang ito… Hah, masama lang siguro ang loob niya at ginagamit niya ako para ilaba
Hindi mapigilan ni Nelly na manginig nang makita niya ang matalas na mga mata ni Zephyr.“Z-Zephyr…” Tumawa ng peke si Nelly. “Nag aalala lang ako. Mukhang nagmamadali ka…”“Maliit na bagay lang ito,” Ang malamig na sagot ni Zephyr. “Wala itong kinalaman sayo.”“Nakakairita ba talaga ako para sayo?” Kinagat ni Nelly ang mga labi niya. “Ang Tanner Group at ang Hamerton Group ay may maraming business dealing. Tayo ay—”“Hindi mo kailangan mag aalala tungkol dito. Hinihinwalay ko ang trabaho at personal na buhay.” Ang tono niya ay malamig. “Magkita tayo sa opisina kung may gusto kang sabihin tungkol sa trabaho.”Akala ni Nelly ay hindi na malamig si Zephyr sa kanya at pumayag siya ng masaya, “Mm!”Dinala na ni Robert ang kotse palapit.Papasok na sana si Zephyr nang mapagtanto niya na nakasunod si Nelly sa kanya. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Nelly ng may blankong mukha. “Ms. Tanner, sinabi ko na sayo na hilay sa akin ang trabaho at personal na buhay.”Napahinto si Ne
Tumingin si Zephyr sa number. Ito ay mula sa University of Centrolis, ngunit ito ay nagsisimula sa 02. Kung tama ang pagkakaalala niya, ito ay ang hotline ng board of trustees ng university.1/3 ng university board ay ang mga tao na may kinalaman sa mga Tanner.Kumibot ang mga labi ni Zephyr habang may napagtanto siya.“Anong problema?” Nag aalala na tumingin si Cordelia kay Zephyr. “May problema ba sa number?”“Ayos lang. Sandali lang.”Pumunta sa balkonahe si Zephyr.Tumingin si Cordelia sa likod ni Zephyr mula sa sala. Ang lalaki ay tumawag ng maraming beses at mahina ang boses nito. Mabilis itong nagsalita ng mahinahon.‘Ito siguro ang ginagawa ng isang hari…’Napatingin si Cordelia sa baba, namumula ang mga pisngi niya.“Mahinang tinanong ni Carter, “Ate, sa tingin mo ba may paraan talaga si Zephyr?”“Mm, sa tingin ko.” Ang boses ni Cordelia ay mahina.“Ah…” Tumango si Carter at bigla siyang nagbuntong hininga. “Ate, masaya talaga ako at ang hipag ko ay si Zephyr Hamert
Humawak si Zephyr sa kamay ni Cordelia. Kahit na matangkad si Zephyr, yumuko at ngumiti siya, tumitig siya kay Cordelia. “Cordelia, tingnan mo, gabi na…”“Uh huh, so?”“So, pwede bang hindi ako umalis?” Ang sabi ni Zephyr. “Madilim na, at mapanganib sa kalsada. Hindi ka ba nag aalala na uuwi ako ng mag isa?”Tumawa ng masaya si Cordelia.Tinulak niya si Zephyr papunta sa exit, ngunit ang lalaki ay matangkad at malakas ang katawan. Ginamit ni Cordelia ang buong lakas niya at hindi niya pa rin matulak si Zephyr. Dahil masyadong malakas ang pagtulak niya, nawalan siya ng balanse at bumagsak siya papunta sa yakap ni Zephyr.Humigpit ang yakap ni Zephyr sa baywang ni Cordelia, tinanggap niya ang pagkakataon na ito. Ang isang kamay niya ay napunta sa leeg ni Cordelia ay dahan dahan niyang hinila ang ulo nito.Hindi mapigilan ni Cordelia na tumingin sa mga mata ni Zephyr, nag iinit ang pagnanasa nila. Mabilis ang tibok ng puso niya, at namula ang mukha niya. Lumayo siya ng tingin mula k
Nanlilisik ang tingin ni Nelly nang makita niya si Cordelia. Mabilis na bumalik sa pagiging natural ang kanyang ekspresyon at nakangiti siyang lumapit sa kanila, masaya siyang bumati, “Mr. Z!”Kumabog ang puso ni Cordelia, at tumingin siya kay Zephyr. Laging matalas ang kutob ng isang babae."Heh, Mr. Z!" Tumayo sa harap nila si Nelly at tiningnan niya si Cordelia. "Ito si Ms. Jenner?" Magalang na tumango si Cordelia bilang pagbati. Hindi maganda ang itsura ni Zephyr. Nakakunot ang kanyang mga kilay habang nagtatanong siya, "Anong ginagawa mo dito?" "Pinapatawag ka ni Lolo!" Sinadya itong bigyang diin ni Nelly, "Alam niya na hindi ka magagawang kumbinsihin ni Robert, kaya ako ang pinapunta niya para sunduin ka!" Dumilim ang mga mata ni Cordelia. Tauhan ni Zephyr si Robert at siya ang pinakamaaasahang tao sa paligid ni Zephyr. Hindi niya siya kayang kumbinsihin, pero kaya ito ng babaeng ito? Bakit kailangang siya pa mismo ang ipadala ng patriarch ng mga Hamerton? Ipinapara