Nanlilisik ang tingin ni Nelly nang makita niya si Cordelia. Mabilis na bumalik sa pagiging natural ang kanyang ekspresyon at nakangiti siyang lumapit sa kanila, masaya siyang bumati, “Mr. Z!”Kumabog ang puso ni Cordelia, at tumingin siya kay Zephyr. Laging matalas ang kutob ng isang babae."Heh, Mr. Z!" Tumayo sa harap nila si Nelly at tiningnan niya si Cordelia. "Ito si Ms. Jenner?" Magalang na tumango si Cordelia bilang pagbati. Hindi maganda ang itsura ni Zephyr. Nakakunot ang kanyang mga kilay habang nagtatanong siya, "Anong ginagawa mo dito?" "Pinapatawag ka ni Lolo!" Sinadya itong bigyang diin ni Nelly, "Alam niya na hindi ka magagawang kumbinsihin ni Robert, kaya ako ang pinapunta niya para sunduin ka!" Dumilim ang mga mata ni Cordelia. Tauhan ni Zephyr si Robert at siya ang pinakamaaasahang tao sa paligid ni Zephyr. Hindi niya siya kayang kumbinsihin, pero kaya ito ng babaeng ito? Bakit kailangang siya pa mismo ang ipadala ng patriarch ng mga Hamerton? Ipinapara
Napagkahanda si Murphy at sinabi niya ang paliwanag na inihanda niya."Hindi mo alam ang nangyari, Mr. Zephyr. Hindi lang kulang sa edad ang batang 'yun, dinaya rin niya ang mga resulta ng pagsusulit niya. Hah, ayaw lang namin siyang mapahiya kaya sinabi namin na kinansela ang admission niya dahil sa edad niya. Kung sabagay, mas pangit pakinggan na sabihing nandaya siya!""Wala bang mga guro na nakabantay noong nagtetest siya?" "Meron, pero—" "Pero pinipilit niyong itapon sa kanya ang sisi," ang mariing sinabi ni Zephyr. "Kaya mali pa rin siya anuman ang gawin niya!" Insahan na ni Murphy na ganito ang magiging reaksyon ni Zephyr. Bahagya siyang ngumiti, umaasa siya na mas matindi pa ang magiging reaksyon ni Zephyr. Sa ganitong paraan, maaari niyang kunin ang pagkakataon na ibalik ang admission ni Carter upang banggitin ang tungkol sa kasal sa pagitan ng mga Tanner at ng mga Hamerton. Bagaman hindi niya alam kung ano ang relasyon ni Carter kay Zephyr, malamang ay isa siyang ma
Huminga ng malalim si Murphy at tumango. “Huwag kang mag-alala, Mr. Zephyr. Aayusin ko ang tungkol sa bagay na ito!"“Mm, naniniwala ako na isa kang matalinong tao, Mr. Tanner. Kung ganun…” Umupo ulit si Zephyr ng may matalim na tingin. "Gawin mo na ngayon!"“Ano? Ngayon!?”“Oo.” Ngumisi si Zephyr. "Tumawag ka sa harap ko at ipagawa mo sa mga tauhan mo ang trabaho. Kapag hindi ito natapos ngayong araw, hindi ka makakaalis sa club na ‘to ngayong gabi!"…Bumalik si Carter sa pag-aaral sa University of Centrolis.Malungkot na humarap si Cordelia kay Zephyr matapos niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya ngunit nabigo pa rin siyang makakuha ng appointment para makapanayam si Neil.Dinala siya ni Zephyr sa theme park.Inereserba niya ang buong lugar para sa kanilang dalawa, kaya silang mag-asawa lamang ang nandoon. Ang lahat ng rides ay bukas para lamang kay Cordelia.Hinawakan ni Zephyr ang kamay ni Cordelia sa merry-go-round. Habang siya ay tumataas-baba sa likod ng kabayo, n
Kumunot ang noo ni Cordelia. Bago pa siya makapagsalita, nakita niya na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng assistant.“Hello, Mr. Findlay!” Nagmamadaling lumabas ang assistant mula sa reception para salubungin ang lalaki nang naka ngiti. “Anong ginagawa mo dito ngayon? Hahaha!”Kinutuban ng hindi maganda si Cordelia sa matinis na tawa ng assistant.Tumakbo ang assistant upang salubungin ang reporter na ‘yun, at sumilip si Cordelia. Ang lalaki ay isang sikat na senior sa industriya na maraming kilalang mga celebrity at malalaking pangalan.“Halika, maligayang pagdating!” Ang nakangiting sinabi ng assistant. Napaisip sila kung sinasadya ba ito ng assistant—noong nilampasan niya si Cordelia, binangga niya siya ng malakas gamit ng balikat niya.“Sa wakas nandito ka na, Mr. Findlay. Kung alam mo lang. May mga pipitsuging reporter na napakataas ng tingin sa mga sarili nila, na pumupunta dito at gumagawa ng mga problema! Hah, buti nalang libre si Neil ngayon. Nakahanda na siya para sa ek
"Oh." Tumango si Cordelia.Tumingin sa kanya si Zephyr, nagmumula ang init sa malalalim niyang mga mata habang hawak niya ang kanyang kamay sa palad niya.“Sasamahan ka niya sa loob mamaya. Hindi masasayang ang outline ng interview pinagpuyatan mong gawin."“Ano?” Nanlaki ang mga mata ni Cordelia.Mukhang mabait at tapat ang lalaking nasa harap niya, hindi siya mukhang isang tao na may kinalaman sa entertainment industry.“Huwag kang mag-alala.” Tumawa si Zephyr. “Bihasa si Mr. Smith.”Pagkatapos nilang uminom, muling bumalik si Cordelia sa studio ni Neil. Huminga siya ng malalim at kampante siyang pumasok, sinalubong siya ng masungit na mga mata ng assistant gaya ng dati.“Diyos ko!” Ngumisi ang assistant habang kumakain ng mga mani. “Bakit may mga taong parang langaw? Hindi man lang sila maitaboy!“Sinabi ko na sa’yo puno na ang schedule ni Neil. Busy siya. Bakit nandito ka pa!?""Pero may nakita akong reporter na pumasok kanina lang." Nanatiling mahinahon si Cordelia. “At g
Nagbago ang ekspresyon ni Shane, at tumulo ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.Nanginginig sa takot ang assistant. Narinig niya ang sigaw ni Shane, "Lumapit ka dito!"Nanghina ang kanyang mga tuhod. Ni hindi siya makatayo ng tuwid habang nakahawak siya sa mesa, lalo na ang maglakad palapit sa kanila.“M-Mr. Campbell…” Namutla ang mukha ng assistant. Blangko ang tingin niya kay Cordelia.Hindi siya makapaniwala na ang taong kinukutya niya ay nagmula sa napakalakas na background.Maging si Mr. Smith ay iginagalang siya!“Anong sinabi mo?” Nagalit sa kanya si Shane.“H-Hindi ko—”"Ang lakas ng loob mo na sagutin ako!?" Tiningnan siya ng masama ni Shane. “Ano ang ginawang tama ni Neil mula noong nagsimula siya hanggang sa narating niya ang kinalalagyan niya ngayon? Kailanman ay hindi siya nagmataas, kahit na siya ang pinakamahusay na aktor! Kailanman ay hindi siya nangmaliit ng kahit na sino!“Hindi ako makapaniwalang kumuha siya ng isang taong tulad mo! Nakakatakot talaga ‘to…
Gayunpaman, hindi niya nagawang magpakasawa sa tuwang nararamdaman niya nang matagal bago niya naramdaman ang isang pamilyar na yakap.Nahimasmasan si Cordelia at nakita niya ang malalalim na mga mata ni Zephyr. Hindi niya maiwasang mapangiti. Iniisip lang niya kung gaano kaganda ang naging takbo ng interview niya. Maaaring maging isang hot topic ang artikulo sa sandaling mailathala ang interview. Baka magkaroon siya ng pagkakataong ma-promote.Samantala, si Mr. Z ang taong tumulong sa kanya upang makamit iyon!Tumingin siya kay Zephyr gamit ang kanyang malaki at maningning na mga mata, habang masaya siyang nakangiti. Tumingkayad siya at kumapit siya sa leeg ni Zephyr para halikan siya sa pisngi!Noong una ay nagpunta talaga si Zephyr para "tanungin" siya.Hindi niya akalain na malilito siya sa biglaang paghalik sa kanya ni Cordelia. Napatingin siya kay Cordelia.“A-Anong problema?”"Anong ibig mong sabihin?" Nanlaki ang mga mata ni Cordelia. "Hindi ba kita pwedeng halikan?"Hi
'Ugh, bakit ang seryoso na naman niya?'Tiningnan ni Cordelia ang kanyang nakakatakot na mukha at palihim na nang-asar.Hindi ba maayos naman ang ugali niya noon? Naging moody siya nitong mga nakaraang araw at titingin siya ng masama sa kanya at bigla na lang siyang magrereklamo.Tinikom niya ang mga labi niya and sumandal siya kay Zephyr na para bang wala siyang buto.Nalanghap ni Zephyr ang amoy ni Cordelia at unti-unting naglaho ang kanyang galit. Hindi na siya galit ngayon.Ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Oo, nagtanong si Neil tungkol sa’tin. Lalo na si Mr. Smith ang nagdala sa’kin sa loob. Tauhan mo siya, kaya napag-usapan namin ang tungkol sa pag-iinvest ng Hamterton Group sa mga pelikula."Maikli lamang ang naging sagot ni Zephyr.Inutusan niya si Mr. Smith na sabihin ‘yun.Una, ito ay upang itaas ang katayuan ni Cordelia para hindi mangahas ang mga tao sa studio na maliitin siya.Pangalawa, pinapahiwatig nito ang kanilang relasyon.Bihasa na si Neil. Natural, naiint
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala