Benjamin's POV Nakuyom niya nang mariin ang mga kamao. Hindi maaari! He kept thinking about it even though it seemed so impossible. Only his mom can answer all his worries. That's why when she contacted his father, he went to the airport to pick her up without her knowing. Nagboluntaryo siya sa ama na siya na ang susundo sa kanyang masekretong mama. Panay ang palakad-lakad niya sa waiting area ng airport at labis din ang pasasalamat niyang late ang dating nito sa airport dahil hindi ganun karami ang tao. It's 12 midnight."Come on, mom," inis niyang anas nang mapatingin sa relo. Mabilis siyang lumapit sa ina nang makita ito ilang minuto pa ang lumipas. Niyakap niya lang ito pero hindi mawala-wala ang tampo niya rito."Oh my God, son." Tuwang saad nito na ginantihan agad ang yakap niya. "I thought your dad would come get me.""Marami tayong pag-uusapan, Ma." Mabilis niyang sagot sabay tingin sa tiyahin. "Hello, Tita."Tinanguan lang siya ng tiyahin. Ilang oras din ang byahe mula Euro
Maria's POV "Kung hindi dahil sa tulong ni Jacob, hindi maipapatayo ang mga kabahayan dito." Naiiyak na naman ang nanay niya nang mabanggit ito. "Mas gumanda nga lalo. Kailan ba ang punta niya rito, anak, para naman makapagpasalamat ang lahat sa kanya?" Kahit siya'y walang alam. Halos isang linggo na niyang hindi makontak si Jacob. Natatakot pa rin siya kay Benjamin dahil sa pakialamerong Blake na 'yon. Siguradong naibigay na nito ang video kay Benjamin. "Anak, ang lalim naman ng iniisip mo." Sa rami ng problemang kinasasangkutan, hindi niya ipapaalam sa magulang ang mga ito, "Ok lang ako, Nay, nalulungkot lang kasi napahinto ako ng pag-aaral." Hindi niya alam kung ano ang plano ni Jacob para matulungan siya. Panibagong kontrata na naman ba ang pipirmahan niya? Sa ginawa nitong pagtulong sa tribo niya, alam niyang may kapalit ito kahit pa may tulong din sa mayor nila. Mas lamang pa rin ang naiambag ni Jacob sa maliit nilang bayan. Mas gumanda pa nga dahil dumagdag sa imprastraktu
Maria's POV "Salamat naman dahil pumayag kang kilalanin ako, Maria." Sinserong saad ni Polding. "Ganito talaga ako, eh, palabiro." Maraming jokes si Polding sa kanya kanina pero hindi naman nakakatawa sa totoo lang. Ang corny ng jokes nito pero kahit papa'no gumaan ang pakiramdam niya dahil hindi nito hinusgahan ang pagkatao niya. Simpleng-simple lang siya ngayon, walang make-up, 'di kagaya noon na kailangan niyang mag-ayos para magpa-impress sa lahat. Unti-unti nang bumabalik ang dating Maria. Naa-appreciate na niya ang kasimplehan ng buhay lalo na ang katahimikan. "Bakit ako?" malungkot niyang tinanaw ang dagat. Pangatlong bisita na ito ni Polding sa kanya matapos ang isang linggo. "Ano bang nakita mo sa'kin noon kaya napili mo'ko kahit mataba pa'ko?" "Hindi pa kita nakikita noon, Maria, pero no'ng malaman kong ka-tribo ka ng namayapa kong asawa, hindi na'ko nagpatumpik-tumpik pa. Tatay mo ang kinausap ko nang pumunta siya ng bayan at may ilang katutubo na tumulong sa kanya para
Maria's POV "Anak alam kong masama ang loob mo dahil sa pamimilit namin ng tatay mo na tanggapin mo si Polding pero—" Napalingon siya sa nanay niya at mabilis itong sinagot, "May punto naman kayo ni Tatay, Nay. Sa totoo lang, naging magulo ang buhay ko nang mapadpad ako sa Maynila." Ngunit hindi siya sumuko pero nabigo siya. Masyado siyang nag-focus sa paghihiganti kay Benjamin na nakalimutan na niyang ang pangarap pala niya ang naging dahilan kung bakit nagpupursige siyang mapabilang sa scholarship. Kaso lang.... huli na, eh. Hindi na maibabalik ang lahat ng nangyari. Dumating pa siya sa puntong ipinagkaloob ang sarili sa lalaking hindi naman siya pinanagutan. Tama nga siguro ang tatay niya. "Mabuting tao si Polding, Nay, pero kung sakaling maikasal nga kami ng legal, kukunin ko kayo. Titira kayo ni Tatay kasama kami." Wala siyang pagmamahal sa lalaking 'yon pero dahil sa kinalulugmukang problema, baka nga patulan na niya ito kahit pa nagdadalawang-isip siya. "Tsaka—" "Maria!"
Maria's POV Matapos ang isang linggo, dumating na nga ang kinatatakutan niyang pag-alis para sa isang misyon na labag ulit sa kalooban niya. Pinapatatag na lang niya ang sarili at nagdadasal din siyang matapos na ito. "Aba'y may kaunti pa naman tayong supply galing sa bigay ni Mayor, ang dami naman nito, anak." Takang tanong ng nanay niya nang isama niya ito sa bayan. "Alam ko na, galing kay Jacob ang pera, ano? Napakabait niya talaga, anak." Kung alam lang ng nanay niya. Maaga pa lang nang ayain niya ang mga magulang kasama ang isang pinsan sa bayan para mamili at mamayang hapon, dederetso na siya ng airport pa-Maynila. Marami pa siyang oras para ipang-grocery ang magulang at ang pinsan mula sa perang naibigay ni Jacob. Sumama rin ang mga ito patungong airport pero dumaan muna sila sa Mall para kumain at mag-ikot ikot. Knapsack na bag lang ang dala niya dahil hindi siya magtatagal ng Maynila. Iyon ang bilin ni Jacob: 'wag siyang magdala ng malaking bagahe dahil sa bahay mismo ng
Maria's POV "Huling gabi na ito ng lamay bago ilagay sa Heritage Park Mortuary ang abo ng daddy niya." Balita sa kanya ni Queen Victoria habang pinupunasan nito ang pawis ni Jacob sa noo. "Hindi na'ko nakapag-asawa kaya itinuring kong anak si Jacob sa pamamagitan ng pagsisilbi sa pamilya niya. Hindi ko mapabayaan ang batang 'to lalo't masyado itong sensitive kapag may ganitong ganap sa buhay niya." Nakita niya si Jacob na nakayakap sa bewang ng matanda. Ito ang unang beses niya na makita nang ganito ang lalaking ito. Matapang kasi ito at hindi tumatanggap ng pagkatalo pero sa araw na 'to, nakita niya ang lungkot at pagluha nito. Sa loob sila ng library nito kasama ang mayordoma para ibalita ito sa kanya. "Pwede ka nang lumabas mamaya para makilamay sa huling gabi dahil pinagbawal ni Jacob ang mga reporter ngayon." Dugtong ni Queen Victoria. Kahit naman nakakapunta siya ng sala kung saan nilagay ang abo ng ama nito na dinesenyohan nang elegante ng funeral service, sa umaga lamang i
Maria's POV "Pinaniwala ako ni Jacob Sr., na namatay ang anak ko nang iluwal ko siya sa isang maternity clinic. May nakita akong bata noon na nangingitim na at wala ng buhay, 'yon daw ang anak namin." Iyak na nang iyak ang babae nang sumariwa ang sakit sa pagkawala ng unang anak nito. "Kung hindi pa na-involve si Benjamin at ikaw kay Jacob, hinding-hindi ko malalaman na may anak pala si Jacob Sr. Matagal kasi kaming namalagi sa ibang bansa at pilit kong kinalimutan ang lahat dahil mas pinili kong 'wag iwan ang ama ni Ben. Nawala lang ang lahat sa isip ko dahil natutok na ang atensyon ko sa nag-iisang kong anak na si Ben pero hindi ko akalaing masasangkot kayo sa ganitong gulo. Wala na rin akong balita sa ama ni Jacob noon pero pinagtagpo tayong lahat." Pumayag siyang gawin ang ipinapagawa nito kung ito ang paraan para matapos na ang sigalot nila Ben at Jacob. Ang bigat sa dibdib niya, medyo nabawasan dahil nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ng ina ni Ben. "Na'san ho si Ben?" Ay
Maria's POV Mabilis na iniwas ni Jacob ang mukha nang gawin niya iyon sabay tanong, "Sino ang babaeng kasama mo na umakyat sa pader sa likod, Maria?" Wala mang kabuhay-buhay ang tanong nito, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Natuliro siya bigla at hindi na nakapagsalita pa. Dagdag pa ni Jacob, "Nakita kita kasama ang babaeng iyon mula sa bintana ko pero hinayaan lang kita dahil alam kong babalik ka." Bumuka ang labi niya pero wala siyang maapuhap na salita. Nalagay na lang niya ang pagkain ulit sa bed tray dahil sa takot. Nakuyom niya nang mariin ang nanginginig na kamay para pakalmahin ang sarili. "Answer me, Maria." Malumanay na utos nito. Katahimikan muna ang namayani sa pagitan nila pero hindi inaalis ni Jacob ang pagkakatingin sa kanya. Mukhang naghihintay ito ng sasabihin niya. "Mama r-raw siya ni Benjamin. Hinahanap ka niya, J-Jacob, kaya ako ang h-hinila niya para ipaabot sa'yo ang nais niya kaya nga—k-kaya nga importante r-rin ang sadya ko sa'yo ngayon. Abou