NAGISING si Stefan na may labis na pananakit ng kanyang ulo at pakiramdam na umiikot ang kanyang buong paligid.
“Fuck!” malutong na mura ng binata dahilan para mapahawak siya sa kanyang ulo. “What happened last night?” tanong niya sa kanyang sarili na inaalala ang nangyari kagabi.
Akmang babangon siya nang maramdaman niya na may tila nakadagan sa kanyang kaliwang braso dahilan para maibaling ang kanyang tingin sa gawing kaliwa. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang makita ang isang babae sa kanyang tabi.
“Who the hell are you?” bulalas niyang tanong matapos niyang hatakin ang kanyang braso mula sa pagkakadagan ng ulo ng dalaga rito na ginawang unan nito.
“Fuck!” malutong na mura ni Stefan nang maramdaman niyang gumapang ang pulikat sa kanyang buong braso hanggang sa kanyang kili-kili nang makahinga ito.
“Ayos ka lang ba?” tanong ng dalaga na hindi alam kung uunahin ang sarili o ang binata.
“Stay away from me!” mariing utos ni Stefan na napabaluktot sa kakaibang sakit na ibinibigay sa kanya ng pulikat ng kanyang braso. “Fuck! Is her head a metal ball? Why it gives me a fucking painful cramps?” tanong ng binata sa kanyang isipan habang patuloy na hinihilot ang kanyang braso para maka-circulate muli nang maayos ang dugo rito.
“I can help—”
Akmang aabutin ng dalaga si Stefan ngunit mabilis na tinabig ng binata ang kamay nito at tinignan nang matalim. “Don’t you dare!” mariing saad ng binata.
Napayuko ang dalaga dahil sa itinuran ni Stefan.
“Who are you? What are you doing here in my room?”
Inangat ng dalaga ang kanyang ulo nang akmang sasagutin ang mga tanong ng binata nang biglang bumukas ang pinto at nakita ni Doña Divina ang dalawa na kapwa h***d. Napasinghap din si Manang Lucia sa kanyang nakita.
“What is the meaning of this, Stefan?” mariing tanong ng kanyang lola habang tinitignan ang buong k’warto kung saan nagkalat ang mga damit nilang dalawa sa sahig.
“Eunice, anong ginawa mo?” bulalas na tanong ni Manang Lucia nang makita ang anak na h***d at katabi ng kanyang amo. Nilapitan ito ni Manang saka hinampas sa braso. “Anak, anong ginawa mo?” nasisiphayong tanong nito na may kasabay na takot na nararamdaman.
“Ma, wala po akong ginawa,” lumuluhang sagot ni Eunice.
Napatingin si Stefan sa direksyon ni Eunice na may naguguluhang itsura. “Is this girl attempting to impose that I am the one who is to blame for what happened?”
“Lucia, hindi mo kailangan pagalitan si Eunice,” pag-aawat na wika ni Doña Divina.
“Pero, Ma’am, kasalanan ng anak ko—”
Pinutol ni Doña Divina ang sasabihin ni Manang Lucia. “Hindi kasalanan ni Eunice ang nangyari, Lucia—” At ibinaling ang tingin nito kay Stefan. “Kita naman kung sino ang may kasalanan.”
Naibaling ni Stefan ang kanyang tingin sa kanyang lola. “Lola, let me explain,” saad ni Stefan at mabilis na dinampot ang boxer sa sahig saka sinuot. Ngunit hindi pa man niya naitataas ng buo ang kanyang boxer shorts ay biglang nagsalita si Doña Divina.
“I don’t need an explanation, Stefan. Nangyari na ang nangyari. Be a man and accept responsibility for your actions. Get married to her.”
Natigalgal si Stefan sa kanyang narinig. “Lola—”
“Stefan, I’m dying soon so please ‘wag mo na akong bigyan ng kahihiyan and marry her,” pakiusap ni Doña Divina dahilan para mas lalong mawalan ng salita si Stefan.
Ibinaling naman ng kanyang lola ang tingin nito kay Eunice na hindi alam ang magiging reaksyon o gagawin sa nangyayari.
“Hija, please come into my room after you have fixed yourself. Okay?” wika ni Doña Divina kung saan binigyan nito ito nang maliit na ngiti bago tuluyang tumalikod.
Inalalayan naman ni Manang Lucia si Eunice na pulutin ang mga damit nito na nagkalat sa sahig.
“Paumanhin, Sir, sa nangyari,” paghingi ng despensa ni Manang Lucia kay Stefan. “Ngunit mauna na po kami,” paalam nito at inalalayan ang anak nito palabas ng k’warto ng binata.
Napahilamos ng mukha si Stefan nang sandaling nag-iisa na lang ito sa kanyang k’warto.
“Fuck! What did I done last night? How come this happens?” tanong niya sa kanyang sarili na labis na nasisiphayo sa nangyayari.
“Fuck!”
SA K’WARTO ni Doña Divina,
Nabalot ng kakaibang katahimikan ang buong k’warto simula nang pumasok si Eunice at kahit na bukas ang aircon at bagong ligo siya ay ramdam niya na pinagpapawisan pa rin ang kanyang katawan dahil sa kabang kanina pa lumalamon sa kanya matapos ang nangyari.
“Eunice…” sambit ni Doña Divina sa pangalan niya matapos nitong sumimsim ng paborito nitong tsa’a.
“Po!” gulat na tugon ni Eunice.
Natawa naman si Doña Divina sa naging reaksyon ng dalaga dahilan para lalong makaramdam ng pagkailang si Eunice at yumuko na lamang para itago ang kanyang pagkailang at kaba. Ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang maramdaman niya ang kamay ng matanda sa kanyang mga kamay.
“Hija…”
Iniangat ni Doña Divina ang kanyang ulo si Eunice para magtagpo ang kanilang mga mata.
“Hija, hindi mo kailangan matakot sa akin,” malambing na wika ng matanda at marahang pinisil-pisil ang kamay ni Eunice at binigyan siya nang maamong ngiti.
“Pero po may nangyari po sa amin ni Sir Stefan na hindi naman po dapat,” mahina at nahihiyang saad ni Eunice at muling napayuko.
“Hija…” tawag ni Doña Divina sa kanya para kunin ang kanyang atensyon.
“Maniwala po kayo, Ma’am Divina. Hindi ko po plinano na mangyari ang lahat ng ito. Magdadala lang po talaga ako ng tubig na may honey kay Sir Stefan gaya ng utos ni Ina dahil sa lango po ito sa alak ngunit pagpasok ko po sa k'warto niya ay bigla na lang po niya akong hinila at sinimulang halikan. Sinubukan ko po kumawala sa kanya at pigilan siya sa kanyang gagawin pero hindi po sapat ang pwersa na meron ako at nangyari po ang hindi dapat na mangyari,” paliwanag ni Eunice nang walang patid para linisin ang kanyang pangalan at hindi pagkakaintindihan.
Namangha si Doña Divina kay Eunice at natawa.
“Ma'am Divina…”
Pinisil ni Doña Divina ang kamay ni Eunice. “Lola Divina, Hija.”
Napatingin na may pag-aalangan si Eunice sa matanda.
“Huwag ka na mailang, Hija. Hindi ba’t iyon ang tawag mo sa akin simula ng bata ka pa?”
“Dati po ‘yon. Patawarin niyo po ako sa kapahangasan ko po noon. Bata pa po ako at hindi ko pa po alam ang mali ang akimg ginagawa,” wika ni Eunice.
Umiling si Doña Divina. “No, hija. Wala kang kasalanan.”
“Pero—”
“Hija—” At mas hinawakan nang mahigpit ni Doña Divina sa kamay ni Eunice. –“Hindi mo kailangan mailang o matakot sa akin lalopa’t magiging asawa ka na ng aking apo,” nakangiting saad nito.
Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Eunice nang marinig niya ang sinabi ni Doña Divina. “Pero, Ma’am—”
“Lola, Hija,” pagtatama ni Doña Divina.
Nag-aalangan man ay sinunod ni Eunice ang nais ng matanda at para na rin masabi niya ang kanyang pahayag.
“Pero Lola Divina, isang pagkakamali po ang nangyari sa amin ni Sir Stefan,” alma ni Eunice. “At sa tingin ko po hindi po nararapat na ikasal si Sir Stefan sa hamak na tulad ko po.” Dagdag niya sabay napayuko.
Hinawakan ni Doña Divina ang dalaga sa mukha at marahan na hinaplos ang pisngi ni Eunice. “Hija, gugustuhin mo ba na nawala ang iyong pagkabirhen nang gano’n-gano’n na lang? Nang dahil lang sa isang pagkakamali o aksidente ay hahayaan mo na lang ito ng gano'n-gano'n na lang?”
Hindi nakaimik si Eunice sa sinabi ng matanda dahil alam niya sa sarili niyang hindi okay iyon pero nagkakaroon siya ng pagdadalawang-isip lalo na sa parte ni Stefan. Alam niyang hindi nais ng binata na magpatali sa kahit na sinong babae lalo at mas gusto nito na magbuhay binata lamang. Alam niya iyon dahil nakita at nasaksihan niya ang lahat na iyon habang siya'y lumalaki. Natatakot siya na baka kapag sinabi niya na dapat panagutan siya ni Stefan sa ginawa nito sa kanya ay lalong maging magulo ang mangyari—ayaw niya na mangyari iyon lalo na ang magkalabuan ang mag-lola dahil sa kanya. Isa pa, nang makita niya ang pagtrato na ibinigay nito sa kanya kaninang umaga ay mas lalo siyang nagkaroon nang agam-agam na magiging maayos ang lahat kung sakali na papanagutin niya ito sa nangyari.
“Eunice, alam ko na nagkakaroon ka nang agam-agam lalo na sa reaksyon na ipinakita sa ‘yo ng aking apo ngunit sinasabi ko sa ‘yo na mabuti siyang lalaki. Hindi ka niya sasaktan," wika ni Doña Divina na tila nabasa ang kanyang iniisip.
Hindi umimik si Eunice. Alam niyang hindi masamang tao si Stefan ngunit hindi siya nakakasiguro na magiging mabuti ang magiging pagtrato nito sa kanya lalo na ayaw naman nitong matali sa kahit na kaninong babae.
“Alam kong biglaan ang mga pangyayari ngunit kung may nararapat man na babae para sa apo ko ay walang iba kung ‘di ikaw, Hija. Nakita ko kung gaano ka kabait at kalambing na bata at alam kong hindi ka tulad ng ibang babae riyan na pera lang ang habol sa apo ko. Hindi rin display si Stefan para kunin ng mga babae na ‘yan para ipagmayabang. Kaya ikaw ang gusto ko dahil sigurado akong hindi ka ganoong klase ng babae.”
“Pero, Lola, ang layo namin sa isa’t isa ni Sir Stefan. Kung may nararapat man po para sa kanya iyon ay ang mga babae na kapareho niya ng uri hindi ang isang anak ng katulong,” mahinang saad ni Eunice na labis na nahihiya at nanliliit sa kanyang sarili.
“Hija, ‘wag mong maliitin ang iyong sarili dahil sa estado na meron kayo ni Lucia. Responsible, mabait at mapagmahal kayong mag-ina na hindi mo makikita sa mga babaeng nasa mataas na antas ng pamumuhay. Maaaring magaganda at mayayaman at may magandang pinag-aralan ngunit hindi ko sila na nakilala tulad ng pagkakakilala ko sa ‘yo, Hija. Kung may nararapat man para kay Stefan ay ikaw ‘yon at wala ng iba,” saad ni Doña Divina na siguradong-sigurado sa mga binatawan nitong mga salita.
“Lola Divina…”
Hinaplos muli ni Doña Divina ang pisngi ng dalaga. “Magiging mabuting asawa at ama si Stefan sa ‘yo at sa magiging anak niyo, Hija. Sinisigurado ko ‘yan sa ‘yo,” wika ng matanda na binigyan nang matamis na ngiti si Eunice.
MATAPOS ang isang linggong preparasyon ay nangyari na rin sa wakas ang pinakaasam-asam na kasal ni Doña Divina para sa kanyang apo na si Stefan sa babaeng gusto niya na si Eunice. Bagamat hindi naging madali ang lahat ay matagumpay pa rin na nangyari ang kasal.
“And now, let us all congratulate the newlywed couple! Mr. and Mrs. Salvatore!” wika ng host at kasunod noon ay ang masigabong palakpak ng mga bisitang dumalo sa engrandeng kasal nina Stefan at Eunice.
Naglakad naman papasok sina Stefan at Eunice ng event hall na siyang kinamangha ng lahat dahil sa kapwa ang dalawa ay nagniningning sa kanilang mga suot at magandang awra nila bilang mag-asawa.
“Woah! The bride is incredibly lovely. To whom does she belong in her family?” manghang tanong ng babae habang pinagmamasdan si Eunice.
“I don’t know, either.”
“Didn’t you know there’s a rumor going around about that girl?”
“What is it? Spill the tea!”
“She’s Salvatore’s caretaker’s daughter, and this wedding just happened because Divina’s grandson accidentally fucked that girl. Divina accepts that girl despite her deprivation out of desperation to have a grandson.”
Dinig na dinig ni Eunice kung paano pagtsismisan sina Stefan at Doña Divina nang dahil sa kanya dahilan para mapakapit siya sa braso ni Stefan nang mahigpit.
“I’m so—”
Hindi pa man natatapos ang paghingi ng paumanhin kay Stefan ay bigla nitong inalis ang kanyang pagkakahawak sa braso nito at nilapitan ang mga bisitang nagkakalat ng tsismis.
“If you’re just aiming to spread false rumors, this isn’t the place for you,” mariing pagpupunto ni Stefan sa tatlong matatandang babae na nag-uusap kanina. “Now, leave. You’re ruining our wedding.”
Natigalgal naman ang tatlo sa biglang paninita ni Stefan sa kanila.
“What exactly are you waiting for? Is it necessary for me to summon security to drag you out?” malamig na saad ni Stefan habang binibigyan niya nang matatalim na tingin ang mga ito.
Sa labis na kahihiyan ay umalis ang tatlong matatandang tsismosa sa wedding event na iyon. Lumapit si Stefan kay Eunice at tinignan ito sa mata.
“Stefan, you shouldn’t—”
Hindi pa man natatapos ang kanyang sasabihin ay hinila siya ni Stefan papunta sa gitna kung saan naroon ang host at kinuha ang microphone sa kamay nito.
“This is a special occasion for my wife and me, particularly for my Lola. If anyone intends to ruin this special day, the door is now wide open and you are free to leave. You are not required to be present. Thank you.”
“HAVE TO GO, babe. Enjoy your day. I love you,” malambing na paalam ni Stefan kay Eunice at nag-iwan ng halik sa noo ng dalaga nang matapos ito sa kanyang pagkain.“Take care, hon. I love you too,” tugon ni Eunice.Hindi pa rin makolekta ni Eunice ang kanyang sarili sa tuwing hahalikan siya ni Stefan sa noo sa harap ni Doña Divina. Ang mga sweet talks and moves nito ay hindi niya magawang matanggap. Ibang-iba ito kumpara sa Stefan na walang interes na magpatali at gusto magbuhay binata. Ibang-iba.“I’m leaving, Lola. Please take care not to overwork yourself. Okay?” paalala ni Stefan matapos bigyan din ng halik sa noo ang kanyang lola.“Mag-iingat ka, Apo,” wika ni Doña Divina.“I will, Lola.” At tuluyan nang umalis si Stefan habang naiwan naman si Eunice at Doña Divina sa hapag-kainan.Nabalot nang kakaibang katahimikan ang hapag-kainan ngunit binasag ni
NAMULA parang kamatis ang mukha ni Eunice dahil sa sinabi ni Stefan. “I’m not looking at you!” mariing pagtatanggi ni Eunice na hindi pa rin nawawala ang pamumula ng kanyang mukha at mas lalong umiinit habang patuloy niyang itinatanggi ang katotohanan. “Really? Then why your face is burning in red?” ngising tanong ni Stefan at mas tinutukso siya nito. “Wala ‘to!” Sabay nagtakip ng mukha si Eunice gamit ang kanyang dalawang kamay. “Mainit lang kaya ganito mukha ko,” pagdadahilang saad ng kanyang asawa na sinimulang paypayin ang kanyang mukha para mawala ang init na nararamdaman niya na dahilan ng pamumula ng kanyang mukha. “Is that so?” At binigyan siya ni Stefan nang nakakapagdudang tingin. “Oo nga kasi!” pagbibigay-diin ni Eunice na mas lalong tinakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay para itago iyon kay Stefan at dahil na rin sa labis na hiya. “What are you doing, Eunice?” nanggigigil na tanong ni Eunice sa kanyang sar
MATAPOS nina Eunice kumain ay inihatid na siya ni Stefan pauwi sa bahay para makapagpahinga.“Take a rest,” wika ni Stefan kay Eunice.“I will,” tugon ni Eunice at binigyan nang maliit na ngiti ang kanyang asawa.“Then, I should go,” paalam ni Stefan at binigyan siya ng halik sa noo ng kanyang asawa. “Be careful.”Matapos noon ay sumakay na ito sa kotse at umalis ngunit bago pa man si Stefan makalayo ay napatingin ito sa rear mirror ng sasakyan kung saan nakita nito ang repleksyon ng kanyang asawa na halatang gulat na naman sa kanyang ginawa.Napailing si Stefan at ibinalik ang tingin nito sa daan. "She still has a lot to learn.”NAKABALIK si Stefan sa kompanya pasado ala una ng hapon at agad inasikaso ang mga dapat niyang gawin. Lumipas ang mga oras ng hindi niya namalayan hanggang sa nakaramdam siya ng pagod at naisipan magpahinga.“Loaded again, Mr. Sal
NANUMBALIK si Eunice sa kanyang sarili nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Doña Divina sa kanyang kamay.“Alam ko masyadong mabilis ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon, hija. Nakikita ko kung gaano ka nahihirapan pero—” humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Doña Divina sa kamay ni Eunice— “kailangan ni Stefan ng taong magmamahal sa kanya sa kabila ng masalimoot niyang nakaraan at ikaw ang taong iyon, hija.”Kitang-kita ni Eunice sa mga mata ni Doña Divina ang matinding paghahangad na siya ang karapat-dapat sa apo nito ngunit the more na nakikita niya ang ganoong reaksyon ng matanda ay mas lalo siyang kinakain ng kanyang konsensya. Alam niya sa sarili niyang hindi niya mahal si Stefan at ayaw niyang lokohin ang kanyang sarili o kaya paasahin si Doña Divina.“Lola, alam ko po na mahalaga sa inyo si Stefan pero ayaw ko po na lokohin kayo lalo na ang sarili ko na mahal ko si Stefan k
NANIGAS si Eunice sa kanyang pagkakatayo at gumapang ang kaba dibdib nito nang marinig niya ang seryosong tanong ni Stefan sa kanya.“Eunice, I’m asking you. Who is Iñigo Eliseo?” pag-uulit na tanong ni Stefan sa kanyang asawa.Nanatiling nakatayo si Eunice at walang imik.“Eunice,” muling tawag ni Stefan kay Eunice.Napalunok si Eunice nang malalim ng marinig niya ang pagtawag ni Stefan sa kanya gamit ang buo niyang pangalan at ibig sabihin noon ay either sumunod ka sa sinasabi nito or sagutin mo ang tanong niya. In short, galit ito.Inayos ni Eunice ang kanyang sarili saka hinarap ang kanyang asawa nang buong lakas. “Kababata ko si Iñigo,” sagot niya.“Kababata?”“Oo, kababata ko siya—” Napatigil sa pagsasalita si Eunice nang maalala niya ang nakalagay sa kontrata nilang dalawa ni Stefan. “Teka—”Tumingin siya s
LUMIPAS ang halos tatlong buwan nang hindi namamalayan ni Eunice at unti-unti na ring nakikita ang paglaki ng kanyang tiyan. Sa loob ng mga nagdaang mga buwan ay unti-unti na siyang nasanay sa pamumuhay bilang isang miyembro ng Salvatore ngunit tanging ang pabago-bagong ugali lang ni Stefan ang hindi niya pa rin nagagawang makasanayan o maunawaan—naroon pa rin ang biglaang pagiging sweet at malamig nito minsan.Sa mga nakalipas din na mga buwan na iyon, wala siyang ginawa kung ‘di ang magbasa ng mga libro at panunuod ng lectures online tungkol sa medisina. Pati panunuod ng mga medical drama ay kanya ring naging libangan. Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa sa tuwing nakakabasa o nakakapanuod siya ng may kinalaman sa medisina lalo na sa pag-oopera.“You really like to be a doctor, aren't you, Hija?” nakangiting tanong ni Doña Divina na sumulpot sa tabi ni Eunice.Tumango nang mangilang ulit ang dalaga. “Oo naman po!” tuw
MADILIM ang buong paligid at walang makita si Stefan nang sandaling iyon habang pilit niya iginagala ang kanyang paningin at sinusubukan makaaninag.“Where I am?” tanong niya sa kanyang sarili na patuloy sa pag-aninag sa kanyang paligid.Ihahakbang niya na sana ni Stefan ang kanyang mga paa nang bigla nagbago ang kanyang buong paligid at ngayon ay nakita niya na lamang ang kanyang sarili na nakaupo sa loob ng kotse.“Stefan, how long will you continue to ignore those girls at school? They are desperate to be your girlfriends”Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig sa kanyang kanan dahilan para makita niya ang kanyang kapatid na si Damon.“Damon…”Hindi si Stefan lubos na makapaniwala na nakikita niya ang kanyang kapatid ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang marinig niya ang kanyang boses na galing sa kanyang kaliwa.“I don’t have interest to them,” maikling t
TULAD sa mga nagdaang taon ay ginunita nina Stefan at Doña Divina ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at kahit na ilang taon na ang nagdaan ay kitang-kita pa rin sa mag-lola ang sakit na nangyari sa kanilang pamilya. Pumunta sila ng simbahan para um-attend ng misa at pinuntahan din nila ang mga puntod nito para magsindi ng kandila at dalhan ito ng bulaklak.Walang imik at nakatuon lang ang tingin ni Stefan sa puntod ng kanyang mga magulang at kapatid habang si Doña Divina naman ay nagsisimulang mangilid ang mga luha sa mga mata nito.“Anak…” pagsisimulang usual ni Doña Divina na may halong paggaralgal sa kanyang tinig. “Sampung taon na ang nakakalipas ngunit parang ang sariwa pa rin sa amin ni Stefan ang lahat na nangyari,” pagpapatuloy nito na tuluyang kumawala ang mga luha sa mga mata nito.Niyakap ni Stefan ang kanyang lola at hinimas sa braso para aluhin ito ngunit hindi magawang pigilan ni Do&nti
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang