“HAVE TO GO, babe. Enjoy your day. I love you,” malambing na paalam ni Stefan kay Eunice at nag-iwan ng halik sa noo ng dalaga nang matapos ito sa kanyang pagkain.
“Take care, hon. I love you too,” tugon ni Eunice. Hindi pa rin makolekta ni Eunice ang kanyang sarili sa tuwing hahalikan siya ni Stefan sa noo sa harap ni Doña Divina. Ang mga sweet talks and moves nito ay hindi niya magawang matanggap. Ibang-iba ito kumpara sa Stefan na walang interes na magpatali at gusto magbuhay binata. Ibang-iba.“I’m leaving, Lola. Please take care not to overwork yourself. Okay?” paalala ni Stefan matapos bigyan din ng halik sa noo ang kanyang lola.“Mag-iingat ka, Apo,” wika ni Doña Divina.“I will, Lola.” At tuluyan nang umalis si Stefan habang naiwan naman si Eunice at Doña Divina sa hapag-kainan.Nabalot nang kakaibang katahimikan ang hapag-kainan ngunit binasag ni Doña Divina ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Eunice.“Walang sandali na makita ko kayo ng aking apo na malambing sa isa’t isa. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa aking kadalagahan sa tuwing nakikita ko kung paano ka ituring na asawa ni Stefan,” wika nito.Hindi alam ni Eunice ang kanyang magiging reaksyon sa sinasabi ni Doña Divina dahilan para manatili na lamang siyang tahimik at ngiti lamang ang kanyang nagiging pagtugon.“Hindi ba’t sinabi ko na magiging mabuting asawa si Stefan, Hija?” nakangiting saad ng matanda.“Opo,” maikling tugon ni Eunice at binigyan ng isang maliit na ngiti si Doña Divina bilang pagsang-ayon.“Sana nga totoo ang lahat ng iyon, Lola Divina,” hindi naisatinig na saad ni Eunice habang pinagmamasdan ang matanda.Aminado naman siya sa kanyang sarili na masyadong mabilis ang nangyayari sa kanyang buhay simula nang tumungtong siyang muli sa pamamahay na ito. Ang plano niya sanang maging pansamantalang katulong sa pamamahay ng mga Salvatore para makaipon ng tuition fee para sa kanyang pag-aaral ng medisina ay nauwi sa isang biglaang kasal at pagkakaroon ng sariling pamilya—nang ‘di inaasahan.“Kumusta naman ang pakiramdam mo, Hija?” tanong ni Doña Divina. “Okay naman po ako, Lola,” mahinhing tugon ni Eunice.“Sigurado ka ba, Hija? Nagsusuka ka pa rin ba tuwing umaga?”“Nagsusuka pa rin po ako pero kaya ko naman po,” sagot ng dalaga.“Konting tiis lang, Hija. Nangyayari talaga sa mga buntis ang ganyang bagay. Huwag ka mag-alala matitigil din ang pagsusuka mo paglipas ng ilang mga linggo,” nakangiting paliwanag ni Doña Divina at tulad ng dati ay nagsimula itong magk’wento nang panahong pinagbubuntis nito ang ama ni Stefan at ang mga kapatid nito.MAHIGIT isang buwan na ang nakakalipas matapos silang kasal ni Stefan ngunit hanggang ngayon parang isang panaginip lang sa kanya ang lahat lalo na ang mabuo ang batang nasa kanyang sinapupunan matapos ang hindi sinasadyang gabi. Hindi siya lubos makapaniwala na sa isang gabi lang ‘yon ay may nabuong bata sa kanyang sinapupunan.
Nagpakawala nang isang malalim na buntong-hininga si Eunice nang makabalik siya sa k’warto nilang mag-asawa. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na kama at napatingin sa kisame habang nanariwa sa kanyang alaala ang mga mga kilos at salita ni Stefan noon sa kanya.Muli nagpakawala siya nang malalim na buntong-hinga. “Kung hindi lang sa kontratang ginawa niya maniniwala na ako kay Lola Divina na magiging mabuting asawa si Stefan. Sana kilig ang nararamdaman ko sa tuwing hahalikan niya ako sa noo, hahawakan niya ako sa kamay, tuwing yayakapin niya ako at pagsinasabihan niya ako ng ‘I love you’—hindi pagkailang,” wika ni Eunice sa kanyang sarili na muling napabuga ng hangin.ONE MONTH AGO AFTER WEDDING,
Dahil planado ang lahat sa kasal ay nag-book ang lola ni Stefan ng flight papuntang Kauai para doon mag-honeymoon sina Stefan at Eunice. Hindi tumutol ang binata sa kabila ng maraming gawain sa kompanya wala itong panahon para makipagtalo pa at higit sa lahat ayaw na nitong malagay sa panganib ang buhay ng kanyang lola. Sa puntong ito, hindi mahalaga ang kalayaan o pagiging binata nito kung ‘di ang ikasasaya ni Doña Divina. Kung apo ang nais nito ay handa na ang binata na ibigay ito ‘wag lang ito malagay sa kapahamakan dahil sa labis na pag-aalala.Kalalabas lang ni Eunice sa CR nang makita niya si Stefan na seryosong nakaupo na tila malalim ang iniisip. “Stefan…” mahinang sambit ni Eunice para tawagin ang atensyon ng kanyang asawa.Mabilis naman na napatingin si Stefan kay Eunice. “Seat,” utos nito kay Eunice na nagbigay ng kaba sa dalaga.Sinunod naman ni Eunice ang utos ni Stefan at naupo.“I won’t beat around the bush, Eunice,” wika ni Stefan sabay abot ng itim a folder sa dalaga.Nag-aalangan man ay naglakas-loob pa rin nagtanong ang dalaga. “What is this?”“A contract.”“Contract?” naguguluhang pag-uulit ni Eunice at binuksan ang folder.“It’s a contract that explicitly states we’ll be husband and wife as long as Lola Divina is alive and give her a grandson, as she wish. And once she died, our marriage would be over,” paliwanag ni Stefan kay Eunice. “In return, I will give you everything you wished. You are free to do whatever you want. I will not meddle in your personal matters, so you should refrain from doing so as well. You will also be compensated with ten million dollars for your efforts.” Napaawang ang bibig ng dalaga sa kanyang narinig. “What? Why—” “You didn’t want this marriage, did you? So I’m doing you a favor by allowing you to live as the person you want to be when the time comes.”“Pero—”“You are aware that I will not make any commitment to a woman whom I do not love, and I do not love you.”Napaungol sa labis na pagkasiphayo si Eunice nang maalala niya ang mga nangyari sa kanilang honeymoon ng kanyang asawa.
“Honeymoon? Hindi ‘yon honeymoon! It’s more of a business deal ang nangyari sa amin doon!” nasisiphayong saad ni Eunice na napasabunot sa kanyang buhok.Bigla naman siya napatigil sa kanyang paggulo ng kanyang buhok nang manariwa sa kanyang isipan ang mukha ni Stefan. “Sa kabila ng g’wapong mukha niya hindi maitatago ang pagiging makasarili niya!” inis na saad ni Eunice. Makasarili sa sarili niyang kalayaan.Napabalikwas naman si Eunice nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at nakita niya ang tawag ni Stefan kung kaya sinagot niya ito.“Hello?”“Isn’t it your check up today?”“Yes. Why?” napakunot-noong tanong ni Eunice.“Then I’ll come pick you up.”“Why? You’re busy—”“As your husband, it is my responsibility to accompany you to your prenatal check-up.”Nang marinig ni Eunice ang sinabi ni Stefan ay biglang kumabog ang kanyang puso nang pagkalakas-lakas. Hindi siya nakaimik nang sandaling iyon.“Please, ‘wag ka magsasalita ng ganyan binibigyan mo ako ng atake sa puso,” mahinang saad ni Eunice.“Get a hold of yourself, lady. Remember our agreement: I will not be held accountable for any feelings you may have towards me. Deal with it on your own. Then I’ll see you later.” At pinatay na ni Stefan ang tawag na walang pag-aalinlangan at hindi nabagabag ng nararamdaman ng asawa nito.Samantalang si Eunice ay nanatiling nasa kanyang tainga ang kanyang cellphone habang nabibingi nang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Ngunit mabilis niyang sinapak ang kanyang sarili nang maalala ang sinabi ni Stefan.“I will not be held accountable for any feelings you may have toward me. Deal with it on your own.”Nag-init naman ang ulo ni Eunice nang ma-realize niya ang katangahang ginawa niya kani-kanina lang pero mas naiinis pa rin siya kay Stefan.“That bastard!” gigil niyang saad sabay buga nang malakas sabay palatak. “As if! Ako? Magkaroon ng feelings sa kanya?” At muling napapalatak. “Asa siya! Hinding-hindi ako ma-fa-fall sa lalaking walang ibang iniisip kung ‘di ang sarili niyang kagustuhan. Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya!”Hinding-hindi!TULAD NG PINAG-USAPAN nina Stefan ay sinundo nito si Eunice at sinamahan para magpa-check up.
“Ang sweet talaga ni Mr. Salvatore sa asawa niya kahit na sobrang busy sa trabaho ay nagawa pa nitong samahan ang asawa para magpa-check up,” kinikilig na saad ng isang nurse.“Sinabi mo pa, Jenny! Ang s’werte naman ng asawa niya,” pagsang-ayon ng isang nurse na kinikilig habang pinagmamasdan sina Stefan at Eunice.Napairap naman si Eunice sa kanyang isipan habang pinapakinggan ang mga bulong-bulungan ng mga taong nasa kanilang paligid. Pasimpleng tinignan ng dalaga si Stefan na nakaupo sa kanyang tabi na tahimik na naghihintay sa kanilang turno. Kitang-kita niya ang matangos na ilong, mahahabang pilik-mata, mapupulang labi at well-defined jawline nito na hindi maipagkakailang nakakapang-akit. Kahit na siya’y ilang beses na nakita iyon ay hindi niya mapigilan na mamangha sa kag’wapuhan nito kaya hindi na siya magtataka sa mga babaeng ito kung bakit kilig na kilig sa kanyang asawa.“If this marriage is like any other, I’ll agree that I’m extremely fortunate to have him as my husband. But it isn’t—it isn’t even a normal marriage,” saad niya sa kanyang isipan.“I'm aware that I'm attractive, babe. But if you look at me like that, I'm going to melt.”NAMULA parang kamatis ang mukha ni Eunice dahil sa sinabi ni Stefan. “I’m not looking at you!” mariing pagtatanggi ni Eunice na hindi pa rin nawawala ang pamumula ng kanyang mukha at mas lalong umiinit habang patuloy niyang itinatanggi ang katotohanan. “Really? Then why your face is burning in red?” ngising tanong ni Stefan at mas tinutukso siya nito. “Wala ‘to!” Sabay nagtakip ng mukha si Eunice gamit ang kanyang dalawang kamay. “Mainit lang kaya ganito mukha ko,” pagdadahilang saad ng kanyang asawa na sinimulang paypayin ang kanyang mukha para mawala ang init na nararamdaman niya na dahilan ng pamumula ng kanyang mukha. “Is that so?” At binigyan siya ni Stefan nang nakakapagdudang tingin. “Oo nga kasi!” pagbibigay-diin ni Eunice na mas lalong tinakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay para itago iyon kay Stefan at dahil na rin sa labis na hiya. “What are you doing, Eunice?” nanggigigil na tanong ni Eunice sa kanyang sar
MATAPOS nina Eunice kumain ay inihatid na siya ni Stefan pauwi sa bahay para makapagpahinga.“Take a rest,” wika ni Stefan kay Eunice.“I will,” tugon ni Eunice at binigyan nang maliit na ngiti ang kanyang asawa.“Then, I should go,” paalam ni Stefan at binigyan siya ng halik sa noo ng kanyang asawa. “Be careful.”Matapos noon ay sumakay na ito sa kotse at umalis ngunit bago pa man si Stefan makalayo ay napatingin ito sa rear mirror ng sasakyan kung saan nakita nito ang repleksyon ng kanyang asawa na halatang gulat na naman sa kanyang ginawa.Napailing si Stefan at ibinalik ang tingin nito sa daan. "She still has a lot to learn.”NAKABALIK si Stefan sa kompanya pasado ala una ng hapon at agad inasikaso ang mga dapat niyang gawin. Lumipas ang mga oras ng hindi niya namalayan hanggang sa nakaramdam siya ng pagod at naisipan magpahinga.“Loaded again, Mr. Sal
NANUMBALIK si Eunice sa kanyang sarili nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Doña Divina sa kanyang kamay.“Alam ko masyadong mabilis ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon, hija. Nakikita ko kung gaano ka nahihirapan pero—” humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Doña Divina sa kamay ni Eunice— “kailangan ni Stefan ng taong magmamahal sa kanya sa kabila ng masalimoot niyang nakaraan at ikaw ang taong iyon, hija.”Kitang-kita ni Eunice sa mga mata ni Doña Divina ang matinding paghahangad na siya ang karapat-dapat sa apo nito ngunit the more na nakikita niya ang ganoong reaksyon ng matanda ay mas lalo siyang kinakain ng kanyang konsensya. Alam niya sa sarili niyang hindi niya mahal si Stefan at ayaw niyang lokohin ang kanyang sarili o kaya paasahin si Doña Divina.“Lola, alam ko po na mahalaga sa inyo si Stefan pero ayaw ko po na lokohin kayo lalo na ang sarili ko na mahal ko si Stefan k
NANIGAS si Eunice sa kanyang pagkakatayo at gumapang ang kaba dibdib nito nang marinig niya ang seryosong tanong ni Stefan sa kanya.“Eunice, I’m asking you. Who is Iñigo Eliseo?” pag-uulit na tanong ni Stefan sa kanyang asawa.Nanatiling nakatayo si Eunice at walang imik.“Eunice,” muling tawag ni Stefan kay Eunice.Napalunok si Eunice nang malalim ng marinig niya ang pagtawag ni Stefan sa kanya gamit ang buo niyang pangalan at ibig sabihin noon ay either sumunod ka sa sinasabi nito or sagutin mo ang tanong niya. In short, galit ito.Inayos ni Eunice ang kanyang sarili saka hinarap ang kanyang asawa nang buong lakas. “Kababata ko si Iñigo,” sagot niya.“Kababata?”“Oo, kababata ko siya—” Napatigil sa pagsasalita si Eunice nang maalala niya ang nakalagay sa kontrata nilang dalawa ni Stefan. “Teka—”Tumingin siya s
LUMIPAS ang halos tatlong buwan nang hindi namamalayan ni Eunice at unti-unti na ring nakikita ang paglaki ng kanyang tiyan. Sa loob ng mga nagdaang mga buwan ay unti-unti na siyang nasanay sa pamumuhay bilang isang miyembro ng Salvatore ngunit tanging ang pabago-bagong ugali lang ni Stefan ang hindi niya pa rin nagagawang makasanayan o maunawaan—naroon pa rin ang biglaang pagiging sweet at malamig nito minsan.Sa mga nakalipas din na mga buwan na iyon, wala siyang ginawa kung ‘di ang magbasa ng mga libro at panunuod ng lectures online tungkol sa medisina. Pati panunuod ng mga medical drama ay kanya ring naging libangan. Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa sa tuwing nakakabasa o nakakapanuod siya ng may kinalaman sa medisina lalo na sa pag-oopera.“You really like to be a doctor, aren't you, Hija?” nakangiting tanong ni Doña Divina na sumulpot sa tabi ni Eunice.Tumango nang mangilang ulit ang dalaga. “Oo naman po!” tuw
MADILIM ang buong paligid at walang makita si Stefan nang sandaling iyon habang pilit niya iginagala ang kanyang paningin at sinusubukan makaaninag.“Where I am?” tanong niya sa kanyang sarili na patuloy sa pag-aninag sa kanyang paligid.Ihahakbang niya na sana ni Stefan ang kanyang mga paa nang bigla nagbago ang kanyang buong paligid at ngayon ay nakita niya na lamang ang kanyang sarili na nakaupo sa loob ng kotse.“Stefan, how long will you continue to ignore those girls at school? They are desperate to be your girlfriends”Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig sa kanyang kanan dahilan para makita niya ang kanyang kapatid na si Damon.“Damon…”Hindi si Stefan lubos na makapaniwala na nakikita niya ang kanyang kapatid ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang marinig niya ang kanyang boses na galing sa kanyang kaliwa.“I don’t have interest to them,” maikling t
TULAD sa mga nagdaang taon ay ginunita nina Stefan at Doña Divina ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at kahit na ilang taon na ang nagdaan ay kitang-kita pa rin sa mag-lola ang sakit na nangyari sa kanilang pamilya. Pumunta sila ng simbahan para um-attend ng misa at pinuntahan din nila ang mga puntod nito para magsindi ng kandila at dalhan ito ng bulaklak.Walang imik at nakatuon lang ang tingin ni Stefan sa puntod ng kanyang mga magulang at kapatid habang si Doña Divina naman ay nagsisimulang mangilid ang mga luha sa mga mata nito.“Anak…” pagsisimulang usual ni Doña Divina na may halong paggaralgal sa kanyang tinig. “Sampung taon na ang nakakalipas ngunit parang ang sariwa pa rin sa amin ni Stefan ang lahat na nangyari,” pagpapatuloy nito na tuluyang kumawala ang mga luha sa mga mata nito.Niyakap ni Stefan ang kanyang lola at hinimas sa braso para aluhin ito ngunit hindi magawang pigilan ni Do&nti
NANG maiklaro na ni Stefan kung sino at ano si Eunice sa pamamahay na iyon ay iniwan niya ito sa kusina para bumalik sa sala. Nagpakawala nang isang malalim na pagbuga si Eunice nang sandaling mag-isa na lamang ito sa kusina. Biglang nanariwa sa kanyang isipan ang mga titig ni Stefan sa kanya kanina.“Anong ibig sabihin ng mga tingin na ‘yon?” tanong niya sa kanyang sarili na naguguluhan pa rin sa kanyang nakikita.Gustuhin niya mang malaman kung ano ang nangyayari sa sala ay minabuti niya na lamang na hindi makialam lalopa't usapang pamilya iyon. Kahit na sabi ni Stefan na isa na siyang miyembro ng Salvatore ay hindi niya gustong makisawsaw sa kung anong meron ang mga ito. Napagpasyahan na lamang ni Eunice na tumulong sa pag-aasikaso ng makakain sa kusina nang may magawa siya kaysa isipin niya nang isipin kung ano ang pinag-uusapan nina Stefan at ng kanyang mga lolo at lola.“Ma’am Eunice,” tawag ni Vicky sa dalaga dahilan pa
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang