NAMULA parang kamatis ang mukha ni Eunice dahil sa sinabi ni Stefan.
“I’m not looking at you!” mariing pagtatanggi ni Eunice na hindi pa rin nawawala ang pamumula ng kanyang mukha at mas lalong umiinit habang patuloy niyang itinatanggi ang katotohanan.
“Really? Then why your face is burning in red?” ngising tanong ni Stefan at mas tinutukso siya nito.
“Wala ‘to!” Sabay nagtakip ng mukha si Eunice gamit ang kanyang dalawang kamay. “Mainit lang kaya ganito mukha ko,” pagdadahilang saad ng kanyang asawa na sinimulang paypayin ang kanyang mukha para mawala ang init na nararamdaman niya na dahilan ng pamumula ng kanyang mukha.
“Is that so?” At binigyan siya ni Stefan nang nakakapagdudang tingin.
“Oo nga kasi!” pagbibigay-diin ni Eunice na mas lalong tinakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay para itago iyon kay Stefan at dahil na rin sa labis na hiya.
“What are you doing, Eunice?” nanggigigil na tanong ni Eunice sa kanyang sarili dahil sa katangahan na ginawa.
Biglang nanindig ang kanyang mga balahibo at mas lalong uminit at namula ang kanyang mukha nang maramdaman niya ang mabangong hininga ni Stefan na umiihip sa kanyang mukha.
Itinulak niya si Stefan para magkaroon sila ng distansya sa isa’t isa. “What are you doing?” nalolokang tanong ni Eunice sa kanyang asawa na may panlalaki ng mga mata.
“Cooling you down,” maikling sagot ni Stefan.
“What?” tanong ni Eunice na napalakas ang boses.
“You mentioned that you are feeling hot, so I am cooling you off,” paliwanag ni Stefan na mas lalong ikinapula ng mukha ni Eunice at ikinagulo ng kanyang huwisyo.
Narinig ni Eunice ang tilian ng mga nurse na sobrang kinikilig dahil sa ginawa ni Stefan.
Muling napatakip ng mukha si Eunice. “Why are you doing this?” nahihiyang tanong ni Eunice na halos gusto nang magpakain sa lupa sa sobrang hiya.
“Isn’t the answer self-evident? I’m your husband, and it’s my responsibility to ensure that you, my wife, are at ease with everything.”
Hindi makapaniwala si Eunice sa mga salitang lumalabas sa bibig ng lalaking nasa kanyang tabi kung ‘di lang talaga pagpapanggap ang lahat ng ito mas lalo siyang mababaliw sa ginagawa nito sa kanya ngayon. Inalis ni Eunice ang pagkakatakip ng kanyang kamay sa kanyang mukha at ikinulong ang mukha ni Stefan sa kanyang mga kamay.
“Are you serious?” mahinang tanong ni Eunice na may diin.
“Why wouldn't I be serious?” pagbabalik na tanong ni Stefan sa kanya.
Mas inilapit ni Eunice ang kanyang mukha sa kanyang asawa na halos isang pulgada na lang ang layo.
“Naka-drugs ka ba? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka naman ganito ng mga nakaraan,” nalolokang tanong ni Eunice na hindi maintindihan kung bakit nagkakaganoon si Stefan. “Ano ba? Umayos ka nga.”
Gumalaw si Stefan dahilan para mapapikit ng kanyang mga mata si Eunice. Napangiti si Stefan at inilapit ang bibig nito sa tainga ng kanyang asawa.
“Remember that this is part of our contract?” bulong ni Stefan.
“I understand, but why are you acting so strangely? Akala ko ba sa harap lang tayo ni Lola Divina magiging sweet at tuwing may occasion!”
“Let's say it's a part of drill.”
“Drill?”
“You never know when something unexpected will happen, so impromptu acts like this will help you not to panic and act naturally when necessary,” paliwanag ni Stefan at lumayo kay Eunice saka hinaplos ng buhok ng kanyang asawa. “Got it?” nakangiting tanong nito.
Nakahinga nang maluwag si Eunice ng mailayo na ni Stefan ang mukha nito sa kanya.
“You should have told me para naman handa ako. Hindi ‘yong bigla mo na lang ako sinusupresa ng ganito. Akala ko kung anong panis na pagkain ang nakain mo kaya bigla-bigla ka na lang naging sweet sa akin,” wika ni Eunice na animo'y nagpoprotesta. “Bibigyan mo ako ng atake sa puso ng ginagawa mo, ‘e!”
Inayos ni Stefan ang pagkakaupo nito. “Did what I did make your heart skip a beat, or did it flutter because you thought I was going to kiss you?” tanong nito na may ngisi sa labi na muli siyang tinutukso.
Nanlaki ang mga mata ni Eunice sa sinabi ni Stefan. “T-that's not true!” nauutal na tanggi niya.
Lumawak ang ngisi sa labi ni Stefan dahil sa reaksyon ni Eunice na kitang-kita sa mukha ng kanyang asawa na muling namumula.
“Really?”
Akmang magsasalita si Eunice bilang kontra sa paratang ni Stefan sa kanya ngunit biglang tinawag ang kanyang pangalan ng secretary.
“Mrs. Salvatore! You’re next,” tawag ng secretary kay Eunice.
Napataas ng kamay si Eunice at napatayo sa kanyang pagkakaupo. “Opo,” magalang na tugon nito.
Natawa naman si Stefan sa naging pagtugon ni Eunice dahilan para kunot-noong napalingon siya sa kanyang asawa.
“Bakit ka tumatawa?” kunot-noong tanong ni Eunice na naaasar na sa panunukso ni Stefan sa kanya.
“You respond like a high school student, babe” natatawang saad ni Stefan. “Same as your physique.”
“Tse!” At napairap si Eunice sa sobrang inis sabay talikod ngunit muli niyang ibinaling ang tingin kay Stefan sabay sabing, “Trex!” Matapos noon ay naglakad na siya at iniwan ang asawa niyang malakas mangbuwesit.
Narinig niya ang pagtawa ng mga nurse sa kanyang inasal maging si Stefan ay natawa rin sa naging reaksyon ng maliit nitong asawa. Hindi niya na lang ito pinansin at pumasok na sa k'warto ng kanyang doktor. Sinundan naman ni Stefan ito para malaman din kung ano mga kailangan ng kanyang asawa nang maibigay niya kaagad.
MATAPOS ang pagkuha ng dugo kay Eunice ay sinimulan na siyang tanungin ng kanyang doktor sa mga nararamdaman niya at ibang pagbabago na nararamdaman. Binigyan din siya ng doktor ng reseta sa mga kailangan niyang vitamins, gatas at ibang listahan ng pagkain na mas makakabuti sa kanyang pagbubutis. Habang abala ang doktora sa pakikipag-usap kay Eunice ay tahimik namang nakikinig lang si Stefan.
“Mr. Salvatore, makakabuti rin kung sasamahan mo ang iyong asawa sa pag-e-exercise dahil maganda rin ang magiging epekto nito sa kanyang katawan habang siya’y nagbubuntis,” suhestiyon ni Dr. Lopez.
“Sure, I will,” maikling sagot ni Stefan. “Is there any type of exercise you would recommend for my wife?”
“Yes. I can recommend yoga and Pilates for her,” sagot ng doktor.
“Thanks, Doc. I’ll look at it.”
“Okay,” nakangiting saad ni Dr. Lopez at ibinalik ang tingin nito kay Eunice. “You’re such a lucky wife to have Mr. Salvatore as your husband, Eunice. Despite of being busy ay nagawa ka pa niya talagang samahan sa iyong check up.”
Napatawa na lang nang naiilang si Eunice dahil sa sinabi ng kanyang doktora kahit na sa loob-loob niya na narito lang ang asawa niya na ‘yan para mangbuwesit at ipangalandakan ang kag'wapuhan nito.
“Hindi ko nga alam kung s’werte ako sa asawa kong ‘yan lalo na ang lakas ng sapak sa ulo. Sa likod ng mapaglinlang niyang kag’wapuhan nagtatago ang hindi mo maipaliwanag na pag-uugali niya kaya ‘wag kang magpapanlinlang, Doc!” saad ni Eunice sa kanyang isipan na napapairap na ewan.
“You’re flattering me so much, Doc,” natatawang wika ni Stefan dahilan para mapatingin si Eunice rito at binigyan ng tinging, “Really, Stefan? Wala ka bang hiya?” na tinugunan lang nito ng pagtaas ng balikat at ngiti ng nagpapa-cute.
Dahil sa inakto ni Stefan ay napairap si Eunice sa sobrang kumpyansa meron ang asawa niyang ito.
“Well, I’m just stating facts, Mr. Salvatore,” tugon naman ni Dr. Lopez.
“Oh, is that so? Well, then, thank you,” pasasalamat ni Stefan habang tumatawa.
Nabigla naman si Eunice sa sinabi ng kanyang doktor dahilan para makaramdam siya nang pagsusuka.
“Eunice, are you okay?”
“Babe, what's do wrong?” sabay na tanong ng dalawa sa kanya.
Inalis ni Eunice ang kamay niyang nakatakip sa kanyang bibig bago sumagot. “I'm fine.”
“Are you sure?” tanong ni Stefan na may pag-aalala sa tono nito.
Tumingin si Eunice sa kanyang asawa. “Yes, as long as you stop from being narcissistic. Alam ng lahat na g'wapo ka pero ‘wag mo ng buhatin pa bangko mo, okay?” pabulong na wika niya.
“Why? Are you jealous that there's somebody says I’m handsome? Are you afraid that they might steal me from you?” tanong ni Stefan sa kanya na tinutukso na naman siyang muli.
“Manahimik ka nga! Kung ano-ano na naman lumalabas sa bibig mo. Hindi ka ba nahihiya sa mga nakakarinig ng mga sinasabi?” hindi makapaniwalang tanong ni Eunice.
“It’s true that I’m handsome and attractive so why would I feel ashamed?” tanong ni Stefan na hindi man lang nababahala sa mga sinasabi nito.
Akmang magsasalita si Eunice nang mapatigil siya at mapatingin kay Dr. Lopez na ngayon ay tumatawa.
“Oh, my apology,” natatawang paghingi ng despensa nito. “I'm sorry, I can’t help not to laugh. I found you two cute,” wika nito na hindi pa rin natitigil sa pagtawa.
“You don’t to feel sorry, Doc. You’re just being honest,” nakangiting saad ni Stefan.
Napairap naman sa kanyang isipan si Eunice dahil sa napakagaling na pakikipag-usap ng kanyang asawa sa doktora.
“He is, in fact, a businessman. He surely knows how to talk well.”
NANG matapos na mabili nina Stefan ang mga gamot at iba pang kailangan ng kanyang asawa ay dinala nito si Eunice sa isang Italian restaurant para kumain.
Inalalayan ni Stefan si Eunice na makaupo bago nagtawag ng waiter.
“Could you bring us the menu?” tanong ni Stefan.
“Yes, Sir.” At mabilis na kinuha ng waiter ang menu list at inabot ito sa mag-asawa.
Nang buksan ni Eunice ang menu list ay halos mahilo siya sa mga salitang naroon na halos hindi niya alam kung paano niya ito babasahin at ang mas lalong nagpalula sa kanya ay ang tumatagingting na mga presyo nito.
“Pagkain ba ‘to o gold? Bakit ang mahal?” gulat ngunit mahina niyang tanong sa kanyang sarili.
“What do you want to eat, babe?” tanong ni Stefan sa kanya na nagbigay sa kanya nang paninindig ng balahibo dahil sa kakaibang pagtawag nito ng ‘Babe’.
Ikinumpas ni Eunice ang kanyang sarili saka tumingin kay Stefan. “I can have what’s yours, hon,” nakangiting sagot niya na kinilabutan sa tuwing tatawagin niya itong ‘Hon’.
“Then, we’ll have your three meal course today,” saad ni Stefan sa waiter at ibinalik ang menu list sa waiter.
“Okay, Sir. Is there anything else you’d like to add?” tanong ng waiter.
“My wife will have sparkling water. She can’t drink wine because she’s pregnant.”
“Okay, Sir. Just wait a few minutes and your food will be ready,” wika ng waiter.
“Okay.”
Nang makalayo na ang waiter sa kanila ay saka nagsalita si Eunice.
“Bakit dito mo ako dinala? Ang daming p’wedeng pagkainan dito pa,” pag-aalma ni Eunice.
“This is my favorite restaurant.”
“Pagkain ba talaga ang sini-serve nila dito? Bakit ang mahal?” sunod-sunod na tanong ni Eunice na labis nanghihinayang sa pera na gagastusin ni Stefan para sa isang kainan lang.
Ipinatong ni Stefan ang siko nito sa ibabaw ng mesa saka ipinatong ang kanyang baba sa likod ng kamay nito.
“Good food comes at a cost, babe. I don’t mind spending as long as it makes me happy—and you,” wika ni Stefan sabay kindat kay Eunice.
Bigla naman namula ang mukha ni Eunice at may kung anong malamig na hangin ang pumasok sa tiyan niya para makaramdam siya ng kakaibang pakiramdam dahil sa ginawang pagharot sa kanya ng lalaking nasa kanyang harapan.
Napatakip siya ng kanyang mukha. “Ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tutuksuhin? Kanina ka pa ganyan,” nahihiyang awat ni Eunice kay Stefan.
“Eunice,” tawag ni Stefan sa kanyang atensyon.
Natauhan si Eunice nang marinig niya ang pagtawag ni Stefan sa kanyang pangalan at sa tuwing tinatawag siya nito sa ganoong tono alam niyang kailangan niyang tumingin sa mga mata nito kahit na anong mangyari.
“Why?” mahinang tanong ni Eunice.
“You’re already a Salvatore so act like you one.”
Napayuko si Eunice. “But I’ve never been a Salvatore since,” mahina niyang saad. “So, how would I act as if I were one of you?”
“That’s why, Eunice, I’m showing you how to be a Salvatore. And being a part of us entails dining in a high-end establishment like this one. What matters is the quality of the food, not its quantity,” saad ni Stefan at lumapit kay Eunice. “A Salvatore, on the other hand, never bows their head.” At inangat nito ang nakayukong mukha ng kanyang asawa dahilan para magtagpo ang kanilang mga tingin. “Do you understand what I am saying?”
Tumango si Eunice bilang tugon.
“I can’t hear you,” wika ni Stefan.
“I understand it, Sir,” mahinang tugon ni Eunice.
“Good.”
Alam ni Eunice kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Salvatore dahil nakita niya iyon simula ng bata pa lamang siya ngunit ang manggaling sa isang mababang uri ng lipunan ay hindi madali para sa kanya ang mga ganitong bagay. Nasanay siya sa bagay na kung anong meron lang siya at kayang ibigay sa kanya ng kanyang Nanay Lucia. Hindi siya naghangad ng labis na yaman, ang maiangat lang ang buhay nila sa kahirapan ang mahalaga para sa kanya—tipong hindi na kailangan na magpakaalila sa ibang tao para lang may makain sila tatlong beses sa isang araw. Ngunit ang bagay na hindi niya hinangad ay siyang binigay naman ng pagkakataon sa kanya at sa kinarami-raming taong maaari niyang maging asawa ay ang taong pinagtatrabahuhan pa ng kanyang ina.
Nakakawala sa kanyang malalim na pag-iisip si Eunice nang dumating ang waiter dala ang kanilang order.
“Here’s your starter meal, Sir, Ma’am. Thin slices of hot smoked trout, horseradish and celeriac remoularde with orange and hazelnut dressing,” wika ng waiter at isa-isang iniligay ang pagkain habang sinasabi kung ano iyon. “Enjoy your meal, Sir, Ma’am.” Saka tuluyang umalis ang waiter.
Tinignan ni Eunice ang pagkain. Ibang-iba ‘yon sa nakasanayan niyang kanin at ulam na hinahanda sa kanyang harapan ng kanyang ina. Ngunit dahil isa na siyang miyembro ng Salvatore ay kailangan niyang kainin ang mga pagkain kinakain ng mga ito.
Nag-aalangan man ay kinuha niya ang tinidor sa kanyang kaliwa at akmang itutusok ito nang bigla siyang pigilan ni Stefan.
“Wait!”
Napatingin naman siya dito na may nagtatakang reaksyon. “Why?”
“That’s not the salad fork,” wika ni Stefan. “The salad fork is the first fork to your left.”
Napakagat ng labi si Eunice at hiyang-hiya sa kanyang sarili lalong-lalo na kay Stefan na kahit tableware hindi niya alam kung ano ang pagkakaiba.
“So—”
Bago pa man matapos ni Eunice ang kanyang paghingi ng tawad ay pinigilan siya ni Stefan.
“Stop. You don’t apologize for things that aren’t your fault, Eunice,” wika ni Stefan. “It’s okay to make mistakes, but you shouldn’t apologize when you don’t know what a salad fork is. That is understandable. So you didn’t have to, understand?”
Tumango si Eunice bilang tugon.
“I can’t hear you.”
“Understand, Sir.”
“Good. Now, let’s eat,” saad ni Stefan ngunit bago ito magsimulang kumain ay tinawag nitong muli ang atensyon ng kanyang asawa.
“Eunice, keep in mind that Salvatore never apologizes.”
MATAPOS nina Eunice kumain ay inihatid na siya ni Stefan pauwi sa bahay para makapagpahinga.“Take a rest,” wika ni Stefan kay Eunice.“I will,” tugon ni Eunice at binigyan nang maliit na ngiti ang kanyang asawa.“Then, I should go,” paalam ni Stefan at binigyan siya ng halik sa noo ng kanyang asawa. “Be careful.”Matapos noon ay sumakay na ito sa kotse at umalis ngunit bago pa man si Stefan makalayo ay napatingin ito sa rear mirror ng sasakyan kung saan nakita nito ang repleksyon ng kanyang asawa na halatang gulat na naman sa kanyang ginawa.Napailing si Stefan at ibinalik ang tingin nito sa daan. "She still has a lot to learn.”NAKABALIK si Stefan sa kompanya pasado ala una ng hapon at agad inasikaso ang mga dapat niyang gawin. Lumipas ang mga oras ng hindi niya namalayan hanggang sa nakaramdam siya ng pagod at naisipan magpahinga.“Loaded again, Mr. Sal
NANUMBALIK si Eunice sa kanyang sarili nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Doña Divina sa kanyang kamay.“Alam ko masyadong mabilis ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon, hija. Nakikita ko kung gaano ka nahihirapan pero—” humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Doña Divina sa kamay ni Eunice— “kailangan ni Stefan ng taong magmamahal sa kanya sa kabila ng masalimoot niyang nakaraan at ikaw ang taong iyon, hija.”Kitang-kita ni Eunice sa mga mata ni Doña Divina ang matinding paghahangad na siya ang karapat-dapat sa apo nito ngunit the more na nakikita niya ang ganoong reaksyon ng matanda ay mas lalo siyang kinakain ng kanyang konsensya. Alam niya sa sarili niyang hindi niya mahal si Stefan at ayaw niyang lokohin ang kanyang sarili o kaya paasahin si Doña Divina.“Lola, alam ko po na mahalaga sa inyo si Stefan pero ayaw ko po na lokohin kayo lalo na ang sarili ko na mahal ko si Stefan k
NANIGAS si Eunice sa kanyang pagkakatayo at gumapang ang kaba dibdib nito nang marinig niya ang seryosong tanong ni Stefan sa kanya.“Eunice, I’m asking you. Who is Iñigo Eliseo?” pag-uulit na tanong ni Stefan sa kanyang asawa.Nanatiling nakatayo si Eunice at walang imik.“Eunice,” muling tawag ni Stefan kay Eunice.Napalunok si Eunice nang malalim ng marinig niya ang pagtawag ni Stefan sa kanya gamit ang buo niyang pangalan at ibig sabihin noon ay either sumunod ka sa sinasabi nito or sagutin mo ang tanong niya. In short, galit ito.Inayos ni Eunice ang kanyang sarili saka hinarap ang kanyang asawa nang buong lakas. “Kababata ko si Iñigo,” sagot niya.“Kababata?”“Oo, kababata ko siya—” Napatigil sa pagsasalita si Eunice nang maalala niya ang nakalagay sa kontrata nilang dalawa ni Stefan. “Teka—”Tumingin siya s
LUMIPAS ang halos tatlong buwan nang hindi namamalayan ni Eunice at unti-unti na ring nakikita ang paglaki ng kanyang tiyan. Sa loob ng mga nagdaang mga buwan ay unti-unti na siyang nasanay sa pamumuhay bilang isang miyembro ng Salvatore ngunit tanging ang pabago-bagong ugali lang ni Stefan ang hindi niya pa rin nagagawang makasanayan o maunawaan—naroon pa rin ang biglaang pagiging sweet at malamig nito minsan.Sa mga nakalipas din na mga buwan na iyon, wala siyang ginawa kung ‘di ang magbasa ng mga libro at panunuod ng lectures online tungkol sa medisina. Pati panunuod ng mga medical drama ay kanya ring naging libangan. Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa sa tuwing nakakabasa o nakakapanuod siya ng may kinalaman sa medisina lalo na sa pag-oopera.“You really like to be a doctor, aren't you, Hija?” nakangiting tanong ni Doña Divina na sumulpot sa tabi ni Eunice.Tumango nang mangilang ulit ang dalaga. “Oo naman po!” tuw
MADILIM ang buong paligid at walang makita si Stefan nang sandaling iyon habang pilit niya iginagala ang kanyang paningin at sinusubukan makaaninag.“Where I am?” tanong niya sa kanyang sarili na patuloy sa pag-aninag sa kanyang paligid.Ihahakbang niya na sana ni Stefan ang kanyang mga paa nang bigla nagbago ang kanyang buong paligid at ngayon ay nakita niya na lamang ang kanyang sarili na nakaupo sa loob ng kotse.“Stefan, how long will you continue to ignore those girls at school? They are desperate to be your girlfriends”Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig sa kanyang kanan dahilan para makita niya ang kanyang kapatid na si Damon.“Damon…”Hindi si Stefan lubos na makapaniwala na nakikita niya ang kanyang kapatid ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang marinig niya ang kanyang boses na galing sa kanyang kaliwa.“I don’t have interest to them,” maikling t
TULAD sa mga nagdaang taon ay ginunita nina Stefan at Doña Divina ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at kahit na ilang taon na ang nagdaan ay kitang-kita pa rin sa mag-lola ang sakit na nangyari sa kanilang pamilya. Pumunta sila ng simbahan para um-attend ng misa at pinuntahan din nila ang mga puntod nito para magsindi ng kandila at dalhan ito ng bulaklak.Walang imik at nakatuon lang ang tingin ni Stefan sa puntod ng kanyang mga magulang at kapatid habang si Doña Divina naman ay nagsisimulang mangilid ang mga luha sa mga mata nito.“Anak…” pagsisimulang usual ni Doña Divina na may halong paggaralgal sa kanyang tinig. “Sampung taon na ang nakakalipas ngunit parang ang sariwa pa rin sa amin ni Stefan ang lahat na nangyari,” pagpapatuloy nito na tuluyang kumawala ang mga luha sa mga mata nito.Niyakap ni Stefan ang kanyang lola at hinimas sa braso para aluhin ito ngunit hindi magawang pigilan ni Do&nti
NANG maiklaro na ni Stefan kung sino at ano si Eunice sa pamamahay na iyon ay iniwan niya ito sa kusina para bumalik sa sala. Nagpakawala nang isang malalim na pagbuga si Eunice nang sandaling mag-isa na lamang ito sa kusina. Biglang nanariwa sa kanyang isipan ang mga titig ni Stefan sa kanya kanina.“Anong ibig sabihin ng mga tingin na ‘yon?” tanong niya sa kanyang sarili na naguguluhan pa rin sa kanyang nakikita.Gustuhin niya mang malaman kung ano ang nangyayari sa sala ay minabuti niya na lamang na hindi makialam lalopa't usapang pamilya iyon. Kahit na sabi ni Stefan na isa na siyang miyembro ng Salvatore ay hindi niya gustong makisawsaw sa kung anong meron ang mga ito. Napagpasyahan na lamang ni Eunice na tumulong sa pag-aasikaso ng makakain sa kusina nang may magawa siya kaysa isipin niya nang isipin kung ano ang pinag-uusapan nina Stefan at ng kanyang mga lolo at lola.“Ma’am Eunice,” tawag ni Vicky sa dalaga dahilan pa
LUMIPAS ang mga araw at hindi pinatahimik ng kuryusidad ang isipan ni Eunice—halos bawat sandali na wala siyang ginagawa ay binabagabag siya ng kanyang isipan.“Bakit iniiyakan ni Nanay si Sir Eduardo?”Isa iyon sa katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan lalo na nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki sa larawan na hawak-hawak ng ina niya nang gabing iyon. Maliban doon ay may higit na bumabagabag sa kanyang isipan.“Sino ang kausap ng nurse ni Lola Divina? At sino ang pinagbabalakan nila at ng taong kausap niya sa cellphone na papatayin?”Punong-puno ng katanungan ang isipan ni Eunice nang sandaling iyon. Gusto niya ng kasagutan ngunit hindi niya alam kung paano makukuha ang lahat ng iyon. Hindi niya p’wedeng tanungin ang kanyang ina kung bakit nito iniiyakan ang larawan ni Eduardo at mas lalong hindi niya p’wedeng tanungin ang nurse ni Doña Divina kung sino ang gusto nilang patayin ng taong kausap ni
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang