TULAD sa mga nagdaang taon ay ginunita nina Stefan at Doña Divina ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at kahit na ilang taon na ang nagdaan ay kitang-kita pa rin sa mag-lola ang sakit na nangyari sa kanilang pamilya. Pumunta sila ng simbahan para um-attend ng misa at pinuntahan din nila ang mga puntod nito para magsindi ng kandila at dalhan ito ng bulaklak.
Walang imik at nakatuon lang ang tingin ni Stefan sa puntod ng kanyang mga magulang at kapatid habang si Doña Divina naman ay nagsisimulang mangilid ang mga luha sa mga mata nito.
“Anak…” pagsisimulang usual ni Doña Divina na may halong paggaralgal sa kanyang tinig. “Sampung taon na ang nakakalipas ngunit parang ang sariwa pa rin sa amin ni Stefan ang lahat na nangyari,” pagpapatuloy nito na tuluyang kumawala ang mga luha sa mga mata nito.
Niyakap ni Stefan ang kanyang lola at hinimas sa braso para aluhin ito ngunit hindi magawang pigilan ni Do&nti
NANG maiklaro na ni Stefan kung sino at ano si Eunice sa pamamahay na iyon ay iniwan niya ito sa kusina para bumalik sa sala. Nagpakawala nang isang malalim na pagbuga si Eunice nang sandaling mag-isa na lamang ito sa kusina. Biglang nanariwa sa kanyang isipan ang mga titig ni Stefan sa kanya kanina.“Anong ibig sabihin ng mga tingin na ‘yon?” tanong niya sa kanyang sarili na naguguluhan pa rin sa kanyang nakikita.Gustuhin niya mang malaman kung ano ang nangyayari sa sala ay minabuti niya na lamang na hindi makialam lalopa't usapang pamilya iyon. Kahit na sabi ni Stefan na isa na siyang miyembro ng Salvatore ay hindi niya gustong makisawsaw sa kung anong meron ang mga ito. Napagpasyahan na lamang ni Eunice na tumulong sa pag-aasikaso ng makakain sa kusina nang may magawa siya kaysa isipin niya nang isipin kung ano ang pinag-uusapan nina Stefan at ng kanyang mga lolo at lola.“Ma’am Eunice,” tawag ni Vicky sa dalaga dahilan pa
LUMIPAS ang mga araw at hindi pinatahimik ng kuryusidad ang isipan ni Eunice—halos bawat sandali na wala siyang ginagawa ay binabagabag siya ng kanyang isipan.“Bakit iniiyakan ni Nanay si Sir Eduardo?”Isa iyon sa katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan lalo na nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki sa larawan na hawak-hawak ng ina niya nang gabing iyon. Maliban doon ay may higit na bumabagabag sa kanyang isipan.“Sino ang kausap ng nurse ni Lola Divina? At sino ang pinagbabalakan nila at ng taong kausap niya sa cellphone na papatayin?”Punong-puno ng katanungan ang isipan ni Eunice nang sandaling iyon. Gusto niya ng kasagutan ngunit hindi niya alam kung paano makukuha ang lahat ng iyon. Hindi niya p’wedeng tanungin ang kanyang ina kung bakit nito iniiyakan ang larawan ni Eduardo at mas lalong hindi niya p’wedeng tanungin ang nurse ni Doña Divina kung sino ang gusto nilang patayin ng taong kausap ni
WALANG MAPAGLAGYAN ang tuwa ni Eunice nang sandaling makita niya si Iñigo.“Iñigo!” masaya niyang tawag sa kababata.“Eunice!” At masayang sinalubong ni Iñigo ang kababata na ikinulong siya sa mga braso nito.“Andito ka na!” masayang saad ni Eunice na mas humigpit ang pagkakayakap kay Iñigo.“Nandito na ako,” nakangiting saad ni Iñigo at hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga.Ngunit nabasag ang sandali ng magkababata nang marinig nila ang boses ang ni Stefan at paghiwalayin sila nito sa kanilang pagkakayakap.“I understand how much you miss Eunice, but you don't have to hug her like that,” malamig na saad ni Stefan kay Iñigo habang binibigyan siya nito nang matalim at malalamig na titig.“Ano bang problema ng lalaking ito?” tanong ni Iñigo sa kanyang sarili habang nakikipagtitigan kay Stefan.“
“LOLA…” mahinang usal ni Eunice para patayin ang tensyon na bumabalot sa buong paligid.Napalingon naman si Doña Divina kay Eunice nang tawagin siya nito.“Bakit, Hija?” tanong nito.Pinagmasdan ni Eunice si Doña Divina at hinihintay kung may sasabihin ba ito sa kanya o wala. Inalis nito ang tingin sa kanya saka ngumiti dahilan para lalong kabahan si Eunice nang sandaling iyon.“Iniisip mo ba kung bakit hindi ako nagtatanong sa kung anong nangyayari kanina sainyo sa ibaba, tama ba?” tanong ni Doña Divina sabay tingin kay Eunice na may ngiti sa mga labi nito.Tumango si Eunice bilang tugon sa tanong nito.“Lumapit ka rito, Hija,” utos ni Doña Divina.Pinagmasdan ni Eunice ang kamay nito at nag-aalangang lumapit.“Hali ka rito,” pag-uulit na saad ng matanda.Sa huli, nag-aalangan man ay lumapit ito kay Doña Divina gaya ng
BUMALIK si Eunice sa k’warto nila ni Stefan matapos niyang mapakalma at mapatulog si Doña Divina.“Is she already sleeping?” tanong ni Stefan kay Eunice nang sandaling makapasok ito sa k’warto dahilan para mapalukso ito sa gulat.“Bakit gising ka pa?” gulat na tanong ni Eunice na nakahawak sa kanyang dibdib na ramdam ang pagkabog ng kanyang puso.“I’m waiting for you,” maikling sagot ni Stefan. “So, is she sleeping?” muling tanong nito.Tumango si Eunice. “Oo. Hinintay ko muna na makatulog si Lola bago ako umalis,” tugon nito.“What was it that took you so long to figure out? Whatdid you two discuss?” sunod-sunod na tanong ni Stefan.Hindi nakaimik si Eunice at napalunok nang malalim.“Eunice,” muling tawag sa kanya ni Stefan.Pilit ni Eunice na ikinumpas ang kanyang sarili at umakto nang natural sa kabila ng kaban
KINABUKASAN,Inipon lahat ni Doña Divina lahat ng mga kasambahay sa hapag-kainan para ipakilala si Iñigo sa mga ito.“Ito pala ang anak ni Sandro—si Iñigo, ang bagong hardinerong mangangalaga ng mga halaman sa buong mansyon. Gusto ko maging mabuti at ituring niyong parang anak at kapatid niyo na rin ang batang ito, naiintindihan niyo ba?” tanong ni Doña Divina.“Makakaasa po kayo, Ma’am Divina.” Sabay-sabay na tugon ng mga kasambahay.“Mabuti naman kung ganoon,” nakangiting saad ni Doña Divina saka ibinaling ang tingin kay Iñigo. “Narinig mo ba iyon, Hijo? Kaya ‘wag kang mahihiya dito. Feel free to be at home, okay?”“Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap niyo sa akin, Ma’am Divina,” pagpapaslamat na sabi ni Iñigo. “At humihingi rin po ako ng despensa sa nangyaring ingay kagabi.” Dagdag nito at ibina
MABILIS na pumunta si Stefan sa ospital nang malaman niya ang nangyari kay Doña Divina.Pagkapasok niya ng ospital ay dali-dali siyang pumunta sa emergency room kung saan naroon ang kanyang lola. Pagkarating niy ay nakita niyang ni-re-revive ang kanyang lola gamit ang defibrillator dahilan para mas lalong makaramdam ng takot at kaba ang binata.“What happened?” tanong ni Stefan kay Eunice sa pagitan nang malalalim na paghinga nito kung saan ito nakatayo di-kalayuan sa kung saan naroon si Doña Divina.Ibinaling ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang kaliwa nang marinig niya ang boses ni Stefan. “Stefan,” sambit nito sa pangalan ng kanyang asawa na may labis na pag-aalala.“What happened to Lola?” muling tanong ni Stefan kay Eunice.“Nag-collapse si Lola,” mahinang sagot ni Eunice na bigla na lang nagbago ang itsura at namumutla nang sandaling iyon.Napansin naman ni Stefan na naro
NILAMON ng konsensya si Eunice matapos niya makita ang galit na ekspresyon ni Stefan.“Eunice,” mahinang sambit ni Iñigo sa pangalan ni Eunice dahilan para maibaling sa kanya ang atensyon nito.Nakita ni Eunice ang pumutok na labi ni Iñigo gusto niyang magalit dito dahil dito ay nasira ang lahat ang plano niya at ngayon ay galit na galit si Stefan sa kanya. Ngunit hindi niya magawang isisi ang lahat ng ito sa binata dahil alam niyang higit siyang may kasalanan kung bakit nasa kritikal na kalagayan ni Doña Divina.“Kasalanan ko ang lahat ng ito,” nanlulumong sabi ni Eunice na napayuko sa labis na konsensya na kanyang madmanmdaman.Hinawakan ni Iñigo ang kamay ni Eunice at hinimas iyon. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Eunice. Walang may gusto sa nangyari. Aksidente ang lahat na nangyari,” wika ni Iñigo.Napakuyom ng kamay si Eunice at napakagat sa kanyang labi. “Hindi, I&n
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang