“STEFAN, I'm too old. Hindi mo pa rin ba ako bibigyan ng apo?” tanong ni Doña Divina kay Stefan kahit na suot nito ang oxygen mask dahil sa nahihirapan na naman itong huminga.
“Lola, you’re sick, and now is not the time to discuss such matters,” awat ni Stefan sa kanyang lola.
“That’s exactly what I’m getting at, Apo. I’m ill and on the verge of dying,” pagpupuntong saad ni Doña Divina sa pagitan nang nahihirapan nitong paghinga.
“Please, Lola, refrain from bringing up the subject of death,” mariing awat ni Stefan na napatiim-bagang sa kanyang narinig. Ayaw na ayaw niya makakarinig ng salitang may kaugnayan sa kamatayan.
Hinawakan ni Doña Divina ang kamay ni Stefan. “Even if you don’t want to discuss it, I will be there soon,” wika nito. “Matanda na ako, Apo. Isa lang naman ang hinihiling ko sa ‘yo, mahirap bang bigyan mo ako ng apo?” Pagmamakaawang dagdag nito.
“Lola…”
“Sabihin mo sa akin, Apo, bakla ka ba? Kaya ba ayaw mo akong bigyan ng apo?” nag-aalalang tanong ni Doña Divina.
“Lola, stop spewing nonsense!” napapitlag na awat ni Stefan.
“Kung ganoon bakit ayaw mo akong bigyan ng apo?”
Palihim na huminga nang malalim si Stefan at ikinulong ang kamay ng kanyang lola sa kanyang mga kamay. “We can discuss this once you’re feeling better. Lola, take a moment to rest for the time being,” mahinahong wika ng binata at inayos ang kumot ng matanda.
“Bakit—”
Hindi natuloy ang sasabihin ng matanda ng magsalita si Stefan.
“Lola, could you please? I’m begging. I, too, do not want to lose you. Please, therefore, take a break,” pakiusap ng binata.
Hindi nakaimik ang matanda lalo na nang makita nito ang reaksyon ng kanyang apo. Napapikit at napahinga nang malalim ang matanda bago muling tinignan si Stefan.
“Oo na. Heto na at magpapahinga na ako,” wika ni Doña Divina.
Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ng binata nang sandaling iyon at muling inayos ang kumot ng kanyang lola. “Lola, take a nap. I’ll stay with you until you’re asleep,” wika ni Stefan at hinawakan ang kamay ng kanyang lola at marahang pinipisil-pisil ito.
“Hindi mo naman ako kailangan bantayan, Apo. Magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas.”
“Don’t be too concerned, Lola. I’ll be fine. You should take a rest. Stop worrying about me,” awat ni Stefan.
“But—”
“Please, Lola, get some rest.”
“Siya, siya. Heto na magpapahinga ‘wag mo lang ako bigyan ng ganyang tingin,” saad ni Doña Divina at inayos nito ang pagkakahiga at ipinikit ang mga mata.
Ngunit hindi pa man nakakalipas ang ilang saglit ay idinilat ni Doña Divina ang isa nitong mata at tinignan ang kanyang apo.
“Apo, hindi mo pa ba talaga ako bibigyan ng apo?” pangungulit na tanong nito kay Stefan.
“Lola!” awat niya na may pagbabantang tono ngunit nanatiling mahina at malambing.
“Hindi ka pa ba nagsasawa na maging binata, Apo? Bente-otso anyos ka na at dapat may sarili ng pamilya at little Stefan sa edad mo na ‘yan,” wika ng matanda.
“Lola, magpahinga ka na please,” pagmamakaawa ni Stefan.
“Apo, hindi mo ba ako mapagbibigyan?” pagmamakaawa ng kanyang lola na bakas sa mga mata nito ang labis na pagnanasa na magkaroon na ito ng apo kay Stefan.
Napakuyom ng kamay si Stefan. “Hindi pa ba ako sapat, Lola? Why do you want to have another grandson?” tiim-bagang tanong ng binata.
Tuluyang idinilat ni Doña Divina ang dalawang mata nito sa narinig nito mula sa kanyang apo at pilit na napabangon sa pagkakahiga para abutin ang mukha ni Stefan. “Hindi sa ganoon, Apo. It's not what you think,” wika nito na gumuhit ang pag-aalala sa kulubot na mukha dala ng labis na katandaan sabay haplos sa mukha ng apo.
“If it's not really what I think, then what?”
Napayuko ang matanda ngunit makalipas ang ilang segundo ay inangat din nito ang mukha at tumingin kay Stefan. “Oo, gusto ko ng apo, pero ginagawa ko ito hindi para sa akin para maging masaya kung ‘di para sa ‘yo, Apo,” paliwanag ni Doña Divina na gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. Gusto nito sabihin ang dahilan ngunit alam nito na sa sandaling sabihin niya ang dahilan ay mas lalong mahihirapan itong kumbinsihin si Stefan na magkaroon ng sarili nitong pamilya.
Naunawaan naman agad ni Stefan ang nais at rason ng kanyang lola dahilan para siya'y magsalita.
“Lola, I’m sure you have your reasons. I understand why you’re acting the way you are,” malumanay na pagdidiretsa ng binata. “But I don’t need anyone else, Lola. You’re all I need.”
“Stefan…”
Napatingin si Stefan sa kanyang relo at pasado alas otso na ng gabi.
“Lola, it’s already after eight o’clock. Now is the time for you to relax,” wika ng binata nang maibaling muli ang kanyang tingin sa kanyang lola.
“But—”
“No more but's, Lola. You should have a rest.” At inalalayan ni Stefan ang kanyang lola na makahiga saka inayos ang kumot nito para makapagpahinga na ito.
Hindi na nagsalita ang matanda at tahimik na nahiga. Alam nito kung bakit nagkakaganoon ang kanyang apo ngunit ginagawa nito ang bagay na alam niyang mas makakabuti para dito. Ayaw nito na maiwan ito ng mag-isa sa sandaling mamatay siya kaya pilit nito itong kinukulit na mag-asawa at magkaroon ng anak dahil sa sandaling makita ni Doña Divina na mangyari ang lahat ng iyon ay handa na ito mamahinga ng tuluyan.
LUMIPAS ang mga araw at naging abala si Stefan sa mga trabaho niya sa kompanya ngunit kahit ganoon ay walang sandali na hindi niya chini-check kung nakainom na ba ito ng gamot at nakakain na ng pagkain at walang gabi na hindi niya tinitingnan ang kanyang lola at masiguro na tulog na ito.
“Good night, Lola,” mahinang usal ni Stefan at hinalikan ang kanyang lola sa noo bago ito umalis sa k'warto nito.
“Manang, ikaw na munang bahala kay Lola. Magpapahangin lang ako saglit,” paalam ng binata at kinuha ang susi ng kotse sa sabitan ng mga susi.
Matapos noon ay dire-diretso siyang naglakad palabas ng bahay at sumakay sa kanyang pulang Tesla saka iyon pinaharurot papunta sa Temptation Island. Wala pang bente minuto ay nakarating na siya ng Temptation Island at pagpasok niya ay bumungad na sa kanya ang malakas na musika na umaalingawngaw sa loob ng bar.
Tuloy-tuloy lang ang kanyang paghakbang sa maraming tao na kung saan maraming nag-iinuman, sumasayaw sa saliw ng musika at maging mga naghahalikan. Iyon ang lugar kung saan malayang ginagawa ng tao ang lahat—lahat-lahat. Hindi niya iyon pinansin at dire-diretso sa may bar counter at agad um-order ng alak nang sandaling makaupo siya.
“One whiskey,” utos niya sa bartender na agad namang ni-serve ang kanyang order.
Mabilis niyang inabot ang baso at saka tinungga ang alak sa kanyang bibig na hindi man lang natinag sa pait at init na gumuhit sa kanyang lalamunan nang sandaling pinataob niya ang laman ng baso.
“Another.” At sinalinan siyang muli ng bartender na siya niya muling tinungga ng buo at walang pag-aanlinlangan.
“Another.”
Tungga.
“Another.”
Tungga.
“A—”
Hindi natuloy ni Stefan ang kanyang sasabihin nang biglang may humawak sa kanyang balikat.
“Woah! Woah! Chill, bro. Don’t be in a hurry. Hindi ka tatakasan ng alak,” wika ng isang lalaki na biglang sumulpot sa kanyang tabi.
Ibinaling ni Stefan ang kanyang tingin sa binata at tinapunan nang matalim na tingin. “Don’t mess with my drinks,” malamig na saad ni Stefan at saka ibinaling ang tingin sa bartender. “Another.” At muling tinungga ang alak na isinalin sa kanyang baso.
“Is this about your marriage, bro?” tanong ng binata na naupo sa katabi ni Stefan sabay nangalumbaba at tinitignan na tila inaaral ito.
“Quit talking, Sax. I’m not interested in hearing anything about limiting my freedom as a bachelor,” mariing saad ni Stefan at muling tumungga ng alak.
Inayos ni Sax ang pangangalumbaba niya at humarap kay Stefan. “Why don’t you just make your grandmother’s dying wish come true? Simply to make her happy—”
Ngunit hindi natapos ni Sax ang sasabihin nito nang bigla itong kinuwelyuhan ni Stefan.
“Stop saying she’ll die,” mariing saad ni Stefan habang tinatapunan nang matalim na tingin si Sax. “Stop talking about death.” Dagdag niya na hindi nagbabago ang reaksyon sa mukha niya.
“People die, whether you like it or not. If you truly care about your grandmother, do what she wants, and if you’re unhappy in your marriage, divorce your wife. Issue resolved,” wika nito ng gano’n kadali.
Napatiim-bagang si Stefan matapos marinig ang mga sinabi ni Sax ngunit may punto ito ngunit wala pa sa plano niya ang magpatali sa kahit na kaninong babae at kung magpapatali man ay doon na siya sa babaeng mahal niya hindi sa kung sinong babae lang.
“Do you want to make your grandmother happy before she dies, or do you want her to be sad and blame herself for leaving you alone? The decision is entirely yours, Stefan,” wika ni Sax. “You know why Lola Divina wanting you to have your own family.”
Lalong umigting ang mga panga ni Stefan sa mga sinabi ni Sax dahil kahit na anong pag-ayaw niya ay doon pa rin patungo ang usapang iyon. Hindi makakaila na nag-aalala lang ang kanyang lola para sa kanya kaya ito nagkakaganoon.
“Another.” Bagsak niya sa kanyang baso na mabilis na sinalinan ng bartender ngunit bago pa man ito matapos ay inagaw niya ang bote ng whiskey sa kamay nito at saka nilaklak nang wala man lang takot sa kanyang kahihinatnan matapos ang mapangahas na lanyang ginawa.
Aalama pa sana ang bartender ngunit sinenyasan ito ni Sax na ‘wag kung kaya hinayaan na lamang nito na gawin ng binata ang nais. Iniwan naman ni Sax si Stefan nang makita nito ang kanyang kapatid na may inaalalayang babae.
“I'll leave you here. Give your thoughts on it,” paalam ni Sax at sinundan ang kapatid nito.
Samantalang si Stefan ay hindi nagpaawat at nilaklak nang nilaklak ang laman ng bote hanggang sa maubos ito.
“Fuck!” mariin niyang mura.
Ngunit biglang naibaling ang tingin ng binata sa kanyang kaliwa nang makita niya na may nag-abot ng alak sa kanya.
“Want more, baby?” tanong ng babaeng nasa kanyang harapan.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at biglang gumuhit ang ngisi sa kanyang labi dahilan para mabilis niyang ininom nag alak na inalok nito sa kanya at saka hinapit ang baywang ng dalaga papalapit sa kanya. Sa isang iglap ay nakalapat na ang kanyang mga labi sa labi ng dalaga at buong giliw na inangkin ang malalambot na labi nito. Ang mainit na simula nang paglalaplapan ay nauwi sa isang naglalagablab na eksena kung saan saan-saan na pumupunta ang kanilang mga kamay sa katawan ng isa’t isa.
“Fuck me, baby,” wika ng babae sa pagitan nang malalalim na paghinga at malanding tinig.
Ngunit biglang natauhan si Stefan nang marinig niya ang sinabi ng dalaga.
“Sorry,” paghingi niya ng despensa at kinuha ang wallet para kumuha ng pera saka inabot sa bartender. “I have to go.” At tumayo na sa kanyang pagkakaupo.
“Wait, baby! Where are you going?” tanong babae nang mahawakan nito ang braso ng binata para pigilan.
Ngunit mabilis na inalis ni Stefan ang pagkakahawak ng dalaga sa kanya. “Stop. I have to go.” Sabay lakad palabas.
Hinabol pa ito ng dalaga hanggang sa makarating sa labas ngunit hindi niya ito pinansin at sumakay sa kanyang kotse saka pinaharurot ito dahilan para mabalot ng alikabok ang dalaga ngunit walang pakialam dito si Stefan—ang tanging gusto niya lang ay umuwi na nang sandaling iyon dahil may kung anong hindi siya maipaliwanag na nararamdaman.
ILANG saglit lang ay nakarating na si Stefan sa mansyon kung saan sinalubong agad siya ni Manang.
“How’s Lola?” tanong ng binata.
“Natutulog pa rin po ang inyong lola, Sir,” tugon ng kasambahay.
“Okay.”
Hindi na nagtanong si Stefan at umakyat siya ng hagdan nang susuray-suray. Matapos ang ilang hakbang na makapigil hininga ay ligtas siyang nakarating ng kanyang k’warto. Ngunit nang sandaling makapasok siya sa kanyang k’warto ay may kung anong init siyang nararamdaman dahilan para pumunta ito ng CR para mag-shower.
“Fuck! Why so hot?” mura niyang tanong sa kanyang sarili kahit na sagad na ang lamig ng tubig at kanina pa siya naroon at nakababad sa tubig. Nang sandaling iyon hindi mauunawaan ni Stefan ang kakaiba niyang nararamdaman.
Nakarinig naman siya ng pagkatok dahilan para lumabas siya ng CR para buksan ang pinto at pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang magandang dalaga na may bitbit na tubig. Hindi niya alam ngunit nang sandaling iyon ay may nakakabingi siyang ingay na naririnig at kasabay noon ay labis niyang pagnanasa na angkinin ang dalagang nasa kanyang harapan.
“Sir, water with honey po para po mawala ang kalasingan—”
Hindi pa man natatapos ng dalaga ang sasabihin nito ay biglang hinatak ito ni Stefan papasok ng kanyang k’warto at sa isang iglap ay mabilis na nagkalapat na ang kanilang mga labi. Tinulak ng dalaga si Stefan para patigilin ito sa ginagawang paghalik ngunit bigo ito.
“Sir, anong ginagawa niyo?” tanong ng dalaga na may panlalaki ng mga mata dahil sa labis na pagkagulat.
“Just shut up!” mariing saad ni Stefan at muling hinila papalapit sa kanya ang dalaga saka sinunggaban ng halik.
“Ano ba—Tumigil—Sir—”
Ngunit kahit anong pagpupumiglas ang gawin ng dalaga ay hindi nito magawang makakawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Stefan. Sa kabila nang pagpupumiglas ng dalaga ay unti-unti itong nawalan ng lakas at nagsimula nang matangay sa ginagawang paghalik niya sa dalaga. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa munting kamay ng dalaga. Hinapit ni Stefan ang katawan ng dalaga papasok ng kamyang k’wargo at patuloy na pinaghahalikan ito hanggang sa nauwi sa isang mainit na gabi ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
NAGISING si Stefan na may labis na pananakit ng kanyang ulo at pakiramdam na umiikot ang kanyang buong paligid.“Fuck!” malutong na mura ng binata dahilan para mapahawak siya sa kanyang ulo. “What happened last night?” tanong niya sa kanyang sarili na inaalala ang nangyari kagabi.Akmang babangon siya nang maramdaman niya na may tila nakadagan sa kanyang kaliwang braso dahilan para maibaling ang kanyang tingin sa gawing kaliwa. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang makita ang isang babae sa kanyang tabi.“Who the hell are you?” bulalas niyang tanong matapos niyang hatakin ang kanyang braso mula sa pagkakadagan ng ulo ng dalaga rito na ginawang unan nito.“Fuck!” malutong na mura ni Stefan nang maramdaman niyang gumapang ang pulikat sa kanyang buong braso hanggang sa kanyang kili-kili nang makahinga ito.“Ayos ka lang ba?” tanong ng dalaga na hindi alam kung uunahin ang sarili o ang binat
“HAVE TO GO, babe. Enjoy your day. I love you,” malambing na paalam ni Stefan kay Eunice at nag-iwan ng halik sa noo ng dalaga nang matapos ito sa kanyang pagkain.“Take care, hon. I love you too,” tugon ni Eunice.Hindi pa rin makolekta ni Eunice ang kanyang sarili sa tuwing hahalikan siya ni Stefan sa noo sa harap ni Doña Divina. Ang mga sweet talks and moves nito ay hindi niya magawang matanggap. Ibang-iba ito kumpara sa Stefan na walang interes na magpatali at gusto magbuhay binata. Ibang-iba.“I’m leaving, Lola. Please take care not to overwork yourself. Okay?” paalala ni Stefan matapos bigyan din ng halik sa noo ang kanyang lola.“Mag-iingat ka, Apo,” wika ni Doña Divina.“I will, Lola.” At tuluyan nang umalis si Stefan habang naiwan naman si Eunice at Doña Divina sa hapag-kainan.Nabalot nang kakaibang katahimikan ang hapag-kainan ngunit binasag ni
NAMULA parang kamatis ang mukha ni Eunice dahil sa sinabi ni Stefan. “I’m not looking at you!” mariing pagtatanggi ni Eunice na hindi pa rin nawawala ang pamumula ng kanyang mukha at mas lalong umiinit habang patuloy niyang itinatanggi ang katotohanan. “Really? Then why your face is burning in red?” ngising tanong ni Stefan at mas tinutukso siya nito. “Wala ‘to!” Sabay nagtakip ng mukha si Eunice gamit ang kanyang dalawang kamay. “Mainit lang kaya ganito mukha ko,” pagdadahilang saad ng kanyang asawa na sinimulang paypayin ang kanyang mukha para mawala ang init na nararamdaman niya na dahilan ng pamumula ng kanyang mukha. “Is that so?” At binigyan siya ni Stefan nang nakakapagdudang tingin. “Oo nga kasi!” pagbibigay-diin ni Eunice na mas lalong tinakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay para itago iyon kay Stefan at dahil na rin sa labis na hiya. “What are you doing, Eunice?” nanggigigil na tanong ni Eunice sa kanyang sar
MATAPOS nina Eunice kumain ay inihatid na siya ni Stefan pauwi sa bahay para makapagpahinga.“Take a rest,” wika ni Stefan kay Eunice.“I will,” tugon ni Eunice at binigyan nang maliit na ngiti ang kanyang asawa.“Then, I should go,” paalam ni Stefan at binigyan siya ng halik sa noo ng kanyang asawa. “Be careful.”Matapos noon ay sumakay na ito sa kotse at umalis ngunit bago pa man si Stefan makalayo ay napatingin ito sa rear mirror ng sasakyan kung saan nakita nito ang repleksyon ng kanyang asawa na halatang gulat na naman sa kanyang ginawa.Napailing si Stefan at ibinalik ang tingin nito sa daan. "She still has a lot to learn.”NAKABALIK si Stefan sa kompanya pasado ala una ng hapon at agad inasikaso ang mga dapat niyang gawin. Lumipas ang mga oras ng hindi niya namalayan hanggang sa nakaramdam siya ng pagod at naisipan magpahinga.“Loaded again, Mr. Sal
NANUMBALIK si Eunice sa kanyang sarili nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Doña Divina sa kanyang kamay.“Alam ko masyadong mabilis ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon, hija. Nakikita ko kung gaano ka nahihirapan pero—” humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Doña Divina sa kamay ni Eunice— “kailangan ni Stefan ng taong magmamahal sa kanya sa kabila ng masalimoot niyang nakaraan at ikaw ang taong iyon, hija.”Kitang-kita ni Eunice sa mga mata ni Doña Divina ang matinding paghahangad na siya ang karapat-dapat sa apo nito ngunit the more na nakikita niya ang ganoong reaksyon ng matanda ay mas lalo siyang kinakain ng kanyang konsensya. Alam niya sa sarili niyang hindi niya mahal si Stefan at ayaw niyang lokohin ang kanyang sarili o kaya paasahin si Doña Divina.“Lola, alam ko po na mahalaga sa inyo si Stefan pero ayaw ko po na lokohin kayo lalo na ang sarili ko na mahal ko si Stefan k
NANIGAS si Eunice sa kanyang pagkakatayo at gumapang ang kaba dibdib nito nang marinig niya ang seryosong tanong ni Stefan sa kanya.“Eunice, I’m asking you. Who is Iñigo Eliseo?” pag-uulit na tanong ni Stefan sa kanyang asawa.Nanatiling nakatayo si Eunice at walang imik.“Eunice,” muling tawag ni Stefan kay Eunice.Napalunok si Eunice nang malalim ng marinig niya ang pagtawag ni Stefan sa kanya gamit ang buo niyang pangalan at ibig sabihin noon ay either sumunod ka sa sinasabi nito or sagutin mo ang tanong niya. In short, galit ito.Inayos ni Eunice ang kanyang sarili saka hinarap ang kanyang asawa nang buong lakas. “Kababata ko si Iñigo,” sagot niya.“Kababata?”“Oo, kababata ko siya—” Napatigil sa pagsasalita si Eunice nang maalala niya ang nakalagay sa kontrata nilang dalawa ni Stefan. “Teka—”Tumingin siya s
LUMIPAS ang halos tatlong buwan nang hindi namamalayan ni Eunice at unti-unti na ring nakikita ang paglaki ng kanyang tiyan. Sa loob ng mga nagdaang mga buwan ay unti-unti na siyang nasanay sa pamumuhay bilang isang miyembro ng Salvatore ngunit tanging ang pabago-bagong ugali lang ni Stefan ang hindi niya pa rin nagagawang makasanayan o maunawaan—naroon pa rin ang biglaang pagiging sweet at malamig nito minsan.Sa mga nakalipas din na mga buwan na iyon, wala siyang ginawa kung ‘di ang magbasa ng mga libro at panunuod ng lectures online tungkol sa medisina. Pati panunuod ng mga medical drama ay kanya ring naging libangan. Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa sa tuwing nakakabasa o nakakapanuod siya ng may kinalaman sa medisina lalo na sa pag-oopera.“You really like to be a doctor, aren't you, Hija?” nakangiting tanong ni Doña Divina na sumulpot sa tabi ni Eunice.Tumango nang mangilang ulit ang dalaga. “Oo naman po!” tuw
MADILIM ang buong paligid at walang makita si Stefan nang sandaling iyon habang pilit niya iginagala ang kanyang paningin at sinusubukan makaaninag.“Where I am?” tanong niya sa kanyang sarili na patuloy sa pag-aninag sa kanyang paligid.Ihahakbang niya na sana ni Stefan ang kanyang mga paa nang bigla nagbago ang kanyang buong paligid at ngayon ay nakita niya na lamang ang kanyang sarili na nakaupo sa loob ng kotse.“Stefan, how long will you continue to ignore those girls at school? They are desperate to be your girlfriends”Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig sa kanyang kanan dahilan para makita niya ang kanyang kapatid na si Damon.“Damon…”Hindi si Stefan lubos na makapaniwala na nakikita niya ang kanyang kapatid ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang marinig niya ang kanyang boses na galing sa kanyang kaliwa.“I don’t have interest to them,” maikling t
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang