Share

Kabanata 3

Author: Atlantis
last update Huling Na-update: 2024-11-19 13:34:38

“Pupunta ako kapag may oras ako,” matigas na sabi ni Mayumi at mayroon nang hindi magandang disposisyon.

Tipid lamang na ngumiti ang general assistant. "Naka-schedule bukas ang physical examination mo. Sana ay pumunta ka roon."

Malalim na huminga at bumuga si Mayumi. “Naiintindihan ko.” Hindi niya inaasahan na ganoon pala katalas mag-isip ni Miguel. “I will be on time,” dagdag niya pa.

Medyo matapang ang amoy ng kape sa opisina. Sumama na naman ang pakiramdam ni Mayumi na parang gusto niyang masuka. Binuksan niya ang bintana para magpahangin dahilan para maibsan ang masama niyang nararamdaman.

Bago pa man makaalis sa trabaho, nagmamadaling tumungo si Mayumi sa banyo para magsuka. Hindi niya akalain na ganito pala kalala ang sintomas ng pagbubuntis niya.

Pagkatapos maghugas ng mukha ay tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng bag niya. Nang sagutin niya ito, napansin niyang boses ng lalaki ang tumatawag.

"Nasaan ka?"

"Bathroom," sagot niya.

"Hihintayin kita sa parking lot. Pupunta tayo ngayong gabi sa mansyon para maghapunan."

"Okay, Mr. Lopez."

Buti na lang dahil hindi sila masyadong pumupunta sa mansyon. Gusto kasi ng ina ni Miguel na magkaanak na sila sa lalong madaling panahon.

Pagkasakay sa kotse, medyo kinakabahan pa si Mayumi na umupo sa tabi ng kaniyang asawa. Mayroong matalim at kakaibang awra ang lalaki na talagang sinisindak ang sinuman kahit siya.

Itinaas ni Miguel ang kilay nito at tinanong siya na may mababa at nakakahalinang boses, "Bakit ang putla ng mukha mo?"

Kakasuka lang ni Mayumi kaya natural na hindi maganda ang hitsura niya. "Talaga? Actually, okay lang ako."

Malalim siyang tiningnan ni Miguel, “But your lips are red."

Hindi alam ni Mayumi kung ano ang isasagot niya sa lalaki, nahihirapan siyang maghanap ng mga salitang itutugon.

“Hindi mo naman siguro ako pinagtataksilan habang nakatalikod ako, hindi ba?” biglang sabi nito na para bang kaswal lang itong biro.

“Hindi,” dismissive na sagot ni Mayumi, ayaw patulan ang pag-aakusa o biro man nito.

Biglang inabot ni Miguel at hinawakan ang kaniyang mukha, "Ilang araw ka nang nagtatrabaho. Kailangan mong mag-day off muna at magpahinga."

Naisip na ito ni Mayumi at naisip na maaari niyang samantalahin ang bakasyong ito upang pumunta sa ospital para sa magpa-check up.

Wala siyang balak na pumunta sa physical examination na pina-schedule ni Miguel. Alam niya ang magiging kahihinatnan at natatakot siyang malaman ni Miguel na buntis siya.

"Kung iyan ang gusto mo."

Pumarada ang sasakyan sa loob courtyard ng mansyon. Nang makababa si Mayumi sa sasakyan, naramdaman na lang niya ang pagpulupot ng braso ni Miguel sa kaniyang baywang. Masyado nitong diniinan ang pagkakayapos sa kaniya. “It seems you’ve gained weight.”

Bumilis ang tibok ng puso ni Mayumi. "Marami kasi akong kinakain lately, eh."

"Magtatanong si Mommy tungkol kay Juanda mamaya, hindi mo siya kailangang sagutin," utos nito.

"Okay, Mr. Lopez."

Juanda.

Juanda Romero.

Ang pangalang ito ay ang anino ni Mayumi mula pagkabata. Si Juanda ay ang kaniyang kapatid sa walang puso niyang ama. Ang ama niya ay kilala bilang ‘phoenix man’ na nilustay at ginamit lang ang ari-arian ng kaniyang ina para ilipat ang negosyo ng mga Arellano sa pamilyang Romero. Pagkatapos niyon, binalikan nito ang babaeng totoong mahal at ang anak nito.

Matagal nang may ugnayan sina Miguel at Juanda ngunit hindi alam ng lalaki na magkapatid silang dalawa nito sa ama. 

Si Juanda lang ang tanging iniibig ni Miguel—na nakilala bilang malamig at mabagsik na lalaki ng lahat. Tanging si Juanda lamang ang nakaranas ng kabaitan nito. Ito lang talaga. Si Juanda lang ang tinatawag ni Miguel gamit ang pangalan nito na walang pormalidad pero kapag siya? 

Secretary Romero lang.

Iyan lang ang tawag sa kaniya kahit mag-asawa na sila. Sumikip ang dibdib ni Mayumi at medyo humapdi rin ang kaniyang mga mata.

Biglang niyakap nang mahigpit ni Miguel ang baywang niya at nagtaas ng kilay, "Still calling me Mr. Lopez?"

Inayos ni Mayumi ang kaniyang disposisyon at mahinang sumagot, "Baby."

Pumasok silang dalawa sa mansion. Mainit na hinawakan ni Senyora Amancia ang kamay niya. "Kalahating buwan ka nang hindi bumabalik. Bakit parang pumapayat ka na, Mayumi?"

Ngumiti si Mayumi, "Hindi naman po."

Masyado pa ring teritoryal ang braso ni Miguel na nakapulupot sa baywang niya. Tipid lamang itong ngumiti sa ina. "Ma, my wife hasn’t lost weight. Medyo tumaba nga siya."

Kapag nagpapanggap silang dalawa, ganoon ang tawag sa kaniya ng lalaki…para silang mag-asawang totoong nagmamahalan. Masyadong ekspyerto sa pagpapanggap ang lalaki kapag nariyan ang senyora. Mayroon itong sariling paraan ng pagsuyo sa mga matatanda.

"Hindi ko napansin na tumaba siya," gulat na sabi ng senyora.

“Huwag kang mag-alala, hindi ko naman pinapabayaan ang asawa ko,” sabi ni Miguel.

Pinandilatan siya ni Senyora Amancia. “Madaling sabihin iyan! Mas importante pa rin sa akin ang magkaroon ng apo mula sa inyo.”

Inangat ni Miguel ang isang kilay. "I'll try my best."

Tahimik na nakikinig si Mayumi sa usapan ng dalawa, walang balak makisali. Akala ng senyora ay nagbago na ang isipan ng anak. Tuwang-tuwa ang matanda pero hindi nito alam na sa nakaraang kalahating taon, palagi silang dalawa ni Miguel gumagamit ng proteksyon.

Sa pagkain nila ng hapunan, pinipilit ni Mayumi na huwag magsuka. Hindi naman ganoon kabigat sa tiyan ang mga nakahandang pagkain ngunit naduduwal siya sa matapang na amoy ng ulam.

Hindi naman nakaligtas kay Senyora Amancia ang pamumutla niya. “Hindi ba’t mayroon kang sakit?”

Umiling si Mayumi. "Hindi po. Medyo pagod lang po ako."

Binaling nito ang atensyon sa anak. "Dapat ay huwag mong pahirapan si Mayumi sa trabaho!."

Itinaas ni Miguel ang mga kamay nito bilang pagsuko. "Pasensya na. Inaamin ko na minsan ay may mahirap na trabaho ako na binibigay sa kaniya pero huwag kang mag-alala, binigyan ko na siya ng panahon para magpahinga."

"Mabuti kung ganoon!"

Hindi masyado marami ang kinain ni Mayumi sa hapunang iyon. Bago umakyat, kumuha muna siya ng isang bote ng yugort sa refregerator at ininom ito. Medyo gumaan ang pakiramdam niya at hindi na rin siya ganoon kaputla.

Simula noong ikasal sila, kailanman ay hindi pa nagsasama sa iisang kwarto ang dalawa para matulog. Tila isa lang siyang kasyosyo nito sa negosyo na tagabigay ng pisikal na pangangailangan nito.

Pagkatapos ni Miguel maligo ay masuyo siyang hinalikan nito. Wala nang takas si Mayumi sa pagkakataon ito. Nakagawa siya ng alibi kagabi para tanggihan ito pero wala siyang maibibigay na balidong rason ngayon. Hindi matutuwa ang lalaki kung tatanggihan niya ito muli.

Mas takot si Mayumi na masaktan ang bata sa loob ng kaniyang tiyan kung makikipagtalik siya ngayon. Sinubukan niyang iwasan at ipakita ang pagtutol sa kaniyang mukha. “Miguel, ngayong gabi…”

Bago pa niya matapos ang sasabihin, dumilim ang mga mata ni Miguel at isang misteryosong ngisi ang namutawi sa mga labi nito. "Mayumi, ayaw ko sa mga taong pakipot."

Naintindihan ni Mayumi ang gusto sabihin ni Miguel ngunit mas gugulo lang ang lahat. Sa huli, nangyari pa rin ang gustong mangyari ni Miguel. Mabuti na lang, hindi masyadong sumakit ang kaniyang tiyan. Masyado siyang napagod sa pakikipagtalik sa lalaki dahilan para mawalan siya ng lakas para bumangon at mag-shower.

Komportable siyang nasa bisig ni Miguel hanggang sa nakatulog siya nang mahimbing. Bago siya makatulog, iniisip niya pa kung galit pa rin ito sa ginawa niya kanina. Masyadong mahirap basahin ang lalaki kaya nahihirapan siya malaman kung galit pa rin ito o hindi.

Tinanghali na ng gising si Mayumi at nakabubulag na rin ang init ng araw sa labas ng kaniyang bintana.

Sandali muna siyang naupo sa kaniyang kama, unti-unting binabalik ang sarili sa wisyo. Tumayo siya at napansin na may sulat sa tabi ng kaniyang kama pati na rin isang tseke. Eksakto ang halaga na naroon sa tseke kagaya ng napagkasunduan nilang dalawa.

Hindi masyadong binigyan ng pansin ni Mayumi ang tseke at itinabi lamang ito. Kinuha niya ang note at binasa ang nakasulat doon. Sobrang pamilyar sa kaniya ng sulat-kamay na iyon ni Miguel. Masyadong matalas, maganda at kaayaaya sa mata ang istilo ng sulat-kamay nito.

Dalawang linya iyon. Sobrang linaw at walang paligoy-paligoy

Last night was hard.

This is your reward.

Kaugnay na kabanata

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 4

    Nanginginig ang mga kamay ni Mayumi habang bumubuhos ang kaniyang mga luha, tumatama ang bawat patak sa note na iyon, unti-unting binubura ang bawat titik na nakasulat doon. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang mga mata at pisngi na basang-basa ng luha. Mariin niyang kinagat ang kaniyang labi, at sa isang iglap, pinunit ang papel bago marahas itong itinapon sa basurahan.Kilalang-kilala ni Mayumi si Miguel. Palagi siyang sumusunod sa mga gusto nito kaya naman natutuwa ito sa kaniya, at sa bawat pagsunod ay may kapalit na pera. Sandaling naningkit ang kaniyang mga mata habang hawak ang tseke. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at marahang isinilid ang tseke sa kaniyang bag. Wala siyang karapatang magpanggap. Kailangan niya ang perang iyon para sa kaniyang ina.Pagkatapos pakalmahin ang sarili, bumaba na si Mayumi para mag-almusal.Nakatanggap si Mayumi ng tawag kay Charles, ang Assistant Manager ni Miguel. Pinapaalalahanan siya nito na pumunta sa physical examination nga

    Huling Na-update : 2024-11-19
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 5

    Ilang segundong hinintay ni Lucas Valencia ang sagot ni Miguel pero wala itong narinig mula sa kaniya kung kaya’t nagtanong ito muli. “Wala naman sigurong problema, hindi ba?”“I don’t mind.” Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ni Miguel nang sagutin ang kaibigang negosyante. Gusto pa sanang magsalita ni Lucas, ngunit naunahan niya ito. "Tanungin mo muna siya kung gusto niya," kampanteng sabi niya, isang matalim na ngiti ang sumilay sa labi.Napabuntonghininga na lang si Lucas sa tinuran niya. “Wala ka bang pakailam sa sekretarya mo? Hindi ka man lang ba nagagandahan sa kaniya?”Para kay Lucas, walang kapantay ang kagandahan ni Secretary Romero, lalo na ang magandang ugali nito. Sinuman ay tiyak na mapapalingon at magkakaroon ng interes, lalo na sa taglay nitong kaakit-akit na pigura at kahanga-hangang hubog ng katawan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, iniisip ni Lucas na napakamalas pa rin ni Mayumi dahil naging sekretarya ito ni Miguel na kilalang mabagsik at walang pa

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 6

    Hindi mapigilan ni Mayumi ang kaniyang pamumula sa sinabing iyon ni Miguel. Ang mga salitang binitiwan nito ay tumagos sa kaniyang puso. Makaraan ng ilang saglit, bigla na lang siyang namutla. Ang init na nararamdaman niya sa kaniyang pisngi ay umuurong at napalitan ng malamig na pakiramdam.Kung tratuhin siya ni Miguel ay parang maliit lang na bagay itong ginagawa nito ngayon. Isang parausan lang talaga ang tingin sa kaniya ng lalaki para maibsan ang makamundong pagnanasa nito.Nakita ni Miguel ang mga daliri niya na nabahiran ng tumilapon na alak. Tahimik na hinawakan nito ang kaniyang kamay na ikinagulat niya at seryosong pinupunasan na ngayon ng panyo ang kaniyang mga daliri. Ang bawat galaw ni Miguel ay puno ng pag-iingat, tila binibigyan ng pag-asa ang sawing puso niya.Hindi niya mapigilang bigyan ng kahulugan ang ginagawa ni Miguel sa kaniya na kailanman ay hindi nito ginawa. Kay tagal niya itong hinintay– ang alagaan din siya ng kaniyang asawa kahit sa maiksing panahon. Sapat

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 7

    Hindi na naman maganda ang pakiramdam ni Mayumi. Epekto iyon ng paulit-ulit na pagtanggi niya sa nais gawing pag-aangkin ni Miguel sa kaniya. Pagkatapos nilang magtalo sa loob ng sasakyan, inutusan lang ng lalaki ang driver na ihatid siya sa villa at hindi na sumama pa sa kaniya. Pagkarating doon ay mabilis siyang naligo. Nang makapagbihis ay matulin siyang pumunta sa kusina para kainin ang cake na naroon sa refrigerator. Sobrang tamis ng cake na iyon pero hindi alam ni Mayumi kung bakit tila parang walang lasa ito habang kinakain niya.Yumuko siya at natagpuan niya na lang ang kaniyang mga luha na naipon sa kaniyang mga kamay. Inisip niya na kaya siya ganoon kaemosyonal ay dahil na rin sa pagbubuntis niya. May mga buntis na masyadong sensitibo at isa na siya roon.Ang totoo’y ayaw niyang umiyak pero hindi niya makontrol ang mga luha niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at umupo muna sa sala para hintayin na humupa ang sakit na nararamdaman.Makaraan ay umakyat si Mayumi sa ik

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 8

    Mahinanong tinangggap ni Mayumi ang perang binayad sa kaniya ni Miguel. Makaraan ay pumunta siya sa kusina para magluto ng hapunan. Habang ginagawa iyon ay naisipan niyang mag-text sa asawa. Pupunta ka ba ngayon dito para maghapunan ngayong gabi?Tinipa niya iyon sa kaniyang cellphone nang mahinahon kahit nais niyang sumbatan ito. Pagkatapos nilang magpakasal ay madalas pa rin silang nagsasama ni Miguel sa iisang bubong ngunit masyado namang magulo ang kanilang set up. Hindi naman talaga sila nagmamahalang mag-asawa kung umasta.Biglang umusok ang kalderong pinaglulutuan niya, tanda na luto na ang ulam na niluluto niya. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone matapos patayin ang stove. Mabilis niya itong kinuha para tingnan ang mensahe ni Miguel.Hindi ako sigurado.Hindi alam ni Mayumi kung ano ang itsura niya nang mabasa iyon pero puno na naman ng hinanakit ang puso niya. Bakit kaya hindi ito sigurado? May kikitain na naman ba itong ibang babae?Tulalang nakaupo si Mayuma sa hapagka

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 9

    Sa wakas, matagumpay na napapirmahan ni Mayumi ng kontrata si Mr. Fernandez. Lasing na ang matanda nang bigla siya nitong tabihan."Ms. Romero, hindi ko alam pero hangang-hanga talaga ako sa iyo. Kung gusto mo, ipapakilala kita sa mga kakilala ko para magkaroon ka ng maraming proyekto."Medyo nanginginig si Mr. Fernandez habang naglalakad. Pinagmasdan nito ang kagandahan ni Mayumi sa ilalim ng liwanag, at tila ba’y umaalon ang puso nito habang pinagmamasdan siya. Hindi nito napigilan ang sarili na yakapin si Mayumi at tinangkang halikan."Ms. Romero, napakaganda mo talaga."Dahil sa amoy ng alak at sigarilyo, hindi na naman naging maayos ang pakiramdam ni Mayumi at gusto niya na namang sumuka. Tinulak niya ang matanda palayo sa kaniya.Dahil sanay na sanay na si Mr. Fernandez sa hindi pagpapaunlak ni Mayumi, nakangiti itong lumapit sa dalaga habang naduduwal pa rin siya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at tila ayaw siyang bitawan kahit na hinahablot niya na ito. “Miss Romero, hindi

    Huling Na-update : 2024-11-27
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 10

    Hindi inaasahan ni Mayumi na tatawagin siyang ganoon ni Miguel. Tila lahat ng dugo niya sa katawan ay napunta sa kaniyang mukha kaya ramdam niya ang pamumula nito dahil sa galit. Napakuyom siya. Pinipilit lang niyang kontrolin ang sarili sa pamamagitan ng pagbaon ng kaniyang matatalim na kuko sa kaniyang kamay.Ganoon na lang ba talaga?Sa mga mata ni Miguel, isa lamang siyang kalapating mababa ang lipad na gagawin ang lahat para lamang sa pera. Ganoon siguro ang impresyon niya kay Miguel kaya napagsasalitaan na siya nito ng ganoong lintanya.Huminga siya nang malalim at pinakalma na lang ang sarili. Wala siyang balak ipagtanggol ang kaniyang sarili. Wala naman siyang magagawa dahil hawak pa rin siya ni Miguel sa leeg."Medyo wala lang akong ginagawa lately…kaya kumuha ako ng mga maliliit na raket," kalmadong paliwanag ni Mayumi. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kung kaya’t umatras siya ng isang hakbang palayo sa lalaki. Hindi gusto ni Miguel na tumatanggap

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 11

    Hindi pinansin ni Miguel ang sinabi ni Mayumi. Tinawagan nito ang sariling butler para utusan ito na sabihan ang driver na ipag-drive sila papuntang ospital.Hinawakan ni Mayumi ang manggas ng lalaki, sinusubukang baguhin ang desisyon nito. "Hindi na kailangang pumunta pa sa ospital, Miguel. Sa tingin ko, kaya lang ako nagiging ganito kasi dinatnan na ako."Nag-isip si Miguel saglit dahil sa sinabi niya. "Bakit parang hindi ko naman matandaan na dinadatnan ka ng ganitong araw."Kahit na kontrata lang ang kasal nila, hindi naman sila parang mga estranghero sa isa’t isa. Alam ni Miguel kahit ang bagay na ito tungkol sa kaniya. Inalam nito iyon sapagkat siyempre, mayroon ding sariling pangangailangan si Miguel.Hindi ito madaling pasayahin sa kama. May mga pagkakataon nga na kahit mayroon siyang regla ay inaangkin pa rin siya nito. Hindi inaasahan ni Mayumi na ganoon pala katindi ang memorya ni Miguel para matandaan pa ang bagay na iyon sa kaniya. Bahagya niyang iniwas ang mukha niya, hi

    Huling Na-update : 2024-11-29

Pinakabagong kabanata

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 29

    Sa ginawang pag-iyak ni Mayumi, tila ba parang nailabas niya ang mga gusto niyang ipakita na emosyon kay Miguel sa unang pagkakataon.Dahan-dahang inangat ni Mayumi ang kanyang mga tingin sa lalaki. Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak at naglakas loob siyang titigan ang mata ng lalaki na wala pa ring emosyon at nananatili pa ring malamig na nakatinging pabalik sa kaniya.“Sa totoo lang, plano ko naman talagang sabihin ito sa iyo sa mga susunod na araw.”Matatanda na silang dalawa, hindi dapat siya maging ganoon kaisip-bata at padalos-dalos. Kahit ano pa man ang irason nilang dalawa, inosente pa rin ang batang dinadala niya. Subalit kahit gusto niyang ituloy ang pagbubuntis, kailangan pa rin niyang pag-usapan ito kasama si Miguel.Ang batang lumaki sa isang pamilyang walang ama ay hindi tutulad sa mga palabas sa TV. Baka hindi niya mabigyan ng magandang buhay ito dahil isa rin siyang salat sa pera. Kahit na bigyan niya ito na labis-labis na pagmamahal at atensyon, kahit

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 28

    Pakiramdam ni Mayumi ay biglang tumulis ang pirasong papel na iyon nang sumagi sa kaniyang balat ang dulo nito nang inabot iyon ni Miguel. Ang lihim na isang buwan niya nang tinatago sa asawa ay nalaman na nito.Hindi niya mawari kung gaano siya kagulat ngayon dahil sa mga nangyayari. Nagkaroon pa ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Miguel.Kinuha niya ang papel na inabot ni Miguel at nanginginig na tiningnan ang naroon. Kalmado at tahimik lang siya habang ginagawa iyon subalit nagwawala na ang kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib.Huminga nang malalim si Mayumi para sa pagtatangka niyang pagbasag ng katahimikan. Wala na talaga siyang magagawa kung hindi ilantad ang katotohanan kay Miguel.“Oo, tama ang nariyan Miguel. Buntis ako."Kay sarap isatinig ang sekretong tinatago niya sa asawa. Tila nawala na ang bigat ng nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya. Para bang nagsusumukap ang liwanag na sakupin ang dilim na halos gabi-gabi siyang sinisindak sa takot.Naalala niya na

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 27

    Hindi makagalaw si Mayumi sa kaniyang kinatatayuan. Pigil-hininga siyang tumingin kay Miguel habang nanginginig ang kaniyang katawan, sunod ay dumako ulit ang mga mata niya sa papel na hawak ni Miguel. Mayroon imahe na naroon sa ultrasound result—larawan ng anak nilang dalawa. Hindi niya magawang makalakad man lang—na para bang napako na ang mga paa niya sa puwesto niyang iyon. Tila pasan-pasan niya ang mundo kaya hindi man lang siya makahakbang.Lahat ng lakas ng loob na nasa katawan niya ay tila nawala na lang bigla sa kaniyang katawan. Kahit matingnan man lang si Miguel ay nahihirapan siya…pero paano nakita ng lalaki iyon?Sa pagkakatanda niya, matapos gamitin ang shredder ng kanilang kompanya, tinapon ni Mayumi lahat ng mga test report. Subalit natandaan niya ang ultrasound report na hindi niya kayang itapon kaya tinago niya iyon sa cabinet. Iyon ba ang hawak ni Miguel?Hindi si Miguel iyong magkakalkal ng gamit ng iba kaya hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Miguel.Pinil

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 26

    Kung pagbabasehan ang nakaraan niya, walang mahanap si Mayumi na magandang alaala na magpapasaya sa kaniya. Nagkaroon lang siguro siya nang kalayaan at walang masyadong problema noong nasa ikalabing-anim at labing-pitong taong gulang pa lamang siya.Ito iyong yugtong tag-init ng buhay niya na puno ng kaunting kasayahan at buhay. Maliban sa mga gastusin ng kaniyang ina para sa gamot nito, wala na siyang ibang dahilan para malungkot noon. Araw-araw, lihim niya ring pinagmamasdan ang taong gusto niya. Si Miguel.Pagod na pagod si Mayumi habang nakaupo siya sa lounge chair sa ibaba ng kompanya. Matagal siyang nakatambay roon habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Karamihan ay mga taong abala sa trabaho. May mga bata rin naman siyang nakita na nagpapakain ng mga kalapati sa parke sa tapat. May mga kabataan din na nagtitinda ng bulaklak bilang sideline. Tahimik lang na tinitigan ni Mayumi ang mga rosas na hawak ng mga ito.Puno ng mga rosas ang bakuran ng pamilya Lopez. Ngunit, ni isa

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 25

    Bakat ang kalituhan sa mukha ni Mayumi habang nakatingin kay Miguel matapos siyang tanungin nito. Alam niyang hindi nagbibiro ang kaniyang asawa sapagkat masyadong madilim ang itsura nito.Umiigting ang panga ng lalaki habang magkasalubong ang dalawang makakapal na kilay, punong-puno ng poot at kalamigan ang mga mata nito. Medyo nasasaktan na rin siya sa paraan ng paghawak nito sa kaniyang panga.“Wala akong ginagawang kalokohan,” natatakot ang tinig pero may konbiksyon niyang sabi.Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa mga labi ni Miguel. "Secretary Romero, mag-isip ka muna bago ka magsalita," mariing sabi nito sa kaniya.Hindi mapigilan ni Mayumi ang matulala habang tinitingnan ang malamig na mata ni Miguel. Inaalala niya kung may nagawa ba siyang bagay nitong nakaraan na naging dahilan para magalit ito. Iniisip ba nito na nagli-leak siya ng mga impormasyon ng kompanya sa labas? Karaniwan kasi ay sa mga ganoong bagay nagagalit ang lalaki. Subalit kailanman ay hindi siya nagsisiw

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 24

    Ang pagiging maasikaso at matalino ni Mayumi ang isa sa mga nagustuhan ni Miguel sa kaniyang asawa. Ito kasi iyong taong hindi siya ipapahiya sa maraming tao.Subalit hindi nga naman talaga nito ipapakita ang totoong ugali sa impisa, sa isip-isip ni Miguel. Ngayon pa lang ay nakikita niya na ang totoong kulay ng kaniyang asawa..Nasa labi ni Miguel ang mga salitang gusto niyang isabi sa harap ni Mayumi, kailanman ay hindi naging ganito kabagsik ang mga mata niya. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya kay Mayumi na talagang pinagtaksilan nga siya at pinagbubuntis pa ang anak sa ibang lalaki.Hindi siya natutuwang buntis ito. Hindi niya iniisip na kaniya iyon sapagkat palagi naman siyang nag-iingat kapag ginagawa nila iyon. Hindi niya rin gustong uminom ng mga gamot si Mayumi sapagkat iba ang resulta niyon sa kalusugan nito.Bigla niyang naalala ang nangyari noon sa Palawan na hindi siya nakagamit ng proteksyon dahil naubusan sila. Subalit naalala niya naman na sinabihan n

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 23

    Hindi mapigilan ni Mayumi malito sa pinapakitang asal ni Miguel. Hindi niya ito karaniwang nakikita sa kaniyang asawa.Nilapitan ni Mayumi ang naglilinis na kasambahay sa kanilang sala para magtanong.“May pumunta ba ngayong araw sa villa habang wala ako?” tanong niya."Wala naman po," sagot ng kasambahay sa kaniya.Mas lalo lamang nalito si Mayumi sa sagot nito. Nag-isip siya ng ibang dahilan kung bakit ito ganoon pero siguro’y sinusumpong din pala ang lalaki minsan. Kalmado kasi ang kaniyang asawa sa lahat ng oras. Biglang humikab si Mayumi, indikasyon na inaantok siya. Wala na siyang panahon pa para isipin kung ano ang nangyayari kay Miguel dahil gusto niya na magpahinga muna.Pumunta si Mayumi sa kwarto nila ni Miguel at mabilis na humiga sa kama at natulog. Dumating na ang hapunan pero tulog pa rin siya roon. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya sa ilalim ng kumot.***Umigting ang panga ni Miguel nang makita na bakante ang puwesto na inuupuan ni Mayumi kapag naghahapunan silan

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 22

    Nang mapansin ni Anne ang kalungkutan ni Mayumi, nakaramdam ito kaunting awa sa kaniya. "Mayumi, pupunta ako ngayon din sa ospital kung nasaan ka para makita ka at yayain ka mag-lunch. Nang sa ganoon ay makalimutan mo iyong mga hindi magandang nangyari sa iyo."Napangiti si Mayumi sa sinabi ng kaibigan. Matagal na rin simula nang huli nilang gawin iyon.“Sige. Hihintayin kita rito.”Pagkatapos nilang mag-usap. Nakatanaw lang sa kawalan si Mayumi habang nanatili sa loob ng kaniyang sasakyan. Iniisip na niya kung ano ang magiging reaksyon ni Miguel kapag sinabi niya sa lalaki ang pagbubuntis niya. Hindi si Miguel naniniwala sa importansya ng kasal. Hindi nito tinuturing na sagrado at maganda ito.Biglang naalala ni Mayumi noong nagdaos sila ng isang party noong nakaraang taon. Maraming bisita ang dumalo sa salu-salo. Mayroong pinsan na babae si Miguel na bagong kakapanganak lang sa isang cute at magandang sanggol. Bilugan ang mukha ng anak nito, maputi at makinis din ang balat. Ang mg

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 21

    Mahigpit ang pagkakahawak ni Mayumi ng kaniyang manibela habang nakapatong doon ang kaniyang ulo. Matagal siyang naroon sa ospital at iniisip pa rin kung tama ba ang ginawa niya kanina.Ilang beses nang tumutunog ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag pero hindi naman niya ito pinapansin. Kanina pa iyon pero tila wala naman siyang pakailam.Ilang sandali ay dahan-dahang inayos ni Mayumi ang kaniyang pagkakaupo at binuksan ang kaniyang bintana para makasanghap ng sariwang hangin. Pagkalipas ng ilang minuto ay medyo kumalma na siya sa dami ng kaniyang iniisip.Kinuha ni Mayumi ang kaniyang cellphone mula sa loob ng bag. Napakunot ang noo niya nang makita roon ang pangalan ni Anne Salvatierra, matalik niyang kaibigan. Mabilis niya naman iyong sinagot. Bumalik na ba ito sa Pilipinas?"Mayumi! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Huminga nang malalim si Mayumi. "Abala lang ako kanina."Naramdaman ni Anne ang kakaibang tono ni Mayumi kaya bigla tuloy ito nag-alala. "Ano ba ang nangyar

DMCA.com Protection Status