Share

Kabanata 2

Author: Atlantis
last update Huling Na-update: 2024-11-19 13:31:57

Highschool pa lang ay sobrang tayog na ni Miguel, parang bituin na tinitingala ng lahat, samantalang halos hindi naman maramdaman ang presensiya ni Mayumi. Tila isa lang siyang ekstra sa isang love story, tahimik na pinagmamasdan ang bidang lalaki at ang kapareha nitong babae na nagroromansahan.

Ilang taon na nga ba siyang may lihim na pagtingin kay Miguel? Halos hindi niya na maalala kung kailan iyon nagsimula. Kaya naman noong nag-propose si Miguel ng kasal sa kaniya, akala niya’y nananaginip lamang siya at anumang oras ay magigising siya.

Sa loob ng tatlong buong taon sa high school, anim na salita lang ang nasabi ni Mayumi kay Miguel.

"Hello! Mayumi nga pala pangalan ko."

Sa kasamaang palad, hindi man lang maalala ni Miguel na magkaklase sila noong highschool, at tila nakalimutan din nito ang pagsisikap na ginawa niya noon para magkaroon ng lakas-loob na lapitan at makausap ito.

Umupo si Mayumi sa kama. Walang ilaw sa kwarto kaya madilim. Hindi niya maiwasang hawakan ang kaniyang tiyan. Mahirap isipin na may bata na sa loob niyon…ang anak nila ni Miguel.

Subalit hindi pa rin nakatitiyak si Mayumi na buntis siya. Minsan kasi may mga pagkakataon na hindi tama ang resulta sa pregnancy test. Walang siyang orasl para pumunta sa ospital para magpa-check up lalo na sa mga susunod na araw. Plano niyang bumili nalang ng iba't ibang brand ng pregnancy test kit bukas at subukan ang lahat ng mga iyon.

Ayos lang kung hindi siya buntis. Magkakaroon ng malaking problema kung buntis nga siya. Alam niyang hindi gusto ni Miguel ang anumang bagay na wala itong kontrol.

Palaging gumagamit si Miguel ng condom kapag nakikipagtalik sa kaniya, maliban na lamang noong nakaraang buwan sa Palawan. Isa talaga iyong pagkakamali. Biglang nataranta si Mayumi nang maisip na baka buntis talaga siya. Hindi magugustuhan ni Miguel ang batang dinadala niya.

Sigurado siya na kapag sinabi niya kay Miguel na buntis siya, maghahanap talaga ito ng ospital para ipalaglag ang bata. Ito pa naman iyong tao na kapag nagdesisyon na, walang sinuman ang makakapagpabago niyon.

Noong kinasal siya sa lalaki, akala ni Mayumi ay unti-unting mahuhulog sa kaniya si Miguel ngunit pantasya niya lang pala iyon. Ayaw na niyang isipin ang bagay tungkol doon. Muli siyang humiga sa kubrekama, pumikit at pinilit na matulog.

Napanaginipan ni Mayumi ang mga kaganapan noong high school pa lamang siya. Sa panaginip, sisilip si Miguel sa kaniyang bintana araw-araw. Ito ang prinsipe sa kanilang paaralan, at lihim siya nitong binabantayan saan man siya pumunta.

Napakaganda na pigura ang nakikita ni Mayumi sa panaginip. Bulto ng isang matangkad at gwapong lalaking nasa bulsa ang mga kamay. Tamad ngunit puno ito ng kayabangan. Mahirap itong abutin kagaya ng buwan. Tahimik at malamig ang paligid ngunit nagawa niyang masilayan ito.

Bigla na lang siya nagising at natagpuang may mga luha sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niyang maliwanag na ang langit sa labas. Pumunta siya sa may bintana at binuksan iyon.

Hindi niya nakita ang sasakyan ni Miguel sa bakuran nang sumilip siya. Tanda na umalis pa rin ito sa kalagitnaan ng gabi.

Hindi naman nalungkot si Mayumi at mukhang sanay na ito. Matapos mag-agahan ay pumunta siya sa opisina. Dumaan muna siya sa isang botika upang bumili ng mga pregnancy test. Masyado naging abala si Mayumi sa umaga kaya wala na siyang oras para uminom ng tubig.

Nang nagkaroon siya ng pagkakataon, mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang bag na naglalaman ng mga pregnancy test saka nagmamadaling pumasok sa banyo. Sinunod niya ang mga instruksyon sa pagamit niyon.

Pagkatapos ng ilang minuto, tiningnan niya nang mabuti ang pregnancy test stick na hawak niya. Ang pamilyar na dalawang guhit ay litaw na litaw pa rin doon!

Pakiramdam niya ay bigla na lang bumagsak ang puso niya. Hindi siya nasisiyahan sa resulta. Maraming bagay ang pumapasok sa isip niya. Paano kung isabi niya na lang kaya ito kay Miguel?

Napailing siya. Hindi niya kayang banggitin ito kay Miguel. Siguro’y magre-resign na lang siya, pupunta sa isang bansa na walang nakakikilala sa kaniya at lihim na ipapanganak ang bata. O puwede namang ilang araw lang siyang magli-leave para pumunta sa ospital at ipalaglag ang bata

Gulong-gulo ang isip ni Mayumi. Pagbalik sa opisina, distracted pa rin siya. Nilapitan siya ni Marites sa kaniyang work station para magsabi na naman siguro ng tsismis. “Beh, may buntis daw sa ikadalawampong palapag!”

Napabuntonghininga si Mayumi at mahinahong nagtanong, "Sino naman?"

"Hindi ko alam," sagot nito. "Sabi ng janitress, nakakita siya ng pregnancy test stick sa basurahan kahapon. Posible bang nagkakaroon na rito ng office romance? Masyado kasi secretive si dzai! Matatanggal kasi siya kapag sinabi niya iyon kay Mr. Lopez."

Natuwa si Mayumi dahil ligtas pa rin siya sa tsismis. Pagkatapos itapon ang pregnancy test stick sa banyo ay d-in-ispose niya pa rin ito.

Napalunok siya, "I don't know, probably not."

Hindi naman masyadong interesado si Marites sa bagay na ito kaya mabilis na binago nito ang usapan. "Gusto mo bang bumaba para maghapunan?"

Gutom na rin si Mayumi kaya tumango siya. "Tara na."

Masasarap din naman ang mga nilulutong ulam sa restaurant para sa mga empleyado na matatagpuan sa ibabang bahagi ng gusali ng kompanya. Pagkatapos mag-order ay umupo na sina Mayumi at Marites.

Biglang tumahimik ang restaurant nang ilang segundo, at biglang sumulpot si Miguel sa restaurant na talaga namang nakahahatak ng atensyon. 

Titig na titig si Mayumi kay Miguel at hindi mapigilang kuyumin ang chopsticks. Hinandugan ng malalaking hakbang ni Miguel ang sahig habang papunta sa kanilang mesa. Hindi alintana nito ang mga taong nakatingin. 

Biglang nataranta si Marites sa kaniyang tabi. "Mr. Lopez, please sit down."

Ibinuka ni Mayumi ang kaniyang mga labi pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Napansin niyang nakahanda na rin ang steak na in-order niya.

Hinawakan ni Mayumi ang kaniyang plato at tila gustong tumalikod at maghanap ng bagong puwesto, ngunit hindi siya nangahas na gawin iyon dahil maraming nanonood.

Hindi siya naging komportable dahil sa sitwasyon. Bigla siyang nahilo at para bang naduduwal. Medyo matapang pa ang amoy sa restaurant. Gusto niyang masuka pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Gusto niyang tapusin ang kaniyang tanghalian nang mabilis at bumalik sa opisina para makapagpahinga.

Sa sandaling nasa bibig niya na ang steak, hindi na kinaya ni Mayumi ang pisikal at sekswal na pagduduwal. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at nagmamadaling pumunta sa malapit na basurahan para magsuka.

Pagkatapos niyang magsuka ay namutla ang mukha niya. Uminom siya ng isang basong tubig saka nagmumog habang nakatingala. Pakiramdam niya ay may mali hanggang sa nakita niya ang maitim at malalim na mga mata ni Miguel na nakatitig sa kaniya nang mahinahon.

Hindi niya mabasa ang iniisip nito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Mayumi kasabay ng pamumutla ng mukha niya. Natatakot siya na baka may mapansin ito sa kaniya.

Nag-isip si Miguel saka nagtanong. "Why did you throw up?"

"I’ve been feeling unwell lately,” sagot niya.

“I don’t remember you having gastrointestinal issues."

“Nagkasakit kasi ako nitong nakaraang mga araw.”

Natahimik sandali si Miguel saka muling nagtanong, "Uminom ka ba ng gamot?"

Hindi maintindihan ni Marites ang tanong na iyon maliban kay Mayumi. Tinatanong siya ni Miguel kung nakainom ba siya ng gamot pagkatapos ng p********k nilang iyon sa hot spring hotel sa Palawan. Matalas mag-isip si Miguel, at alam nito palagi kung may mali kahit sa pinakamaliit na detalye.

Nagsinungaling si Mayumi sa kabila ng pressure. "Oo."

Hindi na nagtanong pa si Miguel.

Hapon ng araw na iyon, nakatanggap si Mayumi ng gastrointestinal na gamot. Binili ito para sa kaniya ni Charles na general assistant ni Miguel. Tanging ang general assistant lamang nito ang nakaaalam ng relasyon nilang dalawa ng lalaki.  

"Gusto ni Mr. Lopez na bigyang pansin ang kalusugan mo." Nag-aalinlangang tumingin sa kaniya ang general assistant. Pagkatapos ay huminto at nagsalita muli, "gusto rin niya na magpa-schedule ako ng appointment para sa iyo sa ospital para sa isang physical examination."

Kaugnay na kabanata

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 3

    “Pupunta ako kapag may oras ako,” matigas na sabi ni Mayumi at mayroon nang hindi magandang disposisyon.Tipid lamang na ngumiti ang general assistant. "Naka-schedule bukas ang physical examination mo. Sana ay pumunta ka roon."Malalim na huminga at bumuga si Mayumi. “Naiintindihan ko.” Hindi niya inaasahan na ganoon pala katalas mag-isip ni Miguel. “I will be on time,” dagdag niya pa.Medyo matapang ang amoy ng kape sa opisina. Sumama na naman ang pakiramdam ni Mayumi na parang gusto niyang masuka. Binuksan niya ang bintana para magpahangin dahilan para maibsan ang masama niyang nararamdaman.Bago pa man makaalis sa trabaho, nagmamadaling tumungo si Mayumi sa banyo para magsuka. Hindi niya akalain na ganito pala kalala ang sintomas ng pagbubuntis niya.Pagkatapos maghugas ng mukha ay tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng bag niya. Nang sagutin niya ito, napansin niyang boses ng lalaki ang tumatawag."Nasaan ka?""Bathroom," sagot niya."Hihintayin kita sa parking lot. Pupunta ta

    Huling Na-update : 2024-11-19
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 4

    Nanginginig ang mga kamay ni Mayumi habang bumubuhos ang kaniyang mga luha, tumatama ang bawat patak sa note na iyon, unti-unting binubura ang bawat titik na nakasulat doon. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang mga mata at pisngi na basang-basa ng luha. Mariin niyang kinagat ang kaniyang labi, at sa isang iglap, pinunit ang papel bago marahas itong itinapon sa basurahan.Kilalang-kilala ni Mayumi si Miguel. Palagi siyang sumusunod sa mga gusto nito kaya naman natutuwa ito sa kaniya, at sa bawat pagsunod ay may kapalit na pera. Sandaling naningkit ang kaniyang mga mata habang hawak ang tseke. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at marahang isinilid ang tseke sa kaniyang bag. Wala siyang karapatang magpanggap. Kailangan niya ang perang iyon para sa kaniyang ina.Pagkatapos pakalmahin ang sarili, bumaba na si Mayumi para mag-almusal.Nakatanggap si Mayumi ng tawag kay Charles, ang Assistant Manager ni Miguel. Pinapaalalahanan siya nito na pumunta sa physical examination nga

    Huling Na-update : 2024-11-19
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 5

    Ilang segundong hinintay ni Lucas Valencia ang sagot ni Miguel pero wala itong narinig mula sa kaniya kung kaya’t nagtanong ito muli. “Wala naman sigurong problema, hindi ba?”“I don’t mind.” Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ni Miguel nang sagutin ang kaibigang negosyante. Gusto pa sanang magsalita ni Lucas, ngunit naunahan niya ito. "Tanungin mo muna siya kung gusto niya," kampanteng sabi niya, isang matalim na ngiti ang sumilay sa labi.Napabuntonghininga na lang si Lucas sa tinuran niya. “Wala ka bang pakailam sa sekretarya mo? Hindi ka man lang ba nagagandahan sa kaniya?”Para kay Lucas, walang kapantay ang kagandahan ni Secretary Romero, lalo na ang magandang ugali nito. Sinuman ay tiyak na mapapalingon at magkakaroon ng interes, lalo na sa taglay nitong kaakit-akit na pigura at kahanga-hangang hubog ng katawan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, iniisip ni Lucas na napakamalas pa rin ni Mayumi dahil naging sekretarya ito ni Miguel na kilalang mabagsik at walang pa

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 6

    Hindi mapigilan ni Mayumi ang kaniyang pamumula sa sinabing iyon ni Miguel. Ang mga salitang binitiwan nito ay tumagos sa kaniyang puso. Makaraan ng ilang saglit, bigla na lang siyang namutla. Ang init na nararamdaman niya sa kaniyang pisngi ay umuurong at napalitan ng malamig na pakiramdam.Kung tratuhin siya ni Miguel ay parang maliit lang na bagay itong ginagawa nito ngayon. Isang parausan lang talaga ang tingin sa kaniya ng lalaki para maibsan ang makamundong pagnanasa nito.Nakita ni Miguel ang mga daliri niya na nabahiran ng tumilapon na alak. Tahimik na hinawakan nito ang kaniyang kamay na ikinagulat niya at seryosong pinupunasan na ngayon ng panyo ang kaniyang mga daliri. Ang bawat galaw ni Miguel ay puno ng pag-iingat, tila binibigyan ng pag-asa ang sawing puso niya.Hindi niya mapigilang bigyan ng kahulugan ang ginagawa ni Miguel sa kaniya na kailanman ay hindi nito ginawa. Kay tagal niya itong hinintay– ang alagaan din siya ng kaniyang asawa kahit sa maiksing panahon. Sapat

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 7

    Hindi na naman maganda ang pakiramdam ni Mayumi. Epekto iyon ng paulit-ulit na pagtanggi niya sa nais gawing pag-aangkin ni Miguel sa kaniya. Pagkatapos nilang magtalo sa loob ng sasakyan, inutusan lang ng lalaki ang driver na ihatid siya sa villa at hindi na sumama pa sa kaniya. Pagkarating doon ay mabilis siyang naligo. Nang makapagbihis ay matulin siyang pumunta sa kusina para kainin ang cake na naroon sa refrigerator. Sobrang tamis ng cake na iyon pero hindi alam ni Mayumi kung bakit tila parang walang lasa ito habang kinakain niya.Yumuko siya at natagpuan niya na lang ang kaniyang mga luha na naipon sa kaniyang mga kamay. Inisip niya na kaya siya ganoon kaemosyonal ay dahil na rin sa pagbubuntis niya. May mga buntis na masyadong sensitibo at isa na siya roon.Ang totoo’y ayaw niyang umiyak pero hindi niya makontrol ang mga luha niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at umupo muna sa sala para hintayin na humupa ang sakit na nararamdaman.Makaraan ay umakyat si Mayumi sa ik

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 8

    Mahinanong tinangggap ni Mayumi ang perang binayad sa kaniya ni Miguel. Makaraan ay pumunta siya sa kusina para magluto ng hapunan. Habang ginagawa iyon ay naisipan niyang mag-text sa asawa. Pupunta ka ba ngayon dito para maghapunan ngayong gabi?Tinipa niya iyon sa kaniyang cellphone nang mahinahon kahit nais niyang sumbatan ito. Pagkatapos nilang magpakasal ay madalas pa rin silang nagsasama ni Miguel sa iisang bubong ngunit masyado namang magulo ang kanilang set up. Hindi naman talaga sila nagmamahalang mag-asawa kung umasta.Biglang umusok ang kalderong pinaglulutuan niya, tanda na luto na ang ulam na niluluto niya. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone matapos patayin ang stove. Mabilis niya itong kinuha para tingnan ang mensahe ni Miguel.Hindi ako sigurado.Hindi alam ni Mayumi kung ano ang itsura niya nang mabasa iyon pero puno na naman ng hinanakit ang puso niya. Bakit kaya hindi ito sigurado? May kikitain na naman ba itong ibang babae?Tulalang nakaupo si Mayuma sa hapagka

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 9

    Sa wakas, matagumpay na napapirmahan ni Mayumi ng kontrata si Mr. Fernandez. Lasing na ang matanda nang bigla siya nitong tabihan."Ms. Romero, hindi ko alam pero hangang-hanga talaga ako sa iyo. Kung gusto mo, ipapakilala kita sa mga kakilala ko para magkaroon ka ng maraming proyekto."Medyo nanginginig si Mr. Fernandez habang naglalakad. Pinagmasdan nito ang kagandahan ni Mayumi sa ilalim ng liwanag, at tila ba’y umaalon ang puso nito habang pinagmamasdan siya. Hindi nito napigilan ang sarili na yakapin si Mayumi at tinangkang halikan."Ms. Romero, napakaganda mo talaga."Dahil sa amoy ng alak at sigarilyo, hindi na naman naging maayos ang pakiramdam ni Mayumi at gusto niya na namang sumuka. Tinulak niya ang matanda palayo sa kaniya.Dahil sanay na sanay na si Mr. Fernandez sa hindi pagpapaunlak ni Mayumi, nakangiti itong lumapit sa dalaga habang naduduwal pa rin siya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at tila ayaw siyang bitawan kahit na hinahablot niya na ito. “Miss Romero, hindi

    Huling Na-update : 2024-11-27
  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 10

    Hindi inaasahan ni Mayumi na tatawagin siyang ganoon ni Miguel. Tila lahat ng dugo niya sa katawan ay napunta sa kaniyang mukha kaya ramdam niya ang pamumula nito dahil sa galit. Napakuyom siya. Pinipilit lang niyang kontrolin ang sarili sa pamamagitan ng pagbaon ng kaniyang matatalim na kuko sa kaniyang kamay.Ganoon na lang ba talaga?Sa mga mata ni Miguel, isa lamang siyang kalapating mababa ang lipad na gagawin ang lahat para lamang sa pera. Ganoon siguro ang impresyon niya kay Miguel kaya napagsasalitaan na siya nito ng ganoong lintanya.Huminga siya nang malalim at pinakalma na lang ang sarili. Wala siyang balak ipagtanggol ang kaniyang sarili. Wala naman siyang magagawa dahil hawak pa rin siya ni Miguel sa leeg."Medyo wala lang akong ginagawa lately…kaya kumuha ako ng mga maliliit na raket," kalmadong paliwanag ni Mayumi. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kung kaya’t umatras siya ng isang hakbang palayo sa lalaki. Hindi gusto ni Miguel na tumatanggap

    Huling Na-update : 2024-11-28

Pinakabagong kabanata

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 76

    Ang mga basang patak ng tubig ay nakadikit sa pilikmata ni Mayumi. Itinaas niya ang kaniyang pilikmata gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Sa pamamagitan ng malinaw na hamog, nahirapan siyang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Tulad ng sinabi nito sa kaniya, dapat ay maging masunurin siya.Pero matagal nang nakakita si Mayumi ng pagkatao ni Miguel. Mukha itong mabait at kalmado sa panlabas, pero sa totoo lang, ayaw nito ng sinuman na tumututol sa anumang desisyon na ginagawa nito. Kailangan nitong kontrolin ang lahat ng bagay at hindi nito papayagang makawala sa kaniyang kontrol ang kahit anong bagay.Ramdam ni Mayumi ang ginaw at niyakap ang kaniyang basang katawan, nangyayanig siya ng kaunti. Bumulong siya nang malabnaw na boses. "Lumabas ka muna, ako na lang."Ibinaba ni Miguel ang kaniyang mata at tahimik na tinignan ang buong katawan niya.Ang basang mga damit ay dumikit sa katawan niya, at kitang-kita ang mga kurba ng katawan ng babae. Magulo siya, ang damit niya ay gano

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 75

    Hindi alam ni Mayumi kung bakit biglang nagalit si Miguel. Naiipit siya sa sofa at halos hindi makagalaw.Malupit ang mga mata ni Miguel, malamig na parang yelo, na para bang mga pako na itinusok sa kanyang mukha. Isang saglit niyang iniiwasan ang mga mata nito habang tinutok ang mga tingin sa bawat parte ng kanyang mukha, hindi iniiwasan ang kahit pinakamaliit na detalye. Nang makita nitong tahimik siya, tumaas ang hostility sa mga mata nito.Medyo natatakot si Mayumi sa ganitong estado ni Miguel. Kung tatakbo siya, mas lalong magagalit ang lalaki. Hinila siya nito sa buhok at iniiwas siya ng medyo magaspang."Magsalita ka."Hindi alam ni Mayumi kung ang tinutukoy ni Miguel na lalaki ay ang kaniyang tiyuhin o si Patrick.Ayaw niyang malaman ni Miguel na nasa bilangguan ang kanyang tiyuhin, at hindi rin niya gustong malaman nito ang tungkol kay Lawyer Li.Bagamat wala namang nararamdaman si Miguel para sa kanya, sensitibo ito pagdating sa mga bagay na ito. Hindi nito gusto ang mga lal

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 74

    Naisip ni Mayumi na dinala siya ni Miguel sa Cebu dahil kailangan siya nito para sa trabaho, pero sa pagkakataong ito, pinayagan lang siya nitong manatili sa hotel. Hindi siya pinahanda ng mga dokumento, at hindi siya dinala sa meeting.Sinulit ni Mayumi ang kaniyang oras ng pagpapahinga at hindi siya nakakaramdam ng pagkaburyong.Bumangon si Miguel nang maaga. Mukhang may epekto ang gamot na ininom ni Mayumi kagabi at tila nakakatulog siya nang mahimbing. Para siyang nahirapan magising sa umaga, at malabo ang kaniyang paningin. Naramdaman niya ang galaw ni Miguel na bumangon, pero hindi niya maigalaw ang kaniyang mga mata.Bago umalis, mukhang yumuko si Miguel at hinalikan siya sa labi, sabay bulong sa kaniyang tainga, at sinabihan siyang manatili lang sa hotel at huwag maglakad-lakad.Hindi ganoon ka-obedient si Mayumi, at hindi naman masyadong inaalala ni Miguel kung ano ang ginagawa niya araw-araw.Ang Tiyuhin ni Mayumi ay nakakulong pa rin, at may natitira pa itong isang taon na

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 73

    Ang hindi matanggap ni Mayumi ay ang katotohanan na sinabi pa ni Miguel kay Juanda ang tungkol sa operasyon niya. Wala talaga itong pakialam sa nararamdaman niya.Pinigilan ni Mayumi ang sarili na hindi magtakaw ng atensyon, kinagat niya ang kaniyang mga labi at pinili na lang na manahimik. Isang malabo at maulap na hangin ang sumiksik sa loob ng sasakyan, at ang amoy ng sigarilyo ay mapait na amoy na amoy niya.Inabot ni Miguel ang kamay niya at pinisil ang balat gamit ang hinlalaki, at pinaikot ang kanyang mukha, medyo malakas ito pero hindi naman labis. Pinaling siya nito paharap. Habang tinitingnan siya nito, nakita nito ang mga namumugto niyang mata at maputlang mukha, pilit niyang nilunok ang mga salitang gusto niyang sabihin."Secretary Romero, sobrang hindi mo ba talaga gusto si Juanda?""Hindi naman," sabi ni Mayumi. Pakiramdam niya sayang lang ang emosyon na ilaan sa bagay na hindi karapat-dapat. Subalit sinabi niya pa rin ang totoo. "Pero ayaw ko siyang makita. Siguro nama

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 72

    Nalaman lang ni Juanda ang tungkol sa pagbubuntis ni Mayumi pagkatapos niyang suhulan ang doktor.Pagbalik ni Juanda sa Pilipinas, nalaman niya na ang taong pinakasalan ni Miguel ay si Mayumi at halos sumabog siya dahil sa labis na galit. Bakit si Mayumi pa? Hanggang ngayon, ang kaluluwa ni Mayumi ay parang nagpapahirap pa rin sa kanya. Narinig ni Juanda na hindi pumasok si Mayumi sa trabaho nang isang buwan at kalahati, at naramdaman niyang parang may mali.Anong klaseng sakit ang mangangailangan ng ganoong kahabang bakasyon?Tinanong ni Juanda si Miguel tungkol dito. Hindi siya tanga, at hindi direktang tinanong, pero para bang hindi sinasadya niyang binanggit ang sekretarya nito, ngunit hindi siya pinansin ni Miguel.Kaya't nagdesisyon si Juanda na alamin pa ang tungkol dito, kaya gumastos siya ng malaking halaga para malaman ang ospital kung saan naka-confine si Mayumi.Walang bagay na hindi kayang buksan ng pera sa mundong ito, at hindi niya in-expect na buntis na pala si Mayum

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 71

    Naging malamig ang reaksyon ni Mayumi Wala siyang ipinakitang emosyon nang marinig ang tungkol kay Juanda pero talagang hindi niya nais makita ito. "Mr. Lopez, kaya mo bang pumunta sa airport mag-isa? Parang wala ring silbi kung ako pa ang isasama mo."Pinisil ni Miguel ang kaniyang kamay nang walang imik. "Pumunta tayo nang sabay. Sakto naman para sa hapunan."Sobrang lapit niya kay Miguel. Hindi ito gumagamit ng pabang. Medyo matapang ito at may kaunting mapait na amoy. Madalas itong magsalita nang tahimik, hindi masyadong mataas o mababa ang tono ng boses.Wala na lang nagawa si Mayumi kung hindi ang magpatianod kay Miguel.Habang nasa biyahe, tumitig si Mayumi sa langit na unti-unting dumidilim sa labas ng bintana. Wala namang ibang iniisip si Mayumi at hindi na nag-abala pang mag-isip ng anuman.Dinala siya ni Miguel sa isang restaurant na hindi kalayuan sa airport. Hindi ito mukhang restaurant na bukas sa publiko. Tahimik at marangy ito, mukhang para lamang sa isang pribadong

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 70

    Hindi nagulat si Miguel sa sinabi niya. Bagamat maganda si Mayumi, sobrang introverted siya at mukhang isang mabait na babae. Hindi siya makapagsabi nang malakas kahit may gusto siya, kaya't pinipilit na lang itago ito sa kaniyang puso.Umangat ang gilid ng labi ni Miguel at walang pakialam na nagsalita."Sayang naman."Hinawakan ni Mayumi ang sticky note sa kamay niya. Ang dilaw na papel na iyon ay puno ng mga iniisip ng isang batang babaeng in-love. Ngayon, nagagalak siya na hindi niya inilagay ang pangalan ni Miguel doon, at pinili lang niyang isulat ang isang abbreviation.Pati ang abbreviation ni Miguel ay nakatago sa ilalim ng papel. Nilingon ni Mayumi ang papel, ang boses ay medyo malungkot nang magsalita siya ulit."Wala naman talagang dapat akong pagsisihan."Tinitigan siya ni Miguel. Ang maliit na babae ay pinipigilan ang labi at ibinaba ang mga pilikmata. Mukhang malungkot siya. Hindi mahirap hulaan na talagang mahal na mahal niya ang batang lalaki na iyon. Matagal na ang m

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 69

    Hindi alam ni Mayumi kung anong klaseng relasyon mayroon sila ni Miguel ngayon. Hindi pa sila pwedeng ituring na magkasintahan pero wala namang ibang tao sa paligid nilang dalawa.Si Miguel ang nagmamaneho ng kotse at tinanong siya nito tungkol sa address na alam na alam niya.Nag-atubili si Mayumi saglit, pagkatapos ay kalmado niyang binigay ang address niyon. Hindi siya nakabalik doon sa loob ng maraming taon. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Habang tinitingnan ang hindi pamilyar na tanawin sa labas ng bintana, hindi niya maiwasang magsalita."Mag-drive ka nang dahan-dahan. Diyan lang pwedeng mag-park sa pasukan ng alley."Inangat ni Miguel ang kamay nito at inayos ang buhok. Tila mas magaan ang pakiramdam na nito kaysa kagabi. Kumanta pa ang lalaki nang mahina.Bigla itong may naaalala dahilan para matawa ang lalaki nang mahina. Ang mga mata nitong singkit ay tila ngumingiti rin. Ang tapat nitong ngiti ay medyo nakakabighani."Sinabi sa akin ni Juanda dati na napakaganda ng mga any

  • Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back   Kabanata 68

    Biglaang naglaho ang pagmamahal at pagnanasa sa mga mata ni Miguel. Dahan-dahan itong umalis at naglakad palabas.Nawala rin ang matinding pakiramdam ng presyon na nararamdaman ni Mayumi. Sinabi niya ang linyang iyon na walang ibang ibig sabihin, tanging paglalahad lang ng isang katotohanan.Sa transaksiyong ito, magkaibang posisyon na sila. Si Miguel ang may kapangyarihan. Ito ang nagpasimula ng lahat, at ito rin ang gumawa ng mga alituntunin. Ito lamang ang may huling salita sa lahat ng bagay.Wala nang halaga ang mga iniisip ni Mayumi. Bakit nga ba kailangang mag-alala si Miguel na mabuntis siya? Batid ni Mayumi na hindi na muling mangyayari iyon.Tulad ng sinabi niya noong nakaraan, sa huli, katawan ni Mayumi ang inaabuso, at hindi siya lalaban sa kaniyang sarili. Pumikit si Mayumi nang mariin at nagsalita. "Miguel, gusto mo pa bang magpatuloy?"Kung hindi ay matutulog na siya. Talaga namang inaantok na siya.Makaraanl, narinig niya ang boses ni Miguel. Ang malamig at pigil na ti

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status