Nanginginig ang mga kamay ni Mayumi habang bumubuhos ang kaniyang mga luha, tumatama ang bawat patak sa note na iyon, unti-unting binubura ang bawat titik na nakasulat doon. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang mga mata at pisngi na basang-basa ng luha. Mariin niyang kinagat ang kaniyang labi, at sa isang iglap, pinunit ang papel bago marahas itong itinapon sa basurahan.
Kilalang-kilala ni Mayumi si Miguel. Palagi siyang sumusunod sa mga gusto nito kaya naman natutuwa ito sa kaniya, at sa bawat pagsunod ay may kapalit na pera.
Sandaling naningkit ang kaniyang mga mata habang hawak ang tseke. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at marahang isinilid ang tseke sa kaniyang bag. Wala siyang karapatang magpanggap. Kailangan niya ang perang iyon para sa kaniyang ina.
Pagkatapos pakalmahin ang sarili, bumaba na si Mayumi para mag-almusal.
Nakatanggap si Mayumi ng tawag kay Charles, ang Assistant Manager ni Miguel. Pinapaalalahanan siya nito na pumunta sa physical examination ngayong araw. Pagkatapos ng tawag nito ay sumakay na siya ng taxi papuntang ospital na iyon.
Hindi na siya nabahala sa pagkuha ng eksaminasyong iyon sapagkat may binayaran siyang tao para magpapanggap na siya. Naghintay siya hanggang sa matapos ito sa physical examination.
Pagkatapos niyon, sumakay si Mayumi sa isa pang taxi papunta sa ibang ospital para sa isa pang check up. Hindi agad lalabas ang resulta niyon, at kailangang niya pang maghintay ng ilang araw.
Hinawakan ng doktor ang kaniyang tiyan at sinabing malaki ang posibilidad na buntis siya kaya pinayuhan siya nitong mag-ingat.
Pagkalabas na pagkalabas ni Mayumi mula sa ospital, nakatanggap siya ng tawag mula kay Miguel. “Nakapagpa-check up ka na ba?”
"Oo, pumunta na akong ospital."
Hindi na nang-usisa pa si Miguel kung ano ba ang sinabi ng doktor. Matapos ang ilang maikling palitan ng salita, ibaba sana na nito ang tawag nang pinigilan niya ito.
“Mr. Lopez.”
Nagtaas ng kilay ang lalaki sa kabilang linya. "Secretary Romero, is there anything else?"
Alam ni Mayumi na hindi siya dapat magtanong pero hindi niya maiwasan. "Iyong tseke..." pinilit niyang ilabas ang mga susunod na salita, "ano ang ibig mong sabihin doon?"
Sa malamig at pormal na tono ay sinagot siya nito. “Hindi ba malinaw ang pagkakasulat ko?” Huminto ito sa pag-ikot ng ballpen sa kamay at kaswal ulit na nagsalita. “You deserve to be rewarded.”
Napakuyom si Mayumi ng kaniyang mga kamay at nanatiling tahimik nang matagal.
“I was very satisfied with your service last night,” dagdag pa nito.
Masyadong mahinahon ang tono nito pero tila isa itong matulis na karayom na tumutusok sa puso ni Mayumi. Ang mga salitang binibitawan nito ay walang awang pinagdurugo ang kaniyang sugat. Para kay Miguel, isa lamang siyang nagbibigay ng serbisyo na kayang bilhin nito—parang ordinaryong serbidora. Ang totoo’y swerte nga siya dahil madalas siyang sipingan nito.
May mga pagkakataon na gustong hilingin ni Mayumi na bigyan siya ng kahit kaunting awa ni Miguel. Subalit masyadong malamig at mabagsik ang lalaki sa lahat na para bang ayaw magpalugi sa bawat negosasyon.
"Mamamatay muna ako siguro ako bago gawin iyon," aniya saka huminga nang malalim.
Habang tinitingnan ni Miguel ang sariling cellphone, inutusan nito ang assitant na i-print ang medical report mula sa ospital at ilagay ito sa mesa. Mabilis naman itong tumugon sa utos.
"Base sa resulta ng physical examination, wala namang problema kay Madam. Maayos ang kalusugan niya at maayos ang lahat."
Tinatamad na binuklat ni Muguel ang dalawang pahina, huminto ito sa internal medicine section ng report. Pagkatapos basahin ang resulta, binagsak nito ang likod sa upuan at pinaalis na ang kausap na assistant.
Sa kabilang banda, nakuha na ni Mayumi ang resulta mula sa ospital sa ikalawang araw ng kaniyang bakasyon.
Nakompirma niya na buntis nga siya at nakita niya rin ang B-ultrasound na imahe ng bata. Napakaliit nito na hindi niya matukoy ang hugis.
Tinupi ni Mayumi ang report sheet at nilagay ito sa kaniyang bag. Nakaramdam muli siya ng pagkalito. Ngayon, dapat ay one step at a time muna siya.
Pagkatapos ng maikling bakasyon, bumalik din naman si Mayumi sa trabaho.
Bigla siyang hinila ni Marites para magreklamo. “Beh, masyadong strikto ngayon si Mr. Lopez. Halos lahat ramdam ang awra. Nakatatakot! Lahat damay!”
"Bakit? Ano ba ang problema?"
Bumulong si Marites sa tainga niya. "Nabalitaan ko na bumalik na sa Pinas si Juanda pero mukhang hindi maganda ang kalusugan niyon."
Ilang segundong natigilan si Mayumi. Nakabalik na ba talaga si Juanda sa bansa? Ngayon niya lang nabalitaan pero alam niya na hindi talaga maganda ang kalusugan ng kaniyang kapatid.
Hindi gusto ni Mayumi si Juanda lalo na ang ina nito. Noong nakitira ang kaniyang kapatid sa ina niya, sinubukan ng ina niya na magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali. Minsan, may mga tao talaga na kalayaan ang tingin sa kamatayan. Subalit mas nakatatakot isipin ang walang kasiguraduhan kung mabubuhay ba ang isang tao o hindi.
Naalala ni Mayumi ang mga pagsubok na pinagdaanan at napatulala. Kung siya man ay pagtataksilan ng lalaking pinakamamahal niya at ininsulto sa sariling tahanan, baka nga hindi niya rin kayanin. Ngunit ngayon, wala siyang magagawa kung ‘di magpatuloy.
Sa gabi, kailangang niyang sumama kay Miguel sa isang charity dinner. Habang pauwi na sila, napansin niyang hindi maganda ang mood nito. Ang malamig nitong ugali ay tila nagpalala ng tensyon sa pagitan nila.
Papalapit na sila sa hotel nang maalala ni Mayumi ang mga sinabi ng doktor. Nagsalita siya nang mahinahon, "Mr. Lopez, hindi ako pwedeng uminom ngayong gabi. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, eh."
Pinakamahalaga ngayon ang kalusugan ng bata sa kaniyang sinapupunan. Kailangan niyang protektahan ito.
Tumaas ang kilay ni Miguel, marahil sa hindi magandang mood nito. Masyadong matalim itong magsalita, "Secretary Romero, did I bring you here just to look pretty?"
Mariing diniin niya ang kaniyang mga labi saka nagsalita. "Alam mo namang masama ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Isa pa, sinabihan ako ng doktor na huwag munang uminom."
Bagamat hindi halata, may galit na naramdaman si Miguel. Pinilit na lang nitong hindi ipahalata iyon. "Nakita ko ang resulta ng physical examination mo at walang anuman na problema," malamig na sabi nito.
Huminto ang sasakyan sa harap ng hotel. Subalit hindi naman agad na umalis si Miguel sa loob ng sasakyan. Nagulat na lang siya nang biglang hinawakan nito ang kaniyang baba nang mariin.
"Gusto mo bang dagdagan ko ang perang natatanggap mo mula sa akin, Secretary Romero?"
Naramdaman ni Mayumi ang sakit sa pagkakahawak ng lalaki, ngunit hindi na lang siya nagsalita. Masyadong hindi na nakokontrol ng lalaki ang kaniyang galit.
Sa kabila ng sakit, inisip niya na may kinalaman na naman siguro ang mood nito sa paglala ng kondisyon ni Juanda. Ang galit ng lalaki ay pilit na umaalpas sa mga mata nito.
“Mali ka. Hindi naman sa ganiyan,” aniya.
Bumuntonghininga si Miguel at tumingin sa kaniyang mga mata na puno na pala ng mga luha. "Kung ganoon, huwag kang umarte na parang buntis ka na nasusuka at bawal uminom ng alak!’
Namutla ang mukha ni Mayumi at mabilis niyang tinanggi ito. "Hindi ako buntis."
"Mayroon ka namang palabra de honor at sumusunod ka sa kasunduan nating dalawa, ‘di ba?”
“Oo,” kagat labi niyang sabi.
Pagkatapos nilang bumaba ng sasakyan, hinawakan niya ang kaniyang braso at pumasok sa hotel. Sa loob ng charity dinner, halos lahat ng mga bisita ay mga mayayaman at makapangyarihan. Ang iba ay mga tao sa mataas na kalakaran ng negosyo samantalang ang iba naman ay mga makapangyarihan na kayang manipulahin ang lahat.
Hindi lamang isang maimpluwensiyang conglomerate si Miguel, kabilang din ito sa mga makapangyarihan at prominenting pamilya. Maraming tao ang gustong makipag-ugnayan sa lalaki.
Subalit ang kasal nilang dalawa ay hindi pa ibinubunyag sa publiko. Kaya’t walang nakaaalam na siya ang asawa nito dahilan para sekretarya pa rin ituring sa kaniya ng mga tao—isang posisyong hindi ng mga ito pinapansin.
Isang tao na karaniwang pinaglalaruan. Pinapalitan matapos ang ilang buwan…pagkatapos makuha nang paulit-ulit. Alam naman niyang hindi siya seseryusuhin ni Miguel ngunit sa kabila ng lahat, nagpatuloy pa rin siya sa pagpapanggap.
Sa event, narinig ni Mayumi na tinanong si Miguel ng isang kaibigan nito sa negosyo. "May nagsabi na asawa mo ang sekretarya mo? Totoo ba iyon?"
Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, kaswal na sumagot si Miguel. "Ano ka ba. Sponsor niya lang ako."
Narinig ni Mayumi ang bawat salitang sinabi ng asawa. Ang sagot ni Miguel ay tila pagpapakita na hindi siya importante.
Ngumiti si Lucas Valencia at tinitigan si Mayumi. "Kung ganoon, Mr. Lopez, puwede ko ba siyang makasama ng ilang araw?" tanong nito na may malisya at walang takot.
Ilang segundong hinintay ni Lucas Valencia ang sagot ni Miguel pero wala itong narinig mula sa kaniya kung kaya’t nagtanong ito muli. “Wala naman sigurong problema, hindi ba?”“I don’t mind.” Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ni Miguel nang sagutin ang kaibigang negosyante. Gusto pa sanang magsalita ni Lucas, ngunit naunahan niya ito. "Tanungin mo muna siya kung gusto niya," kampanteng sabi niya, isang matalim na ngiti ang sumilay sa labi.Napabuntonghininga na lang si Lucas sa tinuran niya. “Wala ka bang pakailam sa sekretarya mo? Hindi ka man lang ba nagagandahan sa kaniya?”Para kay Lucas, walang kapantay ang kagandahan ni Secretary Romero, lalo na ang magandang ugali nito. Sinuman ay tiyak na mapapalingon at magkakaroon ng interes, lalo na sa taglay nitong kaakit-akit na pigura at kahanga-hangang hubog ng katawan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, iniisip ni Lucas na napakamalas pa rin ni Mayumi dahil naging sekretarya ito ni Miguel na kilalang mabagsik at walang pa
Hindi mapigilan ni Mayumi ang kaniyang pamumula sa sinabing iyon ni Miguel. Ang mga salitang binitiwan nito ay tumagos sa kaniyang puso. Makaraan ng ilang saglit, bigla na lang siyang namutla. Ang init na nararamdaman niya sa kaniyang pisngi ay umuurong at napalitan ng malamig na pakiramdam.Kung tratuhin siya ni Miguel ay parang maliit lang na bagay itong ginagawa nito ngayon. Isang parausan lang talaga ang tingin sa kaniya ng lalaki para maibsan ang makamundong pagnanasa nito.Nakita ni Miguel ang mga daliri niya na nabahiran ng tumilapon na alak. Tahimik na hinawakan nito ang kaniyang kamay na ikinagulat niya at seryosong pinupunasan na ngayon ng panyo ang kaniyang mga daliri. Ang bawat galaw ni Miguel ay puno ng pag-iingat, tila binibigyan ng pag-asa ang sawing puso niya.Hindi niya mapigilang bigyan ng kahulugan ang ginagawa ni Miguel sa kaniya na kailanman ay hindi nito ginawa. Kay tagal niya itong hinintay– ang alagaan din siya ng kaniyang asawa kahit sa maiksing panahon. Sapat
Hindi na naman maganda ang pakiramdam ni Mayumi. Epekto iyon ng paulit-ulit na pagtanggi niya sa nais gawing pag-aangkin ni Miguel sa kaniya. Pagkatapos nilang magtalo sa loob ng sasakyan, inutusan lang ng lalaki ang driver na ihatid siya sa villa at hindi na sumama pa sa kaniya. Pagkarating doon ay mabilis siyang naligo. Nang makapagbihis ay matulin siyang pumunta sa kusina para kainin ang cake na naroon sa refrigerator. Sobrang tamis ng cake na iyon pero hindi alam ni Mayumi kung bakit tila parang walang lasa ito habang kinakain niya.Yumuko siya at natagpuan niya na lang ang kaniyang mga luha na naipon sa kaniyang mga kamay. Inisip niya na kaya siya ganoon kaemosyonal ay dahil na rin sa pagbubuntis niya. May mga buntis na masyadong sensitibo at isa na siya roon.Ang totoo’y ayaw niyang umiyak pero hindi niya makontrol ang mga luha niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at umupo muna sa sala para hintayin na humupa ang sakit na nararamdaman.Makaraan ay umakyat si Mayumi sa ik
Mahinanong tinangggap ni Mayumi ang perang binayad sa kaniya ni Miguel. Makaraan ay pumunta siya sa kusina para magluto ng hapunan. Habang ginagawa iyon ay naisipan niyang mag-text sa asawa. Pupunta ka ba ngayon dito para maghapunan ngayong gabi?Tinipa niya iyon sa kaniyang cellphone nang mahinahon kahit nais niyang sumbatan ito. Pagkatapos nilang magpakasal ay madalas pa rin silang nagsasama ni Miguel sa iisang bubong ngunit masyado namang magulo ang kanilang set up. Hindi naman talaga sila nagmamahalang mag-asawa kung umasta.Biglang umusok ang kalderong pinaglulutuan niya, tanda na luto na ang ulam na niluluto niya. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone matapos patayin ang stove. Mabilis niya itong kinuha para tingnan ang mensahe ni Miguel.Hindi ako sigurado.Hindi alam ni Mayumi kung ano ang itsura niya nang mabasa iyon pero puno na naman ng hinanakit ang puso niya. Bakit kaya hindi ito sigurado? May kikitain na naman ba itong ibang babae?Tulalang nakaupo si Mayuma sa hapagka
Sa wakas, matagumpay na napapirmahan ni Mayumi ng kontrata si Mr. Fernandez. Lasing na ang matanda nang bigla siya nitong tabihan."Ms. Romero, hindi ko alam pero hangang-hanga talaga ako sa iyo. Kung gusto mo, ipapakilala kita sa mga kakilala ko para magkaroon ka ng maraming proyekto."Medyo nanginginig si Mr. Fernandez habang naglalakad. Pinagmasdan nito ang kagandahan ni Mayumi sa ilalim ng liwanag, at tila ba’y umaalon ang puso nito habang pinagmamasdan siya. Hindi nito napigilan ang sarili na yakapin si Mayumi at tinangkang halikan."Ms. Romero, napakaganda mo talaga."Dahil sa amoy ng alak at sigarilyo, hindi na naman naging maayos ang pakiramdam ni Mayumi at gusto niya na namang sumuka. Tinulak niya ang matanda palayo sa kaniya.Dahil sanay na sanay na si Mr. Fernandez sa hindi pagpapaunlak ni Mayumi, nakangiti itong lumapit sa dalaga habang naduduwal pa rin siya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at tila ayaw siyang bitawan kahit na hinahablot niya na ito. “Miss Romero, hindi
Hindi inaasahan ni Mayumi na tatawagin siyang ganoon ni Miguel. Tila lahat ng dugo niya sa katawan ay napunta sa kaniyang mukha kaya ramdam niya ang pamumula nito dahil sa galit. Napakuyom siya. Pinipilit lang niyang kontrolin ang sarili sa pamamagitan ng pagbaon ng kaniyang matatalim na kuko sa kaniyang kamay.Ganoon na lang ba talaga?Sa mga mata ni Miguel, isa lamang siyang kalapating mababa ang lipad na gagawin ang lahat para lamang sa pera. Ganoon siguro ang impresyon niya kay Miguel kaya napagsasalitaan na siya nito ng ganoong lintanya.Huminga siya nang malalim at pinakalma na lang ang sarili. Wala siyang balak ipagtanggol ang kaniyang sarili. Wala naman siyang magagawa dahil hawak pa rin siya ni Miguel sa leeg."Medyo wala lang akong ginagawa lately…kaya kumuha ako ng mga maliliit na raket," kalmadong paliwanag ni Mayumi. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kung kaya’t umatras siya ng isang hakbang palayo sa lalaki. Hindi gusto ni Miguel na tumatanggap
Hindi pinansin ni Miguel ang sinabi ni Mayumi. Tinawagan nito ang sariling butler para utusan ito na sabihan ang driver na ipag-drive sila papuntang ospital.Hinawakan ni Mayumi ang manggas ng lalaki, sinusubukang baguhin ang desisyon nito. "Hindi na kailangang pumunta pa sa ospital, Miguel. Sa tingin ko, kaya lang ako nagiging ganito kasi dinatnan na ako."Nag-isip si Miguel saglit dahil sa sinabi niya. "Bakit parang hindi ko naman matandaan na dinadatnan ka ng ganitong araw."Kahit na kontrata lang ang kasal nila, hindi naman sila parang mga estranghero sa isa’t isa. Alam ni Miguel kahit ang bagay na ito tungkol sa kaniya. Inalam nito iyon sapagkat siyempre, mayroon ding sariling pangangailangan si Miguel.Hindi ito madaling pasayahin sa kama. May mga pagkakataon nga na kahit mayroon siyang regla ay inaangkin pa rin siya nito. Hindi inaasahan ni Mayumi na ganoon pala katindi ang memorya ni Miguel para matandaan pa ang bagay na iyon sa kaniya. Bahagya niyang iniwas ang mukha niya, hi
Pumunta si Miguel sa balkonahe para sagutin ang isang tawag. Kalmadong pinagmamasdan lang ni Mayumi ang matangkad at payat na likod ng lalaki habang kinakausap nito ang nasa kabilang linya. Medyo malayo ang distansya nilang dalawa kung kaya’t hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Subalit malinaw niyang nakikita ang ekspresyon ng mukha ni Miguel ang kaniyang kapatid. Unti-unting nawala ang lamig sa mukha nito at bahagya ring umangat ang gilid labi. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ng lalaki at naging malambing ang mukha nito.Tahimik na iniwas ni Mayumi ang kaniyang mga mata sa direksyon ng lalaki. Mahigpit niyang hinawakan ang sapin ng kaniyang kama dahil para siyang hinihigop ng sakit at kalungkutan na talaga namang dumudurog sa kaniyang puso.Matapos ang ilang minuto, natapos din ang tawag ni Miguel. Bagaman ipinakita ni Mayumi na matiyaga siya, hindi niya pa rin mapigilang tanungin ang lalaki.Inangat niya ang kaniyang mukha para tingnan si Miguel. Sinisikap n
Sa ginawang pag-iyak ni Mayumi, tila ba parang nailabas niya ang mga gusto niyang ipakita na emosyon kay Miguel sa unang pagkakataon.Dahan-dahang inangat ni Mayumi ang kanyang mga tingin sa lalaki. Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak at naglakas loob siyang titigan ang mata ng lalaki na wala pa ring emosyon at nananatili pa ring malamig na nakatinging pabalik sa kaniya.“Sa totoo lang, plano ko naman talagang sabihin ito sa iyo sa mga susunod na araw.”Matatanda na silang dalawa, hindi dapat siya maging ganoon kaisip-bata at padalos-dalos. Kahit ano pa man ang irason nilang dalawa, inosente pa rin ang batang dinadala niya. Subalit kahit gusto niyang ituloy ang pagbubuntis, kailangan pa rin niyang pag-usapan ito kasama si Miguel.Ang batang lumaki sa isang pamilyang walang ama ay hindi tutulad sa mga palabas sa TV. Baka hindi niya mabigyan ng magandang buhay ito dahil isa rin siyang salat sa pera. Kahit na bigyan niya ito na labis-labis na pagmamahal at atensyon, kahit
Pakiramdam ni Mayumi ay biglang tumulis ang pirasong papel na iyon nang sumagi sa kaniyang balat ang dulo nito nang inabot iyon ni Miguel. Ang lihim na isang buwan niya nang tinatago sa asawa ay nalaman na nito.Hindi niya mawari kung gaano siya kagulat ngayon dahil sa mga nangyayari. Nagkaroon pa ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Miguel.Kinuha niya ang papel na inabot ni Miguel at nanginginig na tiningnan ang naroon. Kalmado at tahimik lang siya habang ginagawa iyon subalit nagwawala na ang kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib.Huminga nang malalim si Mayumi para sa pagtatangka niyang pagbasag ng katahimikan. Wala na talaga siyang magagawa kung hindi ilantad ang katotohanan kay Miguel.“Oo, tama ang nariyan Miguel. Buntis ako."Kay sarap isatinig ang sekretong tinatago niya sa asawa. Tila nawala na ang bigat ng nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya. Para bang nagsusumukap ang liwanag na sakupin ang dilim na halos gabi-gabi siyang sinisindak sa takot.Naalala niya na
Hindi makagalaw si Mayumi sa kaniyang kinatatayuan. Pigil-hininga siyang tumingin kay Miguel habang nanginginig ang kaniyang katawan, sunod ay dumako ulit ang mga mata niya sa papel na hawak ni Miguel. Mayroon imahe na naroon sa ultrasound result—larawan ng anak nilang dalawa. Hindi niya magawang makalakad man lang—na para bang napako na ang mga paa niya sa puwesto niyang iyon. Tila pasan-pasan niya ang mundo kaya hindi man lang siya makahakbang.Lahat ng lakas ng loob na nasa katawan niya ay tila nawala na lang bigla sa kaniyang katawan. Kahit matingnan man lang si Miguel ay nahihirapan siya…pero paano nakita ng lalaki iyon?Sa pagkakatanda niya, matapos gamitin ang shredder ng kanilang kompanya, tinapon ni Mayumi lahat ng mga test report. Subalit natandaan niya ang ultrasound report na hindi niya kayang itapon kaya tinago niya iyon sa cabinet. Iyon ba ang hawak ni Miguel?Hindi si Miguel iyong magkakalkal ng gamit ng iba kaya hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Miguel.Pinil
Kung pagbabasehan ang nakaraan niya, walang mahanap si Mayumi na magandang alaala na magpapasaya sa kaniya. Nagkaroon lang siguro siya nang kalayaan at walang masyadong problema noong nasa ikalabing-anim at labing-pitong taong gulang pa lamang siya.Ito iyong yugtong tag-init ng buhay niya na puno ng kaunting kasayahan at buhay. Maliban sa mga gastusin ng kaniyang ina para sa gamot nito, wala na siyang ibang dahilan para malungkot noon. Araw-araw, lihim niya ring pinagmamasdan ang taong gusto niya. Si Miguel.Pagod na pagod si Mayumi habang nakaupo siya sa lounge chair sa ibaba ng kompanya. Matagal siyang nakatambay roon habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Karamihan ay mga taong abala sa trabaho. May mga bata rin naman siyang nakita na nagpapakain ng mga kalapati sa parke sa tapat. May mga kabataan din na nagtitinda ng bulaklak bilang sideline. Tahimik lang na tinitigan ni Mayumi ang mga rosas na hawak ng mga ito.Puno ng mga rosas ang bakuran ng pamilya Lopez. Ngunit, ni isa
Bakat ang kalituhan sa mukha ni Mayumi habang nakatingin kay Miguel matapos siyang tanungin nito. Alam niyang hindi nagbibiro ang kaniyang asawa sapagkat masyadong madilim ang itsura nito.Umiigting ang panga ng lalaki habang magkasalubong ang dalawang makakapal na kilay, punong-puno ng poot at kalamigan ang mga mata nito. Medyo nasasaktan na rin siya sa paraan ng paghawak nito sa kaniyang panga.“Wala akong ginagawang kalokohan,” natatakot ang tinig pero may konbiksyon niyang sabi.Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa mga labi ni Miguel. "Secretary Romero, mag-isip ka muna bago ka magsalita," mariing sabi nito sa kaniya.Hindi mapigilan ni Mayumi ang matulala habang tinitingnan ang malamig na mata ni Miguel. Inaalala niya kung may nagawa ba siyang bagay nitong nakaraan na naging dahilan para magalit ito. Iniisip ba nito na nagli-leak siya ng mga impormasyon ng kompanya sa labas? Karaniwan kasi ay sa mga ganoong bagay nagagalit ang lalaki. Subalit kailanman ay hindi siya nagsisiw
Ang pagiging maasikaso at matalino ni Mayumi ang isa sa mga nagustuhan ni Miguel sa kaniyang asawa. Ito kasi iyong taong hindi siya ipapahiya sa maraming tao.Subalit hindi nga naman talaga nito ipapakita ang totoong ugali sa impisa, sa isip-isip ni Miguel. Ngayon pa lang ay nakikita niya na ang totoong kulay ng kaniyang asawa..Nasa labi ni Miguel ang mga salitang gusto niyang isabi sa harap ni Mayumi, kailanman ay hindi naging ganito kabagsik ang mga mata niya. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya kay Mayumi na talagang pinagtaksilan nga siya at pinagbubuntis pa ang anak sa ibang lalaki.Hindi siya natutuwang buntis ito. Hindi niya iniisip na kaniya iyon sapagkat palagi naman siyang nag-iingat kapag ginagawa nila iyon. Hindi niya rin gustong uminom ng mga gamot si Mayumi sapagkat iba ang resulta niyon sa kalusugan nito.Bigla niyang naalala ang nangyari noon sa Palawan na hindi siya nakagamit ng proteksyon dahil naubusan sila. Subalit naalala niya naman na sinabihan n
Hindi mapigilan ni Mayumi malito sa pinapakitang asal ni Miguel. Hindi niya ito karaniwang nakikita sa kaniyang asawa.Nilapitan ni Mayumi ang naglilinis na kasambahay sa kanilang sala para magtanong.“May pumunta ba ngayong araw sa villa habang wala ako?” tanong niya."Wala naman po," sagot ng kasambahay sa kaniya.Mas lalo lamang nalito si Mayumi sa sagot nito. Nag-isip siya ng ibang dahilan kung bakit ito ganoon pero siguro’y sinusumpong din pala ang lalaki minsan. Kalmado kasi ang kaniyang asawa sa lahat ng oras. Biglang humikab si Mayumi, indikasyon na inaantok siya. Wala na siyang panahon pa para isipin kung ano ang nangyayari kay Miguel dahil gusto niya na magpahinga muna.Pumunta si Mayumi sa kwarto nila ni Miguel at mabilis na humiga sa kama at natulog. Dumating na ang hapunan pero tulog pa rin siya roon. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya sa ilalim ng kumot.***Umigting ang panga ni Miguel nang makita na bakante ang puwesto na inuupuan ni Mayumi kapag naghahapunan silan
Nang mapansin ni Anne ang kalungkutan ni Mayumi, nakaramdam ito kaunting awa sa kaniya. "Mayumi, pupunta ako ngayon din sa ospital kung nasaan ka para makita ka at yayain ka mag-lunch. Nang sa ganoon ay makalimutan mo iyong mga hindi magandang nangyari sa iyo."Napangiti si Mayumi sa sinabi ng kaibigan. Matagal na rin simula nang huli nilang gawin iyon.“Sige. Hihintayin kita rito.”Pagkatapos nilang mag-usap. Nakatanaw lang sa kawalan si Mayumi habang nanatili sa loob ng kaniyang sasakyan. Iniisip na niya kung ano ang magiging reaksyon ni Miguel kapag sinabi niya sa lalaki ang pagbubuntis niya. Hindi si Miguel naniniwala sa importansya ng kasal. Hindi nito tinuturing na sagrado at maganda ito.Biglang naalala ni Mayumi noong nagdaos sila ng isang party noong nakaraang taon. Maraming bisita ang dumalo sa salu-salo. Mayroong pinsan na babae si Miguel na bagong kakapanganak lang sa isang cute at magandang sanggol. Bilugan ang mukha ng anak nito, maputi at makinis din ang balat. Ang mg
Mahigpit ang pagkakahawak ni Mayumi ng kaniyang manibela habang nakapatong doon ang kaniyang ulo. Matagal siyang naroon sa ospital at iniisip pa rin kung tama ba ang ginawa niya kanina.Ilang beses nang tumutunog ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag pero hindi naman niya ito pinapansin. Kanina pa iyon pero tila wala naman siyang pakailam.Ilang sandali ay dahan-dahang inayos ni Mayumi ang kaniyang pagkakaupo at binuksan ang kaniyang bintana para makasanghap ng sariwang hangin. Pagkalipas ng ilang minuto ay medyo kumalma na siya sa dami ng kaniyang iniisip.Kinuha ni Mayumi ang kaniyang cellphone mula sa loob ng bag. Napakunot ang noo niya nang makita roon ang pangalan ni Anne Salvatierra, matalik niyang kaibigan. Mabilis niya naman iyong sinagot. Bumalik na ba ito sa Pilipinas?"Mayumi! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Huminga nang malalim si Mayumi. "Abala lang ako kanina."Naramdaman ni Anne ang kakaibang tono ni Mayumi kaya bigla tuloy ito nag-alala. "Ano ba ang nangyar