Sa wakas, matagumpay na napapirmahan ni Mayumi ng kontrata si Mr. Fernandez. Lasing na ang matanda nang bigla siya nitong tabihan."Ms. Romero, hindi ko alam pero hangang-hanga talaga ako sa iyo. Kung gusto mo, ipapakilala kita sa mga kakilala ko para magkaroon ka ng maraming proyekto."Medyo nanginginig si Mr. Fernandez habang naglalakad. Pinagmasdan nito ang kagandahan ni Mayumi sa ilalim ng liwanag, at tila ba’y umaalon ang puso nito habang pinagmamasdan siya. Hindi nito napigilan ang sarili na yakapin si Mayumi at tinangkang halikan."Ms. Romero, napakaganda mo talaga."Dahil sa amoy ng alak at sigarilyo, hindi na naman naging maayos ang pakiramdam ni Mayumi at gusto niya na namang sumuka. Tinulak niya ang matanda palayo sa kaniya.Dahil sanay na sanay na si Mr. Fernandez sa hindi pagpapaunlak ni Mayumi, nakangiti itong lumapit sa dalaga habang naduduwal pa rin siya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at tila ayaw siyang bitawan kahit na hinahablot niya na ito. “Miss Romero, hindi
Hindi inaasahan ni Mayumi na tatawagin siyang ganoon ni Miguel. Tila lahat ng dugo niya sa katawan ay napunta sa kaniyang mukha kaya ramdam niya ang pamumula nito dahil sa galit. Napakuyom siya. Pinipilit lang niyang kontrolin ang sarili sa pamamagitan ng pagbaon ng kaniyang matatalim na kuko sa kaniyang kamay.Ganoon na lang ba talaga?Sa mga mata ni Miguel, isa lamang siyang kalapating mababa ang lipad na gagawin ang lahat para lamang sa pera. Ganoon siguro ang impresyon niya kay Miguel kaya napagsasalitaan na siya nito ng ganoong lintanya.Huminga siya nang malalim at pinakalma na lang ang sarili. Wala siyang balak ipagtanggol ang kaniyang sarili. Wala naman siyang magagawa dahil hawak pa rin siya ni Miguel sa leeg."Medyo wala lang akong ginagawa lately…kaya kumuha ako ng mga maliliit na raket," kalmadong paliwanag ni Mayumi. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kung kaya’t umatras siya ng isang hakbang palayo sa lalaki. Hindi gusto ni Miguel na tumatanggap
Hindi pinansin ni Miguel ang sinabi ni Mayumi. Tinawagan nito ang sariling butler para utusan ito na sabihan ang driver na ipag-drive sila papuntang ospital.Hinawakan ni Mayumi ang manggas ng lalaki, sinusubukang baguhin ang desisyon nito. "Hindi na kailangang pumunta pa sa ospital, Miguel. Sa tingin ko, kaya lang ako nagiging ganito kasi dinatnan na ako."Nag-isip si Miguel saglit dahil sa sinabi niya. "Bakit parang hindi ko naman matandaan na dinadatnan ka ng ganitong araw."Kahit na kontrata lang ang kasal nila, hindi naman sila parang mga estranghero sa isa’t isa. Alam ni Miguel kahit ang bagay na ito tungkol sa kaniya. Inalam nito iyon sapagkat siyempre, mayroon ding sariling pangangailangan si Miguel.Hindi ito madaling pasayahin sa kama. May mga pagkakataon nga na kahit mayroon siyang regla ay inaangkin pa rin siya nito. Hindi inaasahan ni Mayumi na ganoon pala katindi ang memorya ni Miguel para matandaan pa ang bagay na iyon sa kaniya. Bahagya niyang iniwas ang mukha niya, hi
Pumunta si Miguel sa balkonahe para sagutin ang isang tawag. Kalmadong pinagmamasdan lang ni Mayumi ang matangkad at payat na likod ng lalaki habang kinakausap nito ang nasa kabilang linya. Medyo malayo ang distansya nilang dalawa kung kaya’t hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Subalit malinaw niyang nakikita ang ekspresyon ng mukha ni Miguel ang kaniyang kapatid. Unti-unting nawala ang lamig sa mukha nito at bahagya ring umangat ang gilid labi. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ng lalaki at naging malambing ang mukha nito.Tahimik na iniwas ni Mayumi ang kaniyang mga mata sa direksyon ng lalaki. Mahigpit niyang hinawakan ang sapin ng kaniyang kama dahil para siyang hinihigop ng sakit at kalungkutan na talaga namang dumudurog sa kaniyang puso.Matapos ang ilang minuto, natapos din ang tawag ni Miguel. Bagaman ipinakita ni Mayumi na matiyaga siya, hindi niya pa rin mapigilang tanungin ang lalaki.Inangat niya ang kaniyang mukha para tingnan si Miguel. Sinisikap n
Mayumi, kalma. Hindi ka naman mamatay kapag dinala mo iyang kapeng tinimpla mo.Pilit na pinapakalma ni Mayumi ang kaniyang sarili. Marahan siyang naglakad papasok sa opisina matapos matimplahan ng kape ang dalawa.Tahimik na nakaupo si Miguel sa harap ng mesa nito. Halos walang pinagkaiba ang aura nito sa mga karaniwan nitong pinapakita kapag pumapasok siya sa opisina ng lalaki. Nakakaluskos ang manggas ng polo ng lalaki, kitang-kita ang maputi at makisig nitong braso. Hawak nito ang fountain pen habang wala sa sariling pinapaikot-ikot nito iyon sa mga daliri.Napansin ni Mayumi na nakaupo si Juanda sa sofa. Suot nito ang isang red velvet suspender dress na sobrang tingkad ang pagkapula. Abot balingkinitan ang buhok nito at tila kumukinang kapag nasisikatan ng araw. Inaamin niya na talaga namang kapansin-pansin ang kagandahan ng kapatid niya sa ama. Maysadong kakaiba ang mukha nito at tila mahihipnotismo ang sinuman kapag nakita ang mga mata nito.Bigla nitong binagsak ang katawan s
Sa totoo lang, wala nang balak si Mayumi na makipaglapit pa kay Juanda kung kaya’t umalis na lang siya ng banyo bago pa siya may masabing hindi kanais-nais sa kapatid.Subalit hinaharang siya ni Juanda. Mayabang siya nitong tiningnan habang nakakrus ang mga braso nito sa ibabaw ng dibdib. Mayroong pagkukutya sa ngiti nito nang tanungin siya."Umaasa ka pa bang mamahalin ka ni Miguel?"Natigilan bigla si Mayumi sa tinanong nito. Alam naman niya na imposibleng mahalin siya ng lalaking iyon kahit kasal sila. Sa kama lang naman siya kailangan ng lalaki, wala ng iba. Isa lang naman siyang parausan na dapat pasayahin ang lalaki sa gabi.Kahit nga na nagugustuhan nito ang istura o katawan ng ibang babae kagaya ni Miss Marga, alam ni Mayumi na wala namang malalim na nararamdaman ang lalaki para sa babaeng iyon. Masyadong mabilis magsawa ang lalaki sa mga babae nito at walang awa pa nga itong nakikipaghiwalay sa mga ito.Ang pinagkaiba niya lang sa mga ito ay may kontrata siya sa lalaki na kai
Kahit siguro lumuha pa siya nang dugo ay wala namang silbi iyon kay Miguel dahil hindi naman siya gusto nito kahit mag-asawa silang dalawa– sa papel nga lang.Akala ni Mayumi ay masyado nang matigas ang puso niya at wala nang makakasakit pa sa kaniya. Subalit ngayon ay parang nadudurog ang puso niya, pinupulbos ito nang pinong-pino. Nakakaramdam siya ng isang matinding kirot sa kaniyang puso. At para ding libo-libong mga karayom ang tumutusok sa puso niya,Nahihirapan siyang tumayo dahil sa tindi ng sakit. Huminga nang malalim si Mayumi at sinubukan kontrolin ang kaniyang emosyon.Mayumi, umayos ka. Gawin mo ang trabaho mo!Dahan-dahan niyang sinara ang pinto ng opisina ng presidente at bumalik sa kaniyang mesa. Ipinatong niya ang mga dokumentong kailangan pirmahan sa mesa at tinawag ang bagong intern assistant."Pakidala ng mga dokumento ito kay President Lopez. Kailangan niya iyan bukas," malamig na sabi ni Mayumi.Nakita niya ang takot sa mukha ng intern assistant. Naalala lamang n
Naramdaman ni Mayumi ang biglang pag-init ng mukha niya. Alam niyang namumula na ang mukha niya ngayon dahil sa sinabing iyon ni Miguel. Lihim niya lang na tinatawag ang lalaki nang ganoon, naisatitinig lamang kapag kausap niya o nasa harap ng Senyora. Maliban kasi sa harap ng mga magulang nito, wala siyang pagkakataong tawagin nang ganoon nang malambing ang lalaki. Kapag nga inaangkin siya nito, pormal pa rin ang pagtawag niya sa lalaki. May mga pagkakataon kasi na pinapadahan-dahan niya ito dahil sa labis nitong kasabikan sa kaniya. Masyadong malakas ang lalaki sa kama, lumalabas ang matinding pagnanasa nito. Kulang pa nga ang isang gabi para ma-satisfy niya ito. Pakiramdam niya nga habang tumatagal ay para bang gusto ni Miguel na nakikita siyang nanghihina at pagod sa kama pagkatapos nilang magsiping.“Naiintindihan ko,” kalmadong sambit na lang ni Mayumi.Pagkatapos makipag-usap sa lalaki. Mabilis siyang umalis sa trabaho para makauwi. Nadatnan niya sa ang mga mamahaling damit na
Sa ginawang pag-iyak ni Mayumi, tila ba parang nailabas niya ang mga gusto niyang ipakita na emosyon kay Miguel sa unang pagkakataon.Dahan-dahang inangat ni Mayumi ang kanyang mga tingin sa lalaki. Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak at naglakas loob siyang titigan ang mata ng lalaki na wala pa ring emosyon at nananatili pa ring malamig na nakatinging pabalik sa kaniya.“Sa totoo lang, plano ko naman talagang sabihin ito sa iyo sa mga susunod na araw.”Matatanda na silang dalawa, hindi dapat siya maging ganoon kaisip-bata at padalos-dalos. Kahit ano pa man ang irason nilang dalawa, inosente pa rin ang batang dinadala niya. Subalit kahit gusto niyang ituloy ang pagbubuntis, kailangan pa rin niyang pag-usapan ito kasama si Miguel.Ang batang lumaki sa isang pamilyang walang ama ay hindi tutulad sa mga palabas sa TV. Baka hindi niya mabigyan ng magandang buhay ito dahil isa rin siyang salat sa pera. Kahit na bigyan niya ito na labis-labis na pagmamahal at atensyon, kahit
Pakiramdam ni Mayumi ay biglang tumulis ang pirasong papel na iyon nang sumagi sa kaniyang balat ang dulo nito nang inabot iyon ni Miguel. Ang lihim na isang buwan niya nang tinatago sa asawa ay nalaman na nito.Hindi niya mawari kung gaano siya kagulat ngayon dahil sa mga nangyayari. Nagkaroon pa ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Miguel.Kinuha niya ang papel na inabot ni Miguel at nanginginig na tiningnan ang naroon. Kalmado at tahimik lang siya habang ginagawa iyon subalit nagwawala na ang kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib.Huminga nang malalim si Mayumi para sa pagtatangka niyang pagbasag ng katahimikan. Wala na talaga siyang magagawa kung hindi ilantad ang katotohanan kay Miguel.“Oo, tama ang nariyan Miguel. Buntis ako."Kay sarap isatinig ang sekretong tinatago niya sa asawa. Tila nawala na ang bigat ng nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya. Para bang nagsusumukap ang liwanag na sakupin ang dilim na halos gabi-gabi siyang sinisindak sa takot.Naalala niya na
Hindi makagalaw si Mayumi sa kaniyang kinatatayuan. Pigil-hininga siyang tumingin kay Miguel habang nanginginig ang kaniyang katawan, sunod ay dumako ulit ang mga mata niya sa papel na hawak ni Miguel. Mayroon imahe na naroon sa ultrasound result—larawan ng anak nilang dalawa. Hindi niya magawang makalakad man lang—na para bang napako na ang mga paa niya sa puwesto niyang iyon. Tila pasan-pasan niya ang mundo kaya hindi man lang siya makahakbang.Lahat ng lakas ng loob na nasa katawan niya ay tila nawala na lang bigla sa kaniyang katawan. Kahit matingnan man lang si Miguel ay nahihirapan siya…pero paano nakita ng lalaki iyon?Sa pagkakatanda niya, matapos gamitin ang shredder ng kanilang kompanya, tinapon ni Mayumi lahat ng mga test report. Subalit natandaan niya ang ultrasound report na hindi niya kayang itapon kaya tinago niya iyon sa cabinet. Iyon ba ang hawak ni Miguel?Hindi si Miguel iyong magkakalkal ng gamit ng iba kaya hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Miguel.Pinil
Kung pagbabasehan ang nakaraan niya, walang mahanap si Mayumi na magandang alaala na magpapasaya sa kaniya. Nagkaroon lang siguro siya nang kalayaan at walang masyadong problema noong nasa ikalabing-anim at labing-pitong taong gulang pa lamang siya.Ito iyong yugtong tag-init ng buhay niya na puno ng kaunting kasayahan at buhay. Maliban sa mga gastusin ng kaniyang ina para sa gamot nito, wala na siyang ibang dahilan para malungkot noon. Araw-araw, lihim niya ring pinagmamasdan ang taong gusto niya. Si Miguel.Pagod na pagod si Mayumi habang nakaupo siya sa lounge chair sa ibaba ng kompanya. Matagal siyang nakatambay roon habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Karamihan ay mga taong abala sa trabaho. May mga bata rin naman siyang nakita na nagpapakain ng mga kalapati sa parke sa tapat. May mga kabataan din na nagtitinda ng bulaklak bilang sideline. Tahimik lang na tinitigan ni Mayumi ang mga rosas na hawak ng mga ito.Puno ng mga rosas ang bakuran ng pamilya Lopez. Ngunit, ni isa
Bakat ang kalituhan sa mukha ni Mayumi habang nakatingin kay Miguel matapos siyang tanungin nito. Alam niyang hindi nagbibiro ang kaniyang asawa sapagkat masyadong madilim ang itsura nito.Umiigting ang panga ng lalaki habang magkasalubong ang dalawang makakapal na kilay, punong-puno ng poot at kalamigan ang mga mata nito. Medyo nasasaktan na rin siya sa paraan ng paghawak nito sa kaniyang panga.“Wala akong ginagawang kalokohan,” natatakot ang tinig pero may konbiksyon niyang sabi.Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa mga labi ni Miguel. "Secretary Romero, mag-isip ka muna bago ka magsalita," mariing sabi nito sa kaniya.Hindi mapigilan ni Mayumi ang matulala habang tinitingnan ang malamig na mata ni Miguel. Inaalala niya kung may nagawa ba siyang bagay nitong nakaraan na naging dahilan para magalit ito. Iniisip ba nito na nagli-leak siya ng mga impormasyon ng kompanya sa labas? Karaniwan kasi ay sa mga ganoong bagay nagagalit ang lalaki. Subalit kailanman ay hindi siya nagsisiw
Ang pagiging maasikaso at matalino ni Mayumi ang isa sa mga nagustuhan ni Miguel sa kaniyang asawa. Ito kasi iyong taong hindi siya ipapahiya sa maraming tao.Subalit hindi nga naman talaga nito ipapakita ang totoong ugali sa impisa, sa isip-isip ni Miguel. Ngayon pa lang ay nakikita niya na ang totoong kulay ng kaniyang asawa..Nasa labi ni Miguel ang mga salitang gusto niyang isabi sa harap ni Mayumi, kailanman ay hindi naging ganito kabagsik ang mga mata niya. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya kay Mayumi na talagang pinagtaksilan nga siya at pinagbubuntis pa ang anak sa ibang lalaki.Hindi siya natutuwang buntis ito. Hindi niya iniisip na kaniya iyon sapagkat palagi naman siyang nag-iingat kapag ginagawa nila iyon. Hindi niya rin gustong uminom ng mga gamot si Mayumi sapagkat iba ang resulta niyon sa kalusugan nito.Bigla niyang naalala ang nangyari noon sa Palawan na hindi siya nakagamit ng proteksyon dahil naubusan sila. Subalit naalala niya naman na sinabihan n
Hindi mapigilan ni Mayumi malito sa pinapakitang asal ni Miguel. Hindi niya ito karaniwang nakikita sa kaniyang asawa.Nilapitan ni Mayumi ang naglilinis na kasambahay sa kanilang sala para magtanong.“May pumunta ba ngayong araw sa villa habang wala ako?” tanong niya."Wala naman po," sagot ng kasambahay sa kaniya.Mas lalo lamang nalito si Mayumi sa sagot nito. Nag-isip siya ng ibang dahilan kung bakit ito ganoon pero siguro’y sinusumpong din pala ang lalaki minsan. Kalmado kasi ang kaniyang asawa sa lahat ng oras. Biglang humikab si Mayumi, indikasyon na inaantok siya. Wala na siyang panahon pa para isipin kung ano ang nangyayari kay Miguel dahil gusto niya na magpahinga muna.Pumunta si Mayumi sa kwarto nila ni Miguel at mabilis na humiga sa kama at natulog. Dumating na ang hapunan pero tulog pa rin siya roon. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya sa ilalim ng kumot.***Umigting ang panga ni Miguel nang makita na bakante ang puwesto na inuupuan ni Mayumi kapag naghahapunan silan
Nang mapansin ni Anne ang kalungkutan ni Mayumi, nakaramdam ito kaunting awa sa kaniya. "Mayumi, pupunta ako ngayon din sa ospital kung nasaan ka para makita ka at yayain ka mag-lunch. Nang sa ganoon ay makalimutan mo iyong mga hindi magandang nangyari sa iyo."Napangiti si Mayumi sa sinabi ng kaibigan. Matagal na rin simula nang huli nilang gawin iyon.“Sige. Hihintayin kita rito.”Pagkatapos nilang mag-usap. Nakatanaw lang sa kawalan si Mayumi habang nanatili sa loob ng kaniyang sasakyan. Iniisip na niya kung ano ang magiging reaksyon ni Miguel kapag sinabi niya sa lalaki ang pagbubuntis niya. Hindi si Miguel naniniwala sa importansya ng kasal. Hindi nito tinuturing na sagrado at maganda ito.Biglang naalala ni Mayumi noong nagdaos sila ng isang party noong nakaraang taon. Maraming bisita ang dumalo sa salu-salo. Mayroong pinsan na babae si Miguel na bagong kakapanganak lang sa isang cute at magandang sanggol. Bilugan ang mukha ng anak nito, maputi at makinis din ang balat. Ang mg
Mahigpit ang pagkakahawak ni Mayumi ng kaniyang manibela habang nakapatong doon ang kaniyang ulo. Matagal siyang naroon sa ospital at iniisip pa rin kung tama ba ang ginawa niya kanina.Ilang beses nang tumutunog ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag pero hindi naman niya ito pinapansin. Kanina pa iyon pero tila wala naman siyang pakailam.Ilang sandali ay dahan-dahang inayos ni Mayumi ang kaniyang pagkakaupo at binuksan ang kaniyang bintana para makasanghap ng sariwang hangin. Pagkalipas ng ilang minuto ay medyo kumalma na siya sa dami ng kaniyang iniisip.Kinuha ni Mayumi ang kaniyang cellphone mula sa loob ng bag. Napakunot ang noo niya nang makita roon ang pangalan ni Anne Salvatierra, matalik niyang kaibigan. Mabilis niya naman iyong sinagot. Bumalik na ba ito sa Pilipinas?"Mayumi! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Huminga nang malalim si Mayumi. "Abala lang ako kanina."Naramdaman ni Anne ang kakaibang tono ni Mayumi kaya bigla tuloy ito nag-alala. "Ano ba ang nangyar