Ilang segundong hinintay ni Lucas Valencia ang sagot ni Miguel pero wala itong narinig mula sa kaniya kung kaya’t nagtanong ito muli. “Wala naman sigurong problema, hindi ba?”
“I don’t mind.” Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ni Miguel nang sagutin ang kaibigang negosyante. Gusto pa sanang magsalita ni Lucas, ngunit naunahan niya ito. "Tanungin mo muna siya kung gusto niya," kampanteng sabi niya, isang matalim na ngiti ang sumilay sa labi.
Napabuntonghininga na lang si Lucas sa tinuran niya. “Wala ka bang pakailam sa sekretarya mo? Hindi ka man lang ba nagagandahan sa kaniya?”
Para kay Lucas, walang kapantay ang kagandahan ni Secretary Romero, lalo na ang magandang ugali nito. Sinuman ay tiyak na mapapalingon at magkakaroon ng interes, lalo na sa taglay nitong kaakit-akit na pigura at kahanga-hangang hubog ng katawan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, iniisip ni Lucas na napakamalas pa rin ni Mayumi dahil naging sekretarya ito ni Miguel na kilalang mabagsik at walang pakialam sa lahat na tao.
Matagal nang magkakilala sina Lucas at Miguel, kaya’t hindi na nakapagtataka kung gaano nito kakilala ang buong pagkatao niya. Alam ni Lucas kung paano tratuhin ni Miguel ang mga babae, at kung paanong si Juanda—ang kababata na nagpatibok ng malamig niyang puso—ay tumatak nang buo sa buhay niya. Tanging si Juanda lamang ang laging binibigyan ng tamang paggalang at pagpapahalaga ni Miguel mula pa noon hanggang sa ngayon.
“Come on, Lucas,” natatawang wika ni Miguel habang nakataas ang kilay. Binalingan niya si Mayumi nang walang anumang emosyon. Hindi niya batid na nagpapanggap lang si Mayumi na hindi nakikinig sa usapan nila. “We are only bound by business since she’s my secretary. Hindi mahalaga sa akin kung kanino niya gusto sumiping.”
Ang totoo’y isang biro lang ang ipinukol ni Lucas kay Miguel. Isang biro na mukhang pinatulan naman niya. Kahit na makatarungan ang sinagot niya at sinabing nakasalalay pa rin kay Mayumi ang desisyon, hindi pa rin inaasahan ni Lucas na ganoon na lang niya ipamimigay ang sekretarya na parang wala lang.
“Minimize your voice, Miguel. Baka marinig ka Mayumi,” seryosong paalala na lang ni Lucas sa kaniya.
Napailing na lang si Miguel sa sinabi ng kaibigan. Humigop siya sa kaniyang kopita na naglalaman ng red wine. “Wala akong pakialam,” malamig at malalim ang boses niyang sabi.
Naniniwala si Miguel na hindi ganoon katangang tao si Mayumi para mahulog kay Lucas kung sakali. Ang pinakamalaking kalokohan sa pakikipaglaro ay ang mabaliw sa pagmamahal. Isa lamang malaking problema iyon.
Sa nakalipas na anim na buwan, nakita ni Miguel kung gaano katalino si Mayumi. Hindi ito iyong tao na magtatanong ng mga bagay-bagay na hindi dapat tanungin, at hindi rin ito gumagawa ng mga desisyong ikagagalit ng lalaki. Kampante si Miguel na buo ang pagkaunawa ni Mayumi sa kanilang kasunduan, at mabilis din kausap.
Sa kabilang banda, narinig ni Mayumi ang lahat ng pinag-usapan nina Miguel. Subalit kailangan niyang magpanggap na wala siyang narinig mula sa mga ito kahit nanlalamig na ang mga kamay at paa niya. Masyado ring namamanhid ang puso niya dahil sa labis na sakit.
“Miss Romero, nice to see you again,” nakangiting bati ni Lucas matapos lapitan siya. May hawak itong isang kopita na naglalaman ng red wine. Napansin nito ang kaniyang pamumutla. Lingid sa kaalaman ni Mayumi, gusto lang nito makita kung magagalit ba si Miguel o hindi kung subukan siya nito.
“Good to see you too, Mr. Valencia,” pormal na bati ni Mayumi. Hindi niya mapigilang mapaatras ng dalawang hakbang sa presenya nito.
Hindi naman iyon napansin ni Lucas sapagkat masyado itong nabighani sa taglay niyang ganda. Ang mga mata niyang kumikislap at puno ng misteryo. Ang kutis niya ay kasing puti ng porselana, at ang bawat galaw niya ay may likas na kahinhinan. Bukod sa kaniyang pisikal na kagandahan, ramdam din ni Lucas ang kabaitan at kalmadong aura niya. Masyado na siyang tinititigan ng binata kaya namula siya sa pagkailang.
"How have you been lately, Miss Mayumi?"
Huminga nang malalim si Mayumi bago sagutin ang kaharap. “Unfortunately, medyo busy ako.”
Nahirapan si Mayumi basahin ang ekspresyon ni Lucas. Hindi niya alam kung nagustuhan ba nito o hindi ang kaniyang sagot.
“Kagaya ka pa rin talaga ng dati.”
Hindi na nagsalita si Mayumi matapos sabihin iyon nang lalaki sapagkat hindi niya rin alam kung ano ang gusto sabihin nito.
Hindi niya batid na talagang gusto siya ni Lucas. Tila nahulog na ito ng kaniyang ganda at hinog na hinog na pigura. Si Mayumi ang pinakapresentable sa lahat ng nakilala ni Lucas. Naniniwala si Lucas na walang sinuman ang mangangahas na pintasan si Mayumi kahit dalhin pa siya ng binata kahit saan mang lugar.
“So…how is it going, Lucas?” baritono ang boses ni Miguel nang lumapit ito sa kanila ng kausap. Nakita ni Mayumi kung paano nito nilagay ang mga kamay sa bulsa habang may malamig na tingin sa kanila.
“I haven’t even asked her yet,” makahulugang sabi ni Lucas sa kaniyang asawa. “Hindi ka makapaghintay sa tabi, ‘no?”
“You think too much,” nakataas lamang ang kilay na sabi ni Miguel.
Kinurot ni Mayumi ang kaniyang palad para gisingin ang kaniyang sarili habang nagpapanggap na walang alam sa usapan ng dalawa. Kailangan niyang magpanggap na komportable siya kahit pinag-uusapan siya ng dalawa sa harap niya.
Huminga na lang nang malalim si Lucas at tinitigan siya. Walang paligoy-ligoy na nitong nilahad kung anuman ang pakay nito sa kaniya. “I wonder if you are interested in spending a few days with me?”
“Pasensya ka na pero wala akong panahon sa mga ganiyan, Mr. Valencia,” matigas niyang sagot.
“Name your price, Mayumi,” malambing na sabi Lucas. “Maaari mo ring tanungin si Miguel kung ilan ba ang dapat na presyo.”
Kahit na namumutla, sinikap niyang maging kalmado. Sa totoo lang ay gusto niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili at ang kaniyang dignidad lalo na sa mga taong kagaya ni Lucas at ipakita sa mga ito na hindi siya isang babaeng mababa ang lipad…ngunit hindi niya ginawa. Kailangan niyang magpanggap na wala siyang pakailam kahit parang tingin ng mga ito sa kaniya ay isang bagay na madaling bilhin.
Isang mapaglarong ngiti lamang ang sumilay sa kaniyang labi nang habang tinititigan si Lucas pabalik. “I’m sorry to say this but my loyalty still goes to Mr. Lopez, Mr. Valencia. He has been so generous and I haven’t gotten enough from him yet.”
Sa totoo lang ay bihira lang lumabas ang ganoong mga salita kay Mayumi ngunit ikinagulat naman iyon ng dalawang nasa harap niya lalo na ni Miguel. Kung pagbabasehan ang ekspresyon nito, hindi nito nagustuhan ang kaniyang tinuran kahit na may isang malamig na ngiti ang nakasabit sa gilid ng labi nito.
“You’re so ambitious,” magaspang na komento ni Miguel sa kaniya. Nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso si Mayumi, winawasak siya nang paunti-unti.
“Siyempre. Sino namang hindi,” aniya.
Hindi alam ni Mayumi kung kinakabahan ba ang waiter sa tensyon sa pagitan nilang tatlo dahil hindi sinasadyang nabuhusan ng red wine ang suot niya. Pumangit ang itsura ng kaniyang suot dahil sa mansta ng alak.
“Magpalit ka sa taas,” ani Miguel at hinila ang kaniyang palapulsuhan habang hiyang-hiya siya sa mga kaganapan.
“Paano iyan? Wala akong dalang damit!” problemadong sabi niya.
“Ako na ang bahala,” seryosong sambit nito.
Iniwan nilang dalawa si Lucas at pumunta sila sa ikalawang palapag kung nasaan ang guest room. Napansin ni Mayumi na walang tao roon. Makaraan ang ilang minuto, nakita na lang niya ang waiter na may dalang malinis na damit at binigay sa kanila. Mukhang ito ang inutusan ni Miguel.
Hinawakan ni Mayumi ang damit saka tumalikod para pumunta sa banyo. Habang nagpapalit sa loob niyon, nahirapan siyang isara ang zipper ng damit. Wala siyang nagawa kung hindi hingin ang tulong ng lalaki na nasa labas ng banyo.
Walang sinabi si Miguel pero tumugon naman ito sa kaniyang pabor. Ramdam na ramdam niya ang lamig ng kaniyang daliri ng kaniyang likod. Ang mainit na hininga ng lalaki ay dumadampi sa kaniyang tainga na masyadong nakakikiliti.
Naramdaman niya na lang na hinawi ni Miguel ang kaniyang buhok at ang mga mata nito’y tila ginagalugad ang kaniyang katawan matapos i-zip up ang damit.
“Actually, you don’t have to change,” bulong ni Miguel sa kaniya.
Sobrang lapit nilang dalawa sa isa’t isa ngayon at hindi niya mapigilang mamula dahil sa ginawang iyon ni Miguel.
Ikinulong ni Miguel ang kaniyang mga pulso sa kaniyang likuran, at sinamantala ang pagkakataon iyon para itulak ang kaniyang mga binti gamit ang tuhod nito.
“You have to take it off, anyway.”
Hindi mapigilan ni Mayumi ang kaniyang pamumula sa sinabing iyon ni Miguel. Ang mga salitang binitiwan nito ay tumagos sa kaniyang puso. Makaraan ng ilang saglit, bigla na lang siyang namutla. Ang init na nararamdaman niya sa kaniyang pisngi ay umuurong at napalitan ng malamig na pakiramdam.Kung tratuhin siya ni Miguel ay parang maliit lang na bagay itong ginagawa nito ngayon. Isang parausan lang talaga ang tingin sa kaniya ng lalaki para maibsan ang makamundong pagnanasa nito.Nakita ni Miguel ang mga daliri niya na nabahiran ng tumilapon na alak. Tahimik na hinawakan nito ang kaniyang kamay na ikinagulat niya at seryosong pinupunasan na ngayon ng panyo ang kaniyang mga daliri. Ang bawat galaw ni Miguel ay puno ng pag-iingat, tila binibigyan ng pag-asa ang sawing puso niya.Hindi niya mapigilang bigyan ng kahulugan ang ginagawa ni Miguel sa kaniya na kailanman ay hindi nito ginawa. Kay tagal niya itong hinintay– ang alagaan din siya ng kaniyang asawa kahit sa maiksing panahon. Sapat
Hindi na naman maganda ang pakiramdam ni Mayumi. Epekto iyon ng paulit-ulit na pagtanggi niya sa nais gawing pag-aangkin ni Miguel sa kaniya. Pagkatapos nilang magtalo sa loob ng sasakyan, inutusan lang ng lalaki ang driver na ihatid siya sa villa at hindi na sumama pa sa kaniya. Pagkarating doon ay mabilis siyang naligo. Nang makapagbihis ay matulin siyang pumunta sa kusina para kainin ang cake na naroon sa refrigerator. Sobrang tamis ng cake na iyon pero hindi alam ni Mayumi kung bakit tila parang walang lasa ito habang kinakain niya.Yumuko siya at natagpuan niya na lang ang kaniyang mga luha na naipon sa kaniyang mga kamay. Inisip niya na kaya siya ganoon kaemosyonal ay dahil na rin sa pagbubuntis niya. May mga buntis na masyadong sensitibo at isa na siya roon.Ang totoo’y ayaw niyang umiyak pero hindi niya makontrol ang mga luha niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at umupo muna sa sala para hintayin na humupa ang sakit na nararamdaman.Makaraan ay umakyat si Mayumi sa ik
Mahinanong tinangggap ni Mayumi ang perang binayad sa kaniya ni Miguel. Makaraan ay pumunta siya sa kusina para magluto ng hapunan. Habang ginagawa iyon ay naisipan niyang mag-text sa asawa. Pupunta ka ba ngayon dito para maghapunan ngayong gabi?Tinipa niya iyon sa kaniyang cellphone nang mahinahon kahit nais niyang sumbatan ito. Pagkatapos nilang magpakasal ay madalas pa rin silang nagsasama ni Miguel sa iisang bubong ngunit masyado namang magulo ang kanilang set up. Hindi naman talaga sila nagmamahalang mag-asawa kung umasta.Biglang umusok ang kalderong pinaglulutuan niya, tanda na luto na ang ulam na niluluto niya. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone matapos patayin ang stove. Mabilis niya itong kinuha para tingnan ang mensahe ni Miguel.Hindi ako sigurado.Hindi alam ni Mayumi kung ano ang itsura niya nang mabasa iyon pero puno na naman ng hinanakit ang puso niya. Bakit kaya hindi ito sigurado? May kikitain na naman ba itong ibang babae?Tulalang nakaupo si Mayuma sa hapagka
Sa wakas, matagumpay na napapirmahan ni Mayumi ng kontrata si Mr. Fernandez. Lasing na ang matanda nang bigla siya nitong tabihan."Ms. Romero, hindi ko alam pero hangang-hanga talaga ako sa iyo. Kung gusto mo, ipapakilala kita sa mga kakilala ko para magkaroon ka ng maraming proyekto."Medyo nanginginig si Mr. Fernandez habang naglalakad. Pinagmasdan nito ang kagandahan ni Mayumi sa ilalim ng liwanag, at tila ba’y umaalon ang puso nito habang pinagmamasdan siya. Hindi nito napigilan ang sarili na yakapin si Mayumi at tinangkang halikan."Ms. Romero, napakaganda mo talaga."Dahil sa amoy ng alak at sigarilyo, hindi na naman naging maayos ang pakiramdam ni Mayumi at gusto niya na namang sumuka. Tinulak niya ang matanda palayo sa kaniya.Dahil sanay na sanay na si Mr. Fernandez sa hindi pagpapaunlak ni Mayumi, nakangiti itong lumapit sa dalaga habang naduduwal pa rin siya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at tila ayaw siyang bitawan kahit na hinahablot niya na ito. “Miss Romero, hindi
Hindi inaasahan ni Mayumi na tatawagin siyang ganoon ni Miguel. Tila lahat ng dugo niya sa katawan ay napunta sa kaniyang mukha kaya ramdam niya ang pamumula nito dahil sa galit. Napakuyom siya. Pinipilit lang niyang kontrolin ang sarili sa pamamagitan ng pagbaon ng kaniyang matatalim na kuko sa kaniyang kamay.Ganoon na lang ba talaga?Sa mga mata ni Miguel, isa lamang siyang kalapating mababa ang lipad na gagawin ang lahat para lamang sa pera. Ganoon siguro ang impresyon niya kay Miguel kaya napagsasalitaan na siya nito ng ganoong lintanya.Huminga siya nang malalim at pinakalma na lang ang sarili. Wala siyang balak ipagtanggol ang kaniyang sarili. Wala naman siyang magagawa dahil hawak pa rin siya ni Miguel sa leeg."Medyo wala lang akong ginagawa lately…kaya kumuha ako ng mga maliliit na raket," kalmadong paliwanag ni Mayumi. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kung kaya’t umatras siya ng isang hakbang palayo sa lalaki. Hindi gusto ni Miguel na tumatanggap
Hindi pinansin ni Miguel ang sinabi ni Mayumi. Tinawagan nito ang sariling butler para utusan ito na sabihan ang driver na ipag-drive sila papuntang ospital.Hinawakan ni Mayumi ang manggas ng lalaki, sinusubukang baguhin ang desisyon nito. "Hindi na kailangang pumunta pa sa ospital, Miguel. Sa tingin ko, kaya lang ako nagiging ganito kasi dinatnan na ako."Nag-isip si Miguel saglit dahil sa sinabi niya. "Bakit parang hindi ko naman matandaan na dinadatnan ka ng ganitong araw."Kahit na kontrata lang ang kasal nila, hindi naman sila parang mga estranghero sa isa’t isa. Alam ni Miguel kahit ang bagay na ito tungkol sa kaniya. Inalam nito iyon sapagkat siyempre, mayroon ding sariling pangangailangan si Miguel.Hindi ito madaling pasayahin sa kama. May mga pagkakataon nga na kahit mayroon siyang regla ay inaangkin pa rin siya nito. Hindi inaasahan ni Mayumi na ganoon pala katindi ang memorya ni Miguel para matandaan pa ang bagay na iyon sa kaniya. Bahagya niyang iniwas ang mukha niya, hi
Pumunta si Miguel sa balkonahe para sagutin ang isang tawag. Kalmadong pinagmamasdan lang ni Mayumi ang matangkad at payat na likod ng lalaki habang kinakausap nito ang nasa kabilang linya. Medyo malayo ang distansya nilang dalawa kung kaya’t hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Subalit malinaw niyang nakikita ang ekspresyon ng mukha ni Miguel ang kaniyang kapatid. Unti-unting nawala ang lamig sa mukha nito at bahagya ring umangat ang gilid labi. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ng lalaki at naging malambing ang mukha nito.Tahimik na iniwas ni Mayumi ang kaniyang mga mata sa direksyon ng lalaki. Mahigpit niyang hinawakan ang sapin ng kaniyang kama dahil para siyang hinihigop ng sakit at kalungkutan na talaga namang dumudurog sa kaniyang puso.Matapos ang ilang minuto, natapos din ang tawag ni Miguel. Bagaman ipinakita ni Mayumi na matiyaga siya, hindi niya pa rin mapigilang tanungin ang lalaki.Inangat niya ang kaniyang mukha para tingnan si Miguel. Sinisikap n
Mayumi, kalma. Hindi ka naman mamatay kapag dinala mo iyang kapeng tinimpla mo.Pilit na pinapakalma ni Mayumi ang kaniyang sarili. Marahan siyang naglakad papasok sa opisina matapos matimplahan ng kape ang dalawa.Tahimik na nakaupo si Miguel sa harap ng mesa nito. Halos walang pinagkaiba ang aura nito sa mga karaniwan nitong pinapakita kapag pumapasok siya sa opisina ng lalaki. Nakakaluskos ang manggas ng polo ng lalaki, kitang-kita ang maputi at makisig nitong braso. Hawak nito ang fountain pen habang wala sa sariling pinapaikot-ikot nito iyon sa mga daliri.Napansin ni Mayumi na nakaupo si Juanda sa sofa. Suot nito ang isang red velvet suspender dress na sobrang tingkad ang pagkapula. Abot balingkinitan ang buhok nito at tila kumukinang kapag nasisikatan ng araw. Inaamin niya na talaga namang kapansin-pansin ang kagandahan ng kapatid niya sa ama. Maysadong kakaiba ang mukha nito at tila mahihipnotismo ang sinuman kapag nakita ang mga mata nito.Bigla nitong binagsak ang katawan s
Ang mga basang patak ng tubig ay nakadikit sa pilikmata ni Mayumi. Itinaas niya ang kaniyang pilikmata gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Sa pamamagitan ng malinaw na hamog, nahirapan siyang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Tulad ng sinabi nito sa kaniya, dapat ay maging masunurin siya.Pero matagal nang nakakita si Mayumi ng pagkatao ni Miguel. Mukha itong mabait at kalmado sa panlabas, pero sa totoo lang, ayaw nito ng sinuman na tumututol sa anumang desisyon na ginagawa nito. Kailangan nitong kontrolin ang lahat ng bagay at hindi nito papayagang makawala sa kaniyang kontrol ang kahit anong bagay.Ramdam ni Mayumi ang ginaw at niyakap ang kaniyang basang katawan, nangyayanig siya ng kaunti. Bumulong siya nang malabnaw na boses. "Lumabas ka muna, ako na lang."Ibinaba ni Miguel ang kaniyang mata at tahimik na tinignan ang buong katawan niya.Ang basang mga damit ay dumikit sa katawan niya, at kitang-kita ang mga kurba ng katawan ng babae. Magulo siya, ang damit niya ay gano
Hindi alam ni Mayumi kung bakit biglang nagalit si Miguel. Naiipit siya sa sofa at halos hindi makagalaw.Malupit ang mga mata ni Miguel, malamig na parang yelo, na para bang mga pako na itinusok sa kanyang mukha. Isang saglit niyang iniiwasan ang mga mata nito habang tinutok ang mga tingin sa bawat parte ng kanyang mukha, hindi iniiwasan ang kahit pinakamaliit na detalye. Nang makita nitong tahimik siya, tumaas ang hostility sa mga mata nito.Medyo natatakot si Mayumi sa ganitong estado ni Miguel. Kung tatakbo siya, mas lalong magagalit ang lalaki. Hinila siya nito sa buhok at iniiwas siya ng medyo magaspang."Magsalita ka."Hindi alam ni Mayumi kung ang tinutukoy ni Miguel na lalaki ay ang kaniyang tiyuhin o si Patrick.Ayaw niyang malaman ni Miguel na nasa bilangguan ang kanyang tiyuhin, at hindi rin niya gustong malaman nito ang tungkol kay Lawyer Li.Bagamat wala namang nararamdaman si Miguel para sa kanya, sensitibo ito pagdating sa mga bagay na ito. Hindi nito gusto ang mga lal
Naisip ni Mayumi na dinala siya ni Miguel sa Cebu dahil kailangan siya nito para sa trabaho, pero sa pagkakataong ito, pinayagan lang siya nitong manatili sa hotel. Hindi siya pinahanda ng mga dokumento, at hindi siya dinala sa meeting.Sinulit ni Mayumi ang kaniyang oras ng pagpapahinga at hindi siya nakakaramdam ng pagkaburyong.Bumangon si Miguel nang maaga. Mukhang may epekto ang gamot na ininom ni Mayumi kagabi at tila nakakatulog siya nang mahimbing. Para siyang nahirapan magising sa umaga, at malabo ang kaniyang paningin. Naramdaman niya ang galaw ni Miguel na bumangon, pero hindi niya maigalaw ang kaniyang mga mata.Bago umalis, mukhang yumuko si Miguel at hinalikan siya sa labi, sabay bulong sa kaniyang tainga, at sinabihan siyang manatili lang sa hotel at huwag maglakad-lakad.Hindi ganoon ka-obedient si Mayumi, at hindi naman masyadong inaalala ni Miguel kung ano ang ginagawa niya araw-araw.Ang Tiyuhin ni Mayumi ay nakakulong pa rin, at may natitira pa itong isang taon na
Ang hindi matanggap ni Mayumi ay ang katotohanan na sinabi pa ni Miguel kay Juanda ang tungkol sa operasyon niya. Wala talaga itong pakialam sa nararamdaman niya.Pinigilan ni Mayumi ang sarili na hindi magtakaw ng atensyon, kinagat niya ang kaniyang mga labi at pinili na lang na manahimik. Isang malabo at maulap na hangin ang sumiksik sa loob ng sasakyan, at ang amoy ng sigarilyo ay mapait na amoy na amoy niya.Inabot ni Miguel ang kamay niya at pinisil ang balat gamit ang hinlalaki, at pinaikot ang kanyang mukha, medyo malakas ito pero hindi naman labis. Pinaling siya nito paharap. Habang tinitingnan siya nito, nakita nito ang mga namumugto niyang mata at maputlang mukha, pilit niyang nilunok ang mga salitang gusto niyang sabihin."Secretary Romero, sobrang hindi mo ba talaga gusto si Juanda?""Hindi naman," sabi ni Mayumi. Pakiramdam niya sayang lang ang emosyon na ilaan sa bagay na hindi karapat-dapat. Subalit sinabi niya pa rin ang totoo. "Pero ayaw ko siyang makita. Siguro nama
Nalaman lang ni Juanda ang tungkol sa pagbubuntis ni Mayumi pagkatapos niyang suhulan ang doktor.Pagbalik ni Juanda sa Pilipinas, nalaman niya na ang taong pinakasalan ni Miguel ay si Mayumi at halos sumabog siya dahil sa labis na galit. Bakit si Mayumi pa? Hanggang ngayon, ang kaluluwa ni Mayumi ay parang nagpapahirap pa rin sa kanya. Narinig ni Juanda na hindi pumasok si Mayumi sa trabaho nang isang buwan at kalahati, at naramdaman niyang parang may mali.Anong klaseng sakit ang mangangailangan ng ganoong kahabang bakasyon?Tinanong ni Juanda si Miguel tungkol dito. Hindi siya tanga, at hindi direktang tinanong, pero para bang hindi sinasadya niyang binanggit ang sekretarya nito, ngunit hindi siya pinansin ni Miguel.Kaya't nagdesisyon si Juanda na alamin pa ang tungkol dito, kaya gumastos siya ng malaking halaga para malaman ang ospital kung saan naka-confine si Mayumi.Walang bagay na hindi kayang buksan ng pera sa mundong ito, at hindi niya in-expect na buntis na pala si Mayum
Naging malamig ang reaksyon ni Mayumi Wala siyang ipinakitang emosyon nang marinig ang tungkol kay Juanda pero talagang hindi niya nais makita ito. "Mr. Lopez, kaya mo bang pumunta sa airport mag-isa? Parang wala ring silbi kung ako pa ang isasama mo."Pinisil ni Miguel ang kaniyang kamay nang walang imik. "Pumunta tayo nang sabay. Sakto naman para sa hapunan."Sobrang lapit niya kay Miguel. Hindi ito gumagamit ng pabang. Medyo matapang ito at may kaunting mapait na amoy. Madalas itong magsalita nang tahimik, hindi masyadong mataas o mababa ang tono ng boses.Wala na lang nagawa si Mayumi kung hindi ang magpatianod kay Miguel.Habang nasa biyahe, tumitig si Mayumi sa langit na unti-unting dumidilim sa labas ng bintana. Wala namang ibang iniisip si Mayumi at hindi na nag-abala pang mag-isip ng anuman.Dinala siya ni Miguel sa isang restaurant na hindi kalayuan sa airport. Hindi ito mukhang restaurant na bukas sa publiko. Tahimik at marangy ito, mukhang para lamang sa isang pribadong
Hindi nagulat si Miguel sa sinabi niya. Bagamat maganda si Mayumi, sobrang introverted siya at mukhang isang mabait na babae. Hindi siya makapagsabi nang malakas kahit may gusto siya, kaya't pinipilit na lang itago ito sa kaniyang puso.Umangat ang gilid ng labi ni Miguel at walang pakialam na nagsalita."Sayang naman."Hinawakan ni Mayumi ang sticky note sa kamay niya. Ang dilaw na papel na iyon ay puno ng mga iniisip ng isang batang babaeng in-love. Ngayon, nagagalak siya na hindi niya inilagay ang pangalan ni Miguel doon, at pinili lang niyang isulat ang isang abbreviation.Pati ang abbreviation ni Miguel ay nakatago sa ilalim ng papel. Nilingon ni Mayumi ang papel, ang boses ay medyo malungkot nang magsalita siya ulit."Wala naman talagang dapat akong pagsisihan."Tinitigan siya ni Miguel. Ang maliit na babae ay pinipigilan ang labi at ibinaba ang mga pilikmata. Mukhang malungkot siya. Hindi mahirap hulaan na talagang mahal na mahal niya ang batang lalaki na iyon. Matagal na ang m
Hindi alam ni Mayumi kung anong klaseng relasyon mayroon sila ni Miguel ngayon. Hindi pa sila pwedeng ituring na magkasintahan pero wala namang ibang tao sa paligid nilang dalawa.Si Miguel ang nagmamaneho ng kotse at tinanong siya nito tungkol sa address na alam na alam niya.Nag-atubili si Mayumi saglit, pagkatapos ay kalmado niyang binigay ang address niyon. Hindi siya nakabalik doon sa loob ng maraming taon. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Habang tinitingnan ang hindi pamilyar na tanawin sa labas ng bintana, hindi niya maiwasang magsalita."Mag-drive ka nang dahan-dahan. Diyan lang pwedeng mag-park sa pasukan ng alley."Inangat ni Miguel ang kamay nito at inayos ang buhok. Tila mas magaan ang pakiramdam na nito kaysa kagabi. Kumanta pa ang lalaki nang mahina.Bigla itong may naaalala dahilan para matawa ang lalaki nang mahina. Ang mga mata nitong singkit ay tila ngumingiti rin. Ang tapat nitong ngiti ay medyo nakakabighani."Sinabi sa akin ni Juanda dati na napakaganda ng mga any
Biglaang naglaho ang pagmamahal at pagnanasa sa mga mata ni Miguel. Dahan-dahan itong umalis at naglakad palabas.Nawala rin ang matinding pakiramdam ng presyon na nararamdaman ni Mayumi. Sinabi niya ang linyang iyon na walang ibang ibig sabihin, tanging paglalahad lang ng isang katotohanan.Sa transaksiyong ito, magkaibang posisyon na sila. Si Miguel ang may kapangyarihan. Ito ang nagpasimula ng lahat, at ito rin ang gumawa ng mga alituntunin. Ito lamang ang may huling salita sa lahat ng bagay.Wala nang halaga ang mga iniisip ni Mayumi. Bakit nga ba kailangang mag-alala si Miguel na mabuntis siya? Batid ni Mayumi na hindi na muling mangyayari iyon.Tulad ng sinabi niya noong nakaraan, sa huli, katawan ni Mayumi ang inaabuso, at hindi siya lalaban sa kaniyang sarili. Pumikit si Mayumi nang mariin at nagsalita. "Miguel, gusto mo pa bang magpatuloy?"Kung hindi ay matutulog na siya. Talaga namang inaantok na siya.Makaraanl, narinig niya ang boses ni Miguel. Ang malamig at pigil na ti