Year 1946
Isa sa pinakamayaman na pamilya ang mga Ibañez sa Legazpi Albay. May malaking Rice Mill ang mag asawang Senyora Erlinda at Senyor Luis Ibañez na siyang pangkabuhayan nila. At bukod pa sa Rice Mill ay may malaki rin silang palaisdaan sa seaport ng Legazpi. Ang pamilya nila ang nag eexport ng mga isda sa iba't ibang kalapit lungsod sa Albay at Bicol.
Sila lang din ang may pinakamalaki, pinakamalawak at pinakamagandang tahanan sa lugar nila.
Bitbit ni Erlinda ang isang malaking bouquet ng mga pulang rosas pagkalabas niya sa kanyang silid. Dahan dahan siyang bumaba sa enggrandeng hagdanan, may nakalatag na pulang carpet sa gitna ng bawat baitang ng hagdan simula sa taas hanggang sa baba.
Pag-kababa ay nagtungo siya agad sa kusina, busy ang mga katiwala niya sa bahay sa paghahanda ng pagkain at pag aayos ng hapag-kainan.
"Melinda, pakiayos nga nitong mga rosas, pakilagay sa vase." Utos ni Erlinda sa isa sa mga katulong niya sa Mansyon. Ang bulaklak na iyon ay galing sa butihin niyang asawa, iniwan sa silid nila bago ito umalis papunta sa trabaho. Ngayong araw na ito ay pang pitong taong anibersaryo ng kanilang kasal.
"Opo, Senyora." Sagot ni Melinda, pansamantala itong tumigil sa ginagawa saka kinuha ang malaking bouquet na rosas sa bisig ng amo.
"Si Maria?" Tanong ni Erlinda rito, magtatanghalian na pero hindi niya pa nakikita ang anak.
"Naku senyora nasa harden na naman naglalaro." Sagot ni Melinda, napabuntong hininga si Erlinda, iniisip niya na madumi na naman ang bestida ng anak dahil sa kakalaro. Kung bakit ba kasi laging naglalaro sa harden ang anak, inaabot ng tanghali roon at gabi.
"Puntahan ko po ba Senyora?" Muling turan ni Melinda.
"Huwag na,Melinda ako na ang pupunta." Sabi nito, tumango lamang si Melinda at tiningnan ang among papalabas na ng kusina, napapailing siya dahil sa edad na kuwarenta anyos ay iisa pa lang ang anak ng maganda niyang amo, at walang iba iyon kundi si Maria, ang nag iisang anak na babae ni Senyora Erlinda, katulad ng Senyora ay maganda rin ang anim na taon gulang na bata. Ipinagpatuloy na niya ang pinag uutos ng Senyora.
Samantala si Maria naman ay busy sa kakalaro sa harden, kaharap niya ang malaki at magandang puno na nakatayo sa gilid ng Gazebo. Sa sobrang kapal ng mga dahon nito ay halos natabunan na ang kalangitan at siguradong hindi ka mauulanan o maiinitan kapag sumilong ka roon.
"Ano ba kasing pinapakalkal mo sa akin dito sa may ugat ng bahay mo." Mahinang sabi ni Maria habang panay ang kalkal sa lupa, may hawak siyang maliit na stick na siyang ginagamit niya pangbungkal ng lupa.
"Hmmm, oo nga ikaw nga ang kaibigan ko diba?" Muling turan ni Maria sa mahinang boses. Nagkalkal na siya sa lupa gamit na ang kamay, mas lalo niyang binilisan dahil napaka apurado ng taong nag uutos sa kanya.
"Bakit naman kasi rito mo pa inilagay, ano ba kasi iyon?" Reklamo ng batang si Maria hanggang sa may nakita na siyang kumikinang sa ilalim ng lupa kaya mas lalo niyang binilisan.
"Oh ayan na!" Bulalas ni Maria sa masayang boses, sabay kuha sa isang napakagandang kuwentas, nilinis niya pa ito gamit ang suot niyang bestida para mawala ang putik na nakadikit.
Isa itong gintong kuwentas na napapalibutan ng maliliit na diyamante ang gold chain nito. Ang pendant naman ay isang malaking bato na kulay pula. Bilog ang hugis ng kulay pulang bato at sa gilid naman ay napapalibutan ng maliliit na diyamante.
Nakanganga pa rin ang bibig ni Maria habang tinitingnan ang kuwentas, lagi kasi niyang pinaglalaruan ang mga mamahaling alahas ng ina kaya alam niya na mamahalin ito, hindi niya lang alam kung anong klaseng bato ang kulay pula na pendant, ang alam niya lang kasi ay diyamante at perlas dahil maraming ganoon ang mama niya.
"Napakaganda naman nito! Saiyo ba ito?" Bulalas ni Maria sa nanlalaking mga mata. Mas lalo siyang napasinghap ng tumango ang kaibigan niya.
"Saiyo nga? Ano? Gusto mong ibigay sa akin?" Muling saad ni Maria, kumikinang pa ang mga mata niya dahil sa tuwa, ni minsan wala pa siyang mga alahas, ayaw kasi siyang bilhan ng mama niya kasi masyado pa raw siyang bata para magkaroon ng mga alahas.
"Ang ganda! Salamat, iingatan ko talaga ito." Masayang turan ni Maria, idinikit pa nito ang kuwentas sa dibdib na animo'y niyayakap.
Malayo pa lang si Erlinda ay natatanaw na niya ang anak na parang may kinakausap, masayang masaya pa itong tumitingala sa malaking puno habang sinasapo ang dibdib at may kung anong bagay ang hawak nito.
"Maria!" Malakas niyang tawag sa anak at nagpatuloy sa paglapit dito. Para naman itong nataranta dahil sa malakas na boses niya, nahagip niya pa sa pandinig ang mahinang sinabi nito.
"Umalis ka na baka makita ka ni Mama." Bulong nito kaya napakunot ang noo ni Erlinda, hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ng anak kaua binalewala niya nalang ito.
"Mama!" Agad na tumayo si Maria sa kinauupuang malaking ugat ng puno saka hinarap ang ina na ngayon ay nakapamaywang na.
"Marumi na naman iyang bestida mo, tanghali pa lang marumi na Maria! Naku batang ka! Hali ka na nga sa loob." Litanya nito sa anak sabay abot ng kamay rito, masaya namang tinanggap ni Maria ang kamay ng ina.
"Mama, tingnan mo? Ang ganda diba?" Sabi ni Maria sa ina, itinaas pa nito ang hawak na kuwentas, naningkit ang mga mata ni Erlinda na sinipat ang hawak nitong kuwentas.
"Saan mo ito kinuha?" Tanong nito kay Maria.
"Ibinigay po ng kaibigan ko kanina." Nakangiti nitong sagot.
"Tigil-tigilan mo nga ako Maria, baka isa ito sa mga alahas ko. Akin na nga iyan." Galit na sabi ni Erlinda sa anak saka kinuha ang kuwentas, matagal niyang tinitigan ito sa palad, alam niyang wala siyang ganitong klaseng alahas, kakaiba kasi ang kuwentas na ito.
Ang malaking bilog na pendant nito ay isang ruby na napapalibutan ng diyamante. Wala siyang interes sa kuwentas pero interesado siya kung saan ito nakuha ng anak, bukod sa kakaiba ang nararamdaman niya sa kuwentas na iyon may kung anong kilabot siyang nararamdaman.
"Hali ka na, pumasok na tayo sa loob at ng makapagbihis ka na rin." Mahinang sabi ji Erlinda sa anak at mabilis na hinila ang anak papasok sa loob pero lumingon pa talaga si Maria sa malaking puno saka kumaway roon.
Ganoon nalang ang kilabot na naramdaman ni Erlinda ng makita niya kung sino ang kinakawayan ng anak. Nanlaki ang mga mata niya at halos matulos siya sa kinatatayuan niya.
Hindi na siya nakapagsalita pa at dali dali ng hinila ang anak papasok sa loob ng bahay. Magmula noon ipinagbawal na niyang pumunta ng harden ang anak.
"Sinabi ko naman saiyo na huwag ka ng pupunta sa harden diba?!" Galit na singhal ni Erlinda kay Maria, ilang araw na ang nakakalipas ay ngayon lang ulit bumalik ang anak sa harden.
"Patawad po Mama, hindi na po mauulit." Umiiyak na sabi ni Maria.
"Senyora, huwag niyo na pong pagalitan si Maria, kasalanan ko po hindi ko po siya nabantayan ng maayos." Sabi ni Terry, ang isa sa mga nag-aalaga kay Maria.
Hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw ng Senyora na papuntahin ang alaga sa harden, hindi na siya nag usisa pa at sumunod nalang siya sa pinag uutos nito.
"Sa susunod, bantayan mo ng mabuti iyang si Maria,Terry! Ka bilin bilinan ko sa inyo na bawal na siyang magtungo sa harden diba? Nakikinig ba kayo?!" Singhal ni Erlinda sa lahat ng mga katiwala na nandoon sa sala, ito ang kauna unahang pagkakataon na nakita nilang galit na galit ang Senyora na para bang may kinakatakutan ito sa harden o ano.
"Magtigil ka! At ilang beses ko bang sinasabi saiyo na huwag mong kukunin ang kuwentas na ito sa kuwarto ko?!" Singhal ni Erlinda kay Maria saka kinuha ang suot na kuwentas.
"Hindi ko po kinuha iyan Mama, ibinalik lang po sa akin. Sa akin naman po talaga iyan eh." Ungot ni Maria sa ina. Natutop naman ni Erlinda ang sariling bibig.
Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng anak. Hindi talaga maganda ang nararamdaman niya sa kuwentas, itinago na niya ito sa pinakasulok ng aparador niya pero bakit napunta pa rin kay Maria?
"Terry, dalhin mo na si Maria sa silid niya." Nanghihinang utos nito sa katiwala. Agad naman itong sumunod at iginiya na si Maria paakyat sa taas.
"Naku batang ka! Bakit mo ba sinasagot ang mama mo ng ganoon? Mainit ang ulo ng mama mo kasi ilang araw na hindi umuuwi ang papa mo." Saad ni Terry kay Maria ng makarating sila sa silid nito, hinahanapan na niya ito ng bagong masusuot na bestida sa lagayan ng mga damit nito.
"Bakit po? Nasaan po ba si papa?" Inosenteng tanong ni Maria kay Terry.
"Aba hindi ko alam, huwag mo nalang isipin iyon basta huwag mo nalang bigyan pa ng stress ang mama mo."
Sagot nito kay Maria, narinig niya kasi kanina na usap usapan sa mga katiwala rito sa Mansion na nasa kanyang kabit daw si Senyor Luis kaya ilang araw ng hindi umuuwi kaya siguro mainit ang ulo ng Senyora kasi may hinala na.
"Oh maligo ka na para makapagbihis ka." Muling saad ni Terry saka nilingon si Maria, hindi niya namalayan na nagtungo na ito sa terrace at nakadungaw sa harden.
May terrace kasi ang silid nito, kaharap ang harden. Nandoon nakatayo si Maria habang kumakaway at impit na tumatawa. Wala sa loob na nilapitan niya ito habang nakakunot ang noo niya.
"Senyorita Maria, sinong kinakawayan mo?" Tanong niya rito ng makalapit siya.
"Ang kaibigan ko po, ayon siya oh!" Sabi ni Maria sabay turo sa malaking puno na nasa gilid ng Gazebo. Oo nga't nag aagaw na ang liwanag at dilim pero wala talaga siyang nakikitang tao roon, nagsitayuan ang mga balahibo niya sa buong katawan.
" 'ku batang ka! Kung ano anong nakikita mo, hali ka na sa loob." Saway ni Terry sa alaga.
"Meron nga po akong kaibigan,ate Terry, ayon oh! Nagagalit nga siya kasi kinuha ni mama ang kuwentas, sa akin nga iyon. Ibinigay niya sa akin." Ungot ni Maria kay Terry na ngayon ay nakakaramdam na ng lamig sa buong paligid.
"Pumasok na tayo sa loob, bilis na." Seryoso niyang sabi kay Maria, atubili itong pumasok pero sumunod na rin. Isinarado ni Terry ang wooden sliding door na nakapagitan sa terrace at silid ni Maria.
Hindi niya alam pero biglang lumamig ang buong silid, wala na namang hangin ang nakakapasok dahil sarado na ang terrace, hindi na makakapasok ang hangin. Nakaramdam siya ng takot pero isinantabi niya nalang iyon at tinulungan ng maligo si Maria.
Kinabukasan pagkababa ni Maria galing sa taas napansin na niya ang malaking mga maleta na nasa bukana ng main door nila. Nasa harapan kasi ng enggrandeng hagdanan nila ang main door ng bahay.
"Kanino po itong mga maleta, ate Melinda?" Wala sa loob na tanong ni Maria sa katiwala nila sa bahay.
"Sa mama mo po Senyorita." Magalang na sagot nito sa kanya, mas matanda si Melinda kaysa kay Terry.
"Bakit po?" Maang niyang tanong, sasagot na sana si Melinda pero narinig niya ang boses ng Senyora kabababa lang nito sa hagdanan.
"Nandiyan na ba lahat ng mga maleta ko?"
"Opo, Senyora." Sagot ni Melinda.
"Mama, saan ka po pupunta? Hindi mo ba ako isasama?" Naiiyak na sabi ni Maria.
"Saglit lang ako anak, susundan ko lang ang papa mo sa Amerika pero babalik din ako agad." Paliwanag nito sa anak.
"Pero bakit ayaw mo akong isama?" Nangingilid na ang mga luha nito sa mga mata.
"Importante ang sadya ko roon, anak. Magpakabait ka rito, huwag kang mag alala nandito ang mga katiwala saka papupuntahin ko ang tiyahin mo rito."
"Pero mama gusto kong sumama, huwag mo po akong iiwan." Umiiyak na si Maria, gustuhin man niya itong isama pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang makita nito na may iba ng pamilya sa Amerika ang ama niya. Kaya tutungo siya roon para ayusin ang lahat sa kanila ni Luis kung may maayos pa ba.
"Basta tandaan mo ang habilin ko saiyo ha? Huwag na huwag ka ng pumunta sa harden, maliwanag?" Paninigurado ni Erlinda sa anak, tumango naman si Maria.
Hanggang sa tuluyan ng umalis ang Mama niya, hindi niya alam kung kailan ito babalik pero lumipas nalang ang ilang taon ay hindi na ito nakabalik pa.
Naiwang mag-isa at malungkot si Maria, tanging sa harden lang siya naglalagi para mapawi ang lungkot na nararamdaman.
***
Present TimeYear 2018"Dad,please listen to me, why are you forcing me to go back there in the Philippines?" Iritableng turan ni Thaddeus sa ama, ilang beses na siyang tinatawagan nito, kung hindi raw siya uuwi ay pupuntahan daw siya rito sa New York."Dad, ang layo ng Legazpi Albay, bakit hindi nalang ikaw ang pumunta? At ikaw ang mag asikaso sa mga papers ng Mansyon na iyon? O kaya ibenta nalang." Nakasimangot na sagot ni Thaddeus sa ama ng magpumilit ulit itong pauwiin siya. Mas lalong wala siyang planong manirahan sa Mansyon na sinasabi nito, bukod sa luma na ito ang layo pa saka maayos na siya rito sa New York kasama ang mommy niya.
Nag-aasaran sina Tobias at Thaddeus na parang bata sa hapag-kainan, samantalang si Talia naman ay panay ang irap kay Daniel dahil sa ibinibigay nitong malalagkit na tingin sa kanya, kumikindat pa ito sa kanya."Puwede ba Daniel Ambrosio! Tumigil ka!" Asik ni Talia sa dating asawa, ngumisi lamang ito, napatigil naman sina Tobias at Thaddeus at ngayon ay napatingin na sa dalawa."What? Masama bang titigan ang asawa ko? 5 years din tayong hindi nagkita in person, Talia. Wala ka pa ring pinabago." "Correction,i am now your ex wife Daniel! And stop flirting with me dahil wala ng nararamdaman ang puson ko!" Asik ni Talia, sabay pa silang tatlo na nagtawanan kaya mas lalong umirap si Talia sa mga ito."Mom, relax. Hindi ka na nasanay kay daddy eh, alam mo namang napaka joker niya." Sabi ni Thaddeus sa naiinis na ina."Whatever Thaddeus Ambrosio! Magsama kayo ng ama mo! Anyway, busog na ako, mauna na
Huminto ang van na sinasakyan nila sa harapan ng malaking gate. Sabay sabay pang nagsibabaan ang tatlo sa loob ng van dahil nakasarado ang gate.Napansin ni Thaddeus ang kaliwang sementong pader na may nakasulat na Belle Veu Manor. Nakalimutan na niya talaga ang lugar na ito, hindi na niya maalala."Wow! Gate pa lang bigatin na oh!" Saad ni Tobias, sinuri pa nito ang gintong disenyo ng gate, na naka design sa ibaba at itaas na bahagi ng gate."Hindi ba nila alam na darating tayo ngayon, Mang Carding?" Si Thaddeus, nagawa niya pang magtanong habang panay ang click ng camera niya, kinukuhanan niya ng litrato ang malaking gate."Alam ko na inform na sila ni Sir Daniel kahapon e, baka walang tao sa loob. Minsan kasi ang mga care taker dito hindi nag e stay." Sagot ni Mang Carding."Ang hirap nito, wala pa namang doorbell saka wala pa akong nasisilip na Mansyon sa loob oh." Sabi ni Tobias
Nagpasya na rin ang mga katiwala sa Mansyon na mag stay ng one week hanggang sa makaalis sina Thaddeus.Umakyat na sa taas sina Thaddeus at Tobias para pumili ng silid na matutulugan."Magtabi nalang kaya tayong matulog? Ano sa tingin mo?" Nakangising tanong ni Tobias kay Thaddeus, tiningnan ito ng masamang tingin ni Thaddeus."Takot ka ba?" Sabi ni Thaddeus sa nanunudyong boses."Ako? Matatakot? Hindi ah, walang kinakatakutan si Tobias ano!" Pagmamayabang nito na ikinatawa ni Thaddeus.Una nilang pinuntahan ang kuwartong katapat ng harden, ang kuwartong may terrace."Wow! Ang ganda naman ng silid na ito,Thad. Makakalanghap ka ng fresh air oh tapos ang ganda ng view dahil matatanaw mo ang harden." Sabi ni Tobias habang iniikot ang buong silid.Smantalang si Thaddeus naman ay lumapit sa malaking bookshelve na nakapuwesto sa harapan ng kama. Napansin niya
Kinabukasan maagang gumising si Thaddeus para mag jogging nilibot niya ang buong Belle Veu Manor, mas lalo pa siyang namangha sa sobrang lawak ng paligid, bulwagan pa lang sa may entrance ay puwede ka ng magpa-party, kasya siguro ang 300 persons dahil sa sobrang laki at lawak.Hindi namalayan ni Thaddeus na nakarating na siya sa malaking main gate, napakunot ang noo niya ng may mapansin siyang tila taong nakatayo sa labas ng gate at pasilip silip sa loob.Wala sa loob na binuksan niyan ang gate at nanlaki ang mga mata biya ng mabungaran sa labas ang matandang binigyan niya ng isangdaan kahapon, nakangisi itong nakaharap sa kanya. Napalunok tuloy si Thaddeus at bahagyang napaatras dahil papalapit ang matanda sa kanya."Nagkita na ba kayo?" Nakangising tanong ng matanda sa kanya na ams lalobg ikinakunot ng noo niya."Po?sino?" Takang tanong ni Thaddeus dito,imbes na sagutin siya ng matanda ay nagpalinga l
Flashback Year 1959"Senyorita Maria! Nasaan ka ba?" Tawag ni Terry kay Maria, nagtatakbo na naman kasi ito paakyat sa taas, kagagaling lang nila galing sa bayan, sumama si Maria sa kanilang mamili ng mga kakailanganin dito sa Mansyon."Senyorita?" Muling tawag ni Terry kay Maria, nakaakyat na siya sa taas at naririnig niya ang masayang tawa ni Maria, napapailing nalang siya ng maabutan niya itong nakasandal sa pinto ng katapat na silid nito. "Mag ayos na po kayo Senyorita dahil mamaya darating na ang mga panauhin dito sa Manor para sa kaarawan mo." Sabi ni Terry, nakita niya ang pagbala
"Ako na po ang bahala rito."Nahintakutang usal ni Maria sa lahat ng mga katiwalang nasa labas ng silid niya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito ng walang kahirap-hirap na binuksan ni Maria ang sariling silid at pumasok. Sinugurado ni Maria na nai-lock niya ang pinto ng silid. Hindi makapaniwala si Maria sa nakikita niya ngayon, parang dinaanan ng bagyo ang loob ng silid niya, napunit ang kumot, ang punda ng unan, ang kurtina ng terrace at madami pang iba. Natutop ni Maria ang bibig at nanlaki ang mga matang napatingin sa kaibigan nitong si Azreal. Puno ng galit ang nakikita niya sa mga mata nito, nakatiim bagang na wari niya'y parang gustong pumatay ng tao. Nalilito siya kung bakit nagawa ito ng kaibigan."A-Azi... " Usal ni Maria sa nanginginig na boses. "Anong ginawa mo?" Dagdag pa ni Maria na halos naitulos sa kinatatayuan. Hindi siya halos makahakbang at lahat ng
Lumipas ang dalawang araw na laging wala sa sarili si Maria, balisa at laging lutang. Napapansin na rin ng mga kasama niya sa Mansyon pati na ang Tita Olga niya. "Maria, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Olga sa pamangkin. Kasama niya ito ngayon, dahil araw ng linggo magtutungo sila sa simbahan. Hindi umimik si Maria, nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse.Napabuntong hininga nalang si Olga saka ginagap ang isang kamay ng pamangkin at masuyong hinaplos ito. Inasikaso na niya ang pagluwa
Two years later..."Congratulations son, we are so proud of you " Halos magkasabay na turan nina Talia at Daniel kay Thaddeus. Dumating ang mag-asawa kahapon mula sa Pilipinas para um-attend sa photo exhibit ni Thaddeus na ginanap nito mismo sa Gallery Studio sa New York City.Ang daming mga dumalo, halos ang iba ay mga celebrities at mga kilalang tao. Ngumiti si Thaddeus sa kanyang mommy at daddy.Nagka-ayos na ang mga magulang niya, last year lang ay nag-renew ng vows ang dalawa. Masaya siya para sa mga magulang. "Thank you mom and dad, maglibot muna kayo baka may mga portraits kayong magustuhan." Sabi ni Thaddeus sa mga ito saka kumindat. Sa loob ng dalawang taon ay ginugol ni Thaddeus ang sarili sa pagkuha ng mga litratro na galing sa iba't ibang bansa. May mga kuha rin siyang magagandang portraits. Naiwan si Thaddeus sa
Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden. Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin. Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa. Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon. "Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.
"Thaddeus, are you sure about it?" Nag-aalalang tanong ni Talia sa anak. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng makalabas ito sa ospital. Inaayos nito ang mga gamit sa bag pack. Magmula ng gumaling ito galing comatose ay napapansin niyang iba na ang kinikilos nito.Minsan nakikitaan ni Talia ang anak na nakatitig lang sa kawalan. Minsan ay napapasukan niya ito sa silid na tinatawag ang pangalang Maria habang tulog ito. She wanted to ask him who Maria is pero mas pinili niya nalang na itikom ang mga bibig. "Yes,mom." Tipid na sagot ni Thaddeus sa ina."Baka mapahamak ka ulit." "Mom, i will be fine." Napabuntong hininga si Talia, pinagpipilitan talaga ni Thaddeus na bumalik sa Legazpi,Albay. Babalikan niya raw ang Belle Veu Mansion dahil madami pa raw itong aasikasuhin doon.Puno ng pangamba ang puso niya pero wala siyang magawa. Hindi niya ito ma
Present TimeYear 2018Kasalukuyang nasa sala si Talia nagbabasa ng magazine habang hinihintay si Daniel, kauuwi lang nito galing sa trabaho at naisipang maglinis muna ng katawan bago sila pumunta sa ospital.Napapitlag si Talia ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya."Mrs. Ambrosio, your son is awake.""Really?" Hindi makapaniwalang usal ni Talia, halos panawan siya ng ulirat sa narinig. "Yes ma'am. Na-check na rin po namin ang inyong anak at okay na po siya."
"Damn it!" Muling palatak ni Thaddeus sa sarili, ilang beses na niyang sinubukan na umakyat pabalik sa itaas ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na makapitan at mahawakan.Panay mura na siya sa sarili at ang utak niya ay tumatakbo kay Maria. Iniisip niya kung ano na ang nangyayari rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa sarili ng maisip na baka huli na siya. Baka kasama na nito ngayon ang demonyong si Azreal at nagpakasawa sa katawan ni Maria."This is bullshit!" Sigaw niya. He was beyond frustrated. Sinisi niya ang sarili kung bakit nahulog siya sa patibong na ito. Sa ngayon ay kailangan niya ng milagro.Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala naman siyang suot na relo maliban sa itim na pulseras! Nawawalan na siya ng pag-asa ng may biglang humagis sa kanya, isang lubid ang inihagis.Napasinghap siya sa gulat at tuwa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, hinawakan na niya ang lubi
Mahal kong Thaddeus,Hindi na kita hinintay pa na magising ka, alam kong mahihirapan akong magpaalam sayo dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. Patawad kong mag-isa ka nalang na magtutungo sa malaking balon. Hindi mo na ako kasama. Iniwan ko ang pulseras mo para ma-protektahan ka. Pati ang kuwentas, ikaw na ang maghulog sa balon. Maglakbay ka na kung kaya na ng katawan mo pero kung hindi pa ay huwag mo ng pilitin. Umalis ako para linlangin si Azreal, habang ginagawa ko iyon ay malaya kang makapaglakbay na walang panganib o sagabal. Ako lang naman ang kailangan niya kaya ako lang ang susundan niya. Sana pareho tayong magtagumpay bago
Nagpapalag si Maria at pilit na kumakawala sa pagkakasakal ni Azreal sa kanya. Umilaw ang suot niyang pulseras saka nag-umpisang umusok ang katawan ni Azreal. Para itong napaso ng bigla siya nitong bitawan at lumayo sa kanya. Muli siyang napaluhod sa lupa. Mas lalong nanlilisik ang mga mata nito dahil sa sobrang galit. Pati na ang anyo nito ay sa sobrang galit ay unti-unti ng nag-iiba.Nasisindak siya sa nakikita niyang anyo nito. Hinahaplos niya ang kanya leeg na para bang tinatanggalan niya ng bara sa lalamunan. "Na sa'yo ang pulseras na iyan?!" Galit na singhal nito sa kanya. "Hubarin mo iyan!!" Nanggagalaiting utos nito sa kanya."Tigilan mo na ako! Demonyo ka layuan mo ako!" Ganting singhal niya rito ng makabawi na siya ng lakas. Tumayo na rin siya at lakas loob na hinarap ito."Kahit kailan ay hindi ako mapapasaiyo! Iisang tao lang ang nagmamay-ari sa akin ngayon at walang iba '
"Hanggang dito na lang po tayo Señorita." Ani ng driver sa sasakyan ng ihinto sila sa may bukana ng bundok, papasok ito at madaming puno sa gilid ng daanan. May mga iba't-ibang klaseng damuhan at halaman."Salamat po." Pasasalamat ni Maria rito. Sabay sila ni Thaddeus na bumaba sa sasakyan. "Mag-iingat po kayo." Sabi ng driver sa kanila, nginitian niya lang ito bilabg tugon sa sinabi nito.Muling hinawakan ni Thaddeus ang kamay niya saka sabay na silang naglakad papasok sa bukana ng bundok. Alam ni Maria na madalang lang ang mga umaakyat sa bundok Himalaya, ang iba ay kapag nagpapadasal ang mga ito o kaya ay nagpapagamot. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng ibon at mga tuyong damo na naapakan nila ang naririnig nilang ingay.Tahimik lang din sila ni Thaddeus at kapwang mabibilis ang mga hakbang nila na para bang takot na maabutan ng gabi sa daan.Bawat malalaki
Hindi alam ni Thaddeus kung bakit mag-uumaga na ay hindi pa rin siya makatulog. Gusto niyang puntahan si Maria sa silid nito pero nagdadalawang isip siya. Alam kong iniiwasan ako nito kaya dapat iwasan niya rin dahil siguradong pareho silang dalawa masasaktan sa bandang huli. Masaya siya na ibinigay nito ang sarili sa kanya. Habang panahon niya iyong pangangalagaan sa puso niya. Sana hindi na siya makabalik–Napukaw siya sa kanyang pag-iisip ng marinig niya ang malakas na sigaw ni Maria. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at nagmamadaling lumabas sa silid. Humahangos siyang nakarating sa labas ng pinto sa silid ni Maria. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya mabuksan. Kinalabog niya na ito pero wala pa ring nangyari, napansin niyang umiilaw ang pulseras niyang suot. Mas lalo siyang kinabahan dahil nagpapahiwatig lang ito na nadito si Azreal! Ubod lakas niyang sinipa ang pintuan, bumukas ito at