Home / Paranormal / Maria / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: bluefairy1828
last update Last Updated: 2020-12-05 21:12:51

Kinabukasan maagang gumising si Thaddeus para mag jogging nilibot niya ang buong Belle Veu Manor, mas lalo pa siyang namangha sa sobrang lawak ng paligid, bulwagan pa lang sa may entrance ay puwede ka ng magpa-party, kasya siguro ang 300 persons dahil sa sobrang laki at lawak.

Hindi namalayan ni Thaddeus na nakarating na siya sa malaking main gate, napakunot ang noo niya ng may mapansin siyang tila taong nakatayo sa labas ng gate at pasilip silip sa loob.

Wala sa loob na binuksan niyan ang gate at nanlaki ang mga mata biya ng mabungaran sa labas ang matandang binigyan niya ng isangdaan kahapon, nakangisi itong nakaharap sa kanya. Napalunok tuloy si Thaddeus at bahagyang napaatras dahil papalapit ang matanda sa kanya.

"Nagkita na ba kayo?" Nakangising tanong ng matanda sa kanya na ams lalobg ikinakunot ng noo niya.

"Po?sino?" Takang tanong ni Thaddeus dito,imbes na sagutin siya ng matanda ay nagpalinga linga ito sa paligid at inilapat ang hintuturo sa bibig.

"Shhhh...! Huwag kang maingay, bawal banggitin ang pangalan niya rito." Mahinang sabi ng matanda na mas lalong ikinalito ni Thaddeus.

"Lola, taga saan po ba kayo? Ihahatid ko po kayo." Magalang na sabi ni Thaddeus dito.

"Taga dito ako hijo, hali ka pasok na tayo sa loob." Nakangisi nitong sabi sa kanya,nauna pa itong naglakad patungo sa loob ng Belle Veu Manor. Hinabol naman ito ni Thaddeus.

"Sandali po,lola!" Pinigilan niya ito baka kasi naligaw lang pero ng makita niyang tumatakbong papalapit si Manang Caridad sa kanila galing sa mansyon.

"Lola! Diyos ko po! Saan ba kayo nanggaling?!" Worried na sigaw ni Manang Caridad habang papalapit sa kanila, pagkalapit ay niyakap nito ang matandang gusgusin.

"Naku , ang dumi mo na naman." Savi ni Manang saka binalingan si Thaddeus na hanggang ngayon ay naguguluhan.

"Pasensya na sir, naabala kayo ng lola ko." Hinging paumanhin ni Caridad sa kanya, ngumit lang si Thaddeus at iniwan na ang mga ito, hindi siya makapaniwala na lola nito ang matanda.

Pagkarating ni Thaddeus sa Mansyon naabutan niya si Tobias na nagkakape sa sala.

"Morning Thad, how's your sleep?" Pasimpleng bati sa kanya ni Tobias.

"Okay lang." Tipid na sagot ni Thaddeus pero ang totoo niyan hindi na siya nakatulog, hindi kasi mawala sa isipan niya ang daing at iyak ng babaeng narinig niya kaninang madaling araw.

"Okay lang? Nangangalukmata ka." Sita sa kanya ni Tobias, napabuntong hininga nalang siya.

"Mag shower muna ako." Paalam ni Thaddeus dito saka nagmamadali ng umakyat sa taas.

Pagkatapos niyang mag shower at magbihis ay bumaba na siya para mag breakfast.

Nagtungo si Thaddeus sa harden pagkatapos mag breakfast, nauna na nga siyang kumain sa mga ito. Naabutan niya roon ang lola ni Manang Caridad, malinis na itong tingnan.

"Kumain na po ba kayo?" Tanong ni Thaddeus dito, ngumiti ito sa kanya.

"Oo kumain na ako. Hali ka hijo, may ikukwento ako sayo." Nakangiting sabi ng matanda na hanggang ngayon ay hindi niya pa alam ang pangalan. Tinabihan niya rin ito sa pagkakaupo.

"Alam mo ba na noong unang panahon itong Mansyon na ito ay pagmamay ari ng isang mayamang pamilya? At may nag iisa silang anak na babae, napakagandang babae." Panimula ng matanda, napatango nalang si Thaddeus habang nakikinig, hindi naman siya interesado dahil sinaunang panahon na iyon pero nanatili siyang tahimik.

"Dating katiwala rito sa Mansyon ang lola ng lola ng lola ko." Pagpapatuloy nito, napakunot ang noo ni Thaddeus saka napatingin dito, nalito siya sa lola ng lola ng lola nito, binilang niya sa isipan kung ilang dekada na ba ang nagdaan. Ngumisi lamang ito sa kanya.

"At ang kuwento ng anak nilang babae ay nagpasalin salin na sa henerasyon namin hanggang ngayon. Pero may iba dinagdagan at ang iba naman binawasan."

Muling napatango si Thaddeus dito saka nagkibit balikat, ayaw niyang maging rude kaya nanatili siya sa tabi nito at nakinig sa sinasabi nito.

"Gusto mo bang malaman ang storya niya?"

"Sino po?" Takang tanong ni Thaddeus.

"Iyong anak ng nagmamay ari nitong Belle Veu Manor."

Gusto niyang tumanggi dahil hindi naman siya interesado sa kuwento ng mga unang taong nagmamay ari dito sa Belle Veu Manor, matagal na panahon na iyon.

"Ito isuot mo." Napakislot si Thaddeus ng may kung anong isinuot sa palapulsuhan niya ang matanda. Pagtingin niya ay isa itong bracelet, may mga bilog na beads na kulay itim.

"Pangontra rin iyan hijo, malalaman mo rin sa tamang panahon. Matagal na kitang hinihintay." Sabi ng matanda sa kanya na ginagap pa ang kamay niya, napipilitang ngumiti si Thaddeus, gusto na niyang tanggalin ang bracelet dahil pakiramdam niya ay parang napapaso ang balat niya rito.

"Ano pong pangalan ninyo?" Wala sa loob na tanong ni Thaddeus.

"Teresa." Tipid na sagot nito sa kanya saka muling ngumiti at humihimig ng isang kanta. Tiningnan ni Thaddeus ng mariin ang matandang si Teresa, nakatingin naman ito sa kawalan at nangingiti.

Hinihintay ni Thaddeus na magkuwento pa ito pero hindi na ito umimik kaya nagpaalam na siya rito na papasok sa loob. Nakalimutan na niya ang bracelet na suot kaya hindi na niya ito natanggal pa.

Si Linda lang ang naabutan ni Thaddeus sa loob ng Mansyon, sinabi nito sa kanya na nag grocery raw sina Mang Alberto at Manang Caridad kasama si Tobias at ang driver nilang si Mang Carding, si Karen naman ay nasa School pa raw.

Sabay na napapitlag sina Thaddeus at Linda ng marinig nila ang sigaw ni lola Teresa, may isinisigaw itong pangalan.

"MARIA! MARIA!"

Tanging iyon ang narinig nila na sigaw ni lola Teresa na animo'y nagpapanic. Akma na sana itong babalikan ni Thaddeus dahil nag alala siya na baka napaano na ito pero pinigilan siya ni Linda.

"Ako na po ang pupunta, sir. Pasensya na kayo sa kanya." Nahihiyang paumanhin ni Linda. Tumango na lamang si Thaddeus.

Hustong pag alis ni Linda papuntang harden ay may narinig na malakas na kalabog si Thaddeus sa taas, para bang lahat ng gamit sa isang silid ay nawasak o natumba lahat. Nagmamadali siyang umakyat sa taas para tingnan kung anong nangyari. Sa silid ni Tobias nanggagaling ang tunog.

Bumuwelo pa siya bago pumasok, mas mabuti ng handa baka kasi may nakapasok na magnanakaw. Mabilisan niyang binuksan ang pinto at itinaas pa niya ang kamao na akmang may susuntukin pero natigilan siya ng makapasok.

Ni isang gamit doon ay walang nabasag o nawasak maliban sa isang black notes or libro ba ito na nahulog yata mula sa bookshelve. Napapailing si Thaddeus na pinulot ang nahulog na kulay black na manipis na libro, tinitimbang niya pa ito sa kamay niya na animo'y baliw dahil hindi niya talaga matanggap na itong libro na ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng malakas na kalabog kanina.

"Mas magaan pa ito sa hangin ah..." Bulong ni Thaddeus sa sarili niya, napapailing nalang siya at akma ng ibabalik ang libro ng makita niya ang nakasulat dito, muling napakunot ang noo niya.

Kahapon nakita niya rin ang libro na ito na may nakasulat na pangalang Maria. Imbes na ibalik ay wala sa loob na binuklat niya ang bawat pahina.

Natigilan siya dahil sulat kamay ang nakasulat doon,isa pala itong notes o mas tamang sabihin na diary, akala niya libro ito.Hindi naman siguro tama na magbasa siya ng diary ng iba,hindi ba? Sa isip isip ni Thaddeus.

Gusto na niya itong ibalik sa bookshelve pero parang may pumipigil sa kanya, napahigpit tuloy ang hawak niya sa diary. Hanggang sa namalayan niya nalang na sinisimulan na niyang basahin ang Talaarawan ni Maria, sa kalagitnaan na siya nagsimula dahil iyon ang unang nahagip ng paningin niya. Ang April 19. April 18 kasi ang birthday niya kaya na curious siya dahil magkasunod ang petsa.

April 19, 1959

06:00 AM

Kahapon  ay ipinagdiwang ko ang ika- labinwalong kaarawan ko. Simula kahapon at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang pagdating ng mga magulang ko. Umaasa ako na buhay pa sila at babalikan nila ako lalo na si Mama na nangako sa akin na babalikan niya ako.

Marangya ang naganap na pagdiriwang ng aking kaarawan, ang daming mga panauhin ng tiyahin ko, ang iba ay mga kasosyo nina Mama at Papa sa negosyo.

Kahit nakangiti akong nakaharap sa kanila ang totoo ay nalulungkot ako. Ang daming nagbigay sa akin ng mga regalo, mga alahas na ginto, perlas at marami pang iba.

Pero ang tanging regalong hinihintay ko ay ang mga magulang ko. Anim na taong gulang pa lang ako ng huling makita sina Mama at Papa kaya nakakalungkot na mag isa nalang ako sa buhay.

Kaninang alas dos ng madaling araw ay binigyan ako ng magandang regalo ng kaibigan kong si Azrael, nagtungo ako sa bahay niya, sa malaking puno sa harden. Napapalibutan ito ng mga alitaptap na walang sawang lumilipad. Sobrang ganda dahil nagliwanag ang buong paligid. Kapag nalulungkot ako ng sobra siya lagi ang takbuhan ko. Masaya siya dahil tumuntong na ako sa edad na desiotso . Sabi niya malaya na daw naming gawin ang aming ninanais.

Gusto niya na lagi kong suot ang kuwentas na ibinigay niya sa akin noong ako ay anim na taong gulang pa lamang. Hindi ko naman siya binigo dahil lagi ko nga itong suot.

Guwapo si Azreal, matangkad, matikas at malaki ang pangangatawan. Siguro lahat ng mga babae ay maghahabol rito pero nakakalungkot nga lang dahil tanging ako lang ang nakakakita sa kanya at ako lang ang nakakasalamuha niya.

Ang sikretong bagay na tanging ako lang ang nakakaalam. Ako lang ang nakakaalam na may isa akong kaibigan na sobrang guwapo na kahit saan ako magpunta ay nakasunod ito sa akin.

Si Azreal ay isang sundalong namatay noon sa unang giyera na nangyari rito sa Pilipinas. Hinihintay niya raw ang babaeng tinatangi ng puso niya pero ng dumating daw ako ay lahat ng hinagpis at pagod sa kakahintay niya ay napawi lahat. Hindi ko siya maintindihan pero masaya ako na naging kaibigan ko siya, nakakasama at nakakasalamuha.

Tanging ako lang din ang nakakausap niya at tanging ako lang ang nakakakita sa kanya. Sobrang bait niya kaya hindi ako natatakot sa kanya. Madalas kasama ko siya sa School kahit pa sabihing nanghihina siya kapag umaalis siya sa Belle Veu Manor. Hindi ko alam kong anong klaseng tao o lalaki si Azreal basta ang alam ko lang kaibigan ko siya simula ng maliit pa ako.

Wala akong masyadong mga kaibigan dahil na rin naiilang sila sa katayuan ng buhay na meron ako. Masyado raw akong mayaman, ganoon lagi ang dinadahilan nila. Kaya natuto akong mag isa na mas lalong nakadagdag sa lungkot ko.

Mahal ako ng mga katiwala rito sa Mansyon, lalo na si tita Olga, ang nag iisang kapatid ni Mama, isa na itong matandang dalaga dahil hindi ito nagkaasawaLahat naman ginawa nila para mapasaya ako pero may kulang talaga sa puso ko, nangungulila ako sa mga magulang ko.

Parang gusto kong umalis sa lugar na ito para kalimutan ang lahat, gusto kong umalis dahil nalulungkot ako sa pagkawala ng mga magulang ko, pero paano si Azreal?

Sasabihin ko rin sa kanya na sa Manila ako magpapatuloy ng kolehiyo, sigurado ako maiintindihan niya. Mabait siya at napakamaintindihin na tao. Alam kong magiging masaya siya para sa akin.

Hanggang dito nalang muna ang talaarawan ko dahil mamaya maaga pa akong papasok sa paaralan.

Maria

Napatigil sa pagbabasa si Thaddeus, bigla siyang napaisip at muling tiningnan ang taon kung kailan ito isinulat, hindi siya makapaniwala na ilang taon na ang nakalipas tapos nandito pa rin ang diary na ito.

And to think of it, ka birthday niya pa ang Maria na ito, April 18 ang birthday. Muling nagbuklat ng ilang pahina si Thaddeus, ang iba ay nilakdawan niya hanggang sa mapadako siya sa isang pahina kung saan mas nakaagaw sa kanyang atensyon.

Napatiim bagang siya at mas lalong napahigpit ang hawak niya sa Talaarawan ni Maria.

Nakasulat kasi sa Talaarawan ni Maria kung anong ginawa ng sinasabi nitong kaibigan na si Azreal sa kanya.

Ayaw na niya itong basahin pa, hindi niya alam kung bakit apektado siya kung tutuusin ay matagal ng panahon  ang nakalipas pero hindi kinaya ng konsensya ni Thaddeus, he wanted to know what really happened to Maria kaya ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

~•~


Related chapters

  • Maria   Chapter 6

    Flashback Year 1959"Senyorita Maria! Nasaan ka ba?" Tawag ni Terry kay Maria, nagtatakbo na naman kasi ito paakyat sa taas, kagagaling lang nila galing sa bayan, sumama si Maria sa kanilang mamili ng mga kakailanganin dito sa Mansyon."Senyorita?" Muling tawag ni Terry kay Maria, nakaakyat na siya sa taas at naririnig niya ang masayang tawa ni Maria, napapailing nalang siya ng maabutan niya itong nakasandal sa pinto ng katapat na silid nito. "Mag ayos na po kayo Senyorita dahil mamaya darating na ang mga panauhin dito sa Manor para sa kaarawan mo." Sabi ni Terry, nakita niya ang pagbala

    Last Updated : 2020-12-05
  • Maria   Chapter 7

    "Ako na po ang bahala rito."Nahintakutang usal ni Maria sa lahat ng mga katiwalang nasa labas ng silid niya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito ng walang kahirap-hirap na binuksan ni Maria ang sariling silid at pumasok. Sinugurado ni Maria na nai-lock niya ang pinto ng silid. Hindi makapaniwala si Maria sa nakikita niya ngayon, parang dinaanan ng bagyo ang loob ng silid niya, napunit ang kumot, ang punda ng unan, ang kurtina ng terrace at madami pang iba. Natutop ni Maria ang bibig at nanlaki ang mga matang napatingin sa kaibigan nitong si Azreal. Puno ng galit ang nakikita niya sa mga mata nito, nakatiim bagang na wari niya'y parang gustong pumatay ng tao. Nalilito siya kung bakit nagawa ito ng kaibigan."A-Azi... " Usal ni Maria sa nanginginig na boses. "Anong ginawa mo?" Dagdag pa ni Maria na halos naitulos sa kinatatayuan. Hindi siya halos makahakbang at lahat ng

    Last Updated : 2020-12-05
  • Maria   Chapter 8

    Lumipas ang dalawang araw na laging wala sa sarili si Maria, balisa at laging lutang. Napapansin na rin ng mga kasama niya sa Mansyon pati na ang Tita Olga niya. "Maria, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Olga sa pamangkin. Kasama niya ito ngayon, dahil araw ng linggo magtutungo sila sa simbahan. Hindi umimik si Maria, nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse.Napabuntong hininga nalang si Olga saka ginagap ang isang kamay ng pamangkin at masuyong hinaplos ito. Inasikaso na niya ang pagluwa

    Last Updated : 2020-12-15
  • Maria   Chapter 9

    Kinabukasan maagang nagising si Maria para makasalo niya sa umagahan ang Tiya Olga niya. Nagpasya na rin siyang hindi na pumasok sa skwelahan."Anong nangyari sa leeg mo hija?" Nakakunot ang noo na puna ni Olga sa leeg ng pamangkin. Mapula ito at para bang sinakal. Nakaramdam siya ng pag-alala."Allergy lang po ito Tiya, okay lang po ako." Mahinang sagot ni Maria saka yumuko. Napansin din ni Olga na nangangalukmata ang pamangkin, parang magdamag itong walang tulog, siguro dahil na rin sa nangyaring aksidente kahapon."Inayos ko na ang mga papeles mo sa School para makalipat ka na pa-Maynila,hij

    Last Updated : 2020-12-15
  • Maria   Chapter 10

    Nagsisigaw at pilit na nagpupumiglas si Maria dahil sa kapangahasan ni Azreal sa kanya. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito sa gusto nitong mangyari."Tama na Azi... Pakiusap huwag mong gawin 'to." Umiiyak na pakiusap niya pero nagkunwari itong walang narinig. "Akin ka lang Maria! Akin ka lang!" Singhal nito sa kanya sabay hablot sa natitirang kasuotan niya hanggang sa wala.ng matirang saplot sa katawan niya."HUWAG!" malakas na tili ni Maria rito, puno ng takot ang boses niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas dahil nakagalaw ang buong katawan niya. Agad niyang itinulak si Azreal, agad siyang bumangon at nagtatakbo

    Last Updated : 2020-12-15
  • Maria   Chapter 11

    Napabalikwas ng bangon si Maria mula sa pagkakahiga dahil sa narinig na sigaw. Agad siyang napatingin sa paligid. Nayakap ang sarili dahil sa sobrang lamig. Muli niyang narinig ang malakas na sigaw ni Terry kaya tuluyan na siyang lumabas sa silid pambisita. Agad siyang nagtungo sa silid niya. Kinakabahan, natatakot at nanginginig ang katawan niyang binuksan ang sariling silid.Nanlaki ang mga mata niya ng makitang sinasakal ni Azreal ang personal niyang tagapag-alaga simula bata pa siya."Terry..." Mahinang usal niya, natutop niya ang bibig. Hindi na nakalapat ang dalawang paa nito sa sahig."S-señorita...t-takbo..." Nahihirapan nitong usal. Tumaas pa ang isang kamay nito sa deriksyon n

    Last Updated : 2020-12-15
  • Maria   Chapter 12

    "Pakiusap detective Roa gawin mo ang makakaya mo para maresolba ang kaso na ito. Na murder ang isa sa katiwala namin, pinagsamantalahan ang pamangkin ko at hanggang ngayon hindi pa namin makausap!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Olga sa isang detective na siyang may hawak sa kaso ni Maria, dalawang araw na ang nakalipas ng matagpuan nilang nakahandusay sa sahig ang katawan ni Terry at nasa banyo naman si Maria, walang malay."Gagawin namin ang lahat Señora Olga para mabigyan ng hustisya ang nangyari." Determinadong saad ni Detective Roa. Matagal na itong nakaalis nanatili pa ring nakaupo sa sala si Olga, palihim siyang umiiyak para sa pamangkin. Inilihim nila ng nangyari kay Maria para hindi ito

    Last Updated : 2020-12-15
  • Maria   Chapter 13

    Ang liham ni Maria para kay Padre Antonio.Padre Antonio,Nais kong magpasalamat sa inyo dahil ninais ninyo akong tulungan sa kabila ng lahat. Ngayon ay kailangan na kailangan ko ang tulong ninyo. Hindi ko na kaya at nahihirapan na ako sa pagpapahirap sa akin ni Azreal. Pilit pa rin akong lumalaban kahit wala na ang mga taong mahal ko.Nais kong malaman ninyo na pinagsawaan na ako ng paulit-ulit ng isang demonyo. Marumi at nakakasuka na akong babae. Hindi ko lubos maisip na kaya rin palang gawin iyon ng isang

    Last Updated : 2020-12-15

Latest chapter

  • Maria   Chapter 30

    Two years later..."Congratulations son, we are so proud of you " Halos magkasabay na turan nina Talia at Daniel kay Thaddeus. Dumating ang mag-asawa kahapon mula sa Pilipinas para um-attend sa photo exhibit ni Thaddeus na ginanap nito mismo sa Gallery Studio sa New York City.Ang daming mga dumalo, halos ang iba ay mga celebrities at mga kilalang tao. Ngumiti si Thaddeus sa kanyang mommy at daddy.Nagka-ayos na ang mga magulang niya, last year lang ay nag-renew ng vows ang dalawa. Masaya siya para sa mga magulang. "Thank you mom and dad, maglibot muna kayo baka may mga portraits kayong magustuhan." Sabi ni Thaddeus sa mga ito saka kumindat. Sa loob ng dalawang taon ay ginugol ni Thaddeus ang sarili sa pagkuha ng mga litratro na galing sa iba't ibang bansa. May mga kuha rin siyang magagandang portraits. Naiwan si Thaddeus sa

  • Maria   Chapter 29

    Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden. Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin. Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa. Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon. "Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.

  • Maria   Chapter 28

    "Thaddeus, are you sure about it?" Nag-aalalang tanong ni Talia sa anak. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng makalabas ito sa ospital. Inaayos nito ang mga gamit sa bag pack. Magmula ng gumaling ito galing comatose ay napapansin niyang iba na ang kinikilos nito.Minsan nakikitaan ni Talia ang anak na nakatitig lang sa kawalan. Minsan ay napapasukan niya ito sa silid na tinatawag ang pangalang Maria habang tulog ito. She wanted to ask him who Maria is pero mas pinili niya nalang na itikom ang mga bibig. "Yes,mom." Tipid na sagot ni Thaddeus sa ina."Baka mapahamak ka ulit." "Mom, i will be fine." Napabuntong hininga si Talia, pinagpipilitan talaga ni Thaddeus na bumalik sa Legazpi,Albay. Babalikan niya raw ang Belle Veu Mansion dahil madami pa raw itong aasikasuhin doon.Puno ng pangamba ang puso niya pero wala siyang magawa. Hindi niya ito ma

  • Maria   Chapter 27

    Present TimeYear 2018Kasalukuyang nasa sala si Talia nagbabasa ng magazine habang hinihintay si Daniel, kauuwi lang nito galing sa trabaho at naisipang maglinis muna ng katawan bago sila pumunta sa ospital.Napapitlag si Talia ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya."Mrs. Ambrosio, your son is awake.""Really?" Hindi makapaniwalang usal ni Talia, halos panawan siya ng ulirat sa narinig. "Yes ma'am. Na-check na rin po namin ang inyong anak at okay na po siya."

  • Maria   Chapter 26

    "Damn it!" Muling palatak ni Thaddeus sa sarili, ilang beses na niyang sinubukan na umakyat pabalik sa itaas ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na makapitan at mahawakan.Panay mura na siya sa sarili at ang utak niya ay tumatakbo kay Maria. Iniisip niya kung ano na ang nangyayari rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa sarili ng maisip na baka huli na siya. Baka kasama na nito ngayon ang demonyong si Azreal at nagpakasawa sa katawan ni Maria."This is bullshit!" Sigaw niya. He was beyond frustrated. Sinisi niya ang sarili kung bakit nahulog siya sa patibong na ito. Sa ngayon ay kailangan niya ng milagro.Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala naman siyang suot na relo maliban sa itim na pulseras! Nawawalan na siya ng pag-asa ng may biglang humagis sa kanya, isang lubid ang inihagis.Napasinghap siya sa gulat at tuwa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, hinawakan na niya ang lubi

  • Maria   Chapter 25

    Mahal kong Thaddeus,Hindi na kita hinintay pa na magising ka, alam kong mahihirapan akong magpaalam sayo dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. Patawad kong mag-isa ka nalang na magtutungo sa malaking balon. Hindi mo na ako kasama. Iniwan ko ang pulseras mo para ma-protektahan ka. Pati ang kuwentas, ikaw na ang maghulog sa balon. Maglakbay ka na kung kaya na ng katawan mo pero kung hindi pa ay huwag mo ng pilitin. Umalis ako para linlangin si Azreal, habang ginagawa ko iyon ay malaya kang makapaglakbay na walang panganib o sagabal. Ako lang naman ang kailangan niya kaya ako lang ang susundan niya. Sana pareho tayong magtagumpay bago

  • Maria   Chapter 24

    Nagpapalag si Maria at pilit na kumakawala sa pagkakasakal ni Azreal sa kanya. Umilaw ang suot niyang pulseras saka nag-umpisang umusok ang katawan ni Azreal. Para itong napaso ng bigla siya nitong bitawan at lumayo sa kanya. Muli siyang napaluhod sa lupa. Mas lalong nanlilisik ang mga mata nito dahil sa sobrang galit. Pati na ang anyo nito ay sa sobrang galit ay unti-unti ng nag-iiba.Nasisindak siya sa nakikita niyang anyo nito. Hinahaplos niya ang kanya leeg na para bang tinatanggalan niya ng bara sa lalamunan. "Na sa'yo ang pulseras na iyan?!" Galit na singhal nito sa kanya. "Hubarin mo iyan!!" Nanggagalaiting utos nito sa kanya."Tigilan mo na ako! Demonyo ka layuan mo ako!" Ganting singhal niya rito ng makabawi na siya ng lakas. Tumayo na rin siya at lakas loob na hinarap ito."Kahit kailan ay hindi ako mapapasaiyo! Iisang tao lang ang nagmamay-ari sa akin ngayon at walang iba '

  • Maria   Chapter 23

    "Hanggang dito na lang po tayo Señorita." Ani ng driver sa sasakyan ng ihinto sila sa may bukana ng bundok, papasok ito at madaming puno sa gilid ng daanan. May mga iba't-ibang klaseng damuhan at halaman."Salamat po." Pasasalamat ni Maria rito. Sabay sila ni Thaddeus na bumaba sa sasakyan. "Mag-iingat po kayo." Sabi ng driver sa kanila, nginitian niya lang ito bilabg tugon sa sinabi nito.Muling hinawakan ni Thaddeus ang kamay niya saka sabay na silang naglakad papasok sa bukana ng bundok. Alam ni Maria na madalang lang ang mga umaakyat sa bundok Himalaya, ang iba ay kapag nagpapadasal ang mga ito o kaya ay nagpapagamot. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng ibon at mga tuyong damo na naapakan nila ang naririnig nilang ingay.Tahimik lang din sila ni Thaddeus at kapwang mabibilis ang mga hakbang nila na para bang takot na maabutan ng gabi sa daan.Bawat malalaki

  • Maria   Chapter 22

    Hindi alam ni Thaddeus kung bakit mag-uumaga na ay hindi pa rin siya makatulog. Gusto niyang puntahan si Maria sa silid nito pero nagdadalawang isip siya. Alam kong iniiwasan ako nito kaya dapat iwasan niya rin dahil siguradong pareho silang dalawa masasaktan sa bandang huli. Masaya siya na ibinigay nito ang sarili sa kanya. Habang panahon niya iyong pangangalagaan sa puso niya. Sana hindi na siya makabalik–Napukaw siya sa kanyang pag-iisip ng marinig niya ang malakas na sigaw ni Maria. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at nagmamadaling lumabas sa silid. Humahangos siyang nakarating sa labas ng pinto sa silid ni Maria. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya mabuksan. Kinalabog niya na ito pero wala pa ring nangyari, napansin niyang umiilaw ang pulseras niyang suot. Mas lalo siyang kinabahan dahil nagpapahiwatig lang ito na nadito si Azreal! Ubod lakas niyang sinipa ang pintuan, bumukas ito at

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status