"Ako na po ang bahala rito."
Nahintakutang usal ni Maria sa lahat ng mga katiwalang nasa labas ng silid niya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito ng walang kahirap-hirap na binuksan ni Maria ang sariling silid at pumasok.
Sinugurado ni Maria na nai-lock niya ang pinto ng silid. Hindi makapaniwala si Maria sa nakikita niya ngayon, parang dinaanan ng bagyo ang loob ng silid niya, napunit ang kumot, ang punda ng unan, ang kurtina ng terrace at madami pang iba. Natutop ni Maria ang bibig at nanlaki ang mga matang napatingin sa kaibigan nitong si Azreal.
Puno ng galit ang nakikita niya sa mga mata nito, nakatiim bagang na wari niya'y parang gustong pumatay ng tao. Nalilito siya kung bakit nagawa ito ng kaibigan.
"A-Azi... " Usal ni Maria sa nanginginig na boses. "Anong ginawa mo?" Dagdag pa ni Maria na halos naitulos sa kinatatayuan. Hindi siya halos makahakbang at lahat ng balahibo niya sa katawan ay nagtayuan. Bumangon ang takot at kaba sa dibdib.
"May bisita ka?" Malamig ang boses na turan ni Azreal kay Maria.
"K-kaibigan ko, binisita ako. Bakit mo ginawa ito? May problema ka ba?" Pilit na pinapatatag ni Maria ang boses. Nanginginig ang mga tuhod na humakbang siya palapit sa kama at naupo doon dahil hindi na niya kayang tumayo pa ng matagal, pakiramdam niya ay mabubuway siya sa kinatatayuan.
"Akala ko ba ako lang ang kaibigan mo,Maria? Akala ko ba sa akin ka lang?!" Asik ni Azreal kay Maria, napasinghap naman ang dalagita at mabilis na tumayo sa pagkakaupo, ang takot sa dibdib niya ay napalitan ng galit.
"Ano bang pinagsasabi mo Azi? Kaibigan kita pero hindi mo mapipigilan na makatagpo pa ako ng mga ibang kaibigan. Walang nagmamay-ari sa akin kundi ako lang!" Asik ni Maria kay Azi, napapansin ni Maria na nagiging sakim ito sa kanya at tila ba ayaw nitong malayo siya rito. Paano nalang kapag nag-aral na siya pa Maynila? Ano nalang ang magiging reaksyon nito?
Binalingan siya ni Azi at katakot-takot na tingin ang ipinukol nito sa kanya, gustong matakot ni Maria sa nanlilisik na tingin nito pero pinanatili niyang huwag magpaapekto rito dahil wala naman itong karapatang maging sakim sa kanya.
"At saka pupunta na ako ng Maynila Azi, doon na ako mag-aaral." Sabi ni Maria, napasinghap siya sa reaksyon nito, biglang nagbago at isang kisap mata niya lang ay nasa harapan niya na ito.
Sinasakal siya!
"A-Azi! Bitiwan mo ako..." Pilit ang mga katagang binitiwan ni Maria, mahigpit na nakapulupot ang isang kamay nito sa leeg niya. Pakiramdam ni Maria ay kinakapos na siya ng hininga.
"Hindi ka aalis Maria! Hindi mo ako puweding iwan!" Asik ni Azi sa kanya na mas lalong humigpit ang pagkakasakal sa kanya. Tumataas na ang paa niya sa sahig, malakas na isinandal ni Azi ang likuran ni Maria sa may pintuan. Napangiwi ang dalaga dahil sa lakas ng pagkakasandal nito sa kanya, idagdag pa na ang mga paa niya ay hindi na lumalapat sa sahig. Nahihirapan siya!
"N-nasasaktan ako Azi! B-bitiwan–"
Bigla siyang binitiwan ni Azreal at kasabay noon ang pagbagsak niya sa sahig,sapo ang sariling leeg, napapaubo pa siya. Hindi makapaniwala si Maria na magagawa ito ni Azreal sa kanya.
Hindi pa siya nakakabawi ay naramdaman niya nalang na biglang umangat ang katawan niya at pabalyang siya nitong inihagis sa kama. Sa gulat ay napasigaw siya. Buti nalang ay malambot ang kama.
"Tama na! " Asik ni Maria saka pinilit na makatayo. Nanginginig ang buong katawan niya sa nakikitang anyo ng kaibigan.
"Tandaan mo Maria! Akin ka lang! Hindi mo ako puweding iwan!" Nanlilisik ang mga matang angil ni Azreal sa kanya habang mahigpit na hawak nito ang dalawa niyang pisngi.
Hindi siya nakaimik hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya. Nanghihina ang buong katawan na napaupo sa kama si Maria at walang anu-ano'y sumigaw ng malakas.
Kinabukasan pinatawag ni Olga ang doctor para patingnan si Maria, kagabi pa mataas ang lagnat nito at hindi nila makausap.
Naabutan nila ito kahapon sa silid na nagsisigaw at umiiyak, magulo ang silid nito na para bang may nagwala at lahat ng gamit ay sinira.
"Wala pa ba ang doctor?" Nag-aalala na tanong ni Olga kay Terry, palakad-lakad si Olga sa silid ng pamangkin, hindi mapakali at puno ng pag-aalala ang mababanaag sa mukha.
"Wala pa po señora pero sabi ni Matilda parating na raw." Saad ni Terry na ang tinutukoy na nagsabi ay ang isa pang katiwala sa mansyon.
Nakahinga ng maluwang si Olga at muling ibinaling ang tingin sa natutulog na pamangkin. Namumutla ito.
Pinahalughog na niya ang buong Belle Veu Manor kahapon sa pag-aakalang may mga magnanakaw na nakapasok pero ni isa ay wala silang nahuli o nakita.
"Señora! Señora Olga!"
Ang humahangos na boses ni Matilda ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Olga. Lumingon siya rito, puno ng pag-aalala ang nakabalatay sa mukha nito.
"Mukhang hindi po makakarating ang manggagamot dahil naaksidente po ang sinasakyan nito." Nag-aalalang turan ni Matilda.
Nag-iisa lang ang doctor nila sa bayan kaya mas lalong nag-alala si Olga, bumuntong-hininga siya at nagsalita.
"Ipahanda mo ang kotse sa driver,Matilda. Luluwas tayo sa Syudad. Doon natin dadalhin si Maria." Kalmanteng utos ni Olga.
"Opo Señora."
Pagkalabas nina Matilda at Terry sa silid, masuyong hinaplos ni Olga ang pisngi ng pamangkin. Namumutla si Maria at mainit. Si Maria nalang ang tanging ala-alang iniwan nilg kapatid niya, si Ingrid ang ina ni Maria. Kaya itinuring na niyang tunay na anak ang pamangkin.
Lumipas ang ilang minuto,bumalik na sa silid si Matilda. Hindi ito mapakali.
"Señora, ayaw pong umandar ang dalawang sasakyan. Wala naman pong sira pero hindi po umaandar. Hindi alam ng driver kung anong nangyari pero kasalukuyan niyang sinusuri ang sasakyan ngayon." Puno ng pag-alala abg boses ni Matilda.
Napapikit si Olga,ayaw niyang mabulyawan ang kaharap dahil sa sobrang inis sa sitwasyon ngayon. Magsasalita na sana siya ng may biglang humawak sa kamay niya.
"Tita Olga..." Mahinang usal ni Maria.
"Diyos ko! Maria, kumusta ang pakiramdam mo? Dadalhin ka namin ngayon sa ospital." Natatarantang sabi ni Olga ngunit umiling si Maria.
"Huwag na po, magiging maayos din ang pakiramdam ko."
"Pero hija–"
"Pahingi ng tubig..." Nahihirapang usal ni Maria. Si Matilda na ang nag-abot ng isang basong tubig, mabilis ang naging kilos nito sa pagsalin ng tubig sa baso mula sa pitsel na nakapatong sa study table ni Maria.
"Dahan-dahan." Sabi ni Olga na inalalayan si Maria na makaupo at makainom ng tubig.
"Magpapahinga lang ako tita Olga, huwag kang mag-alala, maayos ang kalagayan ko." Pilit ang ngiting ibinigay ni Maria sa kanila at muling pumikit.
Nanghihina ang buong katawan niya, siguro dahil sa sobrang takot na rin at pagkasindak dahil sa ginawa ni Azreal sa kanya. Pero hindi siya padadaig dito, ngayon pa na alam na niya ang tunay na motibo nito.
~•~
Lumipas ang dalawang araw na laging wala sa sarili si Maria, balisa at laging lutang. Napapansin na rin ng mga kasama niya sa Mansyon pati na ang Tita Olga niya. "Maria, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Olga sa pamangkin. Kasama niya ito ngayon, dahil araw ng linggo magtutungo sila sa simbahan. Hindi umimik si Maria, nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse.Napabuntong hininga nalang si Olga saka ginagap ang isang kamay ng pamangkin at masuyong hinaplos ito. Inasikaso na niya ang pagluwa
Kinabukasan maagang nagising si Maria para makasalo niya sa umagahan ang Tiya Olga niya. Nagpasya na rin siyang hindi na pumasok sa skwelahan."Anong nangyari sa leeg mo hija?" Nakakunot ang noo na puna ni Olga sa leeg ng pamangkin. Mapula ito at para bang sinakal. Nakaramdam siya ng pag-alala."Allergy lang po ito Tiya, okay lang po ako." Mahinang sagot ni Maria saka yumuko. Napansin din ni Olga na nangangalukmata ang pamangkin, parang magdamag itong walang tulog, siguro dahil na rin sa nangyaring aksidente kahapon."Inayos ko na ang mga papeles mo sa School para makalipat ka na pa-Maynila,hij
Nagsisigaw at pilit na nagpupumiglas si Maria dahil sa kapangahasan ni Azreal sa kanya. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito sa gusto nitong mangyari."Tama na Azi... Pakiusap huwag mong gawin 'to." Umiiyak na pakiusap niya pero nagkunwari itong walang narinig. "Akin ka lang Maria! Akin ka lang!" Singhal nito sa kanya sabay hablot sa natitirang kasuotan niya hanggang sa wala.ng matirang saplot sa katawan niya."HUWAG!" malakas na tili ni Maria rito, puno ng takot ang boses niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas dahil nakagalaw ang buong katawan niya. Agad niyang itinulak si Azreal, agad siyang bumangon at nagtatakbo
Napabalikwas ng bangon si Maria mula sa pagkakahiga dahil sa narinig na sigaw. Agad siyang napatingin sa paligid. Nayakap ang sarili dahil sa sobrang lamig. Muli niyang narinig ang malakas na sigaw ni Terry kaya tuluyan na siyang lumabas sa silid pambisita. Agad siyang nagtungo sa silid niya. Kinakabahan, natatakot at nanginginig ang katawan niyang binuksan ang sariling silid.Nanlaki ang mga mata niya ng makitang sinasakal ni Azreal ang personal niyang tagapag-alaga simula bata pa siya."Terry..." Mahinang usal niya, natutop niya ang bibig. Hindi na nakalapat ang dalawang paa nito sa sahig."S-señorita...t-takbo..." Nahihirapan nitong usal. Tumaas pa ang isang kamay nito sa deriksyon n
"Pakiusap detective Roa gawin mo ang makakaya mo para maresolba ang kaso na ito. Na murder ang isa sa katiwala namin, pinagsamantalahan ang pamangkin ko at hanggang ngayon hindi pa namin makausap!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Olga sa isang detective na siyang may hawak sa kaso ni Maria, dalawang araw na ang nakalipas ng matagpuan nilang nakahandusay sa sahig ang katawan ni Terry at nasa banyo naman si Maria, walang malay."Gagawin namin ang lahat Señora Olga para mabigyan ng hustisya ang nangyari." Determinadong saad ni Detective Roa. Matagal na itong nakaalis nanatili pa ring nakaupo sa sala si Olga, palihim siyang umiiyak para sa pamangkin. Inilihim nila ng nangyari kay Maria para hindi ito
Ang liham ni Maria para kay Padre Antonio.Padre Antonio,Nais kong magpasalamat sa inyo dahil ninais ninyo akong tulungan sa kabila ng lahat. Ngayon ay kailangan na kailangan ko ang tulong ninyo. Hindi ko na kaya at nahihirapan na ako sa pagpapahirap sa akin ni Azreal. Pilit pa rin akong lumalaban kahit wala na ang mga taong mahal ko.Nais kong malaman ninyo na pinagsawaan na ako ng paulit-ulit ng isang demonyo. Marumi at nakakasuka na akong babae. Hindi ko lubos maisip na kaya rin palang gawin iyon ng isang
Year 1959Humihingal si Thaddeus na binuksan ang pinto kung saan nanggagaling ang sigaw. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang babaeng hubo't hubad na nakayakap sa sarili, nakasalampak ito sa sahig. On an instinct, agad na nagtungo sa kama si Thaddeus at hinablot ang kumot saka itinakip sa hubad na katawan ng babaeng umiiyak.Thaddeus heart skip a beat when the woman hug her so tight while she's still crying so hard. He can smell her addicting scent and he can feel her body so soft and delicate. Napalunok si Thaddeus sa kakaibang nararamdaman niya. Marami ng babaeng yumakap sa kanya pero kailanman ay hindi siya naapektuhan ng katulad ngayon. "Mahabagin!" Bulalas
Atubiling tinanggap ni Maria ang nakalahad na kamay ni Thaddeus. Matamis na ngumiti si Thaddeus rito saka mahigpit na ginagap ang palad ni Maria. Hinila na niya ito palabas ng Mansyon kasabay ng biglaang pagdilim ng kalangitan tila nagbabadya na may malakas na ulan na paparating. "S-sandali lang–" Pigil ni Maria kay Thaddeus, nag-iinit ang pisngi niya dahil sa pagkakahawak ni Thaddeus sa palad niya. Pakiramdam niya may bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya. Naihaplos niya ang isang kamay sa pisngi."Bakit?" Nagtatakang binalingan ni Thaddeus si Maria, napansin niya ang pagba-blush nito. Lihim siyang napamura dahil maski siya ay nahiya rin. Noong unang panahon hindi mo pala basta-basta hinahawakan ang isang babae, nasabi niya sa isipan. Gusto niyang bitawan ang kamay nito pero natatakot siya na baka mawala ito sa kanya. Feeling niya safe ito kapag hawak niya.D
Two years later..."Congratulations son, we are so proud of you " Halos magkasabay na turan nina Talia at Daniel kay Thaddeus. Dumating ang mag-asawa kahapon mula sa Pilipinas para um-attend sa photo exhibit ni Thaddeus na ginanap nito mismo sa Gallery Studio sa New York City.Ang daming mga dumalo, halos ang iba ay mga celebrities at mga kilalang tao. Ngumiti si Thaddeus sa kanyang mommy at daddy.Nagka-ayos na ang mga magulang niya, last year lang ay nag-renew ng vows ang dalawa. Masaya siya para sa mga magulang. "Thank you mom and dad, maglibot muna kayo baka may mga portraits kayong magustuhan." Sabi ni Thaddeus sa mga ito saka kumindat. Sa loob ng dalawang taon ay ginugol ni Thaddeus ang sarili sa pagkuha ng mga litratro na galing sa iba't ibang bansa. May mga kuha rin siyang magagandang portraits. Naiwan si Thaddeus sa
Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden. Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin. Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa. Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon. "Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.
"Thaddeus, are you sure about it?" Nag-aalalang tanong ni Talia sa anak. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng makalabas ito sa ospital. Inaayos nito ang mga gamit sa bag pack. Magmula ng gumaling ito galing comatose ay napapansin niyang iba na ang kinikilos nito.Minsan nakikitaan ni Talia ang anak na nakatitig lang sa kawalan. Minsan ay napapasukan niya ito sa silid na tinatawag ang pangalang Maria habang tulog ito. She wanted to ask him who Maria is pero mas pinili niya nalang na itikom ang mga bibig. "Yes,mom." Tipid na sagot ni Thaddeus sa ina."Baka mapahamak ka ulit." "Mom, i will be fine." Napabuntong hininga si Talia, pinagpipilitan talaga ni Thaddeus na bumalik sa Legazpi,Albay. Babalikan niya raw ang Belle Veu Mansion dahil madami pa raw itong aasikasuhin doon.Puno ng pangamba ang puso niya pero wala siyang magawa. Hindi niya ito ma
Present TimeYear 2018Kasalukuyang nasa sala si Talia nagbabasa ng magazine habang hinihintay si Daniel, kauuwi lang nito galing sa trabaho at naisipang maglinis muna ng katawan bago sila pumunta sa ospital.Napapitlag si Talia ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya."Mrs. Ambrosio, your son is awake.""Really?" Hindi makapaniwalang usal ni Talia, halos panawan siya ng ulirat sa narinig. "Yes ma'am. Na-check na rin po namin ang inyong anak at okay na po siya."
"Damn it!" Muling palatak ni Thaddeus sa sarili, ilang beses na niyang sinubukan na umakyat pabalik sa itaas ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na makapitan at mahawakan.Panay mura na siya sa sarili at ang utak niya ay tumatakbo kay Maria. Iniisip niya kung ano na ang nangyayari rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa sarili ng maisip na baka huli na siya. Baka kasama na nito ngayon ang demonyong si Azreal at nagpakasawa sa katawan ni Maria."This is bullshit!" Sigaw niya. He was beyond frustrated. Sinisi niya ang sarili kung bakit nahulog siya sa patibong na ito. Sa ngayon ay kailangan niya ng milagro.Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala naman siyang suot na relo maliban sa itim na pulseras! Nawawalan na siya ng pag-asa ng may biglang humagis sa kanya, isang lubid ang inihagis.Napasinghap siya sa gulat at tuwa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, hinawakan na niya ang lubi
Mahal kong Thaddeus,Hindi na kita hinintay pa na magising ka, alam kong mahihirapan akong magpaalam sayo dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. Patawad kong mag-isa ka nalang na magtutungo sa malaking balon. Hindi mo na ako kasama. Iniwan ko ang pulseras mo para ma-protektahan ka. Pati ang kuwentas, ikaw na ang maghulog sa balon. Maglakbay ka na kung kaya na ng katawan mo pero kung hindi pa ay huwag mo ng pilitin. Umalis ako para linlangin si Azreal, habang ginagawa ko iyon ay malaya kang makapaglakbay na walang panganib o sagabal. Ako lang naman ang kailangan niya kaya ako lang ang susundan niya. Sana pareho tayong magtagumpay bago
Nagpapalag si Maria at pilit na kumakawala sa pagkakasakal ni Azreal sa kanya. Umilaw ang suot niyang pulseras saka nag-umpisang umusok ang katawan ni Azreal. Para itong napaso ng bigla siya nitong bitawan at lumayo sa kanya. Muli siyang napaluhod sa lupa. Mas lalong nanlilisik ang mga mata nito dahil sa sobrang galit. Pati na ang anyo nito ay sa sobrang galit ay unti-unti ng nag-iiba.Nasisindak siya sa nakikita niyang anyo nito. Hinahaplos niya ang kanya leeg na para bang tinatanggalan niya ng bara sa lalamunan. "Na sa'yo ang pulseras na iyan?!" Galit na singhal nito sa kanya. "Hubarin mo iyan!!" Nanggagalaiting utos nito sa kanya."Tigilan mo na ako! Demonyo ka layuan mo ako!" Ganting singhal niya rito ng makabawi na siya ng lakas. Tumayo na rin siya at lakas loob na hinarap ito."Kahit kailan ay hindi ako mapapasaiyo! Iisang tao lang ang nagmamay-ari sa akin ngayon at walang iba '
"Hanggang dito na lang po tayo Señorita." Ani ng driver sa sasakyan ng ihinto sila sa may bukana ng bundok, papasok ito at madaming puno sa gilid ng daanan. May mga iba't-ibang klaseng damuhan at halaman."Salamat po." Pasasalamat ni Maria rito. Sabay sila ni Thaddeus na bumaba sa sasakyan. "Mag-iingat po kayo." Sabi ng driver sa kanila, nginitian niya lang ito bilabg tugon sa sinabi nito.Muling hinawakan ni Thaddeus ang kamay niya saka sabay na silang naglakad papasok sa bukana ng bundok. Alam ni Maria na madalang lang ang mga umaakyat sa bundok Himalaya, ang iba ay kapag nagpapadasal ang mga ito o kaya ay nagpapagamot. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng ibon at mga tuyong damo na naapakan nila ang naririnig nilang ingay.Tahimik lang din sila ni Thaddeus at kapwang mabibilis ang mga hakbang nila na para bang takot na maabutan ng gabi sa daan.Bawat malalaki
Hindi alam ni Thaddeus kung bakit mag-uumaga na ay hindi pa rin siya makatulog. Gusto niyang puntahan si Maria sa silid nito pero nagdadalawang isip siya. Alam kong iniiwasan ako nito kaya dapat iwasan niya rin dahil siguradong pareho silang dalawa masasaktan sa bandang huli. Masaya siya na ibinigay nito ang sarili sa kanya. Habang panahon niya iyong pangangalagaan sa puso niya. Sana hindi na siya makabalik–Napukaw siya sa kanyang pag-iisip ng marinig niya ang malakas na sigaw ni Maria. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at nagmamadaling lumabas sa silid. Humahangos siyang nakarating sa labas ng pinto sa silid ni Maria. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya mabuksan. Kinalabog niya na ito pero wala pa ring nangyari, napansin niyang umiilaw ang pulseras niyang suot. Mas lalo siyang kinabahan dahil nagpapahiwatig lang ito na nadito si Azreal! Ubod lakas niyang sinipa ang pintuan, bumukas ito at