"Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung hinahawakan ako," mahina ngunit mariin kong sambit sa kaniya.
Tila nabigla naman siya sa sinabi kong 'yon kaya natahimik siya at may bakas ng takot sa kaniyang mga mata. Marahan ko siyang binitawan sa kamay at saka naman siya napatayo na may guhit ng kunot sa kaniyang noo.Hindi ko na lang siya gaanong pinansin at uminom na lang ako sa alak na nasa harapan ko ngayon.Umalis ito at palingon-lingon pa sa kinaroroonan ko pero binabalewala ko lang 'yon, nang may muling lumapit sa akin na babae at nakatayo sa aking harapan.Binaba ko saglit ang hawak kong bote ng alak at siyaka siya inangat ng tingin.Laking gulat ko na lamang nang mapagtanto ko na si Shaina pala yung babaeng nasa harapan ko ngayon.Siya 'yon. Ang babaeng sumagasa kay Alona. Bulong ko sa aking isipan.Gusto ko sanang alamin mula sa kaniya kung bakit niya iyon ginawa sa kaniya?Kung dala lang din naman ng selos o emosyon, h"What the hell is that?" saad ko sa aking sarili na may bakas ng pagtataka sa aking mukha.Apurahan akong lumabas ng bahay at tumungo sa bakuran upang suriin ng mas malapitan ang nakakapangilabot na nakita ko kanina mula sa bintana.Limang hakbang na lang sana at malalapitan ko na ito nang bigla akong matigilan at mahinto sa paglalakad. Lumubog kasi yung isang paa ko sa lupa at laking pagtataka ko na lamang kung bakit parang may nakabaon sa lupang kinatatayuan ko ngayon. Umatras ako saglit at maigi itong pinagmasdan. Nilibot ko ng tingin ang buo kong paligid at nakahanap ako ng isang pala na gagamitin kong panghukay sa lupang iyon.Kinuha ko ito kaagad at walang pag-aalinlanganang hinukay ito.Wala pa sa kalagitnaan yung nahuhukay ko pero bumungad na kaagad sa aking paningin ang isang bagay na hindi ko inaasahang makita, isang pugot na ulo. Halos napahiyaw ako ng malakas at napaupo na lang bigla sa lupa.Ano bang klaseng halimaw ang pam
Sa tulong ni Vyn ay kaagad ding naimbestigahan ang lokasyon na dating tinitirahan ng mga Andrada. Kasalukuyan akong nasa loob ng aking sasakyan at palihim na nakamasid sa isinasagawang imbestigasyon. Wala akong balak na makialam sa kanila o magpakita man lang dahil alam kong kukwestyunin nila ako kung bakit ako nandito o kung ano ang ginagawa ko sa nasabing crime scene.Mula sa hindi kalayuan ay napansin ko si Vyn na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Pasimple muna niyang nilibot ng tingin ang buong paligid, bago siya pumasok sa loob ng aking sasakyan."Anong balita?" bungad kong tanong sa kaniya nang makasakay na siya sa loob."Nahanap namin si Nash," aniya na ikinagulat ko naman."Huh? ano ang ibig mong sabihin?" usisa ko na may bakas ng pagtataka sa aking mukha."Natrace ang katawan niya na nakabaon sa lupa. At hindi lang 'yon," huminto siya saglit sa pagsasalita at may inabot siya sa aking cellphone.Makikita sa
Nasa loob lang ako ng sasakyan habang nag-aabang sa pagbabalik ni Vyn. Ilang minuto lang ay natanaw ko na siya mula sa labas ng presinto.Pasimple muna itong tumitingin sa kaniyang paligid bago siya pumasok sa loob ng sasakyan ko."Hindi ka pa pala umaalis," bungad nitong sabi sa akin nang makapasok na siya sa loob."Hinihintay talaga kita," sabay pinaandar ko ang sasakyan at nilisan ang lugar na iyon."Sandali nga lang, saan mo ko balak dalhin?" aniya na may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha."Sa lugar kung saan nagtatrabaho ang magkapatid (sina Shaina at Aubrey.)" Ang tinugon ko naman sa kaniya at saka hinarurot ang aking pagmamaneho."Teka lang, hindi naman siguro nagmamadali no?" usisa niya habang mahigpit siyang nakakapit sa upuan niya."Maraming oras na akong sinayang kaya dapat mahanap ko na kaagad ang babaeng 'yon," ang isinaad ko sa kaniya.Wala pang isang oras ay nakarating kami kaagad sa nasabing lu
Halos bumaligtad ang sikmura ko sa ginawang panghahalik ni Vyn sa akin. Naitulak ko rin naman siya kaagad at mabilis na umiwas sa kaniya.Sa lakas ng pagkakatulak ko sa kaniya ay nabitawan niya ang hawak niyang baril at napaupo na lamang sa sahig.Naisip kong iyon na aking pagkakataon para maagaw sa kaniya ang baril na iyon at hindi naman ako nabigo.Dahil bago pa man niya ito makuha ay naunahan ko na siya kaagad."Ivan," aniya na may bakas ng takot sa kaniyang mukha.Nakatingala siya sa akin habang tinututukan ko naman siya ng baril."Sabihin mo sa akin, ano ang kinalaman mo rito at ano ang mga alam mo?" mahina ngunit madiin kong tanong sa kaniya.Tinaas naman niya pareho ang dalawang kamay niya at halata sa mga mata niya na may iba pa siyang itinatago sa akin."Wa... wala. Wala akong alam sa mga sinasabi, Ivan. At saka nakalimutan mo na ba? matalik tayong magkaibigang dalawa kaya alam kong hindi
Habang nagpapahinga ako sa loob ng sasakyan ko ay bigla akong naalimpungatan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon.Napamulat ako ng mata at kaagad itong hinugot sa aking bulsa. Nakita ko na nakatanggap ako ng dalawang mensahe mula sa unknow number. Binuksan ito at laking gulat ko na lamang nang mapagtanto na nanggaling pala ang mensaheng iyon kay Mira.(Puntahan mo ako sa address na ito; Mira) ang nakasaad sa unang mensaheng ipinadala niya at yung pangalawang mensahe naman ay naglalaman ng lokasyon o address kung nasaan siya naroroon.Hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo at pinuntahan ko kaagad ang lokasyon na pinadala niya sa akin.Medyo may kalayuan ang lugar na iyon at dahil nasa karatig itong probinsya, kung saan siya kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa isang private hospital, kung kaya't umabot ako ng tatlong oras bago ko marating ang nasabing lugar.Huminto ako
Apurahan akong lumapit sa kaniya pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at bigla na lang umiikot ang buong paligid ko.Napaluhod na lang ako at mabilis na bumagsak sa sahig.Ang huling pagkaalala ko ay may sinasabi siya sa akin ngunit hindi ko naman marinig at pagkatapos non ay bigla na lang pumikit ang aking mga mata.Nang magkamalay na ako ay nadatnan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa 'di pamilyar na kuwarto.Bumagon rin ako kaagad at ramdam ko ang bigat mula sa likod ng aking ulo dahil sa pagkakabagsak ko kanina.Bumukas naman bigla yung pintuan at pumasok sa loob si Mira na may bitbit na isang baso ng tubig.Tipong tatayo na sana ako nang matigilan ako at napagtanto na nakaposas pala ang isang kamay ko sa kama."Mina," tawag ko sa pangalan niya na may bakas ng pagtataka sa aking mukha."Pasensya na, Ivan. Kailangan ko itong gawin para sa sarili
Sa kalagitnaan ng pagtakas naming dalawa ay may bigla na lang huminto at humarang na dalawang itim na van sa dinaraanan namin.Pinilit kong umatras at umabante para lang malusutan ang mga humahabol sa amin. Pero sa dami nila ay hindi ko sila napigilan at hindi ako nakagawa kaagad ng paraan para matakasan sila.Bumaba ang mahigit sampung armadong lalaki mula sa dalawang van na iyon at saka sapilitang pinababa sa loob ng aking sasakyan.Hinigit nila ako sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng sasakyan.Nakatakip ng itim na maskara ang mga bibig nila kung kaya't hindi ko sila namukahan isa-isa. Wala pa ring malay si Mira nang isakay siya sa kabilang sasakyan at sa kabilang van na iyon ay may napansin akong isang lalaki na nakaupo sa tabi ng driver seat habang nakamaskara ang buong mukha nito.Kapansin-pansin ang maskarang suot niya dahil siya lamang ang natatangging may kakaibang maskara sa kanila at bukod pa roon ay may kutob ak
Maingat akong pumasok sa loob ng exit stairs at dahan-dahan itong isinara. Mula sa ikalawang palapag ay may naririnig akong boses ng isang lalaki na animoy may kinakausap sa cellphone niya."Huwag po kayong mag-alala at ako po ang bahala sa lahat, Dad." Ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya sabay binabaan na niya ito ng tawag.Dad? ibig sabihn, tatay pala niya yung kausap niya?Bulong ko mula sa aking isipan."Hay naku, kung anu-ano na lang ang iniisip ko. Kapamilya pala niya yung kinakausap niya." Mahinang saad ko sa aking sarili at tipong lalabas na sana pero kaagad din akong natigilan nang matandaan ko ang pamilyar niyang boses.Sandali nga lang, bakit parang magkaboses silang dalawa nung lalaking kumidnap sa amin non at ng misteryosong lalaki na nakatakip ng maskara ang mukha? hindi kaya siya nga yung narinig ko kanina? Muli akong napatingala sa kinaroroonan niya at apurahang umakyat ng hagdan para puntahan ito.