Lumipas ang tatlong araw, nailabas na namin ng hospital si Joharra. Simula noong malason ang aming anak ay hindi na ko pinapansin ni Jeho. Wala din dito sa mansyon si lola. Siya naman ngayon ang nagkasakit at nasa hospital siya ngayon kasama ang dad ni Jeho. Lahat ng nangyayari sa amin rito ay hindi namin inaasahan ang sunod-sunod na problema na dumarating sa amin. Gusto ko siyang lapitan pero natatakot naman akong kausapin si Jeho dahil galit pa din siya sa 'kin. Hindi ko na talaga maunawaan kung bakit nagbago ang kan'yang ugali. Simula nung araw na nakunan si Dea parang doon na nag-umpisa ang lahat. Naguguluhan na ko sa mga nangyayari sa kan'ya. Siya na ba si Jeho ngayon?"Mama..." Umiiyak ang aking anak na si Joharra. Hindi kasi siya pinayagan ng daddy niya na maglaro sa labas. "Bakit ka umiiyak baby?" Hinagkan ko siya ng halik sa kan'yang noo."Gusto ko na po umuwe ng Probinsiya. Doon na lang po kami mag-aaral ni Johann."Nadama ko na lang na hindi na masaya ang mga bata. Dahi
Nasa biyahe na kami ng mga anak ko nang tumawag sa akin si Lucio. Susunod na lang siya sa Probinsiya para doon na lamang namin pag-uusapan ang lahat. Hindi ko na nakausap ng maayos si Jeho kanina dahil biglang naputol ang linya. Nadrain na ang baterya niya dahil hindi daw siya nakapagcharge. Malapit na kami sa aming bahay. Nakita na agad namin si papa na palabas na ito ng gate. Bibili siguro siya ng kan'yang gamot. Hindi na siya nagtuloy pang umalis nang huminto agad ang sasakyan namin sa tapat ng gate. Nagtaka si papa kung bakit kami umuwe. Hindi niya alam na darating kami ngayon. Hapon na din kasi. Nag-uunahang bumaba ang mga anak ko. Rumehistro sa mukha ni papa ang galak dahil nakita niya ang mga apo niya. Sumunod na din kaming dalawa ng kapatid ko.Nagtaka siya. "Akala ko ibang tao ang sakay ng sasakyan. Kayo pala," sabay kamot nito sa kan'yang ulo."Bakit papa? May iba pa po bang nagpupunta rito?" Nagtatakang ani ko. "Ah... Mica, ikaw na muna bahala sa mga bata," utos ko sa ka
Patungo kami ngayon ng Maynila ni Lucio. Sumama ako pabalik ng mansyon. Gusto kong makausap si lola at baka may nalalaman siya sa mga nangyayari. Kahit ramdam ko ang pagod ay hindi ko na iniinda.Lumipas ang maraming oras na biyahe papuntang Maynila. Narating din namin agad ang mansyon. Madaling araw na din kami nakarating ni Lucio. Patungo na kami sa aming mga silid nang may makita kami na isang damit na babae patungo sa silid namin ni Jeho. May isang bra pa na nakaipit pa sa may pintuan. Narinig na lang namin na parang may umuungol sa loob. Parang sarap na sarap ang mga ito sa kanilang pagnanaig. Dinig namin ni Lucio ang bawat halinghing ng dalawa. Nagkatinginan kami ni Lucio. "Ta***tadong Jeho na 'yan. Nawala ka lang ng ilang oras. Hayop ng p***!" mura nito.Bubuksan na sana ni Lucio ang pintuan ngunit pinigilan ko lang siya. Kahit din ako ay nainis din sa ginagawa nilang dalawa. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari kay Jeho at bigla itong nagbago. Napasinghap ako. Sobrang s
"Maiwan ka na dito Kayrelle. Baka hanapin ka nila dito. Ayaw kong makulong sa ginagawa mo eh. Baka ito pa ang maging dahilan para hindi matuloy ang flight ko next week."Bumuntong hininga ako ng malalim. Inirapan ko siya. Gusto ko lang kasi iwasan si Jeho dahil mas lalo lang ako nasasaktan. Tinalikuran ko siya at naunang nagtungo sa motor niya. "Tara na, babalik din ako bukas. Gusto ko lang mamasyal ngayon.""What?! Nababaliw ka na ba? Pumasok ka na doon sa loob," mabalasik na utos niya. "At saan ka ba pupunta? Diyan lang ako bibili ng makakain mo."Sumimangot ako. "Sasama sayo. Akala ko uuwe ka kasi sa inyo."Nagtaka siya at maya't-maya ay tipid na ngumiti din ito. "Sasama ka sa akin? Why? You don't even know me Kayrelle."Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ang bilis kong magtiwala sa kan'ya. "Sige, pasensiya ka na Arman kung pinipilit kita na sumama ako sayo. Babalik na ko sa loob," ani ko at dahan dahan akong humakbang. Nilagpasan ko siya ngunit isang kamay ang humawak sa a
Mahaba na din ang binayahe namin. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kan'yang balikat. Nagising kasi ako nang huminto yung sasakyan. May bumaba kasi na pasahero.Pekeng ngumiti ako sa kan'ya. "Sorry, hindi ko sinasadyang makatulog sa balikat mo.""It's okay... Alam kong pagod ka. Just sleep again if you want," ani nito. Tipid akong ngumiti habang tinititigan ko siya. Namiss ko tuloy si Jeho kung gaano siya kasweet sa akin noon. "Are you okay?" Doon na lamang ako napaigtad nang magsalita siya. Hindi ko namalayan na nakatulala ako sa kan'ya. Umiwas ako ng tingin at pakiramdam ko ay namutla ako sa paninitig ko sa kan'ya. Bakit ganito? Ang lakas ng impact ko sa kan'ya sa paraan nito kung paano siya makipag-usap sa akin. Halos buong sistema ko na ata ay naapektuhan na. "Kayrelle, magpatawas ka kay Mang Emong," wala sa sarili kong sabi rito. "Huh? Anong magpatawas?" tanong niya sa 'kin.Bahagyang tiningnan ko siya at pekeng ngumiti. "Search mo sa youtube para alam mo. Mahirap mag-ex
Gabi na, iyak ng iyak si bunso. Ayaw tumigil at ayaw din matulog. "Baka nagugutom pa 'yan anak. Padedehin mo pa" ani ni papa."Pa, may tira pa siya oh," sabay pakita ko sa bote ng dede ng anak ko. "Eh ano ba ang problema niyan? Baka may popo?""Pa, kapapalit ko lang po ng diaper sa kan'ya," sagot ko."Ano kaya ang problema niyan? Baka naman kinakabag?" usisa pa nito."Hindi naman po siguro 'pa. Baka lang ayaw niya pang matulog," ani ko kahit alas nuwebe na din ng gabi. "Ilabas ko na muna siya pa at baka ayaw niya pang matulog.""At ngayon man lang na hindi siya makatulog," napakamot pa siya ng ulo."Siguro po, pero subukan ko pa din siya ilabas at baka gusto niya pang maglaro.""Hay ewan ko sa batang iyan. Baka natutulog na sa sofa si Arman.""Doon po kami sa salas ni bunso. Doon ko po siya patulugin," ani ko. "Bahala ka at ako ay matutulog na din. Magsarado ka ng pinto kapag papasok ka at baka makalimutan mong magsarado pasukin pa tayo ng bruhang Amellia na 'yan," inis na sabi nit
Pauwe na kami ng mansyon nang makabili na si Jeho ng pinapabili ni lola sa kan'ya. Nagtataka ako kay Lucio kung bakit panay ang tingin niya kay Jeho. "Kuya... Is there any problem?" tila nahalata at naramdaman iyon ni Jeho. Bahagyang napatingin sa akin si Lucio sa front mirror. "Wala Jeho... May naalala lang kasi ako. Baka hindi mo na maalala iyon," sagot nito."Anong hindi ko maalala?" Napasinghap siya. "Nothing..." tipid niyang sagot rito Ilang minuto ang lumipas ay narito na kami sa mansyon. Biglang natuwa ang anak ko dahil makikita na naman niya ang lola nito.Wala kaming imikan ni Jeho nang pumasok kami sa loob ng mansyon. Ganun din ang anak kong si Johara. Parang may pagtatampo pa din siya sa kan'yang daddy. Hindi naman kasi pinapansin ni Joharra ang daddy niya kaya walang nagawa si Jeho kundi ang manahimik na lang. Bitbit niya ang pinapabili ni lola pagkapasok namin sa loob. Agad na napatakbo si Joharra nang makita niya ang lola nito. Nakaupo na ngayon sa wheelchair si lol
Lumipas pa ang mga araw at buwan. Walong buwan na ang nakalipas mula noong nadiskubre ang sasakyan na ginamit ni Jeho nung siya'y naaksidente. Walang araw na hindi namin dinalaw ang puntod ni Jeho. Sa tuwing hapon lang kami dumadalaw kasama ang mga bata. Sa tuwing umaga ay umaalis ako at nagtatrabaho sa kompanya ng mga Saavedra habang ang dalawa kong mga kambal ay pumapasok naman sa school. Ang bunso kong anak ay naroon sa pangangalaga ni papa. Sa tuwing Sabado at Linggo ay umuuwe kami ng Probinsiya para bisitahin na din ang pamilya. Kasalukuyang pauwe na kami ngayon ng mga bata. Kanina ko pa napapansin na nagkukulitan ang dalawa. Parang nagtuturuan pa sila sa isa't-isa."Mga anak, may sasabihin ba kayo?" tanong ko rito habang ako ang nagmamaneho ng sasakyan."Mama, si Joharra po may sasabihin daw po siya," ani nito. Hindi kasi sila magkatabi ng upuan. Ang katabi kasi ni Joharra ay yung classmate nilang lalaki na crush daw ni Joharra. Iyon ang sabi ni Johann noong isang araw."Johar