Mahaba na din ang binayahe namin. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kan'yang balikat. Nagising kasi ako nang huminto yung sasakyan. May bumaba kasi na pasahero.Pekeng ngumiti ako sa kan'ya. "Sorry, hindi ko sinasadyang makatulog sa balikat mo.""It's okay... Alam kong pagod ka. Just sleep again if you want," ani nito. Tipid akong ngumiti habang tinititigan ko siya. Namiss ko tuloy si Jeho kung gaano siya kasweet sa akin noon. "Are you okay?" Doon na lamang ako napaigtad nang magsalita siya. Hindi ko namalayan na nakatulala ako sa kan'ya. Umiwas ako ng tingin at pakiramdam ko ay namutla ako sa paninitig ko sa kan'ya. Bakit ganito? Ang lakas ng impact ko sa kan'ya sa paraan nito kung paano siya makipag-usap sa akin. Halos buong sistema ko na ata ay naapektuhan na. "Kayrelle, magpatawas ka kay Mang Emong," wala sa sarili kong sabi rito. "Huh? Anong magpatawas?" tanong niya sa 'kin.Bahagyang tiningnan ko siya at pekeng ngumiti. "Search mo sa youtube para alam mo. Mahirap mag-ex
Gabi na, iyak ng iyak si bunso. Ayaw tumigil at ayaw din matulog. "Baka nagugutom pa 'yan anak. Padedehin mo pa" ani ni papa."Pa, may tira pa siya oh," sabay pakita ko sa bote ng dede ng anak ko. "Eh ano ba ang problema niyan? Baka may popo?""Pa, kapapalit ko lang po ng diaper sa kan'ya," sagot ko."Ano kaya ang problema niyan? Baka naman kinakabag?" usisa pa nito."Hindi naman po siguro 'pa. Baka lang ayaw niya pang matulog," ani ko kahit alas nuwebe na din ng gabi. "Ilabas ko na muna siya pa at baka ayaw niya pang matulog.""At ngayon man lang na hindi siya makatulog," napakamot pa siya ng ulo."Siguro po, pero subukan ko pa din siya ilabas at baka gusto niya pang maglaro.""Hay ewan ko sa batang iyan. Baka natutulog na sa sofa si Arman.""Doon po kami sa salas ni bunso. Doon ko po siya patulugin," ani ko. "Bahala ka at ako ay matutulog na din. Magsarado ka ng pinto kapag papasok ka at baka makalimutan mong magsarado pasukin pa tayo ng bruhang Amellia na 'yan," inis na sabi nit
Pauwe na kami ng mansyon nang makabili na si Jeho ng pinapabili ni lola sa kan'ya. Nagtataka ako kay Lucio kung bakit panay ang tingin niya kay Jeho. "Kuya... Is there any problem?" tila nahalata at naramdaman iyon ni Jeho. Bahagyang napatingin sa akin si Lucio sa front mirror. "Wala Jeho... May naalala lang kasi ako. Baka hindi mo na maalala iyon," sagot nito."Anong hindi ko maalala?" Napasinghap siya. "Nothing..." tipid niyang sagot rito Ilang minuto ang lumipas ay narito na kami sa mansyon. Biglang natuwa ang anak ko dahil makikita na naman niya ang lola nito.Wala kaming imikan ni Jeho nang pumasok kami sa loob ng mansyon. Ganun din ang anak kong si Johara. Parang may pagtatampo pa din siya sa kan'yang daddy. Hindi naman kasi pinapansin ni Joharra ang daddy niya kaya walang nagawa si Jeho kundi ang manahimik na lang. Bitbit niya ang pinapabili ni lola pagkapasok namin sa loob. Agad na napatakbo si Joharra nang makita niya ang lola nito. Nakaupo na ngayon sa wheelchair si lol
Lumipas pa ang mga araw at buwan. Walong buwan na ang nakalipas mula noong nadiskubre ang sasakyan na ginamit ni Jeho nung siya'y naaksidente. Walang araw na hindi namin dinalaw ang puntod ni Jeho. Sa tuwing hapon lang kami dumadalaw kasama ang mga bata. Sa tuwing umaga ay umaalis ako at nagtatrabaho sa kompanya ng mga Saavedra habang ang dalawa kong mga kambal ay pumapasok naman sa school. Ang bunso kong anak ay naroon sa pangangalaga ni papa. Sa tuwing Sabado at Linggo ay umuuwe kami ng Probinsiya para bisitahin na din ang pamilya. Kasalukuyang pauwe na kami ngayon ng mga bata. Kanina ko pa napapansin na nagkukulitan ang dalawa. Parang nagtuturuan pa sila sa isa't-isa."Mga anak, may sasabihin ba kayo?" tanong ko rito habang ako ang nagmamaneho ng sasakyan."Mama, si Joharra po may sasabihin daw po siya," ani nito. Hindi kasi sila magkatabi ng upuan. Ang katabi kasi ni Joharra ay yung classmate nilang lalaki na crush daw ni Joharra. Iyon ang sabi ni Johann noong isang araw."Johar
"Where's the new janitress here?" Galit na sigaw ni Jeho sa kan'yang opisina. Sobrang dami ng kalat na kan'yang pinaghahagis sa kung saan saan. Palaging mainit ang kan'yang ulo sa hindi malamang dahilan at walang araw na hindi ito nagwawala sa kan'yang opisina kaya walang nagtatagal na janitress sa kan'ya. Nginig na pumasok ang kan'yang secretary nang siya ay makapasok sa loob ng opisina ng kan'yang boss. "S-sir umalis po agad yung bagong hired na janitress dito," na may panginginig ang kan'yang boses. "What?!" Matigas nitong tanong. "Fired her and find some other who's willing in this job, 30k is enough for his salary." Lumaki ang dalawang mata ng kan'yang secretary dahil sa laki ng kan'yang offer sa sahod ng janitress halos katumbas lang ng sinasahod nito bilang secretary ngunit kawawa naman 'yung babaeng kakapasok lang at baka mamulubi pa lalo ito pag natanggal agad sa trabaho. Malaking pera ang pangangailangan ng babae para sa kan'yang anak na may sakit. "Sir ako na lang po mu
Alas singko ng hapon na ko dumating sa boarding house ng ante ko. Napaubos ko ang mga saging na benta ko kaninang umaga at hawak hawak ko na ang perang napagbentahan ko para ibigay kay ante. "Kayrelle, tulungan mo magluto si Monette at maligo ka na nga muna ang bantot mo na." Sabi ni ante ng makasalubong ko siya sa hagdanan papuntang second floor. Nasa unang palapag kasi ang canteen para dagdag negosyo na din 'yon."Ante naman siyempre galing po ako ng palengke eh kaya amoy mabaho ako." Nasa second floor na kami sa parteng visiting area at may apat na boarders ang narito nakaupo sa sofa."Naku, delikado na yan at baka may amoy na din yang tahong mo." Sabay tawa ng mga boarders na kalalakihan dito. "Hoy mga tsismoso! Magsitigil kayo kung ayaw niyong singilin ko kayo ng maaga sa mga upa niyo rito." Pagtatanggol sa akin ni ante."Pasensya na po Aling Minda, kaya po pala may amoy tahong dito eh, kay manang pala ang amoy na 'yon." Sinamaan ko ng tingi
Alas singko ng hapon na ko dumating sa boarding house ng ante ko. Napaubos ko ang mga saging na benta ko kaninang umaga at hawak hawak ko na ang perang napagbentahan ko para ibigay kay ante. "Kayrelle, tulungan mo magluto si Monette at maligo ka na nga muna ang bantot mo na." Sabi ni ante ng makasalubong ko siya sa hagdanan papuntang second floor. Nasa unang palapag kasi ang canteen para dagdag negosyo na din 'yon. "Ante naman siyempre galing po ako ng palengke eh kaya amoy mabaho ako." Nasa second floor na kami sa parteng visiting area at may apat na boarders ang narito nakaupo sa sofa. "Naku, delikado na yan at baka may amoy na din yang tahong mo." Sabay tawa ng mga boarders na kalalakihan dito. "Hoy mga tsismoso! Magsitigil kayo kung ayaw niyong singilin ko kayo ng maaga sa mga upa niyo rito." Pagtatanggol sa akin ni ante. "Pasensya na po Aling Minda, kaya po pala may amoy tahong dito eh, kay manang pala ang amoy na 'yon." Sinamaan ko ng tingin si Abet ganun din ang mga kasama
Naubos na ang lahat ng mga lutong ulam at narito pa din si Jeho pero my kasama itong isa pang lalaki pero hindi ko siya gaanong makita. Kinakausap nila si ante pero hindi ko marinig ang kanilang pinag uusapan. Mukhang mayaman din siya at sa kan'ya ang sasakyang nakaparada sa may labas. Hindi nagtagal ay pumasok din si ante dito sa loob kasabay nun ang pag alis ng dalawa."Bilisan mo na riyan magligpit Kayrelle para makapagpahinga ka na rin." "Sige po ante matatapos na rin po ako." Sagot ko."Sumunod ka na lang sa itaas at bukas ko na lang sasabihin sayo," sabi niya sabay kunot ng aking noo. Tatanungin ko sana siya ngunit nauna na itong umakyat ng hagdanan.Sumunod na ko sa itaas nang matapos na ko magligpit dito sa canteen. Palaisipan sa akin ang bagay na iyon kung ano ang sasbihin nito sa akin.Kinabukasan, maaga akong nagising upang mamalengke. Kasama ko si Monette at tig isa kami ng hawak na basket. Nilalakad lang namin ito papuntang