Share

Chapter 76

Gabi na, iyak ng iyak si bunso. Ayaw tumigil at ayaw din matulog.

"Baka nagugutom pa 'yan anak. Padedehin mo pa" ani ni papa.

"Pa, may tira pa siya oh," sabay pakita ko sa bote ng dede ng anak ko.

"Eh ano ba ang problema niyan? Baka may popo?"

"Pa, kapapalit ko lang po ng diaper sa kan'ya," sagot ko.

"Ano kaya ang problema niyan? Baka naman kinakabag?" usisa pa nito.

"Hindi naman po siguro 'pa. Baka lang ayaw niya pang matulog," ani ko kahit alas nuwebe na din ng gabi. "Ilabas ko na muna siya pa at baka ayaw niya pang matulog."

"At ngayon man lang na hindi siya makatulog," napakamot pa siya ng ulo.

"Siguro po, pero subukan ko pa din siya ilabas at baka gusto niya pang maglaro."

"Hay ewan ko sa batang iyan. Baka natutulog na sa sofa si Arman."

"Doon po kami sa salas ni bunso. Doon ko po siya patulugin," ani ko.

"Bahala ka at ako ay matutulog na din. Magsarado ka ng pinto kapag papasok ka at baka makalimutan mong magsarado pasukin pa tayo ng bruhang Amellia na 'yan," inis na sabi nit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status