Gabi na, iyak ng iyak si bunso. Ayaw tumigil at ayaw din matulog. "Baka nagugutom pa 'yan anak. Padedehin mo pa" ani ni papa."Pa, may tira pa siya oh," sabay pakita ko sa bote ng dede ng anak ko. "Eh ano ba ang problema niyan? Baka may popo?""Pa, kapapalit ko lang po ng diaper sa kan'ya," sagot ko."Ano kaya ang problema niyan? Baka naman kinakabag?" usisa pa nito."Hindi naman po siguro 'pa. Baka lang ayaw niya pang matulog," ani ko kahit alas nuwebe na din ng gabi. "Ilabas ko na muna siya pa at baka ayaw niya pang matulog.""At ngayon man lang na hindi siya makatulog," napakamot pa siya ng ulo."Siguro po, pero subukan ko pa din siya ilabas at baka gusto niya pang maglaro.""Hay ewan ko sa batang iyan. Baka natutulog na sa sofa si Arman.""Doon po kami sa salas ni bunso. Doon ko po siya patulugin," ani ko. "Bahala ka at ako ay matutulog na din. Magsarado ka ng pinto kapag papasok ka at baka makalimutan mong magsarado pasukin pa tayo ng bruhang Amellia na 'yan," inis na sabi nit
Pauwe na kami ng mansyon nang makabili na si Jeho ng pinapabili ni lola sa kan'ya. Nagtataka ako kay Lucio kung bakit panay ang tingin niya kay Jeho. "Kuya... Is there any problem?" tila nahalata at naramdaman iyon ni Jeho. Bahagyang napatingin sa akin si Lucio sa front mirror. "Wala Jeho... May naalala lang kasi ako. Baka hindi mo na maalala iyon," sagot nito."Anong hindi ko maalala?" Napasinghap siya. "Nothing..." tipid niyang sagot rito Ilang minuto ang lumipas ay narito na kami sa mansyon. Biglang natuwa ang anak ko dahil makikita na naman niya ang lola nito.Wala kaming imikan ni Jeho nang pumasok kami sa loob ng mansyon. Ganun din ang anak kong si Johara. Parang may pagtatampo pa din siya sa kan'yang daddy. Hindi naman kasi pinapansin ni Joharra ang daddy niya kaya walang nagawa si Jeho kundi ang manahimik na lang. Bitbit niya ang pinapabili ni lola pagkapasok namin sa loob. Agad na napatakbo si Joharra nang makita niya ang lola nito. Nakaupo na ngayon sa wheelchair si lol
Lumipas pa ang mga araw at buwan. Walong buwan na ang nakalipas mula noong nadiskubre ang sasakyan na ginamit ni Jeho nung siya'y naaksidente. Walang araw na hindi namin dinalaw ang puntod ni Jeho. Sa tuwing hapon lang kami dumadalaw kasama ang mga bata. Sa tuwing umaga ay umaalis ako at nagtatrabaho sa kompanya ng mga Saavedra habang ang dalawa kong mga kambal ay pumapasok naman sa school. Ang bunso kong anak ay naroon sa pangangalaga ni papa. Sa tuwing Sabado at Linggo ay umuuwe kami ng Probinsiya para bisitahin na din ang pamilya. Kasalukuyang pauwe na kami ngayon ng mga bata. Kanina ko pa napapansin na nagkukulitan ang dalawa. Parang nagtuturuan pa sila sa isa't-isa."Mga anak, may sasabihin ba kayo?" tanong ko rito habang ako ang nagmamaneho ng sasakyan."Mama, si Joharra po may sasabihin daw po siya," ani nito. Hindi kasi sila magkatabi ng upuan. Ang katabi kasi ni Joharra ay yung classmate nilang lalaki na crush daw ni Joharra. Iyon ang sabi ni Johann noong isang araw."Johar
Kinabukasan, nag-aya ang mga bata na mamasyal. Sa kasamaang palad ay si tito Jero nila ang kanilang kinulit total kamukha naman daw siya ng kanilang daddy. Pinilit kong sumama si Lucio sa amin ngunit may gagawin daw ito kaya kaming anim na lang ang lumabas kasama si bunso at ang kapatid ko. Medyo naiilang pa ko kay Jero dahil sa mga nakaraang nakasama ko siya. "Tito, sa mall tayo," ani ni Johann."Sure Johann," sagot niya. Nasa backseat ang dalawa kasama si bunso at ang kapatid ko samantalang ako ay narito sa front seat.Tumikhim siya. "Ikaw? Gusto mo din ba sa mall tayo pumunta?" Hindi ko alam kung sino ang kan'yang tinatanong. Hindi ko naman kasi magawang makatingin sa kan'ya eh. "Tsk! parang wala naman ata akong kausap ah," ani niya.Nilingon ko siya. "Ako ba ang kinakausap mo?""Yeah," sabay tango niya."Pasensiya ka na. Kung ano ang gusto ng mga bata, ay doon tayo pupunta," sagot ko."Okay, sabi mo nga."Nakarating din kami agad sa mall. Medyo may kalayuan ng konti kaya parang
Bumangon ako at ramdam ang pananakit ng aking ulo. "Anong nangyari?" bulalas ko rito. Iginala ko ang mga mata ko sa kapaligiran at tila hindi ito yung kuwarto ng aking anak. Nang unti-unti kong naalala ang nangyari kagabi. Sumilay din ang ngiti sa aking labi nang maalala ko ang mga sinabi ko. Halos matampal ko ang aking bibig dahil hindi ako makapaniwalang sinabi ko iyon sa kan'ya.FlashbackIkaw ang gusto ko Arman. Ikaw! Halos paulit-ulit ko lang binibigkas ito sa kan'ya. "Oh maygad! Sinabi ko ba iyon sa kan'ya? Ang tanga mo Karyrelle," sita ko sa isip ko. Nang maamoy ko na lang ang aking hininga. Amoy alak pa ang bunganga ko.Hindi ko alam na narito pala ako sa silid ni Arman. Ano ba nangyayari sa akin at nagawa kong uminom?Bumangon ako at lumabas ng kan'yang silid. Hinanap ko siya. Wala naman siya dito nang magtungo ako sa kusina. Agad akong lumabas para hanapin siya pero wala dn siya sa labas nang hanapin ko.Nagtungo ako sa kan'yang bakery ngunit huminto ako at dinig kong m
"Paano nangyaring ikaw si Jeho? Please magsabi ka ng totoo. Yung babaeng kayakap mo kanina? Sino sila? Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong malaman kung totoo ang mga sinasabi mo," ani ko. "Gusto mong malaman?" malamig na tanong ni Jeho. Tumango ako habang nakatitig ako kay Arman. Gusto ko sana itong yakapin muli at halikan sa labi niya dahil sobra kong namiss si Jeho. Ngunit naiilang pa rin ako sa kan'ya na gawin iyon subalit pakiramdam ko naman ay parang siya si Jeho. Pero mas mainam kung may pruweba at maipaliwanag niya ang lahat sa akin kung siya nga si Jeho."OKAY... Isasama kita sa pupuntahan ko ngayon. But once you go with me. Hindi na kita ibabalik dito. Sasama ka na sa akin sweetheart. Ako na ang bahala sa mga bata," ani niya na parang may part sa akin na kinabahan ako."Bakit hindi mo na ko ibabalik dito Arman?""May tiwala ka ba sa akin o wala?" Napanguso ako na parang gusto kong umiyak "Nakakatakot ka naman. Huwag mo naman ako takutin Arman. Please, last naman na sa
JEHOBiglang bumuhos agad ang malakas na ulan kaya agad kaming napatakbo at tinungo ang sasakyan. Nabasa kaming dalawa ni Kayrelle pagkapasok namin sa loob. Mariin siyang napayakap sa kan'yang katawan at tila nilamig ito. Nagtanggal na din ako ng suot kong damit dahil nabasa na din ito. "Gamitin mo muna itong jacket ko," sabay abot ko sa kan'ya."Thank you," kinuha niya ito pero hindi naman niya sinuot. Napangiwi ako. Bakit hindi mo suotin 'yan? You're getting cold."Ngumuso ito. "Ikaw na ba talaga si Jeho ha Arman?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin.Kasalukuyang pauwe na kami at papunta na kami sa isang bahay kung saan kami manunuluyan. Medyo gabi na din kasi para umuwe at baka kung mapaano pa kami sa daan sa lakas ba naman ng ulan ay baka maistranded lang kami sa daan."Ano sa tingin mo Kayrelle?" Mahinahon na tanong ko.Napasinghap siya. "Ang gulo mo naman Jeho. Kanina sinabi mong sweetheart bakit ngayon Kayrelle na naman. Paano mo nalaman na iyon ang tawag mo sa akin? Pi
JEHOPagkatanggal ko ng boxer short ko ay tila unti-unti naman ang pagpikit ng mga mata niya. Hindi ko alam kung nakatulog lang ito. "Sweetheart!" tawag ko. Kung kailan ready na ko ay doon naman niya ko tinulugan. Bahagyang nilapitan ko siya at ginising. Napamura ako. Tila nahimatay siya o baka tinulugan lang niya ko."Ang malas mo talaga Jeho!" sita ko sa isip ko. "Siya tuloy ang nasorpresa sa alaga ko."Humiga na lang ako sa tabi niya. Pinagmamasdan ko siya habang natutulog sa aking tabi. Magkadikit ang mga hubad naming katawan na may kumot na nakatabing sa amin."Goodnight sweetheart," sabay halik ko sa kan'yang noo.Kinabukasan, dinig ko ang pagbusina ni Harris sa labas ng bahay. Bumaba ako para tignan siya. Medyo may paulan-ulan pa kaya napasarap ang tulog ni Kayrelle. Bumungad sa akin na may ngisi ang labi niya. "Ano? Target locked na ba?" sabay halakhak niya. "Nakascore ka ba kagabi?" dagdag pa niya."Heto, gusto mo?" Ani ko sa kamao ko. "Sinasadya mong hindi ibigay ang mga