Pagkagising ko, madilim na ang loob ng kuwarto pagkamulat ko ng aking mga mata. Bumangon ako para i-on ang ilaw. Alas siyete na pala ng gabi nang magawi ang aking paningin sa wall clock. Nakaramdam tuloy ako ng pagkagutom dahil nalipasan na naman ako ng panghapunan kanina. Naupo na lang ako sa aking kama dahil nakakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Sobrang lakas kasi ng pagkakauntog ko sa sahig kanina. Parang naalog ata ang buong ulo ko kaya ganito na lang ito kasakit.Napalingon na lang ako sa gawing pinto ng bumukas iyon. Si inay ang pumasok dito sa loob at may dala-dala itong tray na may lamang pagkain."Iha kumain ka na muna," nakangiting ani niya nang ilapag niya ito sa may side table. "Kumusta na ang pakiramdam mo iha? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong nito. Tinabihan niya ko sa pagkakaupo ko dito sa kama."Ayos na po ako inay kaso po nahihilo lang po ako," sagot ko rito. "Kumain ka na iha para makainom ka na din ng gamot mo," ani niya. "Lalabas na muna ako habang kumakain k
JEHO POV.......Nakahinto na ang sinasakyan naming yate. Narito na kami sa isla kung saan gaganapin ang prenup photoshoot namin ni Dea. Nakababa na ang lahat pero napansin kong parang wala si Kayrelle sa mga kasamahan naming nagsibabaan. "Sweetheart!" sigaw ni Dea nang mapansin nitong hindi pa ko nakakakaba. Nauna na kasi itong bumaba dahil excited na ito na makita ang falls. "Sunod ako love!" sigaw ko din. Love ang tawag ko sa kan'ya imbes na sweethert din. Gusto ko lamang makalimot sa nakaraan naming dalawa ni Kayrelle. Pero minsan sa tuwing nakikita ko siya ay parang wala na sa akin kung ano ang aming nakaraan noon. Kinalimutan ko na ang lahat simula nang dumating si Dea sa buhay ko. Sumabay na sa pag-alis si Dea kasama ang mga kaibigan niya. Agad ko namang hinanap si Kayrelle sa loob at baka naroon lang siya. Una kong tinunton ang unang kuwarto dahil may dalawang kuwarto ang yate na ito. Madali lang naman halughugin ito dahil maliit lamang ang space nito. Wala siya dito nang ha
JEHOBahagyang nilapitan ko siya at inayang umalis. Hindi ko na nagawang lingunin si Kayrelle dahil ayaw kong makita siyang nasasaktan ito. Ayaw ko lang mahalata ni Dea na nagkaayos na kaming dalawa. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Naguguluhan tuloy ako sa aking sarili kahit na nalaman ko kung ano ang naging dahilan kung bakit kami ngkahiwalay ni Kayrelle noon. Totoong minahal ko naman si Dea pero paano naman si Kayrelle? Awa na lang ba ang nararamdaman ko para sa kan'ya?"Is there any problem sweetheart?" nahalata siguro niya na balisa ako dahil hindi komportable ang kinikilos ko ngayon. Oo, ang dami kong iniisip ngayon at isa na doon si Kayrelle kung paano ko siya maiaalis kay Luke. "Nothing love, napagod lang din siguro ako," tipid kong sagot. "Are you sure? What about Kayrelle? Bakit magkayakap kayo kanina? Mahal mo pa ba siya?" Pabigla-bigla niyang tanong sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit niya pa ito naitanong ang tungkol sa bagay na iyon. "Love! alam mong ikaw ang mahal
Napaupo ako sa sofa dala ng pagkahina ng aking katawan at napahilamos ng mukha nang malaman ko ang totoo. Natutuwa ako na malaman na may anak kami ni Kayrelle. Pero bakit hindi niya sa 'kin inalam noong ako ay magtanong sa kan'ya. "Si Johann, anak ko si Johann dad,' naiiyak na ani ko dahil sa galak na nadarama. "Hindi lang si Johann ang anak niyo ni Kayrelle. May kambal si Johann at hindi lang sila ang mga anak mo. May isang baby ka pang naiwan sa kan'ya bago ka umalis. Jeho anak, kung mahal mo pa si Kayrelle kahit na asawa na siya ni Luke, huwag naman sana siya mailayo sa mga bata, ang mga anak niyo. Mahigit isang taon na niya itong hindi nakakasama at nakikita ang mga bata. Huwag mo na lang antayin pa na pati ang mga bata ay ilayo din sila sayo habang hindi pa niya ito nalalaman. Sana hindi pa huli ang lahat Jeho.""Gusto kong makita ang mga anak ko dad, lola. Please! I want to see them.""Pero sa isang kondisyon, itigil mo na ang kahibangan mo. Hindi ka nararapat na maikasal sa i
Dalawang araw ang lumipas mula ngayon. Kaya pala hindi ko ito nakikita ay umalis pala ang mga ito. Kung patungo sila sa airport, balak ni Luke na ilayo si Kayrelle at itago. At ayon sa imbistigasyon ay nag-away ang mga ito kaya bumangga sila sa malaking puno. Si Luke ay nakompirmang patay na. Pero in the same time, biglang naglaho ang katawan nito na hindi malaman ng mga awtoridad kung sino ang kumuha ng bangkay niya. And si Kayrelle ay hindi mahanap ang katawan nito matapos mabangga ang kanilang sasakyan. Sana ay ligtas lang siya. Sana ay nakatakas siya mula kay Luke. Sana ay walang anumang nangyari sa kan'ya. Pauwe na kami ng mansion ngayon. Hindi na ko bumalik sa isla dahil wala na kong balak na ituloy ang kasal namin ni Dea. Pero sobrang nasaktan ito nang malaman niyang hindi na matutuloy ang kasal. Mas priority ko ngayon na hanapin si Kayrelle. But damn it! I hate her condition. Hindi siya aalis sa aking tabi hangga't hindi pa nahahanap si Kayrelle. Mahanap man o hindi ay hindi
"Parang hindi nga ikaw si Kayrelle. Ang ingay mo. Saang lupalok ka ba nanggaling ha?" tanong ko sa kan'ya habang pauwe ng condo. Doon ko muna siya ikukulong para hindi sila magkita ni Dea dahil sa mansion na umuuwe ito."Sa heaven ako galing at nafall lang ako rito sa mundo niyo. Isa akong alien. Naiintindihan mo ba?" Ani nito sabay irap nito. "So alien ka pala. Ngayon lang yata ako nakakita ng alien na mganda sa balat ng lupa. Kasi yung mga alien ay natural na mga mukhang hayop," pang-iinis ko sa kan'ya.Nangunot ang noo nito. "What? Ako hayop? May ganitong alien ba na mukhang hayop ha? Haler! bulag ka ba? Ang ganda ganda ko kayang alien," ani pa niya. Napangiwi na lang ako. Hindi ako makapagconcentrate sa pagdadrive dahil sobrang sakit sa tenga ang boses nito. Ang ingay na parang armalite kung magsalita. Sobrang hype niya. Bigla siyang natahimik at nabaling ang kan'yang paningin sa may bintana. "Hey! Are you okay?" tanong ko dahil nag-aalala ako para sa kan'ya."Huwag mo ko kaka
Tahimik! Napakatahimik ng loob ng CONDO ko. Ayaw niyang magsalita at tila may malalim itong iniisip."Kayrelle sweetheart, magsalita ka naman. Galit ka pa rin ba hanggang ngayon?" Lumapit ako sa kamang hinihigaan niya. Tinabihan ko siya pero iniiwasan niya lang ako. "Matulog ka na. Bukas na tayo mag-usap. Inaantok na ko eh," singahl nito.Napabuga na lang ako ng hangin sa aking bibig. Talagang tulog na ito dahil dinig na dinig ko ang paghilik niya. "Sige goodnight!" Paalis na sana ako sa kuwarto ngunit nilingon ko pa ito sa kamang hinihigaan. Gusto ko siyang yakapin at tabihan sa pagtulog pero ramdam kong galit pa siya sa akin.Natulog na lamang ako sa kabilang kuwarto at bukas na bukas na lang kami mag-uusap pero bago ako matulog ay nilock ko pa ng mabuti ang pinto para hindi siya makatakas. May alarm din akong nilagay para alam ko kung tatakas siya o hindi.Kinabukasan, gumising ako ng maaga para magluto ng agahan namin ni Kayrelle. Dumaan muna ako sa katabing kuwarto at binuksan
Pinandilatan ko ng mga mata ko si Jeho. Sobra akong naiinis sa kan'ya kaya agad akong nagtungo sa kuwarto. Tinawag pa ko ni Jeho pero hindi ko siya pinakinggan dahil diretso lang ako sa paghakbang hanggang sa nakarating na lang ako sa tapat ng kuwarto. Huminto ako dahil hindi ko alam kung alin ang kuwartong papasukan ko basta binuksan ko na lang ito at pumasok agad. Isasarado ko sana ang pinto nang biglang harangan ni Jeho ang kamay niya sa pinto na ikinalaki ng mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dahil bigla na lang siya pumasok rito sa loob ng kuwarto saka niya nilock ang pinto. Napaurong ako."I'm sorry sweetheart kung sinundan kita rito. Hindi kasi ako mapakali sa kinikilos mo. Look! Narito ako para pag-usapan natin ang mga anak natin. Kailangang magkaayos na tayong dalawa. Please Kayrelle, pag-usapan natin ito," ani niya. Napasimangot na lang ako. Alam niya na anak namin yung tatlo na matagal ko ng inilihim sa kan'ya. Dahil sa paglilihim ko. Sunod-sunod na problema