Tahimik! Napakatahimik ng loob ng CONDO ko. Ayaw niyang magsalita at tila may malalim itong iniisip."Kayrelle sweetheart, magsalita ka naman. Galit ka pa rin ba hanggang ngayon?" Lumapit ako sa kamang hinihigaan niya. Tinabihan ko siya pero iniiwasan niya lang ako. "Matulog ka na. Bukas na tayo mag-usap. Inaantok na ko eh," singahl nito.Napabuga na lang ako ng hangin sa aking bibig. Talagang tulog na ito dahil dinig na dinig ko ang paghilik niya. "Sige goodnight!" Paalis na sana ako sa kuwarto ngunit nilingon ko pa ito sa kamang hinihigaan. Gusto ko siyang yakapin at tabihan sa pagtulog pero ramdam kong galit pa siya sa akin.Natulog na lamang ako sa kabilang kuwarto at bukas na bukas na lang kami mag-uusap pero bago ako matulog ay nilock ko pa ng mabuti ang pinto para hindi siya makatakas. May alarm din akong nilagay para alam ko kung tatakas siya o hindi.Kinabukasan, gumising ako ng maaga para magluto ng agahan namin ni Kayrelle. Dumaan muna ako sa katabing kuwarto at binuksan
Pinandilatan ko ng mga mata ko si Jeho. Sobra akong naiinis sa kan'ya kaya agad akong nagtungo sa kuwarto. Tinawag pa ko ni Jeho pero hindi ko siya pinakinggan dahil diretso lang ako sa paghakbang hanggang sa nakarating na lang ako sa tapat ng kuwarto. Huminto ako dahil hindi ko alam kung alin ang kuwartong papasukan ko basta binuksan ko na lang ito at pumasok agad. Isasarado ko sana ang pinto nang biglang harangan ni Jeho ang kamay niya sa pinto na ikinalaki ng mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dahil bigla na lang siya pumasok rito sa loob ng kuwarto saka niya nilock ang pinto. Napaurong ako."I'm sorry sweetheart kung sinundan kita rito. Hindi kasi ako mapakali sa kinikilos mo. Look! Narito ako para pag-usapan natin ang mga anak natin. Kailangang magkaayos na tayong dalawa. Please Kayrelle, pag-usapan natin ito," ani niya. Napasimangot na lang ako. Alam niya na anak namin yung tatlo na matagal ko ng inilihim sa kan'ya. Dahil sa paglilihim ko. Sunod-sunod na problema
Lumipas pa ang mga araw na pananatili namin kina papa. Patungo na kami ngayon sa mansion ng mga Saavedra. Maraming balak si Jeho sa amin kaya ngayon ay nag-uumpisa na kong mamawis kahit sobrang lamig na ang loob ng sinasakyan namin. Hindi ko alam kung ano ang balak na iyon basta kinakabahan ako."What's happening? Are you okay?" Tanong ni Jeho. Napansin pa niya ako sa lagay na ito habang siya naman ay nagmamaneho. "Okay naman ako. Kung anu-ano ang napapansin mo sa 'kin. Magfocus ka nga sa pagdadrive mo hindi yung sa akin ka nakatingin," ani ko na kinangisi niya. "Ang sungit mo na naman sweetheart. May dalaw ka ba ngayon?""Oo at manahimik ka na lang kasi mainit ang ulo ko," sagot ko nang bigla ba naman niya nilakasan ang buga ng aircon tapos nakatutok pa ito sa akin. "Wow ang lamig daddy," ani ng mga kambal. Patawa-tawa naman ang kapatid kong babae sa backseat at karga niya ang baby namin ni Jeho."Jeho naman, pakihanaan mo naman yung aircon ang lamig rito oh," angal ko."Mainit ul
Maagang umalis si Jeho papuntang trabaho niya. Naiwan kaming mga anak niya rito sa mansion ng kan'yang lola. Hindi ko na rin nakita si Dea rito. Ang alam ko ay umalis na din ito. Natapos ko na din asikasuhin ang aking mga anak. Mamamasyal daw ang mga ito kasama ang kanilang lola. May mga bodyguards naman silang kasama para na rin sa kanilang sekuridad. Balita ko ay pinapatugis na ni Jeho ang ama ni Luke at sana ay mahuli na nila ito para wala ng sagabal sa pagsasama namin ni Jeho. Ako na lamang ang naiwan rito at abala ako sa paghahanda ng pagkaing babaunin ko para kay Jeho. Sosorpresahin ko siya sa kan'yang opisina. Alam kong matutuwa iyon dahil ipinaghanda ko siya ng paborito niyang pagkain. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kung sakaling makita niya itong ulam na niluto ko. Tiyak ko na panay hilot ng kan'yang sentido dahil sinabi na niya sa 'kin na nagsawa na siya dahil narito naman na ko na pwede naman niyang kainin. Hindi kasi siya nakakain ng tunay na tahong kaya ngayon ay
"Can I join here sweetheart?" Hindi ako nakasagot agad dahil naumid na ang aking dila. Humila ito ng isang upuan at naupo ito sa tabi ko. "So what's up? Are you dating guys?" Napalunok na lang ako ng laway at tila umurong na talaga ang aking dila. "And you kuya? Why are you not answering my call? Ayaw niyo bang makaistorbo ako sa date niyong dalawa?" Umiling ako kay Lucio nang magtama ang aming mga mata. Nagtataka siya."Mali ka ng iniisip Jeho. Actually we're here para mapag-usapan sana ang tungkol sa ama ni Luke." Paliwanag nito."And so? Bakit kailangan siya pa ang gusto mong makausap? Why not me kuya? And you sweetheart?" Matamang tumingin siya sa 'kin. "Okay, Enjoy your date," ani nito saka ito tumayo at tuluyang umalis na ito. Naiawang ko na lang ang ibaba kong labi. "Habulin mo siya Kayrelle. Magsisisi ka kapag hindi ka sumama sa kan'ya," utos nito sa akin. Ayaw ko sana habulin pero parang tama siya. "Sige, maiwan na kita. Sensiya ka na Lucio ha," paalam ko at diretso ako sa
Hindi natuwa si Jeho nang sabihin kong sasama ako kina lola. Naghahanda na din ako ng mga gamit ko para sa pag-alis. "Excited ka na talaga na iiwan mo ko rito?" Namamaos niyang sabi dahil galing ito sa pag-iyak. Narito kami sa loob ng aming kuwarto. Tulog na rin ang mga bata. Tinabihan niya ko rito habang naglalagay ng mga gamit ko sa maleta. Nagulat pa nga ko dahil tinulungan niya pa ako."Anong ginagawa mo Jeho?" Takang tanong ko. Ngumisi ito."Tinutulungan kitang magsinop ng mga gamit mo," sagot naman niya. Nang matapos na nitong mailagay lahat ng mga gamit ko ay saka niya ito binitbit palabas ng kuwarto."Jeho, saan mo ba dadalhin yang maleta?" Sumunod ako sa kan'ya. Palabas na ito ng mansion. Sinundan ko talaga siya at inilagay na talaga niya ang maleta sa loob ng sasakyan nito. Ngayon naman ay ngumisi ito ng nakakaloko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ibang klaseng ng paninitig niya. Kinakabahan ako. "Gusto mong umalis diba sweetheart? So this is it. Aalis tayong dalawa at sa
Padabog akong umalis ngunit mabilis niyang nahuli ang aking kamay. "Sweetheart naman. Huwag ka naman magtampo," sabay yakap nito sa akin. "Halos mabaliw na ko sa paghahanap sayo kanina. Ginigising mo dapat ako kapag may balak kang lumabas. Natakot ako dahil hindi kita nakita pagkagising ko. About naman sa pagngiti ko kanina doon sa tatlong babae. Nagtanong lang naman ako sa kanila kasi nga hinahanap kita. Ang hirap naman maging bastos sa ibang tao lalo na kung bago lang tayo rito," paliwanag niya."Iwasan mo naman kasi minsan ang pagiging palangiti mo. Sa akin ka lang dapat ngumiti hindi sa iba. Kailangan mo pa bang ngumiti sa kanila habang kinakausap mo sila? Ang dami mong palusot Jeho." Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Nagulat na lamang ako nang buhatin niya ko. "Ibaba mo ko Jeho. Nakakahiya ka naman sa ginagawa mo," ani ko. Ako tuloy ang nahiya sa ginagawa niya kahit may mga tao kaming nakakasalubong rito sa daan. Inuwe niya ko rito sa bahay. "Bumigat ka sweetheart," puna
"Sir excuse me po, may tawag po kayo sa telepono," ani ng isang katulong. "I'll ne back sweetheart. Samahan mo muna ang mga bata," utos nito. Umalis si Jeho. Naiwan akong mag-isa rito. Nagulat na lamang ako nang may humawak sa aking balikat. Napahawak pa ko sa aking dibdib nang makita ko si lola. Anong ginagawa niya rito? Nakita ba niya kami ni Jeho? Si lola talaga kung saan sumusulpot. Nakakagulat bigla.Napakamot tuloy ako ng aking ulo nang ngumisi ito ng nakakaloko. "Kanina pa po ba kayo rito lola?" Nahihiya kong tanong. "Okay lang iha at dinig ko lahat ng mga pinag-usapan niyo ni Jeho. Kanina pa kasi ako rito nakaupo," prangkang ani ni lola. Nakita ko na lamang sa kabila mula rito sa malalagong halaman na may upuan nga rito. Ang hirap din pala magtago sa malalagong halaman. Kahit magtago ay may taong nakakarinig pa rin.Pekeng ngumiti ako kay lola. Nahiya ako dahil dinig niya lahat ng mga pinag-usapan namin. "Lola, pasensiya na po kung ano man po yung mga narinig niyo po. Si Jeh