"Can I join here sweetheart?" Hindi ako nakasagot agad dahil naumid na ang aking dila. Humila ito ng isang upuan at naupo ito sa tabi ko. "So what's up? Are you dating guys?" Napalunok na lang ako ng laway at tila umurong na talaga ang aking dila. "And you kuya? Why are you not answering my call? Ayaw niyo bang makaistorbo ako sa date niyong dalawa?" Umiling ako kay Lucio nang magtama ang aming mga mata. Nagtataka siya."Mali ka ng iniisip Jeho. Actually we're here para mapag-usapan sana ang tungkol sa ama ni Luke." Paliwanag nito."And so? Bakit kailangan siya pa ang gusto mong makausap? Why not me kuya? And you sweetheart?" Matamang tumingin siya sa 'kin. "Okay, Enjoy your date," ani nito saka ito tumayo at tuluyang umalis na ito. Naiawang ko na lang ang ibaba kong labi. "Habulin mo siya Kayrelle. Magsisisi ka kapag hindi ka sumama sa kan'ya," utos nito sa akin. Ayaw ko sana habulin pero parang tama siya. "Sige, maiwan na kita. Sensiya ka na Lucio ha," paalam ko at diretso ako sa
Hindi natuwa si Jeho nang sabihin kong sasama ako kina lola. Naghahanda na din ako ng mga gamit ko para sa pag-alis. "Excited ka na talaga na iiwan mo ko rito?" Namamaos niyang sabi dahil galing ito sa pag-iyak. Narito kami sa loob ng aming kuwarto. Tulog na rin ang mga bata. Tinabihan niya ko rito habang naglalagay ng mga gamit ko sa maleta. Nagulat pa nga ko dahil tinulungan niya pa ako."Anong ginagawa mo Jeho?" Takang tanong ko. Ngumisi ito."Tinutulungan kitang magsinop ng mga gamit mo," sagot naman niya. Nang matapos na nitong mailagay lahat ng mga gamit ko ay saka niya ito binitbit palabas ng kuwarto."Jeho, saan mo ba dadalhin yang maleta?" Sumunod ako sa kan'ya. Palabas na ito ng mansion. Sinundan ko talaga siya at inilagay na talaga niya ang maleta sa loob ng sasakyan nito. Ngayon naman ay ngumisi ito ng nakakaloko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ibang klaseng ng paninitig niya. Kinakabahan ako. "Gusto mong umalis diba sweetheart? So this is it. Aalis tayong dalawa at sa
Padabog akong umalis ngunit mabilis niyang nahuli ang aking kamay. "Sweetheart naman. Huwag ka naman magtampo," sabay yakap nito sa akin. "Halos mabaliw na ko sa paghahanap sayo kanina. Ginigising mo dapat ako kapag may balak kang lumabas. Natakot ako dahil hindi kita nakita pagkagising ko. About naman sa pagngiti ko kanina doon sa tatlong babae. Nagtanong lang naman ako sa kanila kasi nga hinahanap kita. Ang hirap naman maging bastos sa ibang tao lalo na kung bago lang tayo rito," paliwanag niya."Iwasan mo naman kasi minsan ang pagiging palangiti mo. Sa akin ka lang dapat ngumiti hindi sa iba. Kailangan mo pa bang ngumiti sa kanila habang kinakausap mo sila? Ang dami mong palusot Jeho." Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Nagulat na lamang ako nang buhatin niya ko. "Ibaba mo ko Jeho. Nakakahiya ka naman sa ginagawa mo," ani ko. Ako tuloy ang nahiya sa ginagawa niya kahit may mga tao kaming nakakasalubong rito sa daan. Inuwe niya ko rito sa bahay. "Bumigat ka sweetheart," puna
"Sir excuse me po, may tawag po kayo sa telepono," ani ng isang katulong. "I'll ne back sweetheart. Samahan mo muna ang mga bata," utos nito. Umalis si Jeho. Naiwan akong mag-isa rito. Nagulat na lamang ako nang may humawak sa aking balikat. Napahawak pa ko sa aking dibdib nang makita ko si lola. Anong ginagawa niya rito? Nakita ba niya kami ni Jeho? Si lola talaga kung saan sumusulpot. Nakakagulat bigla.Napakamot tuloy ako ng aking ulo nang ngumisi ito ng nakakaloko. "Kanina pa po ba kayo rito lola?" Nahihiya kong tanong. "Okay lang iha at dinig ko lahat ng mga pinag-usapan niyo ni Jeho. Kanina pa kasi ako rito nakaupo," prangkang ani ni lola. Nakita ko na lamang sa kabila mula rito sa malalagong halaman na may upuan nga rito. Ang hirap din pala magtago sa malalagong halaman. Kahit magtago ay may taong nakakarinig pa rin.Pekeng ngumiti ako kay lola. Nahiya ako dahil dinig niya lahat ng mga pinag-usapan namin. "Lola, pasensiya na po kung ano man po yung mga narinig niyo po. Si Jeh
Abala ako sa pagtitimpla ng gatas ng aking anak. Narito ako sa may kitchen habang sinusubaybayan ko ang haliparot na si Dea. Bakit kaya ang mga higad ay pilit pa din nila na isinisiksik ang kanilang sarili. Ano ba ang pwedeng gawin sa babaeng ito para lang layuan na niya si Jeho.Kung saan talaga nagpupupunta si Jeho ay sinusundan ko. Mahirap na kung malusutan ko ito. Naku! Masasabunutan ko na talaga ang Dea na ito eh."Sweetheart... San ka pupunta?" sita nito habang nakaturo pa ang kan'yang hintuturong daliri sa gatas na hawak ko. Pekeng ngumiti ako. Nakita ko kasi si Dea na sinusundan niya si Jeho. Saan kaya nagpunta ang bruhang iyon? "Ahm... Sa kuwarto. Bakit mo tinatanong?" pataray kong tanong. Tinaasan ko siya ng kaliwa kong kilay nang mapakamot siya ng ulo. Alam kong hindi naman ito ang patungo sa kuwarto ng mga bata ngunit halata naman eh na sinusundan ko siya."Sweetheart.. mUkhang naligaw ka ata. Halika na nga... Samahan na kita," sabay hawak niya sa aking kamay. Lihim akong
Nang kami na lang dalawa rito ni Jeho sa loob ng kuwarto. Agad niya kong tinabihan rito sa kama habang pinapatuyo ko ang aking basang buhok. Bahagyang inagaw niya sa 'kin ang blower."Jeho! Ako na okay..." Sabay kuha ko sa kan'ya ang blower. "Magpahinga ka na. Susunod ako pagkatapos," mahinahon kong sabi sa kan'ya."Sweetheart... Galit ka ba? I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo kagabi. Hindi na kita ginising dahil alam kong mapupuyat ka."Napasinghap ako. "Oo nga naman Jeho... Tama ka.. Mapupuyat pala ako dahil iniisip mo ko. Pero ang mga bata ba ay inisip mo din ba?" Napatayo ako para iwasan siya. Sumunod naman siya nang maupo ako rito sa may sofa. Tumabi ito sa akin. Ramdam ko ang pagbuga ng hangin sa kan'yang bibig. "Napapansin ko din yon sweetheart. Nararamdaman kong hindi ako pinapansin ng mga bata." Nainis ako sa sinabi niya. Pero no choice ako kung si Jeho lang inaasahan ni lola na idala sa hospital si Dea. Siya lang naman kasi ang lalaki rito. Napasinghap ako. "Alam
Pinauwe kami agad ni Jeho sa mansyon. Ngunit nakita ko pa si Dea rito sa hospital nang paalis kami kanina. Hindi ko lubos na maiwasan na hindi magalit dahil sa dobleng sakit na nadarama ko ngayon. Hindi ako nakatiis na mag-antay na lang dito na wala man lang ako ginagawa kaya bumalik ako ng hospital. Ako lamang mag-isang nagpunta at hapon na rin nang ako ay bumiyahe. Malapit na sana ako sa hospital nang may biglang bumangga sa minamaneho kong sasakyan. Hindi naman gaanong malakas ang pagkakabangga niyon ngunit kinabahan ako. Malimit lang kasi ang dumadaang mga sasakyan rito dahil nagshort cut ako para marating agad ang hospital. Nagulat na lamang ako nang biglang pumutok ang gulong ng sasakyan nang papaandarin ko na sana ito. Yung bumangga naman sa akin ay tila nawala na parang bula. Hindi ko napansin na umalis ito kaya naisipan ko na rin bumaba ng sasakyan para tingnan ang gulong. Nakita kong flat ang gulong. "Kainis ka naman! Bakit ka pa pumutok!" naiinis na ani ko rito habang ka
Lumipas ang tatlong araw, nailabas na namin ng hospital si Joharra. Simula noong malason ang aming anak ay hindi na ko pinapansin ni Jeho. Wala din dito sa mansyon si lola. Siya naman ngayon ang nagkasakit at nasa hospital siya ngayon kasama ang dad ni Jeho. Lahat ng nangyayari sa amin rito ay hindi namin inaasahan ang sunod-sunod na problema na dumarating sa amin. Gusto ko siyang lapitan pero natatakot naman akong kausapin si Jeho dahil galit pa din siya sa 'kin. Hindi ko na talaga maunawaan kung bakit nagbago ang kan'yang ugali. Simula nung araw na nakunan si Dea parang doon na nag-umpisa ang lahat. Naguguluhan na ko sa mga nangyayari sa kan'ya. Siya na ba si Jeho ngayon?"Mama..." Umiiyak ang aking anak na si Joharra. Hindi kasi siya pinayagan ng daddy niya na maglaro sa labas. "Bakit ka umiiyak baby?" Hinagkan ko siya ng halik sa kan'yang noo."Gusto ko na po umuwe ng Probinsiya. Doon na lang po kami mag-aaral ni Johann."Nadama ko na lang na hindi na masaya ang mga bata. Dahi