-KAYRELLE-Lumipas ang isang taon, naipanganak ko na din ang anak namin ni Jeho ngunit hindi ko kapiling ang aking anak dahil mas lalo lang nagagalit sa akin si Luke kapag nakikita niya ang sanggol. Nasa pangangalaga siya ngayon ng aking ama kasama ang mga kapatid niya. Galit ang naramdaman ni Luke para sa akin dahil ni minsan ay hindi niya pa ko nagawang sipingan simula nang kami ay kinasal. Ikinulong niya ko sa sarili naming mansion at minsan ay napagbubuhatan din niya ko ng mga kamay niya at lahat ng iyon ay aking tiniis. Sobra akong nadepressed noon dahil lagi kong iniisip si Jeho noon. Pero nang malaman kong nagdadalang-tao ako noon. Iningatan ko na ang aming anak kahit ayaw ni Luke sa bata. Sobrang sakit para sa 'kin, hindi niya alam na tatlo na ang aming anak. Dala-dala ko pa din hanggang ngayon ang konsensiya dahil sa mga kasalanan kong nagawa sa kan'ya. Iniisip ko ngayon kung kamusta na kaya siya? May iba na kaya siya? Iyon na lang palagi ang katanungan sa aking isip a
Habang abala ang pag-uusap ng dalawang magpinsan, tahimik na umalis ako na hindi namamalayan ni Luke. Wala ako sa aking sarili habang patuloy lang ako sa paghakbang. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Gusto ko lamang mapag-isa para mailabas ko lamang ang hinanakit dito sa aking puso.Napayakap na lang ako sa sarili kong katawan nang madama ko ang malamig na hangin na dumapo sa aking balat. Hindi ko napansin na dito ako dinala ng aking mga paa. Nasa rooftop na pala ako ngayon nag-iisa. Dito ay pwede ko ng ilabas ang lahat ng hinanakit dito sa puso ko. P'wede akong sumigaw at p'wede din akong umiyak hangggang sa gusto ko total wala naman makakakita at makakarinig sa akin. Matagal akong narito hanggang sa biglaang pagsakit ng aking puso. Para itong tinutusok tusok ng paulit-ulit. Hindi ako makahinga dahil patuloy lamang itong sumasakit. Minsan titigil pero naging sunod-sunod na ang pananakit nito. Napagod din ang puso ko dahil walang tigil ang aking paghikbi lalo
Tama nga si Jeho, wala nga akong kasama dito sa bahay. Pero kahit narito ako sa tahimik na lugar at kahit na naririto pa si Jeho na nakikita ko. Pero wala namang katahimikan itong pananakit ng aking puso sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Ipinahinga ko na lamang ang aking katawan sa loob ng aking silid. Pakiramdam ko ay napagod ako maghapon kahit wala naman akong ginagawa. Ang lungkot, wala makausap. Walang pinagbago kahit narito ako sa isla ay parang isa pa rin akong preso. Hindi sa ganitong paraan ang gusto ko para sumaya. Pero mas lalo ata akong nalulungkot dito kahit malaya akong nakakalabas dito sa bahay. Kinabukasan, napabalikwas ako ng bangon nang may marinig akong mga ingay. Hindi lang dalawa kundi parang marami sila. Akala ko sariling bahay ko ito dahil ito ang sabi ni Luke sa akin. Bumaba ako ng kama para silipin kung ano ang mga kaganapang mga ingay na iyon. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.Tama nga ako, marami nga sila. Parang nagkakasiyahan pa nga sila at ganun
Pagkagising ko, madilim na ang loob ng kuwarto pagkamulat ko ng aking mga mata. Bumangon ako para i-on ang ilaw. Alas siyete na pala ng gabi nang magawi ang aking paningin sa wall clock. Nakaramdam tuloy ako ng pagkagutom dahil nalipasan na naman ako ng panghapunan kanina. Naupo na lang ako sa aking kama dahil nakakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Sobrang lakas kasi ng pagkakauntog ko sa sahig kanina. Parang naalog ata ang buong ulo ko kaya ganito na lang ito kasakit.Napalingon na lang ako sa gawing pinto ng bumukas iyon. Si inay ang pumasok dito sa loob at may dala-dala itong tray na may lamang pagkain."Iha kumain ka na muna," nakangiting ani niya nang ilapag niya ito sa may side table. "Kumusta na ang pakiramdam mo iha? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong nito. Tinabihan niya ko sa pagkakaupo ko dito sa kama."Ayos na po ako inay kaso po nahihilo lang po ako," sagot ko rito. "Kumain ka na iha para makainom ka na din ng gamot mo," ani niya. "Lalabas na muna ako habang kumakain k
JEHO POV.......Nakahinto na ang sinasakyan naming yate. Narito na kami sa isla kung saan gaganapin ang prenup photoshoot namin ni Dea. Nakababa na ang lahat pero napansin kong parang wala si Kayrelle sa mga kasamahan naming nagsibabaan. "Sweetheart!" sigaw ni Dea nang mapansin nitong hindi pa ko nakakakaba. Nauna na kasi itong bumaba dahil excited na ito na makita ang falls. "Sunod ako love!" sigaw ko din. Love ang tawag ko sa kan'ya imbes na sweethert din. Gusto ko lamang makalimot sa nakaraan naming dalawa ni Kayrelle. Pero minsan sa tuwing nakikita ko siya ay parang wala na sa akin kung ano ang aming nakaraan noon. Kinalimutan ko na ang lahat simula nang dumating si Dea sa buhay ko. Sumabay na sa pag-alis si Dea kasama ang mga kaibigan niya. Agad ko namang hinanap si Kayrelle sa loob at baka naroon lang siya. Una kong tinunton ang unang kuwarto dahil may dalawang kuwarto ang yate na ito. Madali lang naman halughugin ito dahil maliit lamang ang space nito. Wala siya dito nang ha
JEHOBahagyang nilapitan ko siya at inayang umalis. Hindi ko na nagawang lingunin si Kayrelle dahil ayaw kong makita siyang nasasaktan ito. Ayaw ko lang mahalata ni Dea na nagkaayos na kaming dalawa. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Naguguluhan tuloy ako sa aking sarili kahit na nalaman ko kung ano ang naging dahilan kung bakit kami ngkahiwalay ni Kayrelle noon. Totoong minahal ko naman si Dea pero paano naman si Kayrelle? Awa na lang ba ang nararamdaman ko para sa kan'ya?"Is there any problem sweetheart?" nahalata siguro niya na balisa ako dahil hindi komportable ang kinikilos ko ngayon. Oo, ang dami kong iniisip ngayon at isa na doon si Kayrelle kung paano ko siya maiaalis kay Luke. "Nothing love, napagod lang din siguro ako," tipid kong sagot. "Are you sure? What about Kayrelle? Bakit magkayakap kayo kanina? Mahal mo pa ba siya?" Pabigla-bigla niyang tanong sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit niya pa ito naitanong ang tungkol sa bagay na iyon. "Love! alam mong ikaw ang mahal
Napaupo ako sa sofa dala ng pagkahina ng aking katawan at napahilamos ng mukha nang malaman ko ang totoo. Natutuwa ako na malaman na may anak kami ni Kayrelle. Pero bakit hindi niya sa 'kin inalam noong ako ay magtanong sa kan'ya. "Si Johann, anak ko si Johann dad,' naiiyak na ani ko dahil sa galak na nadarama. "Hindi lang si Johann ang anak niyo ni Kayrelle. May kambal si Johann at hindi lang sila ang mga anak mo. May isang baby ka pang naiwan sa kan'ya bago ka umalis. Jeho anak, kung mahal mo pa si Kayrelle kahit na asawa na siya ni Luke, huwag naman sana siya mailayo sa mga bata, ang mga anak niyo. Mahigit isang taon na niya itong hindi nakakasama at nakikita ang mga bata. Huwag mo na lang antayin pa na pati ang mga bata ay ilayo din sila sayo habang hindi pa niya ito nalalaman. Sana hindi pa huli ang lahat Jeho.""Gusto kong makita ang mga anak ko dad, lola. Please! I want to see them.""Pero sa isang kondisyon, itigil mo na ang kahibangan mo. Hindi ka nararapat na maikasal sa i
Dalawang araw ang lumipas mula ngayon. Kaya pala hindi ko ito nakikita ay umalis pala ang mga ito. Kung patungo sila sa airport, balak ni Luke na ilayo si Kayrelle at itago. At ayon sa imbistigasyon ay nag-away ang mga ito kaya bumangga sila sa malaking puno. Si Luke ay nakompirmang patay na. Pero in the same time, biglang naglaho ang katawan nito na hindi malaman ng mga awtoridad kung sino ang kumuha ng bangkay niya. And si Kayrelle ay hindi mahanap ang katawan nito matapos mabangga ang kanilang sasakyan. Sana ay ligtas lang siya. Sana ay nakatakas siya mula kay Luke. Sana ay walang anumang nangyari sa kan'ya. Pauwe na kami ng mansion ngayon. Hindi na ko bumalik sa isla dahil wala na kong balak na ituloy ang kasal namin ni Dea. Pero sobrang nasaktan ito nang malaman niyang hindi na matutuloy ang kasal. Mas priority ko ngayon na hanapin si Kayrelle. But damn it! I hate her condition. Hindi siya aalis sa aking tabi hangga't hindi pa nahahanap si Kayrelle. Mahanap man o hindi ay hindi