Kinabukasan, maaga kaming namasyal ng aking anak kasama si Monette. Request ito ni Johann dahil ayaw nitong sumama sa event mamayang gabi. Oo nga naman, hindi kasi mahilig ang aking anak sa mga ganoong mga okasyon dahil mapapagod lang ito at hindi niya maeenjoy dahil para sa matatanda daw ang event na iyon. Naloka talaga ako sa kan'yang tinuran kaya pinagbigyan ko ang kahilingan ni Johann na mamasyal.Habang nasa malayo kami, nasa malayo naman ang kan'yang tanaw nang makita ko ang isang sorbetero sa di kalayuan mula sa amin."Gusto mo ng icecream baby?" "Yes mama, p'wede po?""Sure anak!" ngiting sabi ko."Yehey!" tuwang tuwang sabi nito with patalon talon pa."Okay baby, dito ka muna kay tita Monette ha at bibili si mama ng icecream," bilin ko sa kan'ya. "Yes po mama," nakangiting tugon nito.Nagtungo na ko sa may nagtitinda ng sorbetes pagkapaalam ko kay Johann at bumili ng tatlong pirasong icecream para sa kakainin namin. Ilang minuto lang ang itinagal ko, pabalik na ko kung saan
Napaawang ang aking ibabang labi dahil tuluyan akong iniwan ni Jeho habang tanaw ang kan'yang likod na papalayo. Gusto kong sumunod ngunit may tatlong mga nakablack suit na lalaki na kaagad na pumigil sa akin at kasunod si papa. "Kayrelle!" tawag sa akin ni papa. Nasa kan'yang tabi si Don Escobar at Luke. Sinamaan ko ng tingin si Luke dahil sila ang may plano nito at sila ang may kagustuhan nito. Alam kong natutuwa pa sila sa mga nangyayari sa pamilya ni Jeho dahil ito ang gusto nilang makita ang unti unting pabagsakin ang buong pamilya ng mga Saavedra. "Masaya ka ba Kayrelle dahil nakaganti ka na sa pamilya Saavedra?" Nakangiting tanong nito. Napatingin ako kay papa para humingi ng saklolo. Wala akong maisagot na tama ngayon dahil ako man ay naguguluhan sa mga nangyayari. "Ah... Don Escobar, pasensiya ka na sa anak ko. Alam kong nabigla siya sa mga nangyayari ngayon at pagpasensiyahan niyo po muna kung p'wede ay ipagpaliban muna sa ibang araw kung anuman ang n
Kasalukuyan akong nagluluto ng pananghalian namin ni Jeho habang siya naman ay inaayos ang faucet ng host sa labas ng bahay. Pupunuin niya daw kasi ng tubig yung binili niyang inflatable swimming pool. Magbababad daw kasi kami mamaya sa silong ng mangga. Damang dama na kasi ang sobrang init ng panahon ngayon kaya mamaya ay magpipicnic kami sa labas ng bahay. Naisipan ko siyang puntahan sa labas nang matapos na ko magluto para silipin kung tapos na siya sa kan'yang ginagawa. Wala siya dito sa labas nang silipin ko siya pero natapos na niyang gawin yung ginagawa niya.Pinupuno na niya ng tubig ang pool. Parang gusto ko ng magbabad dahil ramdam ng aking katawan ang init at nag-uumpisa na kong mamawis sa aking noo. Iginala ko ang aking paningin sa paligid para hanapin siya pero wala talaga siya.Asan na kaya iyon? Andito lang siya kanina ha.Napalingon na lang ako agad nang may tumikhim sa aking likuran habang sinasawsaw ko ang aking dalawang kamay sa tubig. Napaawang na lang ang ibabang
Narito na kami sa heaven sky na sinasabi ni Jeho. Pero hindi naman heaven sky ang nakasulat sa may boundary. Inirapan ko si Jeho nang mabasa ko iyon. "Heaven sky ba iyan?" turo ko. Sabay tawa nito. "Siya rin 'yon sweetheart kasi mas tahimik ang lugar na ito kaya wala ng makakahanap pa sayo," sabay akbay nito sa akin. "Baliw ka talaga!" singhal ko. Nauna na kong naglakad patungo sa papataas na daanan na napakabato. Hindi na ipinasok ni Jeho ang sasakyan niya rito papasok sa heaven sky. Ay ewan ko ba kung heaven sky ba ang lugar na ito. Alam kong pinaglololoko lang ako ng Jeho na iyon eh. Alam kong tawang-tawa na 'yon sa akin. Nang marating ko na ang isang resthouse. Nagpahinga muna ako sa upuan dahil napagod akong naglakad kahit malapit lang ito. Napanguso na lang ako nang makita kong ngiting-ngiti si Jeho nang malapit na ito sa kinaroroonan ko. "Are you tired sweetheart?" malambing niyang tanong. Inirapan ko siya. "Alam mo naman pala eh. Tinatanong mo pa," naiinis na sabi ko.
Naging masaya naman ang mga araw na magkasama ang dalawa. Ilang araw pa lang sila nanatili ay tila ayaw na ni Kayrelle na umaalis si Jeho dahil gusto niya ito palaging nakikita at nakakasama. Pagkagising pa lang ni Kayrelle sa umaga ay parating wala ito sa kan'yang tabi si Jeho.Isang note lamang ang binabasa nito sa tuwing naiiwan siya. Naiintindihan naman niya ito dahil alam niyang maaga itong nagigising at kadalasang kasarapan pa ng pagtulog sa tuwing umaalis ito. Naging abala si Jeho nitong mga nakaraang araw dahil sa kan'yang trabaho. Minsan ay gabi na ito umuuwe. Pero agad naman inaasikaso ni Kayrelle kapag nakikita niyang pagod ito. Hindi na din sila gaanong nakapag-usap dahil pagod pa ito mula sa biyahe. Minsan naawa na din si Kayrelle kay Jeho pero balewala lang iyon kay Jeho kapag si Kayrelle ang kan'yang kasama. Matulin na lumipas ang mga araw,, isang buwan na din silang nanirahan sa resthouse na pagmamay-ari nito sa Quezon. Bagamat namimiss niya din ang mga kambal niyang
Tuluyan na nga niyang iniwan ang bahay. Nilukob na siya ng matinding galit nang siya ay pasakay na sa kan'yang sasakyan. Sobrang sakit sa kan'yang puso na parang paulit-ulit na tinutusok ang sakit dahil sa labis siyang nasaktan kay Kayrelle. Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan nito kasabay ng pagtulo ng kan'yang mga luha sa kan'yang mga mata. Hinayaan niya lang itong tumulo dahil kahit ilang beses pa niya ito punasan ay ganoon pa din dahil hindi niya mapigilan ang paghikbi nito.Malalim na ang gabi nang siya'y makarating sa isang bar. Mag-isa niya lamang umiinom ngayon baka sakaling maibsan ng konti ang sakit na nadarama niya sa kan'yang puso. Habang tinutungga nito ang alak, pakiramdam nito ay hindi na talaga matanggal ang sakit na nadarama niya dahil bawat lagok niya ng alak ay naaalala lamang niya ang sakit na ginawa sa kan'ya ni Kayrelle."Hey are you alone?" tanong nito kay Jeho nang may tumabi sa kan'yang babae. Matamang napatingin siya rito at nabighani siya sa ganda ng baba
-KAYRELLE-Lumipas ang isang taon, naipanganak ko na din ang anak namin ni Jeho ngunit hindi ko kapiling ang aking anak dahil mas lalo lang nagagalit sa akin si Luke kapag nakikita niya ang sanggol. Nasa pangangalaga siya ngayon ng aking ama kasama ang mga kapatid niya. Galit ang naramdaman ni Luke para sa akin dahil ni minsan ay hindi niya pa ko nagawang sipingan simula nang kami ay kinasal. Ikinulong niya ko sa sarili naming mansion at minsan ay napagbubuhatan din niya ko ng mga kamay niya at lahat ng iyon ay aking tiniis. Sobra akong nadepressed noon dahil lagi kong iniisip si Jeho noon. Pero nang malaman kong nagdadalang-tao ako noon. Iningatan ko na ang aming anak kahit ayaw ni Luke sa bata. Sobrang sakit para sa 'kin, hindi niya alam na tatlo na ang aming anak. Dala-dala ko pa din hanggang ngayon ang konsensiya dahil sa mga kasalanan kong nagawa sa kan'ya. Iniisip ko ngayon kung kamusta na kaya siya? May iba na kaya siya? Iyon na lang palagi ang katanungan sa aking isip a
Habang abala ang pag-uusap ng dalawang magpinsan, tahimik na umalis ako na hindi namamalayan ni Luke. Wala ako sa aking sarili habang patuloy lang ako sa paghakbang. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Gusto ko lamang mapag-isa para mailabas ko lamang ang hinanakit dito sa aking puso.Napayakap na lang ako sa sarili kong katawan nang madama ko ang malamig na hangin na dumapo sa aking balat. Hindi ko napansin na dito ako dinala ng aking mga paa. Nasa rooftop na pala ako ngayon nag-iisa. Dito ay pwede ko ng ilabas ang lahat ng hinanakit dito sa puso ko. P'wede akong sumigaw at p'wede din akong umiyak hangggang sa gusto ko total wala naman makakakita at makakarinig sa akin. Matagal akong narito hanggang sa biglaang pagsakit ng aking puso. Para itong tinutusok tusok ng paulit-ulit. Hindi ako makahinga dahil patuloy lamang itong sumasakit. Minsan titigil pero naging sunod-sunod na ang pananakit nito. Napagod din ang puso ko dahil walang tigil ang aking paghikbi lalo