Alexander POVFirst time kong magkagusto sa babae. I smirked' nang maisip ko kung paano ako nagtapat kanina kay Honeylette. Baduy na kung baduy basta nasabi ko na sa kanyang gusto ko siya. Noong una ay nag-alangan pa ako, alam ko kasing galit siya dahil sa ginawa ko, ngunit hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. At hindi rin ako makatiis na ganoon ang trato niya sa akin, kaya naman pinuntahan ko siya.Napapailing na lang ako sa aking sarili hindi ko akalaing sa kanya pa ako magkakagusto. Sa isang babaeng, saksakan nang kulit at pagkapasaway. Ang dami kong kakilalang babae na nakakasalamuha ko sa business may mgs sinabi sa buhay, maganda at sexy. Pero sa kanya lang ako nahumaling nang ganito. Siya ang pinaka maganda sa lahat nang babaeng kilala ko. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko. Ngunit gagawin ko ang lahat para mapaibig ko siya. Biglang tumunog ang aking celphone. Binuksan ko iyon at tiningnan kung sino ang nag-message.From: Dad; We have a meeting tomorrow with Mr. Domingo
Honeylette POV Pagkamulat nang aking mga mata ay naramdaman ko agad ang paang nakadantay sa aking mga hita, at ang braso na nakapulupot nang mahigpit sa aking baywang. Lihim akong napangiti. Animo'y may aagaw sa akin sa tindi nang yakap niya. Dahan dahan kong ini-aangat ang braso niya, ngunit naramdaman niya marahil kaya mas matindi pa niya akong niyakap at inilubog ang mukha sa aking batok. Nakikiliti tuloy ako sa hininga niya. Humarap ako sa kanya para makita ko ang kanyang mukha. Nakita kong nakapikit pa rin siya. Ang gwapo niya talaga kahit tulog siya. Wala pa rin siyang damit pang itaas, pero ramdam kong nakasuot siya nang boxer short at ramdam ko rin ang galit niyang alaga. Tumatama ito sa aking hita. Samantalang ako ay nakasuot lang nang t-shirt niya at naka- underwear, nagawa pa rin niya akong bihisan kagabi, yun nga lang ay hindi iyong bihis na bihis naglaan siya para ngayong umaga. Alam na alam ko na. "Gumising ka na.” malamyos kong sabi.Ngunit imbes na mumulat ay inilu
Alexander POV "You can go" Pagkalabas ni George sa pinto nang aking opisina ay napahugot ako nang malalim na hininga. Malinaw na ang lahat. Delio Garcia and Emily Garcia. Ama't Ina ni Honeylette Garcia. Ngayon alam ko na lahat ng pinagmulan niya. Si Emily ang babaeng muntik ko nang mabangga ay ina nang aking asawa. I smirked. Nang maisip ko ang salitang asawa.Hindi ko inaasahan na marami akong malalaman, lalong lalo na sa buhay ngayon nang kanyang Ina. Wala siyang alam sa kung anong nangyayari ngayon kay Emily Habang iniisip ko ang lahat ng sinabi ni George ay biglang may kumatok sa pintuan. "Come in." Tugon ko.Iniluwa noon si Patricia Domingo. Anak ni Mr. Bernardo Domingo. Ang babaeng gusto ni Dad na pakasalan ko. "Good Morning!" nakangiting bati nito."Good Morning." walang buhay kong sagot. Nagkunwari akong busy sa aking laptop. Para hindi ko siya matingnan. Wala rin akong pakealam kung mapansin niya ang tono ng aking pagnanalita."Can I disturb you?”
Honeylette POV "Bhe gising! Hoy gising na!.” Napatakip ako nang unan sa aking tainga nang marinig ang maingay na boses ni Julie.Napilitan akong bumangon dahil sa paulit ulit nitong paggising sa akin."Bakit ba?" Papungat pungat kong tanong."Anong bakit ka dyan? Hindi ka ba sana'y gumising nang maaga tanghali na po!." Hinila niya ang kumot na nakataklob sa aking mga paa. Napilitan akong bumangon sa aking pagkakahiga. "Magbihis ka na may lakad daw tayo nina Sir." Napalingon ako kay Julie."Huh?! Saan daw?” "Hindi ko alam basta magbihis ka na naghihintay na sila."Paglabas namin nang bahay ay nakita ko na si Rose at Tiya na may mga bitbit. Si Alexander naman ay abala sa paglalagay nang kung anong bagay sa likod nang sasakyan niya. "Bakit ang tagal niyo.?" tanong ni Tiya."Kasi po itong si Honeylette sobrang tagal magbihis.""Anong ako.?” Protesta ko."Totoo naman eh." Pang-aasar ni Julie."Hay naku. Tama na nga kayo dyan. Sumakay na kayo." Nauna na sina tiya sumakay. Si Alexander n
Honeylette POV"Umamin ka na, may namamagitan ba sa inyo ni sir Alexander?” tila naghahatol sa korte ang pagtatanong ni Julie.Namumutla na tuloy ako. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo. O dapat ko pa bang ilihim ang meron kami ni Alexander. Baka kasi kapag nalaman nila ay makarating kay tiya. Pero hindi naman sila ganoon. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan ko sila na huwag sabihin kay tiya. Natatakot ako kapag nagkataong malaman niya. Hindi naman ako natatakot sa sermon niya dahil sana'y na ako. Natatakot ako sa kung anong mangyari baka kasi umabot sa paalisin ako ni tiya dito para ilayo kay Alexander. Kapag nangyari iyon, ay parang hindi ko kakayanin.Ngunit sa bandang huli ay nagawa ko rin sabihin kina Julie at Rose ang relasyon namin ni Alexander. Halos masira ang eardrum ko sa tili nang dalawa samahan pa nang mga hampas nila sa balikat ko."Teka kung ganun may nangyari na sa inyo ni Sir.?” Tila umurong ang dila ko sa biglang tanong na iyon ni Julie. Hind
Honeylette POV"Honeylette!"Nakakailang tawag na pala si Rose sa pangalan ko ngunit, tila wala akong narinig. Dahil may ibang umuukopa sa aking isipan."Okay ka lang ba Honeylette?. Bakit parang ang lalim nang iniisip mo?" Hindi pa rin ako kumibo."May sakit ka ba?" Umiling ako bilang sagot kay Rose. Kahit hindi niya sabihin alam kong nagtataka siya sa kilos ko. Ngunit hindi na lang siya nagtanong at hinayaan na lang ako. Hindi ko na nakita si tiya pagkagising ko. Nalaman ko na lang din na maagang umalis si Alexander. Hindi na kami nakapag-usap mula nang umuwi kami galing resort. Sa tingin ko ay ginagawa na niya ang sinabi ni tiya na layuan namin ang isa't isa kaya sinisimulan na niya akong iwasan. Nalungkot ako nang sumilid iyon sa aking isipan. Ang isipin pa lang ang salitang layuan ay masakit na para sa akin.*Nagtaka ako nang makitang nag-iimpake sina Julie at Rose."Aalis kayo?” "Oo Honeylette pinababalik na kasi kami ni Sir sa mansyon."Nabigla ako sa sinabi ni Rose. "Si
Honeylette POV Pumarada kami sa harap nang isang bahay. Makikita mong may pagkaluma na ito, parang napabayaan. Kung hindi ako nagkakamali ay sakop ito nang bayan ng Balayan. Tanging alam ko lang naman ay sa bayan namin sa Calaca. Napaisip ako kung bakit kami naririto. Friday pa naman ngayon dapat ay pumasok siya sa opisina. Pero imbes na nasa kumpanya siya sa Cavite ay naririto kami ngayon sa tapat nang isang bahay na hindi naman namin alam kung kanino. Hindi na ako nakapaghintay at tinanong ko siya. "Anong gagawin natin dito?”Hindi pa niya ako nasasagot nang marinig ko ang pamilyar na boses. Hindi ako nagkakamali sa kanya iyong boses na iyon. Nakabukas kasi ang bintana nang sasakyan kaya malinaw na malinaw kong narinig ang boses niya. "Dahan dahan lang at baka madapa kayo." sigaw nang babaeng lumabas sa bahay. Napatingin ako sa dalawang batang babae. Tumatakbo ang mga ito patungo sa nangangalawang nang gate. Inilipat ko ang paningin ko sa may ari ng boses para siguraduhin na h
Alexander POV Minabuti kong umalis nang bahay at balikan ang tirahan nang ina ni Honey. Alam kong galit siya sa ginawa ko. Sino nga ba ako para makialam sa buhay niya. "Kumusta siya?” tinitigan ko muna ang tasa nang kapeng ibinaba niya, bago ako nag-angat ng tingin sa ina ni Honeylette na ngayon ay nakaupo na sa kabilang sofa sa harap ko. Hindi ako nagsalita, bagkus ay dinampot ko ang tasa ng kape at sumimsim ng inom. Napansin ko ang paglungkot ng mga mata nito. "Galit pa rin siya sa akin." malungkot na sabi nito. Inikot ko ang tingin sa buong kabahayan. Katulad sa labas ay may kalumaan na ito. Ngayon ko lang nakita ang loob nito, noong huling punta ko ay hindi ko na silip ito dahil sa labas niya kami kinausap ng mga sandaling iyon, hindi ko maintindihan pero parang tila takot na takot ito na may makakita sa kanya ng mga oras na iyon. "Marahil ay nabigla lang siya sa pangyayari, pasensya na kayo." aniya ko. "Hindi. Ako dapat ang humingi ng pasensya sayo." Nagtahimik ang paligi
Honeylette POV Nagulat ako nang biglang pumasok si Lex sa kwarto namin, dala-dala nito ang ilan niyang mga gamit. Ibinaba niya iyon sa isang tabi. Matapos lumabas ni Lander sa ospital ay pumayag akong dito muna mamalagi si Lex. Nakiusap ito kina nanay na kung maaring makasama niya sandali ang kambal at hindi ko iyon minasama. "Dito muna ipatong iyong mga damit mo." Turo ko sa isang upuan. Hindi ko pa nalilinis iyong isang kwarto kaya pansamantalang dito sa kwarto namin ko muna pinalagay ang mga gamit niya. "Maiwan na muna kita, may gagawin pa kasi ako sa kusina." Patungo na ako sa may pintuan nang bigla niya akong hilahin. Namilog ang mga mata ko, nang sunod niyang gawin ang halikan ako. Nagprotesta ako dahil hindi naka-lock ang pinto at oras-oras ay pumapasok ang mga bata. Marahas ko siyang itinulak ngunit wala akong nagawa dahil sa matigas nitong dibdib. Kalaunan ay umagwat ito. Namumungay ang mga matang tinitigan ako. "I love you." Biglang bumil
Honeylette POV Halos hindi ako makahinga nang maayos matapos kong malaman ang lahat kay Camila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaya minabuti ko ang umuwi na muna. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at umiyak. Mag-uumaga na noon. Nag-alala sina nanay sa akin ng makita ang itsura ko pagkarating. Alam kong magtataka sila kung bakit ako umuwi ganoong nasa ospital pa si Lander. Ngunit alam kong ipapaliwanag lahat sa kanila ni Carlo ang nangyari dahil, isa rin naman siya sa nakakaalam ng lahat. Namumugto na ang aking mga mata sa kaiiyak. Dala nang puyat ay naka-idlip ako. Maliwanag na ang paligid nang magising ako. Naririnig ko na rin sina nanay at tiya sa sala. Sa wari ko ay nakabalik na sina Carlo para sunduin ako. Sinabi kasi nito kanina sa sasakyan na susunduin niya ulit ako para bumalik sa ospital. Wala akong naging sagot dito. Wala kasi akong gana na makipag-usap kahit kanino. Hindi naman sa galit ako sa kanila. Ayoko lang talaga na magsa
Alexander POV Halos mabaliw ako nang sumapit na ang gabi na hindi pa bumabalik ng bahay si Honeylette. Hindi ko siya macontact nakapatay ang celphone nito. Kaya naman kaagad ko ng ini-report sa mga pulis. Ngunit katulad ng patakaran nila, hindi nila maaring sabihin na nawawala ang isang tao dahil wala pang bente kwatro oras ang nakalipas. Kaya naman nagtungo ako sa nanay niya. Ngunit maging ang nanay nito ay wala rin. Kaagad kong tinawagan si Marc at pumunta sa bahay. Tinawagan nito si Carlo para magpatulong pero hindi niya rin ito ma-contact. Nalaman na lang niya sa kasamahan nitong pulis na nalipat ito sa ibang lugar. Kaya naman kami na lamang ni Marc ang naghanap. Kahit na hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Sa bandang huli bigo kaming makita siya. Nabalitaan namin na nakatakas ulit si Alejandro at nasisiguro ko na siya ang salarin sa pagkawala ni Honeylette . Siya ang kumuha dito maging sa ina at tiya nito, ngunit hindi namin matagpuan ang lugar kung s
Honeylette POV Diretsa lamang siyang nakatitig sa akin. Hindi kakikitaan nang ano mang-reaksyon ang kanyang mukha. Maging ako ay hindi makagalaw ng nasa harapan ko na ang lalaking pinagtaguan ko ng mahabang panahon. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Walang buhay ang kanyang mukha. Tila tumigil ang paggalaw ng kamay ng orasan ng malapit kami sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin, ngunit may pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa sa isip niya. Hindi kakikitaan ng galit ang mukha nito at hindi rin siya nagsasalita, na mas lalong ika-nakakaba ng dibdib ko. Tumingin ito sa gawi ni Lander. Doon ay nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Napansin ko ang pagtayo nina Josh at Carlo sa pagkakaupo. Sa wari ko'y pinakikiramdaman nila ang magiging reaskyon ni Lex. Sabay-sabay kaming napalingon muli sa pinto ng biglang pumasok doon si Camila, na siyang ikinagulat ni Marc. Maging ako ay nabigla rin. Bakit kasama siya ni Lex?. Hindi ba't bu
Honeylette POV Hindi ako mapalagay, habang nakatingin ako kay Marc. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nito dahil masyadong malayo ang distansya namin sa isa't isa. Kausap niya ngayon si Lex sa telepono. Sa bandang huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suhestyon nila. Wala na akong magagawa si Lex lang ang pag-asa para gumaling ang anak ko. Kahit na labag sa kalooban ko ang lumapit sa kanya. Nakita kong isinuksok na niya ang kanyang celphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tapos na agad silang mag-usap?. Ang bilis naman yata?. Taka kong tanong sa sarili. Seryosong tumingin sa direksyon ko si Marc. Pagkatapos ay naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nasa labas nang kwarto ni Lander, ang tanging naiwan lang sa loob ay si Josh. Sumunod ako kay Marc sa labas para marinig ang sasabihin nito kay Lex, ngunit lumayo naman siya sa akin. Si Carlo naman ay nakaupo malapit sa tabi ko. "Papunta na siya!.” Deklara ni Marc. Biglang dumagundong an
Honeylette POV Nakatakip ang mga palad ko sa aking mukha. Pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi mag-alala. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maramdaman ang aking pag-aalala para sa aking anak. Uupo, maya-maya'y tatayo at maglalakad ng pabalik-balik, pagkatapos ay uupo ulit. Para akong baliw sa kilos ko, hindi ako mapalagay hangga't hindi lumalabas ang doctor sa kwarto na pinagpasukan kay Lander. Anong lagay nang anak ko?. Iyon palagi ang tanong ko sa aking isip. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko, tinitigan niya ako. Hindi man siya nagsalita ngunit alam ko na ang ibig niyang sabihin, na kumalma lang ako at magiging ayos rin ang lahat. Pinilit kong gawin iyon at minabuting maghintay sa paglabas ng doctor. Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuang nasa harap ng room ni Lander. Tanging si Josh at Carlo lamang ang kasama kong pumunta ng ospital. Naiwan sa bahay si tiya at nanay para samahan si Hailey. Gustuhin man sumama sa amin ni nanay ngunit, pinigilan ko ito. Ma
Honeylette POV "Kumusta? bakit ngayon lang kayo?.” Tanong ko, pagkalapit ko sa kinaroroonan nina Carlo. Hindi kaagad nakapagsalita si Carlo, para bang may kakaiba sa reaksyon niya. Napatingin ito kay Josh, bago nagsalita. "Uhmmm.. May mahalagang inasikaso kasi ako kahapon. Kaya hindi kami natuloy ni Josh." Saad nito. " Ano naman pinagkaabalahan niyo kahapon?. Parehas kayo ni Josh?.” Kunot noo kong tanong. "Hindi, ako lang, nasa bahay lang si Josh kahapon. U-umuwi akong Batangas." Nag-aalangang sambit ni Carlo. Hindi na ako nagsalita. Siguro ay si Crystal ang ipinunta niya roon. "Siya nga pala may pasalubong ako sayo." Kinuha ni Carlo sa kanyang gilid ang isang kahon at iniabot nya iyon sa akin. "Ano ito?.” Tanong ko habang hawak-hawak ang kahon."Buksan mo." Nakangiting saad ni Carlo. Binuksan ko ang naturang kahon. Nagalak ako nang makita ang laman nito. Kalamay na mais!. Ito ang na-miss kong kainin sa Batangas. "Sal
Honeylette POV Kasalukuyan akong nasa ilalim ng malaking puno na katabi nang bahay namin. Sa ilalim ng punong iyon ay makikita ang isang mahabang upuang kawayan. Samantala naroon din ang isang papag na nagsisilibing higaan namin tuwing tanghali. Halos doon kami namamalagi kapag walang ginagawa, sariwa at malamig kasi ang hangin dito. Minabuti kong magmuni- muni muna dito ngayong gabi. "Anak may gumugulo ba sa isipan mo?.” Bahagya akong nagulat nang biglang may mag-salita sa likuran ko. Nilingon ko si nanay. Nababanaag sa mukha nito ang pag-aalala. Umiling ako. Bilang pagtanggi ko. Tiningnan niya ako nang diretso. Alam kong hindi siya naniniwala base sa mga titig nito. Iba talaga kapag nanay mo, o magulang mo. Kahit hindi mo man sabihin, kahit hindi ka magsalita at pilit kang tumanggi, mararamdaman at mararamdaman pa rin nila ang kung anong nararamdaman mo o kung may problema ka bang iniisip. Katulad ko na isang ina na rin. Nararamdaman ko kapag til
Honeylette POV "Mommy tingnan mo po ang ganda po nang binili sa akin ni Daddy Chellex na doll." Masayang ipinakita iyon sa akin ni Hailey. Tatlong taon pa lang ang kambal ngunit napaka- bibo na ng mga ito. Dalawang taong gulang palang sila noon ay matuwid na silang magsalita at marami nang alam. Kasalukuyan silang nasa sala nang mga oras na iyon at pinakikita ni Marc ang mga dalang pasalubong nito sa kambal. Daddy Chellex ang tawag nila kay Marc. Si Marc ang nagturo noon sa kanila. Ayaw kasi nito na lalaking walang tinatawag na ama ang kambal. Ayokong pumayag noong una dahil hindi naman talaga nila tunay na ama si Marc. Ngunit alam nang kambal na hindi si Marc ang ama nila. Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang ginawa nito sa kanila. Ganoon pa man lumaking malapit ang loob nila kay Marc at Carlo. Sa tatlong taon na nakalipas ay hindi nakaramdam ang mga anak ko ng kawalan nang isang ama dahil nand'yan si Marc at Carlo upang iparamdam sa kanila iyon. Lumaking m