“Anong kalokohan ang sinasabi mo?”Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya ng masama kay Fiona. Alam niya rin na wala na masyadong natitirang oras si Fiona, pero ito rin ang rason kung bakit hindi dapat niya sabihin ang ganitong mga bagay.Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga si Joshua.“Dahil gusto mo na pumunta si Luna, hindi kita pipigilan.”Kinagat ni Fiona ang labi niya dahil sa mga sinabi ni Joshua.“Pero, Joshua, kailangan ko ng tulong mo…”Hindi mapigilan ni Joshua na kumunot ang noo niya dahil sa mga sinabi ni Fiona.“Gusto mong tumulong ako?”“Oo.” Lumapit si Fiona sa tabi ni Joshua. Kumapit at hinila niya ang braso ni Joshua, mahina niya itong hinihila.“Alam mo ang tungkol sa away namin. Kung ako mismo ang tatawag at maghahanap sa kanya, siguradong iisipin niya na may binabalak ako at tatanggi siya.“Pati, gusto kong humingi ng tawad sa kanya pagkatapos nating magkita. Gusto ko siyang sorpresahin. Mas magmumukhang tapat din. Kaya…”Nagbuntong hining
Mukhang tama si Aura. Ang lahat ng paghihirap niya ay nasayang.Kahit anong pagsisikap niya, wala siyang laban kay Luna sa puso ni Joshua. Si Luna lang ang nasa puso at mga mata ni Joshua.Ang lahat ng ginawa ni Joshua ay para kay Luna.Bakit?Bakit mapupunta sa puso ng isang mabuting lalaki na tulad ni Joshua ang isang p*ta na tulad ni Luna?Ayaw tanggapin ni Fiona ang katotohanan. Hindi niya ito matatanggap.Palihim na humigpit ang mga kamao niya.Noong gabing ‘yun, gusto niyang makita ni Joshua kung paano patayin ng pinakamamahal niyang babae ang lola niya, na siyang nirerespeto ni Joshua ng sobra!Sa ganun, gusto niyang makita kung kanino papanig si Joshua kapag nagkaharap ang dalawang pinakamahalagang babae sa buhay niya!…10 ng umaga. Maliwanag ang sinag ng araw.Nasa good mood si Luna. Nilabas niya ang easel at paint supplies mula sa villa papunta sa isang gazebo sa hardin nila. Magsisimula pa lang siya na magpaint ng tanawin ng hardin nang maging ang phone niya.It
Eleganteng kinuha ni Luna ang bag niya at umalis na siya, habang pinanood siya ni Lily.Bago pa siya umalis, hindi niya nakalimutan na maglagay sa bag ng gamot na binili niya kagabi.Makalipas ang kalahating oras, nasa labas na ng opisina ni Luna si Joshua. Huminga siya ng malalim at inayos niya ang paghinga niya bago niya tinaas ang kamay niya at kumatok sa pinto ni Joshua.“Pasok.”Kumatok lang siya ng ilang beses nang tumunog ang mababang boses ni Joshua. Ngumiti si Luna at pumasok siya ng may mapanglait na ekspresyon.“Nabalitaan ko kay Shannon na marami ka pang hindi naiintindihan sa design natin ngayon?”Tumingin sa kanya ng kalmado si Joshua at sumagot ito. Tumuro si Joshua sa upuan sa harap niya.“Maupo ka.”Eleganteng umupo si Luna. “Akala ko ay maiintindihan ng isang matalinong lalaki na tulad mo ang isang simpleng design ko. Mukhang masyadong mataas pala ang tingin ko sayo, Mr. Lynch.”Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Naririnig niya ang panlalait sa tono ni Luna.
Nasa pinto na si Joshua nang mapansin niya na nakatayo lang si Luna sa isang lugar.Hindi niya mapigilan na kumunot ang noo. “Hindi ka ba sasama?”Bumalik na sa sarili si Luna. Huminga siya ng malalim at agad siyang sumunod kay Joshua.“Sasama ako.”Dinala ni Joshua si Luna sa Bamboo Palace, na isa sa pinakamagandang restaurant sa Banyan City. May eleganteng kapaligiran dito at sikat ito dahil sa mga pagkain nila.Naisip ni Luna na medyo nakakainsulto na dinala siya ni Joshua dito. Ang mga nakaraang beses na pumunta siya sa restaurant na ito ay kasama niya si Theo. Umamin pa ng pagmamahal sa kanya si Theo dito.Alam din ni Joshua ito. Hindi maintindihan ni Luna kung bakit dinala siya ni Joshua dito. Sinusubukan ba ni Joshua na maghiganti sa panlalait ni Luna kanina, o sa tingin niya lang ba ay magandang lugar dito?“Hindi ba’t sinabi mo na ‘wag lang kitang balewalain?”Pagpasok nila ng private room, agad a pinasa ni Joshua ang menu kay Luna.“Hindi biro ang pagkain sa Bamboo P
Ngumisi sa loob si Luna.Tulad ng inaasahan, tama ang hula niya. Sina Joshua at Fiona, ang dalawang mapagpanggap na tao, ay gagamitin sina Nigel at Nellie bilang dahilan para imbitahin siya.Ngumiti si Luna.“Paano kung tumanggi ako? Kinausap ko sila kagabi. Hindi ko narinig na namiss nila ako at hindi rin nila hiniling na bisitahin ko sila sa Orchard Manor.”Eleganteng sumandal si Luna sa upuan at elegante niyang pinatong ang isang binti niya sa kabila. “Kaya, ang mga bata ba ang may gusto na pumunta ako, o kayo ni Ms. Blake?”Kung sinabi ni Joshua ang katotohanan at sinabi niya na si Fiona ang may gusto na nandoon siya, baka respetuhin pa rin siya ni Luna bilang isang tapat na lalaki.Gayunpaman… Nirerespeto ni Joshua ang mga hiling ni Fiona, sinasabi na gusto ni Fiona na sorpresahin si Luna, para humingi ng tawad kay Luna ng personal.Kaya naman, sumingkit ang mga mata niya. “Syempre, ako ang may gusto na pumunta ka doon.”Kung sabagay, sa mga mata ni Luna, wala nang maganda
“Ang sinasabi ko po ay hindi namin mahanap ang taong ‘yun, pero sigurado po kami na inarkila ng mga organizer ang mga part-time janitor ng… mababang presyo lang po. Ang mga taong gagawa po ng ganitong madumi at mahirap na trabaho sa mababang presyo ay nasa pinakababa ng lipunan.”Pagkatapos, kumunot ang noo ni Lucas at tinanong niya, “Sir, bakit niyo po hinahanap ang ganitong klaseng tao?”“Wala lang.” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua. Isang part-time janitor, mula sa pinakamababang katayuan sa lipunan.Kahit na kung may sakit sa pag iisip si Luna, hindi niya yayakapin at sasamahan ang isang taong ganitong uri. Kaya naman, ang taong ‘yun kagabi ay hindi kasing simple ng nilarawan ni Lucas.“Magpatuloy kayo sa paghahanap. Ilang part-time janitor ang inarkila ng mga organizer, hanapin ang bawat isa sa kanila.”Kailangan niyang matuklasan kung sino ang taong ‘yun kagabi!Tahimik ng ilang sandali si Lucas. Gayunpaman, sumagot siya sa huli, “Masusunod po, sir!”…Pag alis ng restaur
Takipsilim.Pagsapit ng alas sais ng gabi, nakatanggap si Luna ng tawag mula kay Joshua. Gusto siyang sunduin ni Joshua papunta sa Orchard Manor. Sinabi ni Luna ang address ni Anne, hindi nagtagal, dumating ang kotse ni Joshua.Pagpasok ni Luna ng kotse, kumunot ang noo ni Joshua at tumingin ito sa maliit na bag na hawak ni Luna. “Anong dala mo?”Ngumiti si Luna. “Isang regalo.”Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya sa mga regalo. Umupo ng komportable si Luna sa backseat. “Juice lang ito na ginawa ko.”Ngumiti si Luna. “Nasugat si John, kaya binisita ko siya. Naghahanap ng paraan kung paano gumawa ng iced tea at fruit juice si Anne, kaya’t nakisama ako at gumawa na rin ako.”Medyo kumalma si Joshua. “Meron ba para sa akin?”Ngumiti si Luna. “Hindi. Mula sa pagkakaalam ko, ayaw mo sa ganitong mga bagay, Mr. Lynch. Kaya’t naghanda lang ako para kela Nigel, Nellie, Granny Lynch, at Ms. Blake.”Tumaas ang kilay ni Joshua. “Gumawa ka rin para kay Fiona?”“Bakit? Hindi ba dapat
Sa likod ni Nellie ay Nigel, na papalapit sa kanila.Sa likod nila ay si Granny Lynch at si Fiona, na kinamuhian ang isa’t isa. Kinarga ni Luna si Nellie habang inabot niya ang maliit na bag kay Nigel.“Nigel, dinala ko ito lahat para sa inyong lahat. Ibigay mo sa kanila lahat. Ang peach juice ay para kay Nellie, para sayo ang orange juice. Ang herbal tea ay para kay Granny Lynch, at ang lemon iced tea ay para kay Aunty Fiona.”Tumango si Nigel. Dala niya ang maliit na bag at lumapit siya kela Granny Lynch at Fiona.Tinikom ni Nellie ang mga labi niya habang karga siya ni Luna. “Bakit po dalawang salita lang ang pangalan ng inumin namin, pero tatlo kay Aunty Fiona? Hindi po patas!”Bumaba si Nellie mula sa braso ni Luna at pumunta siya kay Nigel. “Sa tingin ko po ay si Granny Lynch ang dapat respetuhin kumpara sa lahat, kaya’t siya po dapat ang may inumin na may pinakamahabang pangalan!”Pagkatapos, ngumuso si Nellie at tumingala siya para tumingin kay Granny Lynch. “Lola, hindi
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya