Sa likod ni Nellie ay Nigel, na papalapit sa kanila.Sa likod nila ay si Granny Lynch at si Fiona, na kinamuhian ang isa’t isa. Kinarga ni Luna si Nellie habang inabot niya ang maliit na bag kay Nigel.“Nigel, dinala ko ito lahat para sa inyong lahat. Ibigay mo sa kanila lahat. Ang peach juice ay para kay Nellie, para sayo ang orange juice. Ang herbal tea ay para kay Granny Lynch, at ang lemon iced tea ay para kay Aunty Fiona.”Tumango si Nigel. Dala niya ang maliit na bag at lumapit siya kela Granny Lynch at Fiona.Tinikom ni Nellie ang mga labi niya habang karga siya ni Luna. “Bakit po dalawang salita lang ang pangalan ng inumin namin, pero tatlo kay Aunty Fiona? Hindi po patas!”Bumaba si Nellie mula sa braso ni Luna at pumunta siya kay Nigel. “Sa tingin ko po ay si Granny Lynch ang dapat respetuhin kumpara sa lahat, kaya’t siya po dapat ang may inumin na may pinakamahabang pangalan!”Pagkatapos, ngumuso si Nellie at tumingala siya para tumingin kay Granny Lynch. “Lola, hindi
Lumingon si Luna kay Fiona, tapos ngumiti siya ng matikas. "Mabuti na ang mga bata ay may sariling opinyon. Tutol man sa akin ang anak ko o hindi, hindi mo kailangang mag-alala, Ms. Blake." Sabi ni Luna habang sinusukat si Fiona, “Kung may oras ka para guluhin ako, dapat mong gamitin ito para pangalagaan ang sarili mong kalusugan. Nabalitaan ko na mayroon kang nakamamatay na sakit at wala pang isang taon upang mabuhay?" Kinaway-kaway ni Luna ang kanyang mga daliri, kunwari ay taimtim. “Sayang naman. Kung hindi kayo magmamadali ni Joshua, baka hindi na kayo magkaanak bago ka mamatay." Agad na namutla ang mukha ni Fiona. Pinikit niya ang kanyang mga mata at malamig na tumingin kay Luna. May iba pa siyang gustong sabihin nang tumigil si Granny Lynch sa di kalayuan at sinalubong ng malamig na tingin si Fiona.“Diba sabi mo gusto mong ipakita sa amin ang galing mo sa pagluluto? Huli na. Hindi ba dapat simulan mo na?" Napaawang ang labi ni Fiona. Napilitan siyang lunukin ang mga sal
“Hindi ko sinusubukang tingnan ka ng mababa. Sa tingin ko lang, kahit ang isang taong may magandang memorya ay hindi maalala ang lahat ng mahahalagang punto nang sabay-sabay. Isa pa, hindi ako papayag na turuan ka sa pangalawang pagkakataon, Ms. Blake. Inilagay ko ang telepono dito para i-record ang proseso para mag-refer ka dito sa hinaharap." Natigilan si Fiona. Hindi matatawaran ang dahilan ni Luna sa sandaling iyon. Kinagat niya ang labi, medyo pangit ang ekspresyon niya. “T-tama ka. Dapat nating i-record ito." Pagkatapos, tumalikod siya at nagsimulang maghugas ng mga gulay. Sa isang anggulo kung saan hindi siya nakikita ni Luna, naging may sama ng loob ang mga mata ni Fiona. Si Luna, ang bruhang ito! Paano niya nalaman na dapat maglagay ng camera sa kusina! Ang gustong gawin ni Fiona noong gabing iyon ay i-droga si Granny Lynch at isisi ang lahat kay Luna! Gayunpaman, sa pagkuha ng video doon ng telepono, hindi na niya ito magagawa! Sa isiping iyon, palihim na napasulya
Matapos makabili ng mga prutas, hindi na nag-alala si Luna na bumalik. Tahimik siyang naglakad sa kalsada dala ang mga gamit niya. Sinamantala pa niya ang pagkakataong tawagan si Samson, na nagbigay sa kanya ng ilang patnubay. Sa huli, nakatanggap siya ng balita mula kay Nigel, tinitiyak na nagawa ni Fiona ang gusto niyang gawin sa kusina, pagkatapos ay dahan-dahan lang siyang bumalik. "Luna, ang tagal mong wala." Sa sandaling bumalik si Luna sa Orchard Manor, lumabas si Fiona mula sa kusina na may hawak na apron. Ngumiti siya ng husto. “Muntik ko nang palabasin si Joshua para hanapin ka. Akala ko nawala ka!" Napangiti ng mahina si Luna. "May tawag ako sa telepono sa daan pabalik, kaya mas mabagal ang lakad ko." Tinanggap ni Luna ang apron mula kay Fiona. Isinuot niya ito habang papasok sa kusina. Naiwan ang kusina sa parehong estado nang umalis si Luna. Maging ang camera na ginamit sa pagre-record ay tahimik pa ring nakalagay doon. Sinulyapan ni Luna ang Grilled Cajun Shrimp
“Hindi ganoon kagaling ang memorya ko. At saka, matagal ko nang hindi nakikita si Granny Lynch." Pagkatapos, napabuntong-hininga si Luna. Ipinagpalit niya ang Grilled Cajun Shrimp sa ulam sa harap ni Fiona. “Granny, eto, subukan mo na lang. Masarap din ito. Ginawa ko sila lalo na para sa iyo." Medyo lumuwag ang mga ekspresyon ni Granny Lynch. "Kain na , kain na tayo. Nagugutom na ako!" Nang makitang nakatitig pa rin si Joshua kay Luna na may madilim na ekspresyon, agad na ngumiti si Nellie at naglagay ng pagkain sa ulam ni Joshua. “Daddy, subukan mo ang Skinny Orange Chicken na ginawa ni Mommy. Ito ay talagang matamis at masarap!" Kumunot ang noo ni Joshua at tumawa ng bahagya. “Oo naman.” Si Fiona naman sa gilid ay napatingin sa eksenang nasa harapan niya. Lalong nanlamig ang mga mata niya. Tinawag ni Nellie si Joshua na Daddy at si Luna na Mommy. Idiniin pa niya ang mga salitang iyon. Malinaw niyang sinusubukang igiit ang pangingibabaw ni Luna! Parehong si Joshua at
"Mr. Lynch, pagkatapos ng paunang pagsusuri, nagpapakita sila ng mga palatandaan ng pagkalason." Nang dumating ang doktor ng pamilya, chineck up niya si Granny Lynch at inobserbahan ang dalawang bata. Ang kanyang konklusyon ay, “Kahit hindi sila nalason, tiyak na nakakain sila ng pagkain na gumagawa ng mga lason. Ang kanilang mga sintomas ay isang reaksyon sa pagkalason sa pagkain. Napakunot ng noo si Joshua. nalason? Pagkain na nakakagawa ng mga lason? Paano ito nangyari?Sina Fiona at Luna ay sabay na naghanda ng pagkain. Hindi man magaling magluto si Fiona, propesyunal si Luna. Paano nangyari ang ganoong bagay? "Ito ay ayon sa aking diagnosis. Tumawag na ako ng ambulansya, ngunit ito ay ang labas ng bayan, kaya kailanganin nating maghintay ng ilang sandali." Pagkatapos, tiningnan ng doktor ang handa sa hapag kainan. "Naghahapunan ba kayo ngayon?" Tumango si Joshua. "Oo." "Kung gayon, hayaan mo akong gumamit ng oras upang tingnan ang pagkain sa mesa." Bumuntong-hinin
“Pero salahat ng ito, sinasabi sa akin ni Granny na isa kang mabuting tao. Sabi niya, marunong kang mag-alaga ng mabuti ng iba! Paano mo…nagawang lasunin si Granny Lynch!” Napakunot ng noo si Joshua sa sinabi ni Fiona. Tinapunan niya ng malamig na tingin si Luna. "Ikaw ang gumawa ng ulam na ito, tama ba?" Umismid si Luna, “Ako nga.” Pumikit si Joshua. Lihim niyang naikuyom ang kamao. "Tama si Fiona. Bagama't dati ay hindi ka gusto ni Granny, sa buong panahon na ito, palagi niyang iniisip ang kabutihang ginagawa mo! Paano mo nagawa ito…" Bago pa matapos ni Joshua ang kanyang sinasabi, dumating na ang ambulansya. Sina Granny Lynch, Nigel, at Nellie ay inilagay sa ambulansya. Nag-alala si Joshua kaya binalak niyang sundan sila sa ospital. "Sasama ako." Nag-aalalang napakagat labi si Fiona. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha. “Matanda na si Granny Lynch. Tiyak na hindi siya komportable." Tapos, hindi niya maiwasang mapatingin kay Luna. "Paanong naging malupit ka?" Bagama'
“Oo.” Pagharap sa natigilan na mga ekspresyon ni Joshua, ang doktor ay tumikhim. "Dinala si Granny Lynch sa banyo sa tulong ng mga nars. Bagama't ito ay pampadumi, siya ay na-constipated kamakailan. Blessing in disguise yata. “Si Nigel at Nellie naman, hindi sila nakainom ng kahit anong pampadumi. Marahil ay kumain sila ng malamig na bagay noong hapon na naging sanhi ng pananakit ng kanilang tiyan. Niresetahan ko na sila ng gamot." Bumuntong-hininga ang doktor, "Ngunit, Mr. Lynch, bagaman ito ay isang panakot lamang, ang pagkain sa bahay ay tunay na may lason. Kailangan mong maingat na imbestigahan ang bagay na ito. "Gayundin, hindi dapat makainom si Granny Lynch ng masyadong maraming gamot tulad ng mga laxative." Pagkatapos, isinara ng doktor ang kanyang file, tumalikod, at umalis. Kumunot ang noo ni Joshua habang nakatingin sa doktor na papaalis. Maya-maya, lumingon siya. Sa likod niya, nakaupo sa bench si Fiona habang lumuluha ang mga mata. Umiiyak siya habang pinupunasa
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya